CHAPTER 19
Chapter 19
Johannes Pov
I don't understand why I feel like I don't belong in this place? Hindi naman sa nagrereklamo ako ngayon sa bahay na kinatitirhan ko pero iyong pakiramdam na may kasama ka sa bahay na pamilya mo pero wala ka namang maramdaman na koneksyon sa kanila.
My wife, Ysay, is very attentive to me, yet I don't feel the attraction. I don't feel like I'm in love with her. I don't even like her touching me. I forced myself into it because that is what she told me, but I cannot bring myself to do it. Like she told me, I'm her husband and I have a temporary amnesia because I got into an accident at work.
May anak din raw kami pero tulad ng nararamdaman ko kay Ysay. Wala akong naramdaman na kahit ano dito. At sa mga panahong iyon iniisip ko nalang na baka dahil sa amnesia ko kaya wala akong nararamdaman sa kanila.
Tinanong ko si Ysay kung ano ba ang ginagawa ko noong di pa ako nagka-amnesia at ang lagi lang niyang sinasagot sa akin ay wala na raw akong pamilya at sila nalang ang meron ako. Tinanong ko siya kung sino ang mga magulang ko pero wala naman siyang maisagot sa akin dahil di ko naman daw ito nabanggit sa kanya.
It sounds so impossible. I cannot believe it, but I cannot do anything about it. Dahil kahit na ako sa sarili ko ay wala akong maalala. Ultimo pangalan ko ay di alam nang magising ako. At sinabi lang ni Ysay na Simone ang pangalan ko.
Kahit na ganoon at marami akong naging tanong sa sarili ko na di masagot ni Ysay. Namuhay ako na kasama sila, Ysay and Junie became my family.
Pero kahit na ganun ay di ako tumatabi kay Ysay na matulog. I chose to sleep beside Junie, and I think Ysay was okay with it since she knows that I'm still not okay. I mean, my memory was not yet intact.
Unti-unti ko na sanang natatanggap na baka ito talaga ang buhay ko. Na dito talaga ang buhay ko at may pamilya ako, nang may lalaking biglang sumulpot isang araw sa harapan ko.
He called me Johannes. And for some odd reason, my world literally stopped spinning upon seeing him. I was stunned. He looked at me like he owned me or knew me from the way he spoke. The way he spilled his words in front of me always left me astounded. He was so freaking sure of his split.
Dahil sa pangyayaring iyon bumagabag na naman sa akin ang totoong pagkatao ko. Para na akong nababaliw kakaisip kong sino iyong lalaki na tinawag akong Johannes. Hindi ako pinapatahimik ng mukha niya.
Kinumpronta ko doon si Ysay pero hindi niya ako mabigyan ng kongtretong sagot. Palaging palihis ang sagot at di niya ako magbigyan ng sagot na gusto ko.
Until his son admitted everything to me, Junie was a seven-year-old boy, and for his age, I can say that he was already mature. Si Junie ang nagsabi sa akin ng lahat ng kasinungalingan ng ina niya sa akin.
Ang sabi ni Junie sa akin, siya raw talaga ang nakakita sa akin sa dalampasigan sa isla Mabini. Sinabi niya ito sa nanay niya na si Ysay at si Ysay na ang nagpa-ospital sa akin at tumulong. Junie told me that she was pushed by his mother na magsinungaling sa akin nang malaman nito na may amnesia ako.
"Bakit hindi ka na umuwi ng Mabini, Simone?"
Binitawan ko ang palapulsuhan ni Ysay at nagpipigil akong huwag siyang sigawan sa harap ko ngayon.
Nilagay ko sa baywang ko ang kamay ko.
"At bakit ako babalik doon?"
Humalakhak ito.
"Kami ni Juni--"
"Stop! Stop your fùcking lies, Ysay."
"Simone--"
She tried to argue with me, but I was fast enough to cut her off too.
"I already knew your little scheme, Ysay. Sinabi na sa akin ni Junie ang lahat, that you're not my wife, Junie is not our son, and we're not family. At di pa nga natin kilala ang isa't isa, right?"
Mabilis naman siyang umiling sa akin at sinubukang hulihin ang kamay ko kaso di ko siya hinayaang hawakan ako.
Iniisip ko kanina si Colt na iniwan—nilampasan ko sa dalampasigan. Nang makita ko kasi si Ysay kanina ay gusto ko na siyang kausapin para itigil na niya itong kabaliwan niya sa akin. My memory may not have come back yet, but I am certain of my decision. I chose to live here on Isla Maligaya. I choose to stay here because this is where Colt is, so I choose to be here.
"Hindi totoo 'yan!" She shouted.
"Ysay! You're good to me, and I thanked you for that. I'm grateful that you helped me, but please don't fool me anymore, Ysay. I already kno--"
"Binilog ka ng lalaking pinunta mo dito! Siya ang niloloko ka, Simon--"
Kinuyom ko ang kamay ko nang iangat ko na sana iyon upang sampalin siya.
I clenched my jaw. "Shut the fuck up!"
"Tingnan mo na. Tingnan mo na ang ginagawa ng lalaking iyon sayo Simone? Anong sinabi niyang masama tungkol sa akin? Sinasabi ko sayo Simone, umuwi ka na sa atin!"
My mind went black, and I heard something ring in my ears before taking a big step forward toward Ysay. I grabbed her shoulders, my hands tightening on her shoulders. I heard her grimace in pain.
"I. said. shout. the. fuck. up!!" My eyes went bloodshot. "Walang sinabi sa akin si Colt. He never tainted your image in my mind even once, because in the first place, your image had already been tainted in my mind. Your intention toward me was never clear, Ysay. You fooled me! Simantala mo na wala akong maaalala sa nakaraan ko Ysay. I can see that you are kind, Ysay. I can see that you're trying to build a family for Junie, but not like this, not me, and not even anyone! Huwag kang mangloko ng tao, Ysay."
Huminga ako ng malalim at magsasalita pa sana ako nang parang may bumato sa ulo ko at napahawak nalang ako dito dahil sa sakit ng ulo ko.
Lumuwag ang paghahawak ko sa balikat ni Ysay at kusang napaatras ang paa ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil tumudo pa ang pagsakit noon. Parang dinigdik ang ulo ko. Napapasigaw ako sa sakit noon at naririnig ko rin si Ysay na humihingi ng saklolo.
Images of my past flash in my mind as my head aches in such pain.
Bumigay ang tuhod ko at napaluhod ako sa buhangin habang sapo-sapo pa rin ang ulo ko. Ramdam ko ang pagdating ng ibang presensya ng mga tao pero di ko magawang ibukas ang mata ko sa sobrang sakit ng ulo ko.
Fùck!
A familiar hand hold my arms.
"Johannes?"
Colt.
"A-aijin."
Napaungol ako sa sakit at unti-unti akong nawalan ng kamalayan sa paligid ko. I feel like my whole being has turned numb.
For a few seconds, I opened my eyes and saw Colt's worried eyes.
My beibu.
"B-b-beibu."
---
Pagmulat ko napansin kong nasa kwarto na ako namin ni Colt dito sa bahay nina Mang Hermes. I tried to get up, but my hands flew over my head, and I felt a slight pain there.
Nilibot ko sa buong kwarto ang paningin ko, umaasa na makikita ko ang hinahanap ko, si Colt. Kaso wala siya.
Nang muli akong sumubok na bumangon ay nagtagumpay naman ako at lumabas sa silid kahit na may konting sakit pa sa ulo.
I want to see, Colton. I want to hug him, and I want to apologize. I feel like apologizing after forgetting him. It must have been so hard for him. Beibu.
Hindi ko naman mahirap nahanap si Colt dahil maliit lang ang bahay nila Mang Hermes. Nakita ko si Colt sa kitchen ng bahay na nagluluto. Nakatalikod siya sa akin kaya naman lumapit agad ako dito ay niyakap siya mula sa likuran.
He jumped on my back hug.
"Fuck!" He softly cussed.
Napangiti ako doon.
Hinayaan ko si Colt na umikot sa gitna ng yakap ko sa kanya.
Nawala ang ngiti ko nang makita ko ang mukha niya. My heart ached when I saw his eyes moisten with tears. The tears that hang over his eyes trickled down his cheeks. I kissed his tears and hugged him. He hugged me back.
"Tangina mong gago ka! I was about to moved on, handa na kitang kalimutan. Pero ikaw'ng bobo ka," mahina niyang sinuntok ang likod ko at hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.
"I missed you. I miss you, beibu."
"Dun ka na sa Ysay m-mo!"
Doon ko siya naitulak. Hindi naman ako nahirapang tingnan siya sa kanyang mata dahil halos magkasingtangkad lang kami. Mga ilang inches lang siguro ang tangkad ko dito.
"Why would I go to Ysay when you're here? I'm your aijin, right?"
Pinanlakihan niya ako sa mata niya.
"S-sinong nagsabi n'yan?"
I smiled. "I heard you earlier, you called me aijin, beibu."
"Tsk!" Kahit na asik ang natanggap ko sa kanya ay ngumiti pa rin ako nang makita ko ang munting ngiti sa labi niya.
Pabiro ko siyang hinalikan sa gilid ng labi niya at hindi ko inaasahang hahawakan niya ang panga ko at siya na mismo ang sumiil ng halik sa labi ko. At sino ba naman ako para di tugunin ang halik niya?
Naghahalikan kami dito sa kusina at kung hindi pa nangamoy ang niluluto niya at ay di pa yata kami matatapos sa aming halikan. We missed each other and through our kiss pinaramdam namin sa isa't isa ang pangungulila namin. We kissed last night pero iba pa rin ang halik na naalala ko na siya.
"Gago ka kasi tingnan mo na. Nasunog na ang niluluto ko!" galit nitong wika sa akin.
"Ako na ang magluluto, beibu." I volunteered.
"Tsk! Magpahinga ka muna. Magtiis ka sa di masarap na luto ko." inisi niyang turan sa akin habang nillilinis ang pan kung saan nasunog ang niluluto.
I leaned on his ear and whispered, "I can eat you raw and fresh, beibu!" Then I licked the shell of his ear.
I heard him cough.
Colt Pov
Walang nagawa si Ysay nang dalhin ko si Johannes sa bahay nila Manang Saring. Di siya pumalag kasi wala rin naman siyang karapatan. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na ibuhos ang galit ko sa kanya sa pag-aalala ko kay Johannes pero si Mirna pinagsalitaan ito. Si Mirna kasi ang tipo ng kaibigan kung sino ang kagalit ng kaibigan niya galit din siya dito. Kung kinakailangan na makipag-away siya dito ay gagawin din niya para sa kaibigan niya. At nagpapasalamat ako na naging kaibigan ko itong babae na ito.
Sobrang saya nina Mang Hermes at Manang Saring para sa akin, sa amin ni Johannes. Masaya sila na naalala na ni Johannes ang nakaraan nito. Kaya naman nagkaroon kami ng konting salo-salo sa bahay at tinawag na rin ni Manang Saring si Mirna para sumalo sa amin.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang magcelebrate o maghanda nila Manang Saring. I don't see the significance of it, but I was so happy sa konting bagay na ginawa nila. Sa puso ko, napapatanong nalang ako kung ganito rin ba ang magulang ko if ever. Magiging ganito kaya sila sa akin? Magiging masaya kaya sila sa relasyon namin ni Johannes? Matatanggap ba ako?
I snicked. Wala na naman silang paki sa akin simula noon kaya, bakit kailangan ko pa ng validity nila? Why am I asking for their acceptance? Why am I asking myself for their satisfaction when I know in the first place they were not satisfied with having me?
It's funny how I feel belonged and loved in Manang Saring and Mang Hermes' presence. I feel their support. I feel their encouragement. I feel their happiness for me. I found the love and sense of belongingness that I've been looking for in my biological parents, Mang Hermes and Manang Saring. Kaya nga minsan napaisip ako kung wag nalang kaya akong umuwi sa Manila. Pero alam ko naman na may mga taong naghihintay pa sa akin, my friends, the first people who make me feel valued is still waiting for me.
Nang sumunod na araw ay lumuwas ng ibang isla sina Mang Hermes para bisitahin ang anak nila doon, iyong inampon nila. Binyag rin daw kasi ng anak nito kaya pupunta sila. Kaya naman naiwan kami ni Johannes sa bahay at si Mirna naman ay binibisita kami dito.
"Ehh!" Tili ni Mirna nang makasaksi na naman siya kung gaano kalandi si Johannes sa akin. Sa konting halik, tawag na beibu ni Johannes sa akin at yakap ni Johannes ay tumitili na itong si Mirna. I don't understand her.
"Tsk!"
Sinimangutan ako ni Mirna. "Hindi ka ba kinakilig sa mga ginagawa ni Johannes sa iyo, Colt?"
"Hindi." Labas sa ilong kong saad. Alam ko kasing nakikinig lang si Johannes sa amin ngayon na nasa salas. Lalaki ang ulo noon.
May dinala kasing cake si Mirna dahil may nagbigay daw sa kanya. Di niya naman sinabi kung sino ang nagbigay at di ko na rin siya inusisa pa doon. It's her right and I won't prey on her privacy.
"Kaya pala di ka talaga maka-move dyaan kasi ang sweet pala sayo at halatang mahal na mahal ka." anito habang hinahalo ang juice. Nginuso pa nito si Johannes sa salas.
"I love him, hindi madaling mawala iyon. Siya ang unang minahal ko ng ganito kaya sumugal na naman ako."
"Ganyan naman talaga ang buhay diba?"
I smiled and nodded.
"Uuwi na ba kayo sa Manila, Colt?"
Saglit akong napatigil sa pangs-slice ng cake doon sa tanong ni Mirna. Hindi naman sa ayaw kong umuwi ng Manila pero sa ngayon gusto ko pa rin kasi dito sa Isla Maligaya. Napamahal na ako sa lugar at sa mga tao dito. Nagugustuhan ko na dito. Kaso alam ko naman na may kailangan pa akong tapusin. May kailangan pa akong balikan. May mga kaibigan akong naiwan. May trabaho akong naiwan. May misyon pa ako kay Johannes, kailangan ko pang malaman kung sino ang gusto siyang patayin, kung sino ang nagtatangka sa buhay niya.
"Johannes and I will talk about that soon."
Nang-aasar itong ngumiti sa akin.
"Mag-asawang-asawa ang dating, ah."
***
Thank you for reading, Engels!😍❤️
꧁A | E꧂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top