CHAPTER 14

Chapter 14

Colt Pov

"I-iyon ang sinasabi mong...mahal mo?" tanong ni Mirna sa akin matapos tanggapin ang kamay ko at umakyat sa bangka.

Sumeryoso ang mukha ko bago ko siya tinanguan.

"Colt," napabaling ako kay Mang Hermes. Nagtatanong ang mga mata niya sa akin kung aalis na ba kami o hindi.

"Let's just go, Mang Hermes. Masyado na akong nagtagal dito."

Walang naging imik doon si Mang Hermes at binuhay ang makina ng bangka at saka kami umusad.

In the corner of my eyes, I saw how those hazel eyes watched me, watching me as I turned my back on him. He couldn't fucking remember me, but those eyes were telling the other way around. Why do they look so gloomy? Why do those orbs seem lonely? 

Namnamin mo 'yang gago ka! Namnamin mo ang sakit na 'yan kunh meron man. Dahil ganyan ang naramdaman ko noong tinalikuran mo ako noong nagdaang araw. Hindi niya lang alam na parang dinaganan ako ng ilang tuneladang bigat no'n sa dibdib ko sa simpleng pagtalikod niya sa akin.

Akala niya ba siya lang ang marunong tumalikod? Yeah, I made a decision to talk to him and try to explain things to him, but it seems like I cannot do it. Nadidismaya ako. Nasasaktan ako. Nawawalan na ako nang gana.

Ganito ba talaga ako kadaling talikuran? Ganito ba talaga ang kapalaran ko sa mundong ito? Ang makalimutan? Ang saktan? Ang pagdusahin?

Tangina, sumubok lang naman ako, e. Sumubok lang naman ako at nagbabakasaling sa kanya ko na matagpuan ang saya at pagmamahal na bubuo sa akin. Pero ano ito? Wawasakin pa yata ako lalo. Dudurugin pa yata ako ng husto hanggang sa maubos ako.

"Colt?"

Mirna's voice pulled me out from my deep and painful thoughts.

"Yeah?"

"Nagsasalita ako dito. Di ka naman pala nakikinig." She said, pouting her lips.

"I'm sorry."

"Hmm," tumango siya at tumanaw sa walang hangganang dagat. "Tinatanong kita kung 'yong tinanong mo sa akin...tungkol doon sa taong mahal niya na nakalimutan siya. Tinanong mo ba iyon para sa sarili mo?"

Dahan-dahan akong tumango sa kanya.

"Mmm. Ang gandang lalaki rin niya, huh. Bagay na bagay kayo. Kaya siguro mahal mo rin siya."

Minahal ko ba si Johannes dahil sa mukha niya? Minahal ko ba siya dahil gwapo siya? Fùck! Hindi naman iyon ang minahal ko sa gagong iyon. I love him because he is Johannes. Johannes, who spoiled me, who coed me, who babied me. I loved the way he cared for me. I love the way he understands me. I love everything about Johannes Dwyer. 

"Mirna." Ayaw kong pag-usapan ito sa kanya.

She looked at me and smiled. "Alam mo Colt siguro nabigla ka lang. Nakakagulat nga naman na makalimutan ka nang mahal mo. Nakakagulat na magising ka nalang na ikaw nalang ang nakaka-alala sa mga bagay na ginawa ninyo dati. Hindi ko alam kung tama ako Colt o hindi. Pero sa nakikita ko mas natatakot ka pa kaysa sa nabigla."

Kumunot ang noo ko sa kanya.

"I don't understand."

"Tingin ko, may pakiramdam ka na naman Colt kahit na di mo pa nahahanap o nakikita iyong mahal mo na may posibilidad talaga na magka-amnesia siya. Gulat ka lang na ang iniisip mo ay nangyari nga. Nagka-amnesia nga iyong mahal mo. At natatakot ka. Natatakot ka na di ka niya maalala, natatakot kang mag-isa ulit. Natatakot kang mawala ang init nang nararamdaman niya para sayo."

Naging laman ng isip ko ang mga sinabi ni Mirna sa akin. Napaisip ako na baka totoo ang sinasabi niya. Baka nga takot ako. Baka nga ganoon rin ang nararamdaman ko. Na kaya ako galit kasi baka mawala siya sa akin, ang pagmamahal niya, at baka rin kapag bumalik na ang alaala niya, di na kasama doon ang pagbalik nang pagmamahal niya sa akin dati.

Ang hirap. Ang hirap-hirap.

Ano? Iisipin ko nalang ba na mas mabuti na nga ito kasi ligtas siya at wala siya sa kamay ng mga taong gusto siyang patayin? Gagamitin ko pa ba ang linyang iyan? Lolokohin ko na naman ba ang sarili ko na ayos lang ang lahat. Na okay lang ang lahat?

Sa sumunod na araw ay nanatili lang ako sa isla. Tumutulong kay Mang Hermes sa pamamalaot at pinipilit na abalahin ang sarili.

"Kuya Colt!" Tawag sa akin ng isang bata nang nagpahangin ako sa ilalim ng niyogan. Wala namang bunga iyon at nalilinisan lagi kaya safety naman. May mga bata rin kasing naglalaro kaya siguro naalagaan at nababatayan ng mga tao dito ang mga puno. At kahit sa kabila nang matirik na araw ay hindi naiinitan ang kinaroroonan ko dahil sa mga puno ng niyog.

"Anong ginagawa ninyo?" tanong ko sa kanila.

Nagpupungas itong dumating sa akin. Umahon naman ako sa pagkakahilig ko doon sa puno ng niyog.

"Gumagawa po kami ng bracelets at kwintas."

"Let me see."

Tiningnan ko ang mga nakuha nilang mga kabibe.

"Nabibinta ba ang mga ito?"

"Oo po. Minsan po kapag may mga turistang napapad-padpad dito."

Imbes na umidlip ako dito ay naaliw ako sa mga batang gumagawa ng bracelet at kung ano-ano pa. They even tried to teach me pero di ko iyon nakukuha. Hanggang sa dumating si Mirna dala ang ilang papel, libro, maliit na white board at maker.

"Colt," aniya saka umupo sa tabi ko at binaba ang mga dala niya.

"Magandang tanghali po, Ate Mirna!" Sabay na bati sa kanya nang mga bata. Nagmano pa ang mga bata sa kanya.

Iniwan nang nga bata ang kanilang ginagawa at umupo sa harap namin ni Mirna.

"You're going to teach them here?" mahina kong tanong sa kanya habang binibigyan niya nang tag-iisang lapis at papel na masusulatan ang mga bata.

"Kumuha ng isa at ipasa sa iba, okay?" Aniya sa mga bata.

Bumaling siya sa akin. "Oo, kapag wala akong magawa tinuturuan ko sila."

"Libre mo itong ginagawa sa kanila?"

Alam ko naman na close na talaga kay Mirna ang mga bata dito pero di ko naman alam na nagtuturo siya ng libre sa mga ito.

"Oo. Alam ko naman na di malaki ang kita ng mga ama nila dito kaya libre ko nalang itong ginagawa para sa kanila. Saka ang saya kaya magturo sa mga bata. Mabuti nga ito, e, kasi nagagawa ko ang gusto ko at the same time nakakatulong pa ako."

I stayed with them. Ako na ang nagboluntaryong humawak sa white board ni Mirna habang nagtuturo siya sa mga bata kung paano magbasa. Hindi ko na nasundan pa ang mga nangyari hanggang sa tinuruan na ni Mirna ang mga bata na kumunta ng mga pambatang kanta.

"Anyone would definitely fall in love with you, Mirna." I said as we walked on our way back to each other's houses.

"Anyone, but not you."

"Mir--"

"Joke lang."

I heaved. Nasasanay na ako dito.  Nagugustuhan ko na dito, away from my work. Away from anyone. Away from stress. I learned to love this small island in such a short span of time.

Hinatid ko nalang si Mirna sa kanilang bahay bago ako umuwi kina Manang Saring. Naabutan ko si Manang Saring sa likod ng bahay na nagbubuhat sa mga panggatong na sinibak ko kanina kaya naman agad ko siyang inagawan nang gawain doon.

"Oh, hijo,"

"Ako na po dito, Manang."

"Haha, salamat."

"Nasaan ko pala si Mang Hermes?" tanong ko sa kay Manang at binuksan niya ang pintuan tungo sa kusina.

"Ayon, nandun kina Joel at nakipag-inuman."

Tumango ako. "Hmm."

"Maiba ako, hijo." Binaba ko muna ang mga panggatong bago bumaling kay Manang Saring. Umupo siya sa silya ng aming misa dito sa kusina.

"Po?"

"Nakwento ng asawa ko na na...nakita mo raw ang asawa mo sa bayan noong nakaraan."

Sumandal ako sa sink.

"Ahm, hindi ko naman po talaga siya a-asawa. Nabigla lang po ako no'n kaya nasabi kong asawa ko."

"Ahh, ganoon ba, pero iyon ba iyong hinahanap mong lalaki nung magising ka dito sa amin?"

Tumango ako at tinungkod ko ang kamay ko likuran ko.

"Siya nga po..."

"Nagka-usap naman na kayo?"

"Hindi po naging maganda ang usapan namin, e."

"Bakit naman?"

"Hindi...hindi na niya po kasi a-ako maalala."

Napasinghap si Manang Saring at lumipad ang dalawang palad niya sa kanyang bibig. Nakita kong namula at nanubig ang kanyang mga mata. At ang hindi ko inaasahang gagawin ni Manang Saring ay ang lapitan ako at yakapin.

"Hijo."

Hindi ko namalayang bumuhos ang luha ko at napakapit sa balikat ni Manang Saring saka parang bata na umiyak. Humagulhol ako at bumaha ang luha mula sa mga mata ko.

Nakalimutan ko na kung kailan ako umiyak ng ganito. Hindi ko na mahanap sa isip ko kung kailan ako ngumuwa ng ganito.

Hindi ko na alam kung para saan ako umiiyak. Kung dahil pa ba ito kay Johannes o dahil nangulila ako sa yakap ng isang ina.

Manang Saring let me cry on her shoulders until I had no more tears to cry.

Nang maghapunan ay dumating si Mang Hermes, I mean, hinatid si Mang Hermes ni Mang Joel dahil lasing na ito at hindi na alam ang daan pauwi dito.

"Sige! Inom pa! Laklakin mo pa ang lahat ng alak doon, Hermes!"

Instead of feeling annoyed, naaliw ako sa kanila ni Manang Saring. Nakakatawa silang tingnan na ganito. I often saw them being sweet and flirtatious with each other around here. 

"Sarinngg!"

"H'wag na h'wag mo akong matawag-tawag dyaan, Hermes!"

"Saring b-bihisan mhu akho!"

"Bwesit ka! Magdusa ka dyan! Matutulog ka sa sahig ngayon Hermes. Ayaw kitang katabi. Ang baho ng bibig mo!"

Nandidito ako sa sala at si Manang Saring ay nasa kusina, nag-iinit ng tubig para kay Mang Hermes. Kahit na galit siya dito dahil naglasing pinag-iinit niya pa rin ito ng tubig.

"Namiish mo lang ang halik ko sayo, Saring."

"Tangina mo, Hermes! Naririnig ka ni Colt!"

Natawa ako doon. Dammit! Ang saya nang away mag-asawa nila.

"May ashawa na rin iyan, Saring. Ginagawa na rin nila ang ginagawa natin. O baka mas aktib pa nga sila keysa sa atin."

"Mahiya ka nga dyaan, Hermes!"

Narinig ko nalang ang pagkagikhik ni Mang Hermes mula sa kanilang silid.

Tinulungan ko na si Manang Saring nang makita ko siyang may dalang maliit na palanggana at puting towel.

"Ako na po."

"Sige, kukunin ko nalang ang kape doon para maibuhos ko na dyaan kay Hermes."

Ramdam ko na talaga ang gigil ni Manang Saring kay Mang Hermes.

Iniwan ko na si Manang Saring doon sa silid nila. Lumabas ako at nang makita ko ang langit na parang uulan ay agad akong tumungo sa kinaroroonan ng bangka ni Mang Hermes upang dalhin ito sa pangpang at matali ng maayos. Para kung sakaling lalaki ang alon ay di ito matatangay.

Papauwi na ako nang biglang bumuhos ang ulan.

Pagkabalik ko naman sa bahay ay sinara ko ang lahat ng bintana bago pumunta sa silid ko at nagbihis.

"Hijo, saan ka galing?" Ang takang tanong ni Manang Saring nang makita akong nagpupunas ng buhok ko.

"Pinuntahan ko lang po ang bangka ni Mang Hermes, Manang. Tinali ko po sa may pangpang, malayo sa tubig."

"Naku, salamat, Colt."

"Wala pong anuman."

"Ipagtitimpla na kita ng kape."

"Naku, hindi na po. Ako na po."

Pigil ko dito dahil dala-dala niya pa ang palanggana galing sa kwarto nila ni Mang Hermes.

Binaba ko ang towel sa balikat ko at pumunta ako sa kusina para ipagtimpla ang sarili ko nang kape. Ipinagtimpla ko na rin si Manang Saring ng kape.

Habang hinahalo ko ang kape ay may narinig akong mga katok galing sa pintuan. Kahit na may pagkamalakas ang kidlat at ang buhos ng ulan ay naririnig ko pa rin iyon.

"Ako nalang ang magbubukas doon, hijo." Si Manang Saring.

"Sige po."

Ilang sandali pa ay sumunod na ako kay Manang Saring dala-dala ang dalawang baso ng kape sa kamay ko.

"Colt mag naghahanap sayo--"

"Manang--"

Sabay kaming nagsalita ni Manang Saring pero sabay din kaming naputol nang mahulog at kumalampag sa sementong sahig ang dala kong mga baso nang kape.

Hindi ko alintana ang init nang kape na tumalsik sa paa ko. Nabaon ako sa kinatatayuan ko at walang kurap na nakatingin sa lalaking nasa labas ng bahay nina Manang Saring

He was drenched with rainwater. Big droplets of rain poured into his head and down to his body, making him more wet. His already wet army green t-shirt clung to his muscular body, defining his rigid and tense muscles.

"J-johannes?"

***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top