CHAPTER 22
Chapter 22
Colt Pov
Nakakrus ang braso ko sa harap ng dibdib ko at walang kurap kong tinititigan si Ysay at ang anak niya. Oo. Kasama niya ang anak niya. Magkaharap kami ngayon at pansin ko ang pagkabalisa niya. Her son was obediently sitting beside her and bowing his head down.
Hindi na ako nag-abala pang magbihis ng kung ano. Kung ano ang suot ko kanina. 'Yon pa rin ang suot ko hanggang ngayon. Wala akong paki kung nakita nila ang mga pulang marka na iniwan sa akin ng taong nasa tabi ko ngayon. Ang nag-iisang gago at bobo sa buhay ko pero mahal na mahal ko. Ito lang ang gago at bobong lalaki na papasukin ko sa buhay ko.
Johannes was trying to touch my arms but I shrug them off. Nawala ako sa mood bigla! 'Di pa rin kasi talaga mawala sa isip ko ang ginawa ni Ysay. Pasalamat siya nung huli naming pagkikita na abala ako sa taong katabi ko dahil kung hindi sinupalpal ko na rin siya. Tapos ngayon di ko naman iyon magagawa kasi kasama niya ang anak niya. Ayokong maging bayolente sa harap ng anak niya.
"Beibu," Johannes whispered on my right ear kaya naman nanlilisik ang mata kong binalingan ito.
I saw him gulped and put a towel on my exposed lap.
"Takot kang makita niya ang ginawa mo sa akin, gago ka?" pagalit kong bulong dito.
Mabilis itong umiling sa akin at huhulihin na sana ang kamay ko kaso winaksi ko ito. The flickers of pain appeared on his eyes. Tangina!
"It's not like that, beibu. I just hate it when someone look at what's mine."
Umigting ang panga ko sa sinabi niya upang pigilan ang pagngisi ko.
Inayos ko ang towel sa hita ko. "Shut up!"
He shut his mouth and faced the visitors, who were sitting in silence.
"So what really are you doing here, Ysay?" Finally, Johannes spoke to them. Hindi ko kasi kayang makipag-usap pa dito matapos niya akong di sagutin kanina.
Johannes let them in even if it's against my will.
I studied the woman in front of me. The woman who can make my blood boil by just showing her face in front of me Ysay uncomfortably fumbled on the fabric of her skirt and brushed his palm on it. She kept biting her lips, and her eyes couldn't reach mine. She's so fucking nervous.
"N-nandidito... kami p-para."
"Stop stuttering! We can't fucking understand you!" My irritation got to me, and it burst right out of my mouth.
Johannes found my hand and squeezed it. I stared at Johannes' hand on the back of my palm. I closed my eyes and tried to relax myself.
"Patawad," Nabuka ko ang mata ko matapos kong marinig ang sinabi ni Ysay. Pinanliitan ko ito sa mata ko.
Kinagat niya ang ibabang labi niya at biglang lumuhod. Aaminin kong nagulat ako doon pero di iyon pinahalata. I looked at her son and he just bow his head.
"H-hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung saan ako unang humingi ng tawad. Labis... labis akong humihingi ng tawad sayo, Sim—Johannes." Tumingin ito kay Johannes. Tiningnan ko rin si Johannes at nanatiling nakatutok lang siya kay Ysay na walang pinapakitang ni-isang emosyon. "Alam kong hindi mo siguro ako mapapatawad sa mga kasinungalingan ko sayo, Johannes. Pero gusto ko pa rin humingi ng tawad sayo—sa inyo ni Colt." Ako na naman ang binalingan nito.
"Aaminin kong naging makasarili ako. Aaminin kong mali ang ginagawa ko. Aaminin kong labis ko kayong nasaktan. Aaminin kong nagkamali ako sa lahat ng aking nagawa kay Johannes... naisip ko lang kasi na bigyan ng isang pamilya ang... a-anak ko. Bilang isang ina gusto kong bigyan ng isang kompletong pamilya ang anak ko. Ayaw ko kasi siyang lumaki na kagaya ko. Na... nawatak-watak ang pamilya. Ayaw ko siyang lumaki na kagaya ko. At nung nakita ko si Johannes... a-akala ko matutupad ko na ang pangarap kong iyon. Kaso... dahil pala doon ay may tao akong nasasaktan. May tao akong nasagasaan dahil sa pagiging makasarili ko. Labis... labis-labis ang pasasalamat ko sa anak ko. Nagpapasalamat ako sa kanya na ginising niya ako sa katotohanan. Nagpapasalamat ako na kahit bata siya... naiintindihan na niya ang mundong kinalakihan niya."
Ngumiti siya at pinusan ang luhang lumandas ang pisngi niya.
Nakuyom ko ang kamay ko na nasa hita ko. My heartache upon hearing what Ysay said.
"Hindi naman porket pinagpalit ako ng asawa ko sa iba... ay mang-aagaw na ako. Alam ko ang pakiramdam ng inagawan. Alam ko ang pakiramdam na maiwan. At maniwala man kayo o hindi nagsisi ako... sobra-sobra akong nagsisi sa ginawa ko sayo Johannes—sa inyo ni Colt. Labis akong nagsisi na muntik ko na kayong masira sa katangahan ko. Patawad. Patawad."
Si Ysay gustong bigyan ng kompletong pamilya ang anak niya kahit na ibang tao na ang ituring na ama ng anak niya. May kompleto lang itong pamilya. Kaya niyang gumawa ng mga katangahan na sinabi niya para lang bigyan ng kompletong pamilya ang anak niya. Whereas my parents turned their backs on me and found their own family, they turned their backs on their one and only son and looked for others. I understand that their love may change—their feelings. Pero bakit kailangan pang iwan ako? Napariwara ako e.
My break upon realizing what kind of parents I have.
How can a parent forget their son? How can a parent live knowing their son was away and alone in the cold night and hot summer day?
Siguro nga... sa kaso ng mga magulang ko. Di sapat ang anak para magsama sila. Di sapat ang anak nila para manatili sila at makuntento.
"Ysay, I'm happy that you finally realized things. Nagalit ako sayo for keeping me hidden and lying to me. But I'm still thankful for giving me home to stay with when I was alone. At naniniwala ako sayo. And I forgive you." wika ni Johannes dito.
Di man siya makatingin sa akin ng diretso ay sinalubong niya pa rin ang mga titig ko.
"Stand up." ani ko dito. Naguguluhan pa ito kaya inulit ko. "Stand up."
Inalalayan ito ng anak niya.
"S-salama--"
"Di ko makakalimutan ang ginawa mo. Mabait ka. Mabuti kang ina sa a-anak mo. Pero wag na wag mo ng gagawin ang ginawa mo kay Johannes. A... a-alam kong gusto mong bigyan ng kompletong... p-pamilya ang anak mo pero sa pagmamahal mo lang sa kanya." Ngumiti ako. Naiinggit ako. "Alam kong sapat ka na sa anak mo."
Tiningnan nito ang anak niya at ginulo ang buhok. Yumakap naman dito ang anak niya.
"Salamat sa pagpapatuloy sa amin." ani Ysay at tumayo ito kasabay ng anak. "Aalis na kami."
"No," agap ko dito. "K-kumain muna kayo..." tumingin ako kay Johannes. "Magluluto si Johannes, mag-agahan muna kayo bago umuwi."
Habang sina Ysay at Junie ay namamasyal sa labas ay sinamahan ko si Johannes sa kusina. Ginugulo ko siya sa kanyang pagluluto.
Nakasimangot akong naghihiwa ng sibuyas. Lintik na sahog ito.
Suminghot ako dahil naiiyak na ako.
"You should wash the onions first para hindi ka ngayon umiiyak."
Naitungkod ko ang kutsilyo sa wooden chopping board.
"Thank you?" sarkastiko kong ani dito. Ngayon na malapit na akong matapos dito ay saka niya pa iyon sasabihin sa akin? Tsk! Gago talaga!
Lumapit siya sa akin at kinuha ang kutsilyo saka iyon tinabi kasama ang tinadtad kong sibuyas. Pinatayo ako nito mula sa aking pagkakaupo dito sa isang silya na nasa harap ng mesa.
Tamad akong humarap dito at inirapan siya.
Bigla akong nitong niyakap at tinago ang mukha niya sa nuknok ng leeg ko.
"Anong kaartehan ito?" tanong ko dito pero niyakap ko pa rin ang kamay ko sa kanya.
"I love you, beibu. I will not leave you like what your... parents did to you. I promise..." bulong nito sa akin.
Saglit akong natigilan at naestatwa sa aking kinatatayuan. Nakuyom ko ang kamao ko at humigpit ang pagkakakuyom sa tela ng damit niya.
"D-don't make promises."
"I just want to give you the assurance--"
Marahan ko siyang tinulak.
"My parents once promised not to leave me. They once promised their love to one another, but look at what happened to them—to our family? Promises are only made to break them afterwards." sabi ko sa kanya.
Matigas itong umiling sa akin at niyakap ang braso sa baywang ko.
"Beibu, hindi ako ang parents mo. Magkaiba kami. Hindi sila ako at hindi ako sila. I will make you believe that promises do still exist and are true."
Nagkatitigan kaming dalawa na parang walang balak na kumurap sa isa't isa. Hanggang sa ako na ang unang bumigay at yumakap sa kanya. Natatakot ako sa pangako niya.
"I love you, beibu."
"A-aishiteru."
Ngayon ay ito na naman ang tumulak sa akin, hindi nito binitawan ang balikat kong hawak-hawak niya.
"Alam mo... ang ibig sabihin n'yan?" May pananantyang tanong nito sa akin.
Sinimangutan ko ito.
"Oo! Sinabi sa akin ni Mirna na ang ibig sabi--"
"WHAT? She said Aishiter--"
Halos masuntok ko ang gagong ito. Mabuti nga at hanggang sa pagtakip lang ng bibig niya ang nagawa ko.
"Ssh," pigil ko dito. "Nagpaturo lang ako. I-iyan lang din naman ang gusto kong matutunan sa lengguwahe n-ninyo."
Niyakap lang ako nito at saka niya pinagpatuloy ang pagluluto. At nang matapos siyang magluto, ako na ang nagboluntaryong mag-ayos sa mesa at siya naman ay tiningnan sina Ysay at Junie sa labas.
Sa kabila naman ng di magandang unang impresyon namin ni Ysay ay naitawid naman namin ang aming agahan ng walang sumbatan at kalmutan na nangyari. Iniisip ko rin na may pinagdadaanan din siya.
Nang umalis sina Ysay at Junie, ako na ang naghugas ng pinagkainan namin at si Johannes naman ay inaayos ang higaan naming nasira. Susubukan niya iyong ayusin kung kaya pa ba.
"Mga anak!"
Ako na naghuhugas dito sa kusina ay biglang kinabahan nang marinig ko ang boses ni Manang Saring sa labas.
Dali-dali kong pinunasan ang kamay kong basa at tumungo sa labas. Una kong tinungo ang kwarto kung saan nagkukumpuni si Johannes sa kawawang kama namin.
"Itigil mo 'yan gago ka. Nandyan na sila Manang."
Tumaas lang ang kilay nito sa akin. "Huh?"
Napairap ako. "Basta! Itigil mo na iyan."
Wala sa sarili itong tumigil at sinundan ako palabas. Malaking ngiti ang sinalubong ko kina Mang Hermes at Manang Saring.
"Kumusta Johan, Colt? Ayos lang ba kayo dito habang nasa malayo kami ng misis ko?" si Mang Hermes.
"Mang Hermes kas--"
"Oo naman po. We're very fine po." Puyol ni Johannes sa akin.
Napatango naman si Mang Hermes at naupo sa sofa at pati na rin si Manang Saring.
"Ikaw Colt mukhang di yata maganda ang pakiramdam mo?"
Napatigil ako.
"P-po?"
Ngumisi si Mang Hermes. "Nag-away ba kayo nitong si Johan?"
Talagang nagtagpo na ang kilay ko dahil sa sinabi ni Mang Hermes.
Matunog na itong tumawa ngayon at tinuro ako. "'Yang leeg mo kasi Colt, hijo at iyang labi mo ay may sugat."
Kahit na di ako inuubo ay naubo ako ng wala sa oras dahil sa pagkasamid ko sa sariling laway.
"Nagkakasakitan ba kayo dito, hijo habang wala kami ni Hermes?" Nag-aalalang tanong ni Manang Saring.
"Manang Saring--"
"Konting sakitan lang po, Manang. Konti lang po."
My whole body shifted towards Johannes and i glared at him. And this damn American-Japanese just grinned at me.
"Jusko!" Napahawak pa si Manang Saring sa dibdib niya.
"M-manang, h'wag niyo pong paniwalaan 'yan."
"Bakit mas malala ba ang sakitan na nangyari sa inyo?"
Napa-akbay si Mang Hermes sa asawa nito. "Saring, wag na nating usisahin pa sila. Matanda na naman sila at alam na nila ang ginagawa. Kung ano man ang away nila ay batid kong gusto rin naman nila iyon este batid kong nagkaayos na naman sila, diba mga hijo?" si Mang Hermes.
Nahasa ko ang ngipin ko. Siniko ko nalang si Johannes at sinakyan nalang ang sinabi ni Mang Hermes.
Kinagabihan ay napagdesisyonan namin ni Johannes na kausapin ang mag-asawa na kumukop sa amin at tinuring kaming anak—pamilya.
Makaharap ulit kaming apat dito sa kanilang sala at wala paman kaming sinasabi ni Johannes sa kanila ay naiiyak na si Manang Saring. I think she already figured out what we're going to tell them.
"Manang Saring, Mang Hermes, I truly and deeply thankful for welcoming me—us in your home. Maraming salamat po sa pagpapatira ninyo sa amin dito sa bahay ninyo. Maraming salamat po sa pagtanggap at sa pagmamahal ninyo sa amin kahit na di n'yo po kami kaano-ano. Maraming salamat po sa walang pagdadalawang isip na pagkupkop ninyo sa akin dito sa bahay ninyo..."
"Colt," umiiyak na usal ni Manang.
Ngumiti ako at naluha rin. "Salamat po at pinaranas ninyo sa akin ang magkaroon ng magulang. Maraming salamat po sa pagturing ninyo sa akin bilang anak ninyo. Maraming salamat po na pinaramdam ninyo sa akin ang isang buong pamilya na di ko kailanman mararanasan muli sa buhay ko. Hindi ko po alam kung papaano ko po kayo napapasalamatan pero pangako po babalik ako dito at kung anumang tulong ang hihingin ninyo sa akin ay gagawin ko." Tiningnan ko ang mag-asawa. "Mang Hermes , Manang Saring, sa makalawa po ay uuwi na kami ni Johannes."
Humagulhol si Manang Saring kaya nilapitan ko ito at nag-squat sa harapan niya.
"Manang bibisita po ako dito."
"A-alam ko naman Colt na darating ang araw na ito. Alam ko naman na di talaga kayo taga rito sa isla. Alam kong darating din ang araw na mamamaalam kayo pero nalulungkot pa rin ako. Wala na kasing mag-iingay sa bahay. Pero mag-iingat kayong dalawa," sinilip nito si Johannes sa likod ko. "Nuway patnubayan kayo ng Diyos sa pag-uwi ninyo, anak, Colt."
"At ikaw Johannes. H'wag na h'wag mong palilipasan ng gutom ang batang ito. Mag-asawa kayo kaya bawasan ninyo ang away ninyo."
"Hindi nga po kami mag-asawa, Manang." Pagtatama ko dito.
"Dun palang po kami papunta Manang." Singit naman ni Johannes. Tsk! Umeksina pa talaga.
***
Thank you for reading, Engels!😍❤️
꧁A | E꧂
Let's be mutuals!
2nd Wattpad account: showerofserotonin
Facebook: Amorevolous Encres
Tiktok: amorevolousencres
IG: amorevolous.encres
Twitter: AEncres
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top