CHAPTER 38

This chapter is dedicated to all my beh na laging sumusupport kina Habibi at Desmond!❤❣
-------------------

Chapter 38

Finn Pov

"How was your first day of school, habibi?" tanong ni Desmond sa akin nang makapasok ako sa kotse niya.

In-incline ni Desmond ang kayang upuan saka inalok akong umupo sa kanyang hita.

"Good afternoon, Desmond." Magiliw ko namang bati sa kanya. Napalinga-linga ako sa paligid dahil may mga estudyante na naglalakad at heto si Desmond. Gusto ako umupo sa kanyang kandungan.

"B-baka may makakita sa atin."

Umungol si Desmond. "My car is heavily tinted habibi. Come on, I miss you." aniya sabay tapik sa hita niya.

Napakagat naman ako sa loob ng pisngi ko bago ko nilapag sa backseat ang bag ko na nasa naka kandung sa akin kanina.

Mabilis akong nakatawid kay Desmond at umupo sa hita niya. Lumubo ang bibig ko nang sumentro talaga ang ano ni Desmond sa pwetan ko. Tinutusok ako ng ano niya sa baba.

Ki-niss ako ni Desmond sa leeg bago sa pisngi ko at huli sa labi.

"Okay lang ba ang first day of school mo, habibi? Di ka nahirapan? Walang bumu-bully sayo?" sunod-sunod na tanong niya at gamit ang isang kamay niya ay nikuwagan niya ang suot na dress shirt at sa iyong necktie niya. Ang isa niyang kamay naman ay nakayakap sa akin.

"Okay na okay, Desmond. At may friend na ako. Babae siya Desmond." Pagmamalaki ko sa kanya.

Proud na tumango si Desmond sa akin at hinalkan ako sa labi.

"That's good to hear. Sa subjects mo?"

Napahawak ako sa baba ko. "Okay din naman Desmond at di pa naman mahirap ang mga lessons namin kasi first day pa lang."

"Hmm, always remember that if you're having a hard time with your lessons. Just tell me so that I can help you and teach you."

Niyakap ko ang kamay ko sa leeg niya at tumango. Dalawang beses akong humalik sa pisngi niya at may tunog pa iyon!

"Thank you Desmond."

"Anything for my habibi."

Hehehe! Kinikilig talaga ako kay Desmond!

Gusto ko sanang i-kwento kay Desmond ang  sa sub-teacher namin na si Sir Lerwick kaso baka di rin kilala ni Desmond si Sir. O, baka guni-guni ko nalang din talaga na nakita ko na si Sir Lerwick somewhere.

Kanina rin habang nagka-klase ay napapansin ko ang panay niyang sulyap sa akin. H'wag niyo naman sanang masamain iyan pero pakiramdam ko lang naman. Saka si Suzie ay napansin din iyon. Siya pa nga unang nakapansin noon.

Nais ko mang sabihin iyon kay Desmond kaso ayaw ko naman na sabihin niya na nagf-feeling na ako sa school. Atsaka alam ko ang pinakaayaw at rule ni Desmond.

Paalala niya kasi sa akin na  'Avoid boys.' 'Don't talk or entertain other guys.' Kaso teacher ko naman si Sir Lerwick. Alangan na di ko siya batiin pagnagkikita kami.

Ewan ko kay Desmond nagf-feeling naman na may gustong kumausap sa akin na mga ibang boys. Masyado yata siyang nag-ooverthink ika nga ni Frenny.

---

Dumaan ang linggo at nagsimula na rin ako ma-istress sa klase namin. Sunod-sunod ba naman ang bigay sa amin ng mga reporting, project, quiz, at oral recitations. Parang mauubos yata ang buhok ko nito. Una pa yata akong tatanda kay Desmond.

Gabi-gabi ako nag-aaral at nagsusunog ng kilay dahil ayaw ko naman na ako ang mahuli sa classroom namin. Di ako matalino tulad ng iba na parang gifted na sa katalinuhan pero nagsisikap, nag-aaral ako ng mabuti at nagp-pray lagi. Gusto ko kasing maging proud sa akin sina nanay Susan, tatay Carlos, iyong mga yumao kong mga magulang at si Desmond na siyang gumagastos sa pags-school ko.

Pag may mga mahihirap akong nai-encounter na mga solvings or mga problems ay nagpapaturo ako kay Desmond. Nakakamangha nga na kapag kay Desmond ako nakikinig sa tuwing tinuturuan niya ako ay pumapasok na iyon sa utak ko. Ang galing lang.

"You get this problem, habibi?" tinuro ni Desmond ang isang problem na pina-solve ko sa kanya. Di ko kasi ma-gets iyon kanina.

Naigalaw ko ang pwetan ko na nakaupo sa isang hita ni Desmond. Nandidito kasi kami sa office table niya dito sa lang din sa kwarto namin. Nangalay ako na nanonood lang sa kanya sa pags-solve.

"Hmp! May reporting pa pala ako." turan ko habang nakatingin sa papel ko na puno ng solving ni Desmond.

"Ask your groupmates for help." suggest ni Desmond.

"Ay, divided na iyon Desmond sa bawat member ng grupo namin. By now baka busy rin sila sa kanilang reports."

"Want me to make your report?" Nakakatukso ang alok ni Desmond pero matibay akong umiling sa kanya. Ako ang student at hindi siya, kaya ako ang gagawa n'on. Ayos lang naman kung siya ang gagawa kaso may sarili siyang work, e. Dinisturbo ko nga siya dito.

"Hindi na Desmond kaya ko na ito."

"Are you sure?"

Tumango ako. "Uhm!"

"Okay." anito saka ginulo ang buhok ko at kiniss ako sa labi. Hehehe! Ang landi rin talaga ni Desmond sa akin. Tamang-tama si Dareen nang sinabi niya sa akin na naglalandian ang mga couples. Hehehe!

---

"Ahh!" madramang umungot si Suzie. Kumagat siya sa kanyang ulam na beef steak at ngumuya na parang nagd-daydream. "Shìt! Ang pogi at ang hot talaga ni Sir Lerwick 'no, Finn?"

Tamad akong tumango kay Suzie at di masyadong pinansin ang sinabi. Pogi nga si Sir Lerwick at hot tulad ng sinabi ni Suzie pero mas hot at pogi na pogi pa doon si Desmond. Mas pogi talaga para sa akin ang boyfriend ko. Hehehe!

"Frenny! Shih zhu!" Parang pumanting ang tainga ko nang narinig ko ang boses ni Frenny, Jaheer.

"Jaheer!"

Kapag si Frenny talaga at si Suzie ang nagkita akala mo talaga sila lang ang tao sa lugar at animo'y sila ang may-ari. Last week ko lang pinakilala si Suzie kay Frenny at ang bilis nilang nagka-close parang noong nagkakilala si Dareen at Frenny.

"Tagal mo naman lumabas sa room ninyo." ani agad ni Suzie at binigyan ng space si Frenny sa tabi niya.

"Aish! May meeting ako with my groupmates Shih zhu!"

Natatawa talaga ako sa tawag ni Frenny kay Suzie. Shih zhu raw. Ang kyut!

"Anyways, anong tsini-tsika ninyo ni Frenny kanina at mukha kang u-od." ngiwing tanong ni Frenny kay Suzie saka naman ako tiningnan ni Frenny.

"Were just talking about our sub-teacher in General Chemistry." tsika naman agad ni Suzie.

"Ano bang meron dyan sa guro ninyo 'yan?" Taas ang kilay niyang tanong.

"Ang pogi kasi at ang hot, diba, Finn?"

Tumango lang ako.

"Mas hot pa kay MD?"

"Mas hot pa si Desmond, Frenny." sanla ko naman sa sinabi ni Frenny.

"Bilis kung maka-catch, ha." Patuya ni Frenny sa akin na kinamula ng mukha ko.

Pumagitna si Suzie sa amin ni Frenny dahil mukha naa-out of place siya. Magb-buwan na kaming friends ni Suzie kaso di ko pa nasasabi sa kanya na may boyfriend ako. Di rin kasi namin napag-uusapan ang ganyan ni Suzie. Puro lang kasi siya Sir, Sir, Sir. Tingin ko nga ay crush ni Suzie si Sir Lerwick.

"Teka nga," pigil niya sa amin ni Frenny. "bakit ba kung pag-usapan ninyo si Michael Desmond ay parang kilalang-kilala ninyo. Do I miss with something?"

Maarteng tinikom ni Frenny ang bibig niya.

"Yah! Sagutin ninyo ako, Jaheer, Finn."

"You didn't tell her?" si Frenny sa akin.

"U-uhm."

Bumuntong hininga si Frenny.

"K-kasi... ano... m-may boyfriend na kasi ako Suzie."

"W-wow. Pogi?"

Ngumuso ako at tumango sa kanya.

"Yay! Sana all."

"A-at ang boyfriend ko ay si D-desmond."

Nalukot ang kilay ni Suzie.

"Desmond?"

"Desmond Bunsen." sabay pa naming saad ni Frenny.

"Ay sus! Si Desmond Bunsen lang naman pal—ANO? SI MICHAEL DESMOND ANG--"

Napatayo doon si Suzie at sumigaw kaso mabilis naman ang pagtayo ni Frenny upang takpan ang bibig ni Suzie.

"Aish! OMG! Nakakawala ka ng pose Shih zhu! 'Yang bunganga mo kontrolin mo nga." supil ni Frenny kay Suzie.

Hindi binigyan ng pansin ni Suzie ang sinabi ni Frenny. Nanlaki ang mata ko nang dakmain ni Suzie ang kamay ko sa ibabaw ng mesa.

"Totoo? Si MD ang boyfriend mo?"

Ngumuso ako. "Uhm!"

Binitawan ni Suzie ang kamay ko saka siya impit na napatili at pinagsasampal ang mesa. Kung di siya sinuway ni Frenny ay di yata siya titigil. May pa padyak-padyak pa kasi siya sa paa niya sa sahig. At nakakakuha na siya ng atensyon sa ilang kumakain dito sa canteen.

"Ang kagandahan Shih zhu alagaan mo." suway na naman ni Frenny dito.

"Ahh! Kinikilig ako! Grabe! Akalain mo nga naman na isang Finnick na shy boy pala ang type ni MD. Shocks!" Namumula pa si Suzie. Bumaling siya kay Frenny. "Di ka ba kinikilig doon, Jaheer?"

Umismid naman si Frenny. "Kinikilig. Noong una. Pero ngayon hindi na. Naiinggit na ako."

Walang habas na sinampal ni Suzie ang balikat ni Frenny na kina-angal naman ng isa kong kaibigan.

"Aish! Namimihasa ka na sa pagsampal sa aking Shih zhu ka!"

Binalewala iyon ni Suzie at bumaling sa akin. "Balita ko daks 'yang si MD. Totoo ba 'yan Finn? Ay, sorry sa tanong ko." Bawi naman ni Suzie sa kanyang tanong at tinampal ang sariling bibig.

Tatanungin ko na sana si Suzie kung ano ang Daks nang bigla na namang tumili si Suzie.

"Maganda nga wala namang ka-pose-pose itong babaitang ito!"

Kinalabit ni Suzie ang braso ni Frenny saka may tinuro sa likuran ko.

"Tingnan mo 'yan Jaheer. 'Yan si Sir Lerwick, diba ang hot niya?"

"Omg girl! H'wag mong turuin! Mapaghahalataan ka niyan, e." supil ni Frenny kay Suzie.

"Nakita--"

"O.M.G Super legit naman pala na ang hot at ang pogi ng guro ninyo. Pwedeng pang-ruin me sir!"  May ungol pang saad ni Frenny sa huling tatlong kataga.

Napa-cross arms si Suzie at galit na pinukol ng tingin si Frenny. Talagang naaliw ako sa kanilang dalawa. Hehehe!

"Wala namang agawan ng crush dito, Jaheer."

Inirapan ni Frenny si Suzie at tinaasan pa sa kilay.

"Shih zhu, wala namang tatak 'yang Sir Lerwick ninyo na property mo siya. Kaya pwedeng-pwede na maagaw."

"Yah! Akin nga sabi na iyon. Humanap ng iyo, Jaheer. Nang-aagaw ka na ng asawa ko."

"Aish! Pinakita mo na sa akin, e. Kaya, be the best bitch win." hamon ni Frenny kay Suzie na kina-alburuto naman nang huli.

At ayon, humalumbaba nalang ako sa mesa at tiningnan sina Jaheer at Suzie na nagtatalo tungkol kay Sir Lerwick. Wala naman akong problema doon dahil meron na akong pogi at hot na boyfriend. Hehe! Ang swerte ko pala kay Desmond.

Nang mag-uwian ay sumabay sa akin si Suzie. Gusto niya raw makilala sa personal si Desmond. Kinikilig pa siya dito sa tabi ko. Nang makita ko na ang kotse ni Desmond na paparating ay awtomatik na lumapad ang ngiti ko.

Bumaba ang salamin sa kotse ni Desmond na nasa banda namin ni Suzie.

"Yay! Ang ganda na nga ng love life. Ang ganda pa ng kotse ng boyfriend, Bugatti." bulong ni Suzie sa tabi ko. Hula ko ay pinuri niya kotse ni Desmond.

"Get in, habibi." sumilip sa amin si Desmond at napatampal naman sa kamay ko si Suzie.

"Sige na. Pumasok ka na. Nako-kornehan ako sa totoo lang sa tawagan ninyo Finn. Kaso kapag si Desmond ang nagsabi ng habibi bakit parang ang expensive?" Tiling wika niya.

Hinila ko si Suzie. "Desmond, ito pala si Suzie. Iyong friend ko na kinukwento ko sayo." pagpapakilala ko kay Suzie kay Desmond.

Hindi ko naman aakalain na ba-baba si Desmond sa kotse at pormal na nagpakilala kay Suzie.

"Desmond, Finn's boyfriend. Thank you for being nice and thank you for taking care of my habibi."

Namula ng husto si Suzie at halos magtalon-talon nang tanggapin ang kamay ni Desmond.

"Shocks! It's my pleasure po. Di ko po pinapadapuan ng lamok si Finn dito sa school." pabiro pang turan ni Suzie.

"Thanks. Gusto mo bang sumabay na sa amin?" alok ni Desmond saka ginapang ang ang kamay sa baywang ko at hinalkan ako sa noo.

"Hindi na po. May sundo po ako." mariing tanggi ni Suzie kay Desmond.

"Mauna na kami Suzie. Mag-iingat ka."

Nagbeso pa kami ni Suzie saka humiwalay siya sa amin.

---

Nang sumunod na araw ay umabsent si Suzie. Nagkatrangkaso raw kaya di pumasok. Napaka-lonely ko tuloy sa school. Mabuti na lang nang mag-lunch ay sabay kami ni Frenny. Kahit na college na si Frenny at may distansya ang building namin ay sinasabayan talaga ako ni Frenny sa lunch ko. Nagtataka nga ako kung may iba bang friends itong si Frenny maliban sa akin at nila ni Suzie, Clayton, at Dareen.

Uwian na at bigla akong nagutom kaya tumawid ako sa daan upang makabili nang pwede kong i-snack. Mabuti na lang at may nagbibinta ng mga pagkain dito sa labas ng school. May mga food truck at mga iba pang food stall.

"Isang burger with cheese po."

Ilang minuto ay naibigay na sa akin ang burger ko. Tumalikod ako doon at ngumatngat ako doon kahit na mainit-init pa dahil gutom ako. Nakaramdam ako na may nakatitig sa akin kaya napalingon ako sa gawi na iyon at nakita kong nakatingin sa akin ay si Sir Lerwick pala.

Bahagya akong yumuko. "Good afternoon po sir."

Ngumiti sa akin si Sir Lerwick saka tumabi. Bitbit niya ang drinks niya. Dumistansya naman ako.

"Wala pa ang sundo mo, Finnick?"

Tumingin ako sa harap namin ni Sir Lerwick.

"Opo."

Napalingon na naman ako sa kanya ng maramdaman ko na naman ang titig niya sa akin.

"May rumi po ako sa mukha ko?" natanong ko.

Umiling si Sir Lerwick sa akin.

"Nothing. I just can't help it but to stare at your face. The first time I saw you back then in our classroom, I knew I saw you somewhere, and I'm not wrong. I really saw you before." pahayag sa akin ni Sir Lerwick.

Naibaba ko tuloy ang burger ko at napakunot ng noo sa kanya.

"Po?"

"What I mean is, nakita na kita before."

Ginapangan ako ng kaba at takot sa sinabi ni Sir Lerwick. Di kaya isa siya sa nanakawan ko noon? Gusto kong umalis sa harapan ni Sir Lerwick kaso di ko naman maigalaw ang mga paa ko.

"N-nakita po sir?"

"Yes, way back in Boracay last year. I bumped into you."

Nakahinga ako ng maluwag doon. Pumaskil ako ng ngiti sa labi ko. Pilit kong hinukay ang mga alaala ko sa Boracay kung nakita ko ba si Sir Lerwick kaso di ko siya maalala.

"H-hindi po kita maalala sir."

"That's understandable. Matagal na 'yon. Pero ako di kita makalimutan. Nabangga kita n'on and I was about to introduce myself to you when your man called you."

"Ay!" Parang may nagbell sa utak ko at naalala ko ang bagay na iyon. "Oo nga po. Naalala na kita. Ikaw pala iyon."

Di ko naman kasi masyadong nakita ang mukha niya noon kaya siguro hirap akong alalahanin ang mukha niya. Napatango-tango ako sa ulo ko saka nilayo ko ang tingin ko kay Sir Lerwick. Ang ganda naman ng memorya niya at naalala niya pa iyon.

Muli akong kumagat sa burger ko. Muli akong tumingin kay Sir Lerwick upang magpaalam na sa kanya na babalik na ako sa pwesto ko kung saan ko hinihintay si Desmond. Kaso napa-atras ako ng itaas ni Sir ang kamay niya pero umabante naman siya tungo sa akin. At nasa tapat na ng labi ko ang kamay niya particular ang hinlalaki niya nang may kamay na humawak doon.

"Hands fùcking off." Kalmado ngunit may diing untag ng bagong dating na lalaki at ang lalaking iyon ang ang boyfriend ko, si Desmond.

Binagsak ni Desmond ang kamay ni Sir Lerwick.

Wala sa sarili akong napapunas sa bibig ko at lalapit na sana sa kanya ng walang habas niya akong kinabig sa kanyang gilid.

"Sorry. I just want to clean his--"

"There's no need to." putol ni Desmond kay Sir. Hala! Ang bastos niya naman kay sir. Ibagsak pa ako nito dahil kay Desmond, e.

Hinila ko ang tela ng damit ni Desmond kaya napababa siya ng tingin sa akin.

"Teacher ko siya." bulong ko sa kanya.

Tinaasan niya lang ako sa kilay niya.

"I don't give a dàmn, habibi. Teacher 'yan, ako may-ari ng school."

"Ehh?" Walang ka-connect-connect naman itong pinagsasabi niya, e.

"Let's go home." umiigting pangang saad ni Desmond at hinawakan ang sa palapulsuhan ko.

Hinala na ako ni Desmond papalayo pero nagawa ko pa ring lingunin si Sir Lerwick at mag-wave sa kanya at nag 'goodbye'.

Walang imik akong pinagbuksan ni Desmond ng pintuan sa kotse niya at napatalon pa ako sa lakas ng pagkakasara niya n'on. Sa buong byahe namin tungo sa bahay niya ay tahimik lang siya at panay pa ang hampas niya sa kanyang manibela. Gusto kong kausapin si Desmond kasi mukhang di siya makakausap ng maayos sa lagay na 'yon. Mukhang galit talaga siya.

Hindi ko alam kung ano ba ang kinagagalit niya. Hanggang sa gumabi na ay wala pa rin kaming imikan ni Desmond.

"Nag-away kayo anak?" Pati si nanay Susan ay nakahalata na. Matapos kasi ang dinner namin ay umalis nalang si Desmond ng walang imik at dumiretso sa kanyang silid.

"Ewan ko 'nay. Bigla nalang siya nagkaganon. Di na niya po ako iniimik." Ang babaw ko talagang tao dahil naluluha agad ako. Sinagot ko lang naman ang tanong ni nanay pero ang luha ko gusto nang kumawala.

"Mukhang nagseselos lang iyong alaga ko anak. Kanina habang kumakain ka ay panay naman ang tingin n'on sayo. Ang tanda na n'on pero pinapairal pa ang pride niya. Akyatin mo na iyon sa itaas. Bibigay din naman iyon kaagad."

Ngumuso ako kay nanay Susan.

"Maghuhugas muna ako ng pinagkainan nati--"

Pinigil ako ni Nanay.

"Ako na dito. Suyuin mo na iyong alaga kong kulang yata sa pansin."

Nagpasalamat ako kay Nanay Susan saka pumanhik sa taas. Naghalf-bath muna ako sa silid ko at naghibis bago pumunta sa silid ni Desmond.

Ilang minuto pa ang nilagi ko sa labas ng room ni Desmond dahil natatakot pumasok doon. Pero sa huli ay dahan-dahan kong pinihit ang busol ng pintuan saka pumasok. Nakita kong abala si Desmond na nasa kama na niya.

Umakyat ako sa kama at nag-frog sit sa tabi niya. Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko sa harap.

"D-desmond."

"Hmm?" suplado niyang ugong.

"Kausapin mo naman ako Desmond." wika ko. Ni hindi niya ako kinamusta kanina. Ni hindi niya ako kiniss kanina.

Nululuha na naman ako.

"I'm busy." maikling tugon niya at di man lang ako binigyan ng kahit na konting sulyap sa tabi. Ang lamig pa ng mga responses niya sa akin.

Lumabi ako upang pigilan ang luhang namumuo.

"Galit ka sa akin Desmond?" pangungulit ko pa sa kanya.

"No." aniya pero taliwas naman iyon sa tono ng boses niya.

Huminga ako ng malalim at dumukwang sa kanya upang bigyan siya ng halik sa pisngi niya. Mukhang busy nga siya kasi di niya ako magawang tingnan kahit saglit. Napaka-importante siguro noong mga papel na binabasa niya. Di ko rin naman siya maiintindihan kasi work niya iyon.

"Goodnight, Desmond." ani ko sa kanya bago tumalikod at humiga sa kama ng nakatalikod sa kanya.

Sumikip ang dibdib ko sa kanyang mga tugon sa akin. Ang lamig niya sa akin. Ni hindi niya ako kiniss at hindi siya nag-goodnight sa akin.

Pinalis ako ang luhang tumulo sa mga mata ko at nagtulakbong sa kumot. Nasasaktan ako sa pakikitungo ni Desmond sa akin. Dahil ba ito kanina noong nakita niya kami ni Sir Lerwick? Nag-uusap lang naman kami, e. Saka teacher ko siya.

Palihim akong umiiyak sa ilalim ng kumot at binaon ko ang mukha ko sa unan upang di ako marinig ni Desmond.

Ilang saglit pa ay napatihaya ako nang may kumuha sa kumot sa akin. Nanlaki ang mata kong si Desmond iyon at umiigting ang panga niyang nakatutok sa akin.

"D-desmon--"

"Fùck! Dàmmìt! Habibi. I'm so sorry. I'm sorry, habibi." litanya ni Desmond saka ako niyakap.

Hinagkan niya ang ulo ko at bumulong ng mga sorry sa akin. Napanguwa tuloy ako at yumakap sa kanya.

"Sorry habibi. I'm such an idiot! Sorry. Fùck!"

"Hindi ka galit sa akin Desmond?" tanong ko habang niyayakap niya ako.

"Of course hindi ko kayang magalit sa habibi ko."

"Hindi ka talaga galit?" tanong ko ulit nang matapos niya akong yakapin. Pero di pa rin siya umaalis sa ibabaw ko.

Tumitig siya sa akin. Hindi pa man makasagot sa akin si Desmond ay nagsalita na ako.

"Gusto mo ba sakyan kita Desmond para di ka na magalit?"

"Jesus!" ungot ni Desmond at niyakap ako muli. Siniksik niya ang ulo sa leegan ko. "H'wag mo talaga akong simulan sa ganyan habibi kung ayaw mong padapain kita."

"Sabi kasi 'yan ni Dareen, Desmond." paalala ko sa kanya.

"I'm not galit habibi. Nagseselos lang ako. Nagseselos lang ako kanina. Tangina!"

"Kay Sir Lerwick, Desmond?"

"H'wag mo ng banggitin ang pangalan niya, habibi." angal niya at niyapos ako.

Napangiti nalang ako doon. Hindi pala siya galit sa akin kaya ayaw niyang sakyan ko siya. Nagseselos pala siya kay Sir Lerwick.

"Uhm!"

Kinabukasan ay hinatid ako ni Desmond sa school ko at magaan na magaan ang pakiramdam ko dahil sa nangyari kagabi. Napakamaaliwalas ng paligid ko dahil okay na okay kami ni Desmond.

Malapad ang ngiti ko sa pagpasok ko sa school. Hanggang sa dumating ang lunch break ay masayang-masaya ako. Nagpromise din kasi sa akin si Desmond na lalabas kami sa Sabado. Hehehe!

Galing akong banyo at nagt-text ako kay Desmond kasi hindi siya sumasagot sa tawag ko. Kaso wala rin naman siyang reply sa akin. Sinubukan ko ulit siyang tawagan kasi malapit na ring mag-1pm kaso di rin siya sumasagot sa tawag ko.

Baka busy siya. Ani ko nalang sa sarili at sinilid ko ang cell phone sa bulsa ko.

Pagdating ko sa classroom ay nakunot ko ang noo ko nang tingnan ko si Suzie na pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa cell phone niya.

"May problema ba Suzie?" tanong ko at umupo sa silya ko.

Nataranta siya. "W-wala Finn..." sa pagkataranta niya ay nahulog ang cell phone niya. Tumapat iyon sa akin at ako ang unang nakapulot n'on. Ibibigay ko na sana sa kanya iyon nang makita ko ang bidyo sa telepono niya.

Malakas ang hampas ng puso ko sa loob at nanggilid ang luha ko. Napakagat ako sa labi ko.

"Ay, bakit may ganito?" sambit ko habang nakatingin sa screen ng telepono ni Suzie. Si Desmond kasi iyong nasa bidyo at may kahalikan siyang babae na nakapatong pa sa hita niya. Nanikip pa ng husto ang dibdib ko dahil sa damit na suot ni Desmond. Ito kasi ang suot niya ngayon araw.

***
Thank you so much for reading mga beh! Mwuaah!!!😍❣

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top