CHAPTER 35
Chapter 35
Desmond Pov
"Pùtangina! Pakawalan niyo ako dito! Kung sino kayong nga hayop kayo sinasabi ko. Pagbabayaran niyo ang pagdukot ninyo sa akin!"
Walang emosyon kong tiningnan ang tiyuhin ni Finn. Sigaw siya ng sigaw pero wala namang nakakarinig sa kanya dito ngayon maliban sa amin. Nandidito kami sa isang bodega namin dati ng mga armas pero nasunog ito noon kaya di na naalagaan. Malayo ito sa syudad at walang mga bahay na malapit. At nasa gitna ng kagubatan.
Kaya kampanting-kampanti akong pinapanood siyang nagwawala sa pagkakatali ng mga kamay niya. Nakatayo si Romando at nakatali ang mga kamay niya sa itaas. Ang isang paa niya naman ay di niya magagamit dahil pinalayan ko na siya kanila. Naka piring rin siya at naghahalo ang dugo at pawis sa katawan niya.
Binalik ko sa bibig ko ang sigarilyo at humakbang tungo sa kanya.
Yumuko at umusal sa kanyang kabilang tainga. "Do you know me?"
Halos mataranta siyang lumingon sa akin. Ngumisi ako.
Tumayo ako ng maayos at bumuga ng usok sa kanyang mukha dahilan para maubo siya.
Nasundot ko ang loob bibig ko gamit ang dila ko saka muling binalik ang sigarilyo sa bibig at kinuha ko ang isang kutsilyo sa likod ko. Nilandas ko sa pisngi niya ang kutsilyong hawak ko at natulos siya sa kanyang pwesto.
"S-sino kang gagò ka!!!" Naginginig niyang wika pero nagtapang-tapangan pa rin.
"Me?" wika ko at tinuon ko ang matulis na dulo ng kutsilyo sa baba niya.
Napasigaw siya ng nilagyan ko ng pwersa ang kamay ko at bumaon ang dulo ng kutsilyo doon. Dumaloy agad ang dugo niya sa kutsilyong hawak ko.
"Ako ang maghahatid sayo sa kamatayan mo."
"M-mga pistì!"
"Tuluyan mo na 'yan Desmond! Nakakarindi na ang boses niya, ah." Iritadong sabi ni Colt sa tabi.
Nakaupo silang dalawa ni Rap sa malalaking tubo. Si Colt naka de-kuatro at si Rap naman ay walang ganang tinitingnan ang tiyuhin ni Finn.
"Ano bang kasalanan ko sa inyo? Bakit niyo 'to ginagawa sa kin!? Wala akong natatandaang atraso sa kahit na sino. At mas lalong wala akong natatandaang utang mula sa inyo mga pìstì kay-arrgh!!"
Malakas ko siyang siniko. Napatingin ako sa long sleeves ko na nalagyan ng dugo mula sa kanya. Walang atraso sa kahit na sino? Tsk! Ginawa pa kaming bobò dito ngayon.
"Gusto ko lang ipasulit sayo mga natitira mong minuto sa mundong ito... Romando."
"B-bakit--"
"Finnick Salvatore... do you know him? Does his name ring a bell?"
Naaligaga siya at pansamantalang natahimik.
"Papaanong... nasaan ang p-pamangkin ko!"
Niluwa ko ang sigarilyo saka ko iyon tinapakan. Marahas kong tinanggal ang piring sa mata niya at nakita kong nagkakapasa na ang gilid ng mata niya.
"Pamangkin? Really? After what you did to him, you call him that?!"
Dumistansya ako at hinila ang isang lumang upuan at umupo doon. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kutsilyo nang tumawa siya bigla.
"Sino ka ba? Sino ka para makialam sa buhay nami--"
Pinutol ko siya sa pamamagitan ng pagbato ko sa kanya ng kutsilyong hawak ko. Para siyang tinakasan ng dugo at nangatal ang mga labi matapos kong madaplisan ang tainga niya. Nanlilisik ang matang tumingin siya sa akin.
"Ops! Dumaplis lang." May panunuya kong saad, sinadya ko naman talagang di iyon itama sa ulo niya. "Sinabi ko na sayo ako ang maghahatid sayo sa kamatayan mo. Saka... makiki-alam ako. Makikialam ako Romando dahil iyong taong tinatawag mong pamingkin mo? Mahal ko 'yon. Iyong taong basta't basta mo nalang tinapon sa simabahan ay mahal ko at pag-aari ko na. Kaya makikialam ako."
Mas lalong namutla ang kanyang mukha.
"B-buhay... buhay si Finn?"
Napailing ako sa kanya. Nasaan na ba ang utak ng lalaking ito? Konting bagok lang at gulpi ang ginawa ganito na kung mag-isip.
"Kicking, alive, and breathing." nakangising sagot ko sa kanya.
"Papaano siya nakatakas? Hindi siya kasama doon sa namatay nang sumabog ang barko?"
"Malamang." Pilosopo kong turan sa kanya. Para siyang nawawala sa kanyang sarili at kung ano-ano nalang ang lumalabas sa bibig niya habang tumutulo ang dugo mula sa kanyang tainga na dinaplisan ko.
"Nasaan siya ngayon? Anong ginawa niyo-mo sa kanya!"
Napangisi ako at muling tumayo.
"Simple lang ang ginawa ko. Ginusto ko. Minahal ko at poprotektahan ko." Madiin kong turan.
"Ako ang tiyo n'on wala kang paki kung ano ang gusto kong ipagawa sa kanya! At natural lang 'yon dahil pinapalamun k--urgh!!"
Nandilim ang paningin ko sa kanya at mabilis ko siyang binigyan ng flying kick sa dibdib niya.
"And unfortunately... ngayon ko na tatapusin ang buhay mo." saad ko pagkatapos.
Ngumisi ito sa akin na kinakulo lalo ng dugo ko.
"Mukha ka namang mayaman. Mukha ka namang disenteng tao tapos dudumihan mo ang kamay mo para lang sa isang bata?"
Sinakal ko siya. "Lang? Tsk! Matagal ng marumi ang kamay ko. Hindi na bilang sa daliri ng paa at kamay ko ang napatay kong tao. At oo, dudumihan ko ang kamay ko para sa taong mahal ko."
Pinutol ko ang lubid kung saan nakatali ang kanyang kamay. Sumubsob siya sa sahig at tumingala sa akin. Walang ano-ano'y tumayo siya at nagsimulang umalis nang paika-ika ang takbo. Sobrang hina naman ng nagagawa niyang takbo dahil pilay.
"What the fùck, Desmond? Hahayaan mo iyong makalayo?" Untag ni Colt.
Tiningnan ko lang ang papalayong si Romando. Lumingon siya at ngumisi sa akin. Tsk! Sinundan ko ang tinahak niyang direksyon at binunot ang baril sa likuran ko. Ang tigas at tapang din ng tiyuhin ni Finn. Akala niya ba makakalabas siya dito ng buhay? Akala niya ba dinala ko lang siya dito para pahirapan lang? Tsk! Pagpapahingahin ko na rin siya sa ilalim ng lupa. Habang buhay na siyang ma-mamahinga sa ilalim ng lupa.
"Run! Run, Romando!!" I shouted, aiming the gun at the back of his head.
Lumingon siya sa akin at ako naman ngayon ang ngumisi sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at sinusubukan pang tumakbo ng mabilis kaso pinalayan ko na ang isa niyang binti. Pagkatalikod niya ay sabay ko namang kinalabit ang gatilyo ng baril ko at tinamaan ko siya sa ulo ng dalawang beses.
---
Pagdating ko sa bahay dumiretso ako sa kwarto at nakita kong mahimbing nana natutulog si Finn. Gusto ko man siyang lapitan at halikan kaso baka maamoy niya ang dugo sa katawan ko.
Hindi na ako lumapit pa sa kanya at nilapag ko ang itim na folder sa paanan ng kama saka pumasok sa banyo para maligo. At nang nasa ilalim na ako ng shower saka ko pa naalala na ang folder na dala ko ay naglalaman pala iyon ng mga impormasyon tungkol kay Finn. Tulog man siya pero dapat di ko pa rin iyon nilagay doon. Gusto ko mang sabihin lahat ito sa kanya pero baka magalit siya at sabihin niya na wala akong tiwala sa kanya.
Mabilis akong kumuha ng towel at tinapis iyon sa baywang ko bago lumabas. Pero pagkalabas ko nang banyo ay natulos ako sa aking kinatatayuan ng makita ko si Finn na hawak-hawak na ang folder.
"Fùck!" mura ko at napalingon siya sa akin at bumaha ang luha sa mga mata niya. "Habibi."
Ramdam ko ang pagbagsak ng puso ko nang makita ko kung paano siya umiling.
Finn Pov
Lumapit si Desmond sa akin pero agad akong umatras para di niya ako maabot. Napasuklay siya sa kanya basang buhok at umupo sa gilid ng kama. Lalapit ulit siya sa akin kaso pinigil ko siya.
"H'wag ka lalapit Desmond."
Umigting ang panga niya.
"Habibi."
"B-bakit may ganyan ka Desmond? Bakit may ganyan?" umiiyak kong sambit at tinuro ko ang itim na folder.
"Habibi, it's not what you think it is." Bahid sa mukha ni Desmond ang pagkabalisa at pagpipigil.
"Bakit ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?" garalgal ko.
Muli siyang napasuklay sa buhok at pumikit ng mariin bago tumingin sa akin.
"Habib--"
"Nalaman mo na lahat sa akin Desmond?" mahina kong saad.
Dahan-dahan siyang tumango sa akin. Napahagulhol ako at tinakpan ang mukha ko gamit ang palad. Mayamaya ay naramdaman ko na ang pagyakap ni Desmond sa akin.
"I'm so sorry, habibi. I'm so sorry. I know what i did was wrong and--"
"Masama ako Desmond. Masama ako. Please, Desmond h'wag mo ako palayasin. Please. Please. Natatakot ako Desmond. Natatakot ako." Hagulhol ko habang iniipit niya ako sa kanyang bisig.
"Habibi, of--"
"Pero kung papalayasin mo ako Desmond okay lang. Sino ba naman ang may gusto sa taong magnanakaw at walang magula--"
"Shh!" pinalis ni Desmond ang mga luhang walang humpay sa kaka-agos sa pisngi ko. Ki-niss niya ang noo at ilong ko bago nagsalita muli. "Dàmmìt! Pinakaba mo ako habibi."
"Desmond." Nguwa ko.
"Sinong may sabi na papaalisin kita dito sa bahay ko? Sinong may sabi na hindi kita gusto? Sinong may sabi na di kita gusto dahil sa nakaraan mo, habibi?"
Napalabi ako at muling umiyak.
Binuhat ako ni Desmond saka kinandung at niyakap.
"Pero magnanakaw ako Desmond. Nagnanakaw ako noon. Bad ako Desmond. Walang may gusto sa mga taong tulad ko dahil bad ako." Iyak ko.
Marahan niya akong tinulak at tiningnan sa mga mata ko.
"I have sinned more than that, habibi. I am more than a sinner compared to you, habibi."
"H-huh?" napa sinok ako.
"What I mean is noon... noon ka lang magnanakaw. Hindi mo na naman iyon ginagawa ngayon diba? And you were forced. Hindi mo naman iyon gusto, diba?? Habibi."
Agaran akong tumango kay Desmond.
""T-the last time... was on the ship Desmond. The last time I tried to steal was on the ship, but I got caught at tapos n'on iyon na iyong nakita mo ako. Hinubaran ako ng mga taong nakahuli sa akin at nagtangka silang itapon ako sa dagat kaso may nangyaring pagsabog."
I can still remember those times. Si tito Romando amg nagsabi sa akin at nagpasok doon sa ship. Pinagpanggap niya akong isa sa mga waiter ng event pero ang pakay naman talaga ay magnakaw. Ayaw ko iyong gawin. Sinubukan kong takasan si tito kaso nakita niya naman ako at grabeng bugbog ang nakuha ko mula sa kanya.
Nang mahuli ako ay nabugbog pa ako. At hinubaran sa lahat ng suot ko dahil baka raw kung saan ko tinago ang mga ninakaw ko. Ginapos nila ako noon sa paa at kamay saka may busal rin ang bibig ko. Handa na nila akong itapon na sa dagat noon pero di natuloy dahil sa pagyanig dulot ng pagsabog sa kung saang parte ng barko. Gusto kong magpasalamat sa oras na iyon na di nila ako napatapon sa dagat kaso kinulong naman nila ako sa isang silid.
Giniginaw at puno ng takot at pangamba ang puso ko noon. Handa na akong mamatay. Handa na akong sumunod sa mga magulang ko pero biglang dumating si Desmond. Akala ko ay kagaya rin siya noong mga taong gusto akong itapon sa dagat kaya nanlaban ako sa kanya kaso tinulungan niya ako. Tinulungan niya ako kahit na kinagat ko siya noon.
Simula sa insidenteng iyon tinuring ko nang tagapagligtas ko si Desmond. Siya kasi ang unang taong nagkaroon ng awa sa akin at tumulong sa akin kahit na nasa gitna na kami ng kamatayan noon.
"H'wag mo na iyon gagawin hab--"
"Hindi na Desmond. Hindi na. Ayaw ko naman sa ganoon e. Kaso... kaso..."
Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba ang sasabihin ko o hindi. Hanggang ngayon nandidito pa rin ang takot ko sa tito ko. Naaalala ko pa rin kung papaano niya ako saktan noon kapag di ko nagagawa ng maayos ang utos niya. O di kaya naman ay ginugulpi niya ako dahil di ko sinusunod ang gusto niya. Naririnig ko pa rin ang mga tunog ng paglagapak ng kamay niya sa akin. Hanggang ngayon bitbit ko pa rin ang mga iyon na nagpapabigat sa akin.
Iyong mga hampas ni Tito sa akin ay nagmamarka pa rin sa utak ko. Iyong mga tunog ng mga lagapak ng kamay at tunog ng malakas niyang boses ay hinahabol pa rin ako. Tapos iyon pang tunog ng siren ng ambulansya sa tainga ko na para akong nabibingi lalo na kapag umuulan. Ganoon kasi ang pahanon nang mawala sa akin ang mga magulang ko. Lahat ng iyon ay hinahabol pa rin ako. Balisa akong matulog mag-isa. Natatakot sa mga bangungot na pare-pareho lang. Takot na takot pa rin ako doon. Hindi ko na nga masyadong tanda ang mga mukha ng magulang ko. Pero sa puso ko nanatili sila dito.
"Because of your uncle?" Si Desmond na ang tumapos sa akin.
Yumuko nalang ako at siniklop ko ang kamay ko na nanginig sa takot. Pilit kong kinakalimutan ang mukha ni Tito Romando pero lagi naman akong bigo.
"Habibi, don't... don't be afraid. Di ka na malalapitan ng tito mo. Hindi ka na niya masasaktan. Di ka na niya mahahawakan. Di ka na niya makikita."
Nalabi ako. Hindi yata alam ni Desmond ang sinasabi niya e. Nagawa nga akong ilabas-pasok ni Tito sa simbahan. Lalo na siguro dito kapag nalaman niya na nandidito ako sa bahay ni Desmond.
"Pero Desmond--"
"I promise. I promise you, habibi. Hindi ka na makikita ng tito mo. Promise." paniniguro niya sa akin.
Niyakap ko ulit si Desmond at lihim na humiling na sana totoo ang sinasabi ni Desmond.
Muling bumalik si Desmond sa banyo matapos kaming mag-usap. Sabi niya tatapusin daw muna niya ang pagliligo niya at saka kami mag-usap muli. At sinabi niya sa akin na kaya niya daw ako naisipan na pa-imbestigahan dahil sa nakita niyang mga piklat sa katawan ko noong nag-ano kami. Sabi ko na nga ba na ang pangit nga siguro ng katawan ko. Pero wala naman akong paki doon dahil malakas pa rin ang loob kong magsuot ng mga swimsuit. Ang ganda lang kasi ng mga ganoon.
"Desmond, ano ang favorite food mo?" tanong ko sa kanya. Total halos lahat alam na niya ang tungkol sa akin. Ako naman ngayon ang magtatanong sa kanya. Saka siya rin ang nag-suggest nito sa akin.
"I don't have a specific favorite food, habibi. As long as it tastes good, I'm fine with it."
Nagtagpo ang kilay ko at ngumuso sa kanya. Pinisil niya naman ang tagiran ko.
"Ay!"
Ngumisi lang si Desmond at inayos ang ulo ko sa pagkakaunan sa kanyang braso.
"Favorite color mo?"
"Blue?"
"Ay!" Muli ko na namang sambit. Ang pangit naman sumagot ni Desmond. "Patanong naman 'yan Desmond, e."
"Okay, blue."
Ngumiti ako at nagtanong na naman. "Anong gusto mo maging Desmond kung hindi ka naging petroleum engineer at owner ng isang oil company?"
Napatawa siya. Ay, ano ba 'yan. Di naman niya siniseryoso ang mga tanong ko.
"Gusto ko maging asawa ka."
Halos mapabangon ako sa pagkakahiga. "Huh?"
"Tsk, let's sleep habibi. Madaling araw na."
"Ayaw. H'wag muna Desmond may mga tanong pa ako, e."
"Okay, okay."
"Bakit... bakit gusto mo ako Desmond?" Ako ang nahiya sa sarili kong tanong. Natuptop ko tuloy ang bibig ko at yumukyok sa kanyang kili-kili.
"Look at me," utos niya. "If you want my answer, you should look at me, habibi."
Pinalobo ko ang bibig ko bago tumingin sa kanya.
"Why i like you? Because this," tinuro niya ang lantad niyang dibdib. Ang lapad noon. "Ikaw ang tinitibok nito."
Napalapit tuloy ako sa tainga ko doon sa dibdib niya. Hehehe. Ang lakas nga ng kabog.
Tiningala ko si Desmond. "K-kahit na di ako good Desmond gusto mo pa rin ako?"
Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"
"D-diba alam mo na naman na dati akong n-nagnanakaw."
"That was before, habibi. And the last time you steal was... stealing my heart."
Nanlaki ang mata ko kay Desmond at napa ahon na talaga sa pagkakahiga ko. Bilog na bilog ang mata kong tiningnan siya.
"Hala! Di ako nagnakaw sayo Desmond. Wala. Di ko ninakaw ang heart mo. Tumibok pa iyan kanina e. Saka di ko iyon magagawa sayo Desmond. Di kita nanakawan."
Umangat ang gilid ng labi ni Desmond. "You're supposed to feel thrilled about that, habibi."
"Huh?" Gulo kong tanong.
Napa-iling siya sa akin.
"Nothing just hug me."
Umiling ako. "Ayaw. Ayaw ko Desmond dahil pinagbibintangan mo akong magnanakaw ng heart mo e--"
Naputol ako nang sumubsob ang mukha ko sa dibdib niya nang kabigin niya ako.
Lumipas ang buwan at naging natural na sa akin na lumalabas kami ni Desmond. Sabi niya date raw ang mga iyon. Hehehe! At dumating ang araw na aalis siya sa bansa unang pagkakataon simula noong couple na kami. Sabi niya ay pupuntahan niya raw ang kanyang iba pang negosyo sa ibang bansa partikular na sa Abu Dhabi.
Sinuklay ni Desmond ang buhok ko at hinalikan sa noo. "Take care, okay? Always charge your phone dahil tatawag ako anytime I have a spare time." paalala niya sa akin.
Hinatid kasi namin siya ni Tatay Carlos dito sa airport.
Napalabi ako at pinigilan ang mga nagbabadyang mga luha.
"Ikaw din Desmond. Mag-ingat ka doon at h'wag ka hahanap ng iba doon, ha? Maghihintay ako dito."
Ngumiti siya sa akin at niyakap ako.
"Of course."
"Ako lang dapat ang habibi mo Desmond, ha." dagdag ko pa.
Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Hmm. Oo naman. Wala nang tutulad sayo habibi. At di rin kita kayang palitan."
Di ako nasanay na wala si Desmond sa bahay. Lagi ko kasi siyang katabi at sa ilang araw niya doon ay namiss ko siya ng todo kahit na nagc-call kami palagi. Pero wala naman akong magawa kasi work ang gagawin niya doon. Kaya hanggang sa makakaya ko ay maghihintay ako sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top