CHAPTER 18

Chapter 18

Colt Pov

Nang marinig ko ang medyo matinis at maarte na boses ng babae na tumawag kay Johannes, parang tumaas ang dugo ko sa ulo at parang may kampanang tumunog sa tainga ko. My hands on my sides automatically balled into fists and shook on their own accord. 

Ang mga tili noong mga babae sa isang banda ay natigil din dahil doon sa boses nitong babaeng bagong dating, si Ysay.

What the fuck was this woman doing here? How could she come here after fooling and manipulating Johannes? How thick does her face is for showing up here today?

The irritation I'd felt for Johannes earlier was transilluminated with anger because of this woman. 

I turned around only to see Ysay meters away from me. She's wearing a white t-shirt, a long skirt that almost reaches the sands, and she also has a cape that falls on her shoulder. She was wearing a wide smile on her lips, and her eyes were filled with enthusiasm as her little orbs darted at Johannes. 

I could not blame Ysay for liking or maybe loving Johannes, but she could have told him the truth. Johannes is really a handsome man. She could have told him that she didn't know him in the first place. But her obsession with him or with her late husband pushed her to lie and manipulate Johannes in a way that the latter didn't deserve. 

I thanked her for saving, helping, and giving Johannes a house to stay in, but I hated her for toying with Johannes' feelings and making a fool of him. Bobo man at gago 'yang si Johannes ngunit di niya naman deserve ang utuin.


Muli akong napabaling kay Johannes na nanlaki ang mata habang nakatuon ang mata kay Ysay sa bandang likuran ko. Walang hirap siyang humakbang sa hanggang hita na tubig ng dagat. Habang naglalakad siya tungo sa dalampasigan kung saan ako—kami ng babaeng si Ysay ay sinuot niya ang kanyang t-shirt na luma na.

Humakbang ako para salubungin siya at tatawagin ko na naman sana siya nang lagpasan niya lang ako at dumiretso sa babae sa likuran ko.

Saglit akong natigilan at kusang tumigil ang paa ko na bumaon sa maputing buhangin.

Parang nagkamal-function ang katawan ko at di makagalaw. Parang hangin lang akong nilagpasan ni Johannes at dumiretso kay Ysay. Parang di niya ako nakita, ah.

Nabingi ako sa lakas ng kabog ng puso ko. Lumakas ang kabog n'on sa galit at selos na naramdaman ko. Parang tinapakan lang ako ni Johannes. Alam kong ang babaw lang nito para sa iba pero para sa akin ay ang laki na noon. I get used to be dumped like a trash. I got used to being dumped like trash. I got used to being treated like nothing, but no one has ever stamped me. No one had ever tramped on my ego until Johannes. 

My eyes blinked, and I could not even turn around to see what was happening. I was so stunned that all I could hear were the waves crashing against the shore and my throbbing wounded heart inside my chest. Dammit! 


Thank God I was able to hide my true feelings when Mang Hermes called out my name. It was like nothing was happening inside my chest. I went into the sea and helped Mang Hermes. 

Tahimik kong tinutulungan si Mang Hermes sa pagbubuhat noong banyera sa dalampasigan at nang muli kong lingunin ang kinaroroonan ni Ysay kanina ay wala na siya doon at pati na si Johannes.

Hindi na rin ako nag-abala pang hanapin kung nasaan sila at inabala ko nalang ang sarili ko sa pagbubuhat at sa pag-entertain noong kubrador. Magaling na naman akong magtago sa totoo kong nararamdaman. Di naman ito ang unang beses na nagpanggap ako na ayos lang, na ayos lang ako, na ayos lang ang lahat. This is so easy for me.

"Ilang kilo po ang kukunin ninyo?" tanong ko sa isang babae na hula ko'y kasing tanda na nila Mang Hermes na kubrador din ng isda dito.

"Papakyawin ko nalang lahat ng kuha ni Hermes. H'wag mo nang ipagbenta ang natira, hijo."

I gave her a polite smile. "Okay po. Salamat."

"Isasakay ba ang mga isda sa trak ni Joel?" tanong nito.

"If you have a truck naman po I can load the fish on your truck."

"Mabuti naman. Sige, andun naka-park ang trak ko sa kalsada."

Biglang dumating si Mang Hermes sa tabi ko at nilapag ang isang banyera ng isda. Nakita kong tumatalon pa ang ibang isda.

"Lolita, bibili ka?"

Tumango ang babaeng papakyaw ng isda na si Lolita. "Oo, Hermes papakyawin ko na ang kuha ninyo. Magaganda at malalaki, e."

Sumigla doon si Mang Hermes. "Salamat, Lolita."

"Walang anuman. Doon nalang tayo mag-usap sa babayaran ko doon sa may trak."

Nang umalis si Lolita ay natapik ni Mang Hermes ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Hulog ka talaga ng langit sa amin, Colt. Hahaha"

"Po?"

Tinanaw nito ang papalayong si Lolita. "Tingnan mo 'yon. Di iyon bumibili ng isda sa akin, e. Pero dahil yata sayo ay pinakyaw ang mga kuha namin ng asawa mong si Johan."

"Mang Hermes." May iritadong saad ko kay Mang Hermes.

"Biro lang hijo. Ang dilim kasi masyado ng mukha mo." Natatawa nitong turan.

Natigilan naman ako doon.

"May problema ba kayo ni Johannes, hijo?" Mayamaya ay tanong ni Mang Hermes sa akin.

"Wala naman po."

"E, iyong babaeng nilapitan niya kanina. Sino naman iyon?"

"'Yon po yata ang babaeng tumulong kay Johannes nang mapadpad ito sa isla Mabini."

"Mmm." Napatango-tango si Mang Hermes sa ulo niya at nakita kong ngumingisi ito. "Naka-iskor na pala sayo si Johan, hijo."

Saglit na dumaan sa mata ko ang gulat.

"P-po?" nauutal kong saad.

"Wala. Nagtataka lang ako kung ano ang nangyari d'yan sa leeg mo. Para kasing di ka nakapasa sa exam." anito na kinalito ko. "Ang dami kasing pulang marka."

Naubo ako doon. Fùck!

"D-dahil lang po ito sa lamok."

Muling tumingin sa gawi ko si Mang Hermes at ngumisi.

"Lamok?"

"Oo po. Dahil po ito sa lamok, sa bobo at gagong lamok."

Kahit na ayaw kong patulungin si Mang Hermes sa pagbubuhat ng mga isda ay nagpumilit naman siya. Kaya naman dalawang beses lang akong nagpabalik-balik doon sa dalampasigan.

Habang si Mang Hermes at iyong si Lolita ay nag-uusap, iniwan ko na sila para mauna ng umuwi nang makasabay ko si Mirna tungo sa bahay nina Manang Saring. Hindi niya ako napansin dahil medyo nauna siya ng konti sa akin at parang nagmamadali.

"Mirna!" Tawag ko dito at agad naman siyang napalingon sa akin.

Nagmamaai itong lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Colt," humahangos niyang wika.

"Hey, relax."

Napapikit siya at napahila sa kamay ko bago muling binuka ang mata. Ngayon ay bakas sa mukha niya ang inis at... galit?

"Wala ka bang klas--"

"Nabwesit ako, Colt."

"Why?"

Kumunot ang noo ko di lang dahil sa sinag ng araw kundi dahil na rin sa taka. Humampas ang hangin at nagulo ang buhok niyang nakalugay lang sa likod.

Unconsciously, I reached for the few loose strands of her hair and tucked them behind her ear. Her thick and black hair dances in the direction the wind blows.  

I hastily pulled my hands away from her when I saw her tanned face flushed. Kahit na ganoon ang kulay ni Mirna ay nahahalata ko pa rin talaga kapag namumula ang mukha niya.


Tinampal niya rin naman ang kamay ko papalayo sa kanya.

"Pa-fall ka talaga." Inis niyang turan at inayos ang buhok na tinatangay ng hangin.

"Mirna--"

She waved her hands, which made me shut my mouth and she shouted, "Teka!"

Tumaas ang kilay ko sa kanya.

"Hindi dapat ito ang pinag-uusapan natin, Colt."

Napatingin naman ako sa paligid namin na puro kulay luntian at puno ng niyog ang nakikita ko.

"Hmm,"

"Nakita mo ba ang kasamang babae ng boyfriend mo?"

Kahit na di iyon ilarawan ni Mirna ay alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Wala mang ginagawa si Ysay sa akin pero pinapakulo niya talaga ang dugo ko. Sa tuwing naiisip ko kasi ang mukha niya ay naaalala ko ang pagsisinungaling niya kay Johannes. Muntik na niyang mapa-ikot ang bobo sa kamay niya.

Di ako nagsalita kaya naman nagpatuloy si Mirna sa kakatalak. "Tsk! Mukhang di mo yata nakita. Colt, dapat binabakuran mo na si Johannes sa babaeng iyon. Pati ako ay naiinis doon. Narinig ko kasi silang dalawa na nagtatalo. Pinipilit ng babae si Johannes na umuwi sa kabilang isla, sa Mabini. Pero hanga naman ako kay Johannes kasi may paninindigan din. Ayaw siya nang ayaw doon sa babae kaso mukhang may saltik ang babae kasi nagpupumilit kahit na ayaw naman ni Johannes." Iritado niyang kwento.

Bumuntong hininga ako.

"Hayaan mo na iyon."

"H-huh?"

"Kako, hayaan mo na iyon."

Nagtagpo ang kilay niya. "Colt."

"It's fine. Johannes can handle himself. He can make decisions for himself. It's for him kung sasama siya kay Ysay o hindi. Nasa kanya na iyon kung mananatili siya dito sa Maligaya o hindi. Nasa kanya na iyon kung pipiliin niya si Ysay. Nasa kanya na iyon kung di niya ako p-piliin." Pahayag ko.

I was taken aback when Mirna's tears broke out.

"M-mirna." I stuttered.

"Bakit ka ganyan!?" She punched my chest and I let her. "Bakit di ka lumalaban, Colt? Akala ko ba matapang ka? Akala ko kaya mo? Akala ko ipaglalaban mo ang nararamdaman mo kay Johannes? Pinakawalan nga kita dahil d'yan sa nararamdaman mo." She said while crying.

I don't understand why is she crying.

"Mirna--"

"Lumaban ka naman para sa mahal mo, Colt."

"You don't get me here, Mirna."

"Hindi talaga dahil ang duwag mo pagdating kay Johannes."

I hold her hands.

"Pagod na ako Mirna."

Naawa siyang tumingala sa akin.

"Colt."

"Alam na ni Johannes. Alam na niya na magboyfriend kami. Sinabi ko na sa kanya ang lahat kagabi, Mirna. Kaya hinahayaan ko na siya sa kung anuman ang maging desisyon niya. Hindi niya pa rin naman ako naaalala. He said he'd try pero nang makita niya kanina si Ysay ay ito ang una niyang nilapitan. I understand that they need to talk and make things clear or whatever it is that they need to talk about. Pero nasasaktan na rin ako, Mirna. Alam mo ba ang pagod na paulit-ulit kang lumalaban pero di mo naman alam kung ipinaglalaban ka rin ba? Kaya hinahayaan ko na si Johannes."

Binawi niya ang kamay sa akin at nagpunas sa luha niya.

"Pero mahal mo siya."

"Oo, mahal ko siya. Mahal ko siya sa higit pa sa inaakala ko. Pero makaka-move on naman siguro ako nito, diba?"

"Baliw ka! Mahal mo kaya ipaglaban mo. Sumubok ka nga ulit. H'wag mong sukuan si Johannes. Maghintay ka naman kahit konti pa. Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo? Na nakakalimot ang utak, pero ang puso nakakakilala 'yan, nakakaalala 'yan." She pointed her heart. "Ang duwag-duwag mo naman."

Naalala ko ang sinabi ni Johannes na susubukan niya akong alalahanin. Nasusubukan niyang alalahanin ang meron kami noon. Kaso... hindi naman napipilit ang mga bagay. May mga bagay na nababaon sa limot. May mga bagay na napipilit pero may mga bagay na hindi natin napipilit.

"Ito ang pagmamahal meron ako, Mirna. Pagmamahal na laging nagpaparaya."

Mirna covered her face. "Ako ang nasasaktan para sayo, Colt." Hagulhol niya kaya naman kinabig ko siya at niyakap.

"Ikaw na nagsabi na matapang ako, kaya kakayanin ko 'to."

Kinurot niya ang likod ko. "Binabawi ko na, ang duwag mo."

Natawa nalang ako sa kanya.

Kaso naputol ang pagyayakapan namin ni Mirna nang may marinig kaming malakas na sigaw. Sigaw iyon ni Ysay na humihingi ng saklulo.

Naitulak ako ni Mirna.

"Boses iyon ng kausap ni Johannes, Colt."

Sumipa ng husto ang puso ko.

"Alam mo ba kung saang banda sila rito, Mirna?"

Tumango si Mirna saka naunang tumakbo sa kanyang kaninang daan na tinatahak. Ako naman ay lakad at takbo ang ginagawa para masundan siya.

Napapahawak ako sa puso ko dahil naninikip ito at di mapakali. Dammit!

Pagkarating namin ni Mirna ay nakita ko si Johannes na nakaluhod sa buhangin at sapu-sapo ang ulo at impit na umuungol. Si Ysay naman ay umiiyak at kagat-kagat ang daliri niya na di alam ang gagawin sa lalaking nasa harap niya umuungol sa sakit ng ulo nito.

Ysay bent and was about to touch Johannes when I slapped her hands away.

Narinig ko ang pagsuway ni Mirna kay Ysay. "Tabi!"

I kneeled in front of Johannes na parang nababaliw habang hawak-hawak ang ulo niya. Parang pinipiga na ni Johannes ang ulo niya. Para bang sa paarang iyon ay maiibsan ang sakit na nararamdaman niya. The beads of sweats abundantly dripping from his forehead.

I hold his arms. "Johannes?"

My heart felt like being stabbed with hundreds of knives while witnessing Johannes writhing in pain, and I could not do anything to ease his pain. 

"A-aijin."

Mahabang ungol ang kumawala sa bibig niya bago tuluyang malawan ng balanse pero agad ko naman siyang sinalo at napaunan ang ulo niya sa hita ko.

Namumula siya at basang-basa ng pawis.

Malapit ng pumikit ang mata niya pero nagawa niya pang umusal.

"B-b-beibu." He said and his eyes closed.

***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

Follow and read my stories in my second wp account: showerofserotonin

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top