CHAPTER 39
Chapter 39
Desmond Pov
"Bakit ba dito ka sa bar ko nagsa-sabi n'yan. Sabihin mo 'yan sa habibi mo." angal ni Colt sa akin.
Binagsak ko ang baso sa center table. Gigisahin ko na sana siya nang bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Rap. Anong ginagawa nito dito?
"Anong ginagawa mo dito Rap?" saad ko sa bagong dating.
"Iinom!"
"Tsk! Nilalapitan n'yo lang kasi ako kapag may mga problema kayo 'no?" singit naman ni Colt.
Pinanlisikan siya ng mata ni Rap at tumahimik din naman agad.
"Ano namang dala mong masamang balita Rap?"
Umungol ni Rap. "It's not a bad news, okay? It's just that my brother. Iyong nga anak niya kasi sa bahay ko iniiwan ang mga anak niya."
"Tapos?" sabay pa naming saad ni Colt.
"Si Dareen naman, my baby, ang hilig-hilig niya doon sa niece at nephew ko. Kaya ayon nasa bahay. My baby doesn't have time for me dahil sa mga anak ng kuya ko."
Napasandal si Colt swivel chair niya. Nandidito kami ngayon sa isang bar na pag-aari niya at nasa mini office niya kami.
"Si Desmond nandito dahil nagseselos siya doon sa teacher ng habibi niya. Tapos ikaw dahil lang sa mga pamangkin mo? Tsk! Ang bababaw ng mga problema ninyo." ani Colt at nilagok ang baso na puno ng alak.
"Bakit ikaw ano ang problema mo? Care to share?" hamon ko sa kanya pero winiwasiwas lang niya ang kamay.
"Tsk! Asikasuhin mo muna 'yang iyo Desmond dahil baka sumugod ka ng walang oras sa SU!"
"Anong susugod sa SU?" pumagitna si Rap.
Tumawa si Colt at nagsimulang magkwento kay Rap sa sinabi ko kanina sa kanya.
"Ito kasi," turo niya sa akin. "May pinagseselosang guro ng habibi niya. Kamuntikan na daw niyang mabali ang kamay dahil hinawakan ang habibi niya. Walang pinili ang pagseselos. Pati guro!"
Rinig ko naman ang paghinga ng malalim ni Rap.
"Kung susugod ka sa SU bud. Sorry pero di kita masasamahan dahil banned ako sa paaralan na 'yan."
Muntik na akong mabuga ang iniinom kong alak sa sinabi niya. Si Colt naman ay napatawa.
"Banned? Paanong na banned ang isang Raphael Marcet?" namumulang turan ni Colt kay Rap.
"May binangga lang akong bubwit." simpleng tugon niya sa amin at uminom.
"Pambihira! | Tangina!" sabay naming saad ni Colt.
Kinuha ko ang cell phone ko sa bulsa ng coat ko at tiningnan kung may reply ba si Finn sa akin kaso wala. Di niya kasi sinagot ang mga tawag ko kaya nagtext ako sa kanya na pupunta muna dito, kay Colt.
Parang may kung anong bagay na rumagasa sa dibdib ko na di ko maipaliwanag kaya naman. Nagpaalam ako kay Colt at Rap na mauuna na ako dahil iba talaga ang nararamdaman ko.
Pagdating ko naman sa bahay ay sinalubong ako ni Manang Susan sa balitang di pa kumain si Finn at mukha raw'ng masama ang pakiramdam.
"Nilagnat Manang?" tanong ko kay Manang Susan at hinubad ang coat ko.
"Ewan ko nga Desmond dahil di ako makapasok sa kwarto niya dahil nakalock."
"Sige Manang aakyatin ko. Akin na rin po ang dinner niya."
Hinanda ni Manang ang pagkain ni Finn saka binigay sa akin. Agad akong umakyat sa taas para makakain na si Finn.
Finn Pov
"Ay, bakit may ganito?" sambit ko habang nakatingin sa screen ng telepono ni Suzie. Si Desmond kasi iyong nasa bidyo at may kahalikan siyang babae na nakapatong pa sa hita niya. Nanikip pa ng husto ang dibdib ko dahil sa damit na suot ni Desmond. Ito kasi ang suot niya ngayon araw.
Nanlabo ang paningin at sunod na umulan ng luha ang mga mata ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa cell phone ni Suzie. Lumuha ako pero di ko pa rin maalis ang mata ko doon sa telepono. Doon sa bidyong iyon ay tingin ko nasa bar si Desmond. Kapareho kasi iyon ng paligid nang pinuntahan namin nina Frenny at Dareen.
Tahimik na bumabaha ng luha ang mga mata ko at napaisip ako. Kaya ba hindi masagot ni Desmond ang tawag ko dahil abala siya. Abala sa paghalik ng iba? Kaya ba kahit na text ko sa kanya hindi niya mabasa o mareplyan kasi busy siya? Iyon ba ang busy? Iyon ba ang work niya? Niloloko ba ako ni Desmond?
Sabi niya ako ang iki-kiss niya. Sabi niya di siya magki-kiss ng iba. Nagpromise siya sa akin. Sinungaling pala itong si Desmond, e.
Ginawa kong pamunas ang braso ko sa mata ko at nabigla ako nang may pumunas sa pisngi ko.
Napatingin ako sa lalaki sa harap ko at nakita kong si Sir Lerwick iyon.
"Use it." pag-alok niya sa kanyang panyo sa akin.
Tinulak ko ang kamay ni Sir Lerwick at umiling sa kanya.
"O-okay lang ako Sir."
Hindi naman umimik doon si Sir Lerwick at tumalikod pero iniwan niya ang panyo niya sa desk ko.
Binigay ko ang telepono ni Suzie sa kanya. Hindi naman naka-imik si Suzie nang bigyan kami ng seatwork ni Sir Lerwick. Hanggang sa matapos ang pinapagawa ni Sir Lerwick sa amin ay tahimik lang ako at pilit na nilalabanan ang mga luhang bumabadya. May paminsang-minsang tumutulo pero agad ko naman iyong pinapalis.
Mabuti nga at di rin naki-usyuso ang mga kaklase ko kahit na gulat rin sila sa pagbigay ng panyo ni Sir Lerwick sa akin.
Si Suzie ang nangboluntaryo na magpass sa aking papel at binigay ko rin naman iyon sa kanya.
Tulala akong napatingin sa labas. Hindi ko maintindihan ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. Para akong sinasaksak doon. Para nilulukamos ang heart ko. Laging naglalaro sa isip ko iyong nasa bidyo. Lumuha na naman ako habang nakatanaw sa labas.
Ayaw na ba ni Desmond sa akin? Nagsasawa na ba siya sa kiss ko kaya naghanap siya ng ibang i-kiss? O baka kaya siya naghanap ng iba kasi hindi ako magaling doon? Saka baka naghanap din siya ng iba kasi bata ako at pusong babae lang? Naghahanap ba siya ng tunay na babae? Iyong may didbib na malaki? Iyong may malaking pwetan?
Napasinghap ako nang may yumakap sa akin mula sa likuran.
"Sorry, Finn. Patawad. Sana hindi ko nalang pinakita sayo ang bidyo. Sana di mo nalang nakita iyong bidyo." si Suzie habang nakayakap ang braso sa leeg ko.
Humawak ako sa braso niya.
"Okay lang Suzie. Di mo naman iyon kasalanan. Mabuti nga iyon at nakita ko."
Ramdam ko ang pag-iling niya. "Hindi, e. Kasalanan ko talaga."
Kinalas ko ang pagkakayakap ni Suzie sa leeg ko at humarap sa kanya. Nakita kong namumula ang mata niya at iiyak na rin siya anuman ang oras.
"Hindi mo naman iyon gusto at wala ka namang intensyong masama doon. Kaya wag ka magso-sorry, okay?"
Sunod-sunod na tumango si Suzie at muli akong niyakap.
Nang mag-uwian ay dinampot ko ang panyo ni Sir Lerwick at hinintay kong humupa ang mga kaklase ko bago pumunta sa table ni Sri Lerwick.
Sinabayan naman ako ni Suzie.
"Sir," pagkuha ko sa atensyon ni Sir na nagch-check ng seatwork na binigay niya sa amin kanina.
Kinuha ni Sir Lerwick ang glasses niya at hinilot saglit ang bridge ng ilong niyang matangos.
"Yes, Finnick. Okay ka na ba?"
Tinanguan ko si Sir. "Opo. Gusto ko lang po ibalik ang panyo ninyo. At salamat po kahit na di ko naman po iyan nagamit."
"Hmm."
"Goodbye po, sir."
"Mauuna na po kami sir."
Nag-offer si Suzie sa akin na ihatid ako sa bahay ni Desmond kaso tinanggihan ko na siya. At sa unang pagkakataon ay magc-commute ako pauwi sa bahay ni Desmond. Hindi ko naman aasahan na susunduin pa ako ni Desmond, e.
Habang nasa loob ako ng taxi ay nakita kong nagri-ring ang telepono ko. Nakita ko rin ang ilang messages ni Desmond pero di ko iyon binuksan. Bagkos ay pinatay ko ang telepono ko at sinilid ko iyon sa bag ko.
Nakita ko sa salamin ng taxi na sinasakyan ko na lumiit ang mata ko at namumula sa kakaiyak. Sino ba naman ang di iiyak kapag nakita mo ang boyfriend mo na may ka-kiss na iba? Akala ko ba couple kami? Akala ko ba ako lang iki-kiss niya? Ako nga di ako kumikiss sa iba. Tapos siya pala ang di tutupad sa usapan namin.
Nasasaktan ako. Masakit dito sa dibdib ko.
Hanggang sa pagdating ko sa bahay ay dala-dala ko ang bigat sa dibdib ko. Paakyat ako ng ikalawang palapag ng bahay ng tawagin ako ni Nanay Susan.
"Anak okay ka lang ba?"
Sandali akong tumigil at di nilingon si Nanay. Ayaw kong makita ni Nanay na umiiyak ako.
Huminga ako ng malalim at sumagot, "Okay lang ako 'nay. Pagod lang sa school."
"Hmm, bumaba ka kapag kakain na, ha."
"O-opo 'nay."
Hinubad ko ang ang coat ko at tinapon ang katawan ko sa kama. Hinayaan ko na ang bag ko sa sahig at binaon ko ang mukha ko sa unan ay doon ako umiyak muli. Gusto kong sumigaw. Gusto ko makausap si Desmond pero natatakot ako. Pakiramdam ko wala akong karapatan na kumprontahin si Desmond. Alam ko namnag couple kami kaso natatakot ako sa kanya. Natatakot ako sa maaring isagot niya. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nasa bidyo kaso may takot sa akin.
Hanggang sa napagod ako kakaiyak at umupo ako sa paanan ng kama ko at yakap-yakap ang tuhod ko na humihikbi.
Napatingin ako sa pintuan nang nay kumatok doon.
"Anak, kain na. Nakaluto na ako."
Napalunok ako. At hinanda ang boses ko sa pagsagot kay Nanay na di pumipiyok.
"Bu-busog pa po ako 'nay."
"Ha? Alas otso na anak."
"Mauna na po kayong kumain ni Tatay Carlos."
"Tapos na kaming kumain anak." Nakita kong gumalaw ang busol tanda na pilit binubuksan ni Nanay ang pintuan kaso ni-lock ko iyon.
"B-baba ako ngayon 'nay k-kapag nagutom ako."
"O, sige. Hindi mo ba gusto na dalhan kita dyan sa loob?"
"H-hwag na po 'nay." Madali kong saad kay Nanay Susan.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang lumipas nang may kumatok na naman sa pintuan ko.
"B-busog po ako 'nay. Mamaya na po ako kakai--"
"Habibi."
Napalabi ako nang marinig ko ang boses ni Desmond. Heto na naman ang luha ko. Naiiyak na naman ako.
Hindi ako sumagot doon at pinatong ko lang ang ulo ko sa tuhod ko saka hinayaan ang luha ko na nabagsakan.
"Habibi buksan mo ang pinto."
Wala pa rin akong imik.
"Habibi?"
"Finn. Finn pagbubuksan mo ako ng pintuan o ako mismo ang magbubukas nito." Nahimigan ko na ang pagkainis at pagtitimpi sa boses ni Desmond. Pero nagmatigas ako at di siya sinagot.
Hanggang sa pabagsak na bumukas ang pintuan at malakas iyong sinara. Mapaigtad naman ako doon sa takot. Pinigilan ko ang binti at kamay ko sa pagnginig.
"What the hèll, habibi?! Bakit di ako sinasagot? Tawag ako nang tawag..."
Nabitin si Desmond sa pagsasalita niya nang inangat ko ang ulo ko sa kanya. Nakita kong may dala siyang silver tray.
"Habibi."
Nagmamadali siyang lumapit sa akin at nilapag ang silver tray na may lamang pagkain.
Lumuhod siya sa harap ko.
Hahawakan na niya sana ako upang punasan ang luha ko nang sampalin ko ang kamay niya.
Umawang ang labi niya at umusli ang ugat sa noo niya.
"Habibi."
"Sinungaling ka!!!" Bulyaw ko sa kanya at bumuhos ang luha ko kaya naman nanginig ang boses ko.
Napakurap-kurap si Desmond at napailing sa akin.
"H-habibi, what happened? Anong sinungaling?"
Pinalis ko ang luha ko.
"Sinungaling ka Desmond! Sinungaling ka!" sigaw ko habang tinuturo siya. Walang humpay sa kakapatak ang mga luha ko.
Sinubukan na niya naman akong hawakan kaso pinagsasampal ko ang kamay niya kaya naman sumuko siya at napasuklay sa buhok niya. Nagulo ang maayos na pagkakasuklay sa buhok niya.
Niluwagan niya ang necktie niya at mariin akong tinanong. "Habibi, anong sinasabi mo? Anong nagsisinungaling?"
Gulo niyang turan sa akin kaya naman kahit na lumuluha ako ay kinalkal ko ang bag ko at hinanap ang telepono ko kung saan iyong bidyo niya na may kahalikan na iba. Pinicturan ko iyon kanina sa telepono ni Suzie.
"'Yan!" halos idutdot ko na sa mukha ni Desmond ang telepono ko. "Ano 'yan? Bakit ganyan Desmond?" wika ko at humagulhol.
Kinuha niya ang telepono ko na bigay ni Frenny saka iyon pinakatitigan. Ilang segundo matapos niya iyong titigan ay napahinga siya ng malalim.
"Kaya ba hindi mo nasagot ang mga tawag at text ko Desmond kasi iba ang tinatrabaho mo? Iyan ba ang wino-work mo--"
Binagsak niya ang telepono ko at humawak sa kamay ko.
"Bitawan mo ako Desmond! Dun ka na sa iba! Sinungaling ka! Nagkiss ka ng iba!" sigaw ko sa pagmumukha niya at pilit na kumakawala sa mga hawak niya pero mas humihigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
"Habibi!" Napatalon ako sa duma dagundong niyang boses.
"Fùck!" sunod niyang mura.
"Niloloko mo ako Desmond?" Pumiyok ang boses ko.
Pumikit siya ng mariin. "Jesus! Of course hindi kita niloloko habibi. 'Yan ang kahuli-hulihang bagay na gagawin ko sayo. Hindi ko alam kung saan galing ang video na 'yan habibi. Hindi ko alam kung sino ang kumuha ng video na 'yan. Pero habibi matagal na ang video na 'yan."
Napatigil ako at tumitig sa kanya. Halata sa mukha ni Desmond ang gulo at pagkagalit. Umiigting na ang panga at namumula.
"Sinungaling! Bakit pareho ng damit mo?!" matigas kong sambit.
Napatingin siya sa damit na suot niya.
Rinig ko ang pag-ungot niya. "Habibi, dark blue ang suot ko ngayon. Dyan sa video ay hindi. Yes, it's blue, but it's pale blue. Madilim lang dyan kaya parang magkapareho."
Kinuha muli ang telepono na binagsak niya at pinakita sa akin ang suot niya. Zinoom-in niya iyon at... oo nga. Magkaiba.
Napalabi nalang ako at yumuko.
"Habibi," malamyos na saad niya at ia-angat niya sana ang baba ko kaso pilit kong niyuyuko ang ulo ko.
Ako na naman ang mali. Pinagdudahan ko siya. Siguro ay dismayado na si Desmond ngayon sa akin. Siguro ay hihiwalayan na niya ako nito ngayon. Pumikit ako at bumagsak ang malalaking luha ko.
"Habibi tumingin ka sa akin."
"Ayaw ko Desmond."
"Tumingin ka sabi."
"Ayaw ko Desmond. Bad akong boyfriend."
Muling napahinga ng malalim si Desmond saka ko naramdaman ang labi niya sa noo ko.
"Hindi ka bad."
"Pero masama ang mga sinabi ko sayo Desmond." Nakayuko kong turan.
"Well, maybe it's my karma for being a bastard before, habibi. But that was before. Before I meet you, before na hindi ka pa sa akin. But when I promise you na hindi ako hahalik ng iba at ginawa kitang kasintahan ko. Iniwan ko ang lahat habibi. Iniwan ko ang lahat para sayo."
Sa mga sinabi ni Desmond ay mas lalong sumama ang loob ko. Tingin ko ay di bagay si Desmond sa isang tulad ko.
Tumingin ako sa kanya. "Sorry. Sorry, Desmond ko."
Ngumiti siya at pinunasan ang mukha ko. Ang dugyot ko siguro tingnan ngayon. Naghahalo na ang pawis at luha.
"Ano ang sabi mo?" Nakangiting saad niya at kiniss ako sa pisngi.
Ngumuso ako at kinagat ang pisngi ko sa loob.
"D-d-desmond... D-desmond ko."
"It sounds so fùcking good in my ears." saad niya saka walang sabi akong binuhat. Kumapit ang kamay ko sa balikat niya at pinulupot ko ang binti ko sa baywang niya.
"Saan mo ako dadalhin Desmond?"
"Magbibihis ka. Ang basa na ng damit mo."
Pumasok kami sa banyo ko at saglit niya akong iniwan sa banyo at pagbalik niya dala na niya ang pares na damit pantulog ko.
Hinayaan ko si Desmond na hubarin ang uniform ko pati na ang pants ko at ang sapatos ko at medyas. Kumuha siya ng towel atsaka ako pinunasan.
"Dapat kung ano man ang makikita mo sa akin sa mga news, balita, at mga video, habibi. Dapat pinagsasabihan mo ako. Dapat kung may di tayo pag-uunawan pag-usapan natin. Kung may di ka gusto dapat sabihin mo sa akin. Kasi ganun din ako sayo. Nung ayaw ko sa guro mo," umasim pa ang tono niya nang sinabi niya ang 'guro'. "sinabi ko sayo para maintindihan mo ako at makapag-usap tayo. Oo naging immature ang approach ko doon pero napag-usapan naman natin sa huli. Kaya dapat kung ano ang nararamdaman mo. Tungkol man 'yan sa relasyon natin o sa buhay mo o kung ano pa 'yan. Dapat sabihin mo sa akin. Boyfriend mo ako. Couple tayo, diba?"
Napa-ipit ako sa labi ko at napatango kay Desmond.
"Of course, I will honor your privacy, habibi. But I'm very open. I'm very open when it comes to you. Remember, I accepted you. And I love you. Cheating, lying, and hurting you would be the last things that I would do in this lifetime."
Kahit na di pa nasusuot ni Desmond ang pajama ko ay niyakap ko na siya.
"I love you, Desmond. I love you."
"I love you too, habibi."
---
Wala kaming pasok dahil sa lakas ng ulan at may bagyo raw kaya naman ay sa kwarto ako ni Desmond tumambay at natulog habang wala si Desmond. Nagawa ko na ang mga assignments ko at naka pagstudy na naman ako kaya masaya akong umiidlip sa kama ni Desmond na naging kama ko na rin.
Tuluyan akong nagising nang may maramdaman ako dumidila sa pisngi ko.
Nanlaki ang mata ko nang bumungad sa akin ang isang tuta! Isang tuta na kulay brown at makapal ang balahibo niya at ang bilog ng katawan!
Napabalikwas ako.
"Hala!" sambit ko at di mapigilang di mapangiti.
Kinarga ko ang tuta at doon ko pa napansin si Desmond na naka tayo sa paanan kama at nakangiti sa akin.
"Hehehe! Tuta mo ito Desmond?"
Umiling siya. "Sayo 'yan."
"Hala! Totoo? Akin ito?" Halos mapatili ako.
"Hmm, it's my monthsary gift for you habibi."
Naistatwa ako sa kina-uupuan ko at tumigil ang kamay ko sa paghaplos sa tuta. M-monthsary pala namin.
Lumabi ako sa kanya. "W-wala na naman akong gift sayo Desmond."
Gusto kong umiyak! Nag-iipon nga ako ng pera para may pang-gift ako kay Desmond kaso... k-kaso nakalimutan ko naman sa dami ng pinagawa ng mga teachers namin. Kasalanan ito ng mga school works!
"A kiss will always do, habibi."
Tumingin ako kay Desmond na hinanda na ang pisngi niya para halikan ko.
Karga ang tuta na gift niya sa akin nang lumapit ako sa kanya at kiniss ko ang magkabilang pisngi niya at sinama ko na ang labi niya.
"Happy monthsary, Desmond. Sorry ulit."
Kinandung ako ni Desmond at kandung ko naman ang tuta na bigay niya.
"It's okay. Di nga kita malabas ngayon dahil sa bagyo kaya bumili nalang ako ng pup for you."
Ngumusong tamango ako at hinaplos ang malambot na balahibo ng tuta.
"Anong klaseng tuta ito Desmond?"
"I don't really know habibi. Si Colt ang bumili nito."
Tumingin ako sa kay Desmond. "May pangalan na ba siya?"
"Wala kaya ikaw na ang magpangalan dyan." nginuso niya pa ang tuta.
Sa totoo lang ay gustong-gusto ko talaga magkaroon ng tuta pero wala naman akong pambili n'on kasi ang mamahal. Okay naman ang pusa kagaya noong kay Dareen pero mas gusto ko kasi ang tuta.
"Det-det nalang Desmond. Okay lang ba?"
Tumaas ang kilay niya sa akin. "It's fine. It's cute." Ki-niss niya naman ako sa ilong ko. Hehehe!
Lumiwanag ang mukha ko at binuhat si Det-Det.
"Hello Det-Det! Ako ang amo mo, okay?" kausap ko doon at rinig ko ang pagtawa ni Desmond ng ngumuwa si Det-Det. Gusto niya rin yata sa name na Det-Det.
Abala si Desmond sa pagkakayakap sa akin pero ako abala naman sa bago kong alaga. Hehehe!
---
"Desmond tabi ulit si Det-Det matulog sa atin, please?" nag-puppy eyes pa ako sa kanya. Halos pagdaupin ko na ang kamay ko at lumuhod sa harap niya.
"Habibi, h'wag na." pagod na sagot ni Desmond.
"Ayaw kong maging lonely si Det-Det, Desmond." pagkikipagtalo ko sa kanya.
Ilang gabi na naman naming kasama si Det-Det dito sa kwarto niya at sa katunayan nga ay sa gitna namin ni Desmond natutulog si Det-Det. At gustong-gusto iyong ng alaga namin, ng baby namin.
Bakit ayaw na niyang makatabi si Det-Det ngayon?
Napanguso ako na nakatulog na si Det-Det sa gitna ng kama na parang nakagawian na niya ring pwesto dito. Tingnan mong nakatulog na si Det-Det oh, tapos papaalisin ni Desmond.
"Desmond sige na, please?" pakiusap ko pa sa kanya at hininaan ko ang boses dahil baka magising si Det-Det.
"No!"
"Eehh? Bakit ka ganyan Desmond?"
"Sino ang gusto mong makatabi, habibi? Ako o 'yang si Det-Det?" pagpapapili ni Desmond sa akin.
Napatakip ako sa bibig ko.
"Desmond. Syempre ikaw." Di ko na kailangan na pag-isipan pa ang sagot ko doon.
Tumigil si Desmond sa kakapunas sa basa niyang buhok. Katatapos niya lang kasi maligo. At gulat nga siya nang makita na naman si Det-Det na mahimbing nang tutulog sa kama niya.
"'Yan naman pala. E, bakit kailangan na nandidito si Det-Det sa kama kasama tayo?"
"Hala! Baby natin si Det-Det, Desmond, diba?" paalala ko sa kanya.
Nahilamos ni Desmond ang palad sa mukha niya.
"I know that habibi. Pero..."
"Pero?"
"Wala ka nang time sa akin. Di na kita nakakatabi dahil dyan kay Det-Det. Nagseselos na ako."
Napapantastikuhan akong natulala ako kay Desmond at di ko maitikom ang bibig ko sa sinabi niya. N-nagseselos siya sa tuta namin, sa baby namin!
"D-desmond."
"I thought couples do landi, habibi? You said that to me. But look at what happened now? Di mo na ako nilalandi because of Det-Det."
"E-eehh..."
"That is why I made a decision to make a room for Det-Det. Bukas na bukas dadating ang mga taong gagawa sa sariling kwarto ni Det-Det. Yes, baby natin siya at ang baby hinihiwalay ang room sa mga parents niya." Walang bahid na birong wika ni Desmond saka ako tinalikuran at pumunta sa closet niya.
***
Thank you for reading mga beh!!!❤❣😝
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top