CHAPTER 36
Chapter 36
Finn Pov
Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa tempura namin ni Frenny na unti-unti nang maluluto. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang ulit ko na itong buntong hininga pero ang pakiramdam ko ang bigat-bigat ng dibdib. I really miss him. I really miss Desmond.
Tatlong araw na siya doon sa ibang bansa at kahit na pinapadalhan niya ako sa mga pictures niya doon kada oras. Miss na miss ko pa rin siya. Iba kapag nandidito siya.
Nilagay noong tindero ang tempura namin ni Frenny sa plastic cups at binigyan ng stick. Kung nandidito lang si Desmond ipapatikim ko sa kanya itong masarap na pagkain na ito. Bago lang namin na discover ito ni Frenny dito sa labas ng Marcet Village pero ang sarap pala.
"Two buko, kuya, please." rinig kong saad ni Frenny doon sa tindero.
"Ano ba 'yan Frenny! Tigilan mo na iyong kakabuntong hininga mo kung hindi ibubuhos ko itong buko sayo." suway na ni Frenny sa akin at binigay ang cup na may lamang buko.
Pumasok kami sa village at tumambay sa parang waiting shed na malapit lang sa exit at entrance ng MV. Sa tabi naman nito ay ang playground na may slide at sa tabi ay ang basketball court.
"Miss ko na si Desmond, Frenny." usal ko at tumusok sa tempura.
Narinig ko ang bayolenteng pagpakawala ng hininga ni Frenny.
"Bakit di mo sabihing miss mo na siya at gusto mo nang umuwi siya dito?"
"Ay? Trabaho naman kasi ang pinunta niya doon Frenny. Nakakahiya naman na sabihin ko iyon. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon ni Desmond, Frenny, e. Kaso lang--"
"Wala nang hugs at kisses?"
Napanguso lang ako kay Frenny at kinain ang tempura ko. Tumingin ako doon sa playground at nakita ko ang mga bata doon na masayang-masaya na naglalaro.
Bigla nalang pumasok sa isip ko na paano kaya kung ipagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Tapos gusto ko kapag nag college na ako. Gusto kong kunin na course ay iyong magtuturo ka. Iyong teacher, teacher ng mga grade school. Mas gusto ko kasi ang mga bata.
Dati tinanong ako ni Desmond kung ano ang gusto maging o ano ang pangarap ko pero wala akong masagot sa kanya kasi wala naman talagang pumasok noon sa isip ko. Ngayon meron na. Ngayon may pangarap na akong gusto. At gusto ko iyong sabihin sa kanya. Gusto kong ibalita iyon sa kanya dahil sinabi niya rin kasi sa akin n'ong nasa Boracay kami na kapag may dreams na ako ay sabihin ko daw sa kanya
"Frenny, what are you looking at? Don't tell me gusto mo nang magka-anak?"
Muntik na akong mabulunan sa kinakain ko dahil sa sinabi ni Frenny. Sinamaan ko siya ng tingin at ngumuso.
"Hindi 'no. Ayaw ko kaya. Iniisip ko lang na ipagpatuloy ang pag-aaral ko Frenny."
Nagpapunas siya sa gilid ng kanyang labi. "Really? Gusto mo nang mag-aral Frenny?"
Tumango ako. "Uhm!"
"That's good para ipagpatuloy ko na rin ang pag-aaral ko."
Oo nga pala tumigil si Frenny sa kanyang pag-aaral.
Masaya ang pag-uusap namin ni Frenny tungkol sa pag-aaral pero nang mabanggit niya ang pangalan ni Desmond ay bigla ko na naman naisip si Desmond at nalungkot. Ang tagal naman kasi niya. Sabi niya two weeks siya doon sa ibang bansa. Tapos ngayon na three days pa nga siyang waka dito halos gusto ko nang ngumuwa kapag nagc-call kami. Pakiramdam ko unti-unti na ngang nawawala ang amoy niya sa kanyang silid. Oo kahit na wala si Desmond ay doon ako natutulog. Sabi niya kasi at iyon din ang gusto ko.
"Hey! Finn, Jaheer my dearest!"
Nagtagpo ang kilay ko at nilingon ang pinanggalingan ng boses. Si Dareen kasama ang kanyang pusa? Wow!!! Ang cute naman ng pusa ni Dareen. Ang puti at ang ganda ng mata!
"Dareen!" Tawag din ni Jaheer.
Hindi ko nabati si Dareen dahil sobrang naaliw ako doon sa kanyang pusa na dala-dala. Kahit papaano ay nawala ang pangungulila ko kay Desmond dahil sa alagang pusa ni Dareen na ang ganda!
"Hala! Ang ganda ng pusa mo Dareen!" ani ko at napahimas doon sa kanyang pusa.
"Of course, sino ba naman ang owner? Maganda ako kaya dapat kasing level ko rin ang ganda ng alaga ko." pagmamalaki ni Dareen na di ko man lang pinagtuonan ng pansin.
"Hehehe! Ang cute naman. Anong name niya?"
"Snow!"
"Hi, snow!" Bagay na bagay dito ang pangalan niya. Kasing puti rin nyebe ang balahibo nito. Nakakaaliw naman!
Ngumuwa naman iyon. Hehehe ang cute talaga.
"Anyway, anong tinatambay ninyo dito?" untag ni Dareen sabay bagsak sa kanyang katawan sa tabi ni Jaheer.
Pinahawakan ni Dareen si Snow sa akin at galak ko naman iyong tinanggap! Hehehe.
"Nilabas ko 'yan dahil magmumukmok sa bahay ni Desmond. Miss na miss na niya raw kasi."
"Why?" intriga naman ni Dareen kay Frenny pero doon lang ako naka focus sa pusa.
"My business trip or something lang daw na pinuntahan si Desmond sa ibang bansa. Tatlong araw nang wala at 'yan. Nagmumukmok kasi nami-miss na niya."
"Omg! Baka naghanap na iyon ng iba!" maarteng saad ni Dareen na kinaangat ng tingin ko sa kanila.
Sinamaan ko ng tingin si Dareen. Ang sama niya kay Desmond!
"Ay, hindi 'yan gagawin ni Desmond. Hindi siya ganyan. At nagpromise siya sa akin." pagtatanggol ko kay Desmond laban kay Dareen.
Ngumiwi si Dareen sa akin. "Tsk! Bakit di mo nalang kasi iyakan Finn. For sure lilipad na iyon pauwi."
Lumabi ako kay Dareen at lumaylay ang balikat. Ayaw ko gawin iyon. Baka isipin ni Desmond na ang immature kong boyfriend sa kanya. Saka nagw-work kasi siya doon. Kaya naiintindihan ko naman. Hindi na ako sumagot doon dahil mabigat talaga ang dibdib ko sa pagka-miss kay Desmond.
"Okay, ganito nalang. Bakit di ka mag-walwal muna Finn. You know chill-chill at para na rin makaranas ka ng new environment."
Nagkabuhol-buhol ang utak ko sa sinabi ni Dareen. Hindi ko siya maintindihan. Anong wal-wal?
"Yeah, I agree." Pagsakay naman ni Frenny kay Dareen.
"Huh?"
"Bar hopping tayo?"
"B-b-bar hopping? Ano 'yan? Baka magalit si Desmond." nakanguso kong sambit.
Tumaas ang kilay ni Dareen at bumuntong hininga. Tumikhim siya.
"Eherm! Alam mo Finn paminsan-minsan dapat ay nagla-lay low tayo sa mga bagay-bagay and try new things. And based on my observations di ka pa nakatapak sa bar, am I right?" Napahaplos ako kay Snow na nasa kandungan ko at tumango kay Dareen. Hindi pa nga ako nakapunta sa lugar na iyon. Palaruan ba 'yan?
"Perfect! Dapat ma-try mo ang magbar Finn. Ako nga dati suki sa mga bar. Kilalang-kilala ang isang Dareen Hernane sa mga bar kahit saang lupalop ka man ng Pilipinas!"
---
At ngayon nakita ko nalang ang sarili ko na nakatanaw sa napakaraming tao. Hala! Gusto kong takpan ang mga mata ko nang may nakita akong nagk-kiss sa isang sulok. Si Dareen at si Jaheer sa tabi ko ay sabay na napasigaw at kaway-kaway sa kanilang mga kamay sa ere at umindak pa.
Alas nuebe na na nang gabi at ewan ko kung bakit ngayon pa kami pumunta sa lugar na ito. Parang luluwa na ang puso ko sa lakas ng tugtog at nahihilo ako sa mga ilaw. Hindi ako sanay. Inakay ako nina Dareen at Jaheer saka kami lumusong doon sa dagat ng tao. Pero infairness ang babango nila. Amoy... amoy mayayaman e. Pero nahihilo ako sa mga strobe lights.
"Ito muna ibigay natin sa student natin dahil baguhan pa." ani Dareen.
Napanguso ako. Nakiki-student na rin siya sa akin. Akala ko si Frenny lang ang teacher ko. Hmp! Wala naman silang mga lessons na tinuturo sa akin. Kiniling ko ang ulo ko saka tumitig doon sa parang juice na bigay ni Dareen sa akin.
"Pwede ako uminom nito?" tanong ko sa kanilang dalawa ni Jaheer.
Sabay silang napababa sa kanilang mga baso at umirap.
"Of course | Yes!" sabay nilang sagot sa akin.
Pasimple ko iyong kinuha at inamoy. Natuwa naman ako nang malanghap ko ang amoy noon. Ang bango! Parang juice nga e. Sumipsip ako doon at napapikit ako nang dumaan ang init at tapang noon sa lalamunan ko. Pero masarap na naman siya kapag nagtagal-tagal na.
"Order ka lang dito Frenny, ha. Sa dance floor lang kami. Don't worry dyan lang kami sa mababantayan ka namin, okay?" paalam ni Jaheer.
"Uhm!"
"Wait, di ba natin papasayawin ito?" ngiwing wika ni Dareen at tinuro pa ako.
"Sa susunod nalang Dar."
"Okay, pero mabuti na rin iyong may skills siya sa pagsasayaw just in case pasayawin 'yan ni Desmond, prffft!"
Hindi ko nalang pinakinggan si Dareen at tiningnan ko lang sila na umalis. Hindi ako sasayaw kay Desmond dahil si Desmond na ang sumayaw para sa akin. Hehehe!
Ngumiti ako nang kumaway sa akin si Jaheer na nasa dance floor? Tama ba iyon?
Habang tumatagal ay napapa-head bang na rin sa music. At panay na rin ang tunga ko doon sa inumin ko. Hanggang sa ang isang baso ay nasundan ng isa at dalawa at tatlo hanggang sa di ko na mabilang. Ang sarap kaso n'on e. Parang di ka nalalasing pero kalaunan ay 'yong paningin ko parang umiikot na iyong mga tao at naghahalo na ang mga mukha nila sa paningin ko. Ay, anong nangyayari? Magic? May magic na ako? Hehehe!
"O.M.G!!!"
"Gosh! He's... oh my gosh! He's drunk, Jaheer? Oh no!"
"F-finn? Frenny?"
"Dahil sayo 'tong bakla ka. Bakit di mo binantayan ang alaga natin? Oh my gosh! He is really wasted!"
Narinig kong mga sambit nina Dareen at Frenny pero wala na akong pami doon. Sinu-swing ko na ang ulo ko habang pikit ang mata ko at para na akong lumulutang sa ere. Hehehe! Nakakalipad na ba ako? Ang saya naman! Pwede ko na bang liparin nito si Desmond? Kaso di ko naman alam kung saang bahagi na siya ngayon ng mundo.
"We're really busted if Desmond finds out about this!" rinig kong saad ni Jaheer.
Dahil doon nakamulat ako at napalinga-linga sa paligid ko. Si Desmond daw.
"Asan si Desmond? Asan? Desmond!!! Deshhmond!!!"
"Shìt!"
"Huwah!!! Desmond! I misshhyouu! I misshhyouu Desmond!!"
Desmond Pov
Kanina pa ako contact nang contact kay Finn at nagsimula na akong mainip. Hindi siya sumasagot sa tawag ko. Hindi ko rin naman siya matawagan through messenger or through facetime because he's not on the line. For my three days here in Abu Dhabi ngayon lang ito nangyari. For the first time hindi siya naghintay sa tawag ko. Inulan ko na ng mga self pictures ko ang messenger niya pero wala pa rin.
Napatayo ako sa swivel chair ko at humarap sa towers na katabi ng company ko. Mula dito ay natatanaw ang iba't ibang towers. Magandang tanawin iyon pero naiinis na ako. Hindi ko talaga ma-contact si Finn. Tatawagan ko na sana ang landline ng bahay kaso lang alam kong gabing-gabi na rin doon.
Nabuhayan ang dugo ko nang makita kong online na siya. Tatawag na sana ako sa kanya nang tumawag na siya sa akin via messenger call.
"Dessshhmond?"
"What the fùck! Habibi? Habibi?"
Napalakad-lakad ako dito sa loob ng opisina ko habang naghihintay ng response niya. Dàmmìt! Lasing ba siya? Fùck!
"Desshmond, huhuhuhuhu. Desshhmond! Huwahh!!! Deshhmodd, I misshhyou!"
Tinatawag ko siya pero umiiyak lang siya at laging sinasabi ang 'I miss you' habang patuloy sa pag-iyak. Kahit na anong gawin kong kuha sa atensyon niya ay di siya nakikinig sa akin. The fùck!
Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong nasa kwarto ko siya. At least alam kong safe siya dyan. Nahabag naman ako nang makita kong namumula na ang mga mata, ilong, at pisngi niya. Naghahalo na ang siguro ang sipon niya at luha. Pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak at tawag sa pangalan ko. Dàmn!
I saw how he pushed his phone against his chest as if hugging his phone and cried.
Lumapit ako sa telephone at tinawagan ko ang assistant ko.
"Get my plane ready. I'm flying to the Philippines right now."
"S-s-sir, I'm afraid that you're mother won't--"
"Who's your boss?"
"But you have an important client to meet tomorrow, sir, and the executives of Sharafudd--"
"I have an emergency in the Philippines. And it's more important than closing a deal with the Sharafuddins."
I heard and deep sighed on the other end. "Okay, sir."
Finn Pov
Pagkagising ng diwa ko ay sumalubong agad sa akin ang pagod, sakit lalamunan, kumukulong tiyan, at mabigat na ulo at para akong nahihilo. Hala! Buntis na ba ako? Diba iyon ang mga symptoms kapag buntis ang isang tao?
I tried to move my body and dragged myself out of bed, but I felt something heavy and warm. I smell something familiar: masculine perfume. Amoy... a-amoy Desmond!
Habang pikit pa ang mata ko ay napasinghap ako doon sa panlalaking amoy na parang amoy Desmond! Nananaginip ba ulit ako? Nanaginip kasi ako nakatawagan ko si Desmond, e. Panaginip na naman ba ito? Huwah! Miss na miss ko na talaga siya.
Kaya kahit na kumakalam na ang sikmura ko ay nanatili akong nakapikit. Mas yumukyok pa ako at dinama ang mainit na naramdaman. Ayoko kong idilat ang mga mata ko. Natatakot akong idilat ang mata dahil baka pagdumilat mawala na naman ito.
"Habibi?"
Mariin kong pinikit ang mata. Ayaw kong magpadala sa tentasyong dala nang boses na iyon.
"Habibi?"
"Hmp!" ka ko at diniin ang pagkakapikit sa mga mata ko.
"Aren't you hungry? Are you feeling well?" malambing na tanong noong boses ni Desmond.
Napaigik ako nang maramdaman ko ang pagyakap noon sa akin. Naramdaman ko ang mainit na kamay na naglakbay sa likod ko at doon na ako napamulat. Sa lahat ng panaginip ko ay di ko kasi iyon naramdaman. Sa lahat ng panginip ko di ako hinahawakan ni Desmond e.
"D-desmond?" Nanginig ang boses ko at lumubog ang paningin ko sa luhang namumuo. Totoo ba ito? Si Desmond ba itong nasa tabi ko?
"Hey! Why are you crying?" siya at pinunasan ang luhang umagos mula sa mata ko.
"Huwah! Desmond!!" Tinapun ko ang katawan ko kay Desmond. "Totoo ba ito? Naka-uwi ka Desmond?"
Yumakap sa akin si Desmond pabalik. Ngumuwa ako sa sobrang saya ko na umuwi na siya. Wala akong paki kung wala akong toothbrush. Wala akong paki kung mabaho ako. Wala akong paki kung di pa ako nakakapaghilamos basta nandidito na si Desmond!
"Yeah, umuwi ako kasi umiiyak ang baby ko."
Awtomatik akong napatigil sa pag-iyak nang marinig ko ang sinabi ni Desmond. A-anong baby niya? May... may baby na si Desmond?
Agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at umahon sa kama. Nag-frog-sit ako at napailing-iling. Di ako makapaniwala sa sinabi ni Desmond.
"M-may baby ka na Desmond? Bakit may baby ka Desmond?"
"Habibi--"
"Salawahan ka Desmond! Niloloko mo ako!" Dinuro ko siya.
"Jesus! Habibi, it's not like that. What I mean is--"
"Nagkiss ka sa iba Desmond?"
"Fùck! Of course not habibi. Wala akong hinalikan na iba. Ikaw lang! And... Jesus! Wala akong baby okay? What i mean is umuwi ako dito because I miss you too. And I don't want you to cry here because you miss me."
"Ay! Ganoon ba iyon? Wala ka talagang baby?"
"Ikaw ang baby ko."
Inilingan ko si Desmond. "Di pwede Desmond. Ang tigas ng ulo mo. Couple tayo at di mo ako pwede maging baby."
"Prft! Yeah, yeah. So please, hug me now, habibi. Hug me because I fùcking missed you so much!"
Pinalobo ko ang bibig ko at agad na yumakap sa kanya. Napansin kong nakabusiness attire pa si Desmond pero di ko na iyon pinansin. Basta nandidito na siya at wala siyang baby. Kinabahan ako doon dahil sabi niya umuwi raw siya dahil umiyak ang baby niya. Tsaka di nag-iisip si Desmond. Sabihin ba naman niya na baby niya ako. Nakalimutan ba niya na couple kami? Hmp!
Si Nanay Susan at Tatay Carlos ay gulat na gulat na nang bumaba ako na kasama si Desmond. Sabi nila ay napa-aga raw ang uwi ni Desmond dito.
"So, tell me habibi kung sino ang kasama mong uminom kagabi?"
Halos mabulunan ako sa tanong ni Desmond. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Ayaw kong sabihin sa kanya. Ayaw ko! Ayaw! Baka magalit sina Frenny at Dareen sa akin.
"A-ako lang."
"Really?"
"O... O-oo."
"I have checked your phone. I saw your frenny and Dareen's messages, huh."
Hilaw akong napatingin kay Desmond. Ngumiti ako pero tinaasan niya lang ako sa kanya kilay.
"Sorry. Sorry na please. Promise nagtry lang din ako doon Desmond. Saka di pa kasi ako nakakapasok sa bar Desmond. Diba kapag nagd-date tayo puro lang tayo sa hotel at mga mamahaling restaurant."
Bumuntong hininga si Desmond. "Wala sa bukabularyo ko na dalhin ka sa bar sa date natin habibi."
"Masaya naman doon Desmond."
"Hindi masaya doon."
"Masaya nga."
"It's not."
"Masaya!"
"It's not!"
"Ano ba 'yan! Kumain na kayo dyan Desmond at ito na ang gamot sa sakit ng ulo mo anak." Naputol ang pagtatalo namin ni Desmond nang sumingit sa amin si Nanay Susan.
"Thank you nanay!"
---
Kakauwi lang ni Desmond galing sa kanyang trabaho at ako ang naghubad sa kanyang long sleeves habang nakapatong ako dito sa sink sa banyo niya.
Kanina ay nakapag-usap kami ni Frenny at nabanggit ko ba raw kay Desmond ang tungkol doon sa aking plano na pag-aaral. Ayaw ko naman talaga iyong sabibin kay Desmond. Gusto ko lang sabihin kay Nanay Susan pero boyfriend ko naman si Desmond kaya sasabihin ko na rin ito sa kanya.
"Desmond."
"Yes, habibi?"
"G-gusto kong mag-aral ulit."
Sandaling natigilan si Desmond. "Really?"
"Uhm! Saka na-realized ko Desmond na gusto kong magturo. Gusto ko magturo sa mga bata."
"A teacher?"
"Oo Desmond."
Bigla akong hinalikan ni Desmond. "Okay, next school year we'll enroll you. I'm so proud of you habibi. I love you!"
Para akong binudburan ng asin sa sinabi ni Desmond. Parang first time yata ito na sinabi ni Desmond sa akin. Namula ang pisngi ko at lumabi sa kanya.
"I-I love you too, Desmond."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top