CHAPTER 33
Chapter 33
Desmond Pov
Hindi ko talaga mapigilang di tumitig kay Finn na mahimbing nang natutulog dito sa tabi ko. I was glad that he was able to withstand me earlier in the tent. At least naka-one round kami na hindi siya nahimatay. I'm trying to be as gentle as possible when it comes to Finn, but whenever things get escalated, it seems like I've forgotten all the good things. I don't know. I just can't resist my habibi's charm. Fùck this!
I slowly combed his hair and tucked it behind his ear. My habibi is just too cute and innocent. Hindi naman ako mahilig sa mga ganito noon. Hindi naman ako tumitingin sa mga ganito noon. Pero ngayon iba na. Sobrang iba na. Ayaw ko sa mga ganito na walang alam pero kay Finn. Lahat nagugustuhan ko. Kahit na sa simpleng kainosentihan niya di ako naiirita. Instead, I find it amusing and fùcking cute. I can live just by watching his silliness. Jesus!
Kanina nagpassed out ulit siya matapos ang one round. Tinulugan ulit ako. Matapos kami doon ay dinala ko na siya dito sa loob ng rest house nila ni Andrea at Zofia at saka para na rin malinisan ko ang sarili ko at si Finn.
"Desmond." Finn murmured, his hand was finding my body.
I moved a bit closer to him and hugged his body. Siniksik niya naman ang katawan sa akin at ang mukha sa dibdib ko. He really love this kind of thing. Gusto niya talaga na maunan sa braso ko at isiksik ang katawan sa akin. Nasanay na rin ako at nakagawian ko nalang na ipaunan sa kanya ang braso ko.
I gritted my teeth while still combing his soft hair. Naalala ko ang mga sugat—piklat niya sa katawan. Unang beses kong natitigan ng husto ang hubad niyang katawan sa unang gabi namin. Talagang nagulat ako at nagalit. Parang may pumutok na ugat sa ulo ko na nagpakulo ng dugo ko nang makita ko ang mga piklat sa katawan niya. Hindi kasi simpleng piklat iyon. Hindi iyon piklat dahil sa galos lang.
I know those kinds of scars. Those were deep scars. Those were deep wounds from his past. Hindi ko man alam kung bakit at ano ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon pero talagang nawala ako sa sarili ko sa mga sandaling iyon.
All I know was that Finn was a lonely boy, a lonely, helpless boy from the parish. Alam kong di ako perpektong lalaki sa kanya. I also have my own flaws and mistakes, but I'm working to be a good partner with him. I'm trying my best to be a good guy for him. Kahit na matagal na si Finn sa bahay ko. Napapansin kong hindi pa rin siya nag-oopen sa kanyang sarili sa akin. He may trust me, but not enough to tell me about his struggles, his miseries, and his past.
Alam ko namang di inaarte ni Finn ang pakikitungo niya sa akin pero may harang pa rin talaga sa pagitan naming dalawa. I know. I feel it. And I'm trying to break that wall between us. Kung hindi gusto ni Finn pagbuksan ako sa buhay niya. Ako ang papasok sa buhay niya. I'm way older than him, and I also know that he has his own pace of maturing, but this kind of thing shouldn't be taken for granted.
I love him. I am sure about that. That is why I want to protect him. I want to spoil him with the things I have. I want to make him happy. Ayaw ko na siyang bumalik sa dati na walang kabuhay-buhay ang mga mata. Kasi may pakiramdam na ako e. May pakiramdam na ako na isa si Finn sa suicidal person. Naramdaman ko na ito noong nakita ko siya doon sa barko, doon sa hospital, at doon sa bahay ko. Pero di ko iyong pinagtuonan ng pansin.
I feel like a useless boyfriend for not knowing my partner's pains and torment.
"I love you, habibi. I love you so much that I'm willing to take everyone down who will meddle in our relationship." I whispered.
Bigla kong naalala na may regalo pala akong binili para sa kanya. Kaya naman dahan-dahan akong kumalas sa kanya at bumaba sa kama para kunin ang binili ko para sa kanya na basa bulsa ng suot kong pants kanina.
Kinuha ko ang gintong kwintas na binili ko para sa kanya. It was a very fine, plain, and simple gold necklace with a garnet stone as a pendant.
Sekreto kong sinuot sa kanya ang kwintas at napangiti akong bumagay iyon sa maputlang balat niya. Actually, may pares na singsing na ang kwintas na iyon at nasa akin iyon.
Hihiga na sana ulit ako sa tabi ni Finn nang biglang magring ang telepono ko. Muli akong bumaba sa kama at kinuha ang cell phone ko saka sinagot ko ang tawag at umakyat ulit sa kama.
"Desmond." It was Rap.
"Bud."
"About the thing you asked me, I have already gathered all the information you asked me to investigate."
I looked at Finn, who was in a deep slumber.
"Let's talk in person, bud."
"Hmm. By the way... merry christmas bud."
I smiled. "Merry christmas bud."
Pinatay ko na ang tawag namin ni Rap saka ako nagtipa ng text para kay Mr. Lonely boy, Colt. Di ko alam kung ano na ang nangyayari kay Colt pero napansin ko ang pagiging malungkot niya recently. Problema siguro sa bar niya na laging may riot na nangyayari!
Finn Pov
Pauwi na kami ni Desmond at hindi ko mapigilang di kapain ang kwintas sa leeg ko. Hindi ko alam kung saan ko ito nakuha. Kagabi naman nang makatulog ako ay wala akong kwintas. Hindi ko naman tinanong si Desmond tungkol doon kasi nahihiya ako kay Desmond... p-pero kasalanan niya naman kasi kung bakit di ako makalakad ngayon kaya buhat-buhat niya ako.
Napangiti ako nang silipin ko ang kwintas na ginto. Hehehe! May batong pendant iyon na kulay green. Ang ganda! Hehehe! Gusto ko ngang papakin iyon para malaman kung tunay ba.
"Do you like it?" Halos mapatalon ako sa pagkabigla nang magsalita si Desmond.
Saglit ko siyang tiningnan habang nagmamaneho.
"Uhm! Ikaw ba nagbigay nito Desmond?" Siya lang naman kasi ang kasama ko buong gabi.
"Mmm, my christmas gift for you."
Sa kabila ng sakit sa balakang at pang-upo ko ay napaayos ako ng pagkakaharap sa kanya habang hawak-hawak ang kwintas.
"R-regalo mo? E-ehh wala... wala akong gift sayo Desmond."
Ngumuso ako at yumuko. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang hinihintay sa kung ano man ang sasabihin ni Desmond at maya-maya pa ay naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.
"A kiss will do, habibi."
Inangat ko ang tingin ko kay Desmond. Ang isang kamay niya lang ang magnananeho doon sa manibela.
"Kiss? Ilan ang gusto mong kiss Desmond?"
"Not how many, habibi. It's what type of kiss."
My nose wrinkled.
Ngumisi siya saglit sa akin bago kinuha ang kamay sa ulo ko at nagsalita. "I want a french kiss from my habibi."
Napalobo ako sa bibig ko.
"D-di ko alam ang french kiss Desmond. Ikaw nalang kumiss sa akin, pwede?"
Humalakhak siya bago tinabi ang sasakyan at tinanggal ang seatbelt niya. Nagsimula ng rumambol ang puso ko nang yumukod si Desmond sa akin at napapikit nalang ako sa mga mata ko. Akala ko ipi-french kiss niya ako kaso napamulat ako ng dumampi ang labi ni Desmond sa noo ko.
"I was just kidding you habibi. I already received my christmas gift last night, habibi." Makahulugan niyang turan at hinaplos ang pisngi ko.
Gumapang ang init sa buong mukha ko pero nakuha ko pa ring i-kiss siya sa kanyang magkabilang pisngi.
"Thank you Desmond."
Napasimangot nalang ako nang pingutin niya ang ilong ko.
---
Nag-aalmusal kami ni Desmond nang biglang dumating na panauhin sa loob ng bahay Sina Nanay Susan at Tatay Carlos!
Mabilis kong binitawin ang kutsarang hawak ko saka agad na tumayo para lumapit kina nanay at tatay. Muntik na akong madapa sa pagmamadali ko.
"Fùck! Be careful, Finn!"
Nilingon ko lang si Desmond at nginitian bago tumakbo kina nanay.
"Nay!!!" Mahigpit na yakap ang sinalubong ko kay Nanay Susan at Tatay Carlos.
"Namiss ka namin anak!" Galak na wika ni Tatay pagkatapos ng yakapan namin.
"Di ka namin ma-contact noong pasko anak. Sinusubukan ka naming tawagin, e."
Napalingon ako kay Desmond na ngayon ay swabeng tumayo saka lumapit sa amin.
"D-di ko po na-open ang phone ko n'on Nay."
"Kayo lang ni Desmond dito noong pasko anak. Anong ginawa niyo?" usisa pa ni Nanay.
Napatalon ako ng umakbay sa akin si Desmond. Tumaas naman ang kilay ni Nanay Susan at nakita kong ngumisi si Tatay Carlos.
"We spent Christmas with Andrea Sinco, Manang. We had a very nice and mind-blowing Christmas, right, ha-Finn?"
Uminit ang pisngi ko at tiningala si Desmond na nginisihan ako. Sinimangutan ko siya at ngumuso.
"O-oo po, Nay. Kasama namin sina Ate Andrea."
Kasama namin ni Desmond sina Nanay Susan at Tatay Carlos na sinalubong ang bagong taon. Sa unang pagkakataon naging masaya ang bagong taon ko. Sa unang pagkakataon naging espesyal ang bagong taon ko. Sa unang pagkakataon sinalubong ko ang bagong taon na may ngiti at puno ng pagmamahal sa puso.
Sobrang saya ko. At sa sobrang saya ko nagsimula na rin akong matakot. Natakot na baka isang araw mawala rin ang mga ito. Na baka isang araw magising nalang ako na mag-isa ulit, mag-isa at puno na naman ng pangamba at takot ang puso.
Hindi ko alam kung hanggang saan ang ililigaya ng buhay ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako gusto ni Desmond. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang lahat ng meron ako ngayon. At 'yan ang kinatatakot ko. Dahil baka tulad lang rin noon mawala lahat ng sa akin sa isang iglap lang.
Kung ako lang ang papapiliin. Gusto ko na sa buhay ko ngayon. Gusto ko na sa buhay na ganito. Gusto ko na itong bagong buhay ko ngayon. Iyong nakakangiti ako na di pu-problemahin ang bukas iyong nakangiti na di na takot. Iyong nakangiti na wala ng inaalala na mamaya. Iyong ngiti na di ko magawa noon ay nagagawa ko na ngayon. Nakakatakot na nakaka-galak ang nararamdaman ko ngayon.
"Habibi?" Naputol ang malalim kong pag-iisip nang bigla akong tinawag ni Desmond at isang rolyo lang sa katawan ko ay nasa ibabaw na niya ako. "What's wrong, huh? Does anything wrong, habibi? What does my baby boy wants, huh?" Si Desmond at sinuklay-suklay ang buhok ko.
Namuo agad ang mga luha sa mata ko kaya mabilis akong yumakap sa kanyang hubad na katawan at tinago ang mukha ko sa kanyang dibdib.
"Finn? Habibi? Hey!"
"Desmond, di ka naman mawawala diba? Di mo naman ako iiwan diba?"
"Habib--"
"Paano Desmond kung isang araw ayaw mo na sa akin? Desmond kung ayaw mo na sa akin h'wag mo ako biglain, ha. Kung ayaw mo na sa akin sabihin mo sa akin ng dahan-dahan lang, ha. Masakit kasi dito, Desmond." Umiiyak kong turan saka tinuturo ang dibdib ko.
"Fuck! Hey, look at me habibi." Inangat ni Desmond ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko.
"I don't fùcking like the things you said, habibi. I may be an asshole before at, habibi... di ko man hawak ang panahon but I assure you. I won't gonna leave you, okay? I will always want you habibi. Always remember that." wika ni Desmond bago hinalkan ang noo ko at niyakap ako.
---
Tinapon ko ang basura sa labas ng gate nang bahay ni Desmond nang biglang may sumigaw sa likod ko. "Frennyyy!!!"
Gulat akong lumingon at saka ko nakita si Frenny na hila ang isang maleta. Tumakbo si Frenny sa akin saka ako sinalubong ng isang mahigpit na yakap.
"Huwah! Frenny, O.M.G! I missed you so much. Ang pangit ng US frenny. Ang pangit doon dahil walang bobita na tulad mo doon. Wala ang inosente kong estudyante doon." Pag-iinarte ni Frenny habang nagyayakapan kami dito sa labas ng bahay. Para kaming di nagkita ng ilang taon. Mabuti at hapon na kaya di mainit.
"Di mo ba ako namiss Frenny?" tanong ni Frenny habang hawak-hawak ang dalawang balikat ko at inalog pa ako.
"Namiss kita ng sobra frenny!" saad ko at napatalon ng konti.
Nalukot ang ilong ni Frenny at pinaningkitan ako ng mata niya.
"Gumanda yata ng 0.01 percent ang student ko ngayon ah. Tapos... parang nagbloom na ang student ko."
Ngumuso ako. "Ako ba ang student mo Frenny? Kailan kita naging guro Frenny? Wala kang lessons na binigay sa akin, e." Takang wika ko.
Napanguso naman ako ng tampalin niya ang mahina balikat ko.
"Bobita ito. Di mo lang alam pero may mga lessons na ako sayo. At oo teacher mo ako at student kita, okay? And actually, wala pa tayo sa exciting part ng lessons natin frenny."
Mas humaba ang nguso ko. Ano kaya ang nakain ni Frenny sa US at ganito siya ngayon? Bigla na lang niyang ina-nnounce na student niya raw ako at teacher ko siya. Hindi ko talaga alam ang tumatakbo sa utak ni Frenny kaya kahit na naguguluhan ako sa kanya ay tumango ako. Kaibigan ko kasi siya at mahal ko kaya iintindihin ko siya.
"Excited na ako sa lessons natin Frenny!!" Pagsakay ko sa kanyang sinabi.
Kinilabutan naman ako sa ngisi niya sa akin.
Bumalik na sa normal ang takbo ng araw ko. Iyong sa bahay ni Desmond at kapag tapos na pumupunta na ako sa bahay ni Frenny o di kaya'y si Frenny naman ang bumibisita sa akin.
At natuwa ako nang gawan ako ng account ni Frenny sa Tiktok? Ay tiktok ba iyon? Oo mukhang tiktok yata. Naaliw ako doon kasi ang dami kong nakikitang iba't ibang klase na mga video at ang a-astig ng iba.
Naaliw na ako doon sa tiktok hanggang sa isang araw ay naabutan ako ni Desmond na nakatuon lang ang atensyon sa cell phone ko at di niya iyong nagustuhan.
"Ay!" Dismayado kong sambit ng biglang nawala sa kamay ko ang telepono ko.
Naka-crossed sit ako dito sa couch ng salas at nasa harap ko si Desmond na naka office attire niya at luwag na iyong necktie niya. Sa isang kamay niya ay nandun ang telepono kong kinuha niya.
"Akin na ang telepono ko Desmond."
Sarkastikong ngumisi sa akin si Desmond.
"Kiss me first."
Hinabaan ko siya sa nguso ko bago tumayo sa couch saka ko siya ginawaran dalawang matunog na kiss sa kanyang magkabilang pisngi.
"Tapos na! Akin na ang telepono ko Desmond!" Masigla kong wika at nakapaskil sa labi ang malaking ngiti.
"No." sambit ni Desmond at walang ano-anu'y binuhat ako saka ihiniga sa couch at pumaibabaw sa akin.
"D-desmon- ahaha! Hahaha! T-tama na Desmond. Nakikiliti a-ako hahaha. Tama na!" tawang-tawa kong sambit ng kilitiin ako ni Desmond.
Kaso naputol ang tawa ko at ang pagkiliti ni Desmond sa akin nang may biglang sumigaw.
"Dios ko! Mahabagin!"
Naitulak ko si Desmond sa sobrang gulat ko kaya nahulog siya sa couch. Napaayos ako ng upo ko at pati si Desmond ay napatayo sa gilid ko.
Hindi pa namin nasasabi kina nanay Susan na couple na kami ni Desmond. Napag-usapan na kasi namin ito ni Desmond. Gusto niyang sabihin kay nanay Susan na couple na kami kaso ako ang tumutol doon. Baka kasi magulat at magalit sila nanay.
"Anong ginagawa mong bata ka! Ano iyong nakita kong bata ka!"
Nag-panic ang sistema ko nang makita kong parang inahing manok si Nanay Susan na pinagsasampal si Desmond.
"Manang w-wait! Ah- shìt, fùck," sambit ni Desmond sa gitna ng pagsalang siya sa mga sampal ni nanay sa kanya.
Bumaba ako sa couch saka ako pumagitna at niyakap ko si Desmond.
"Nay 'wag niyo pong saktan si Desmond 'nay." Pagtanggol ko kay Desmond.
Hiningal si Nanay Susan saka sinubukang ikalma sarili.
Kumalma si Nanay Susan kaya pinaupo ko na siya at binigyan ng tubig dahil hiningal siya sa kaka-sampal kay Desmond.
"Nay..." hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni Desmond na nasa likod ko. Di iyon kita ni Nanay Susan.
"It's okay habibi. If you're not ready--"
"Couple po kami ni Desmond, 'nay."
Sabay kaming napatayo ni Desmond nang mabuga ni Nanay Susan ang tubig na iniinom. Dinaluhan ni Desmond si Nanay Susan upang tulungan sana kaso tinampal ni nanay Susan ang kamay ni Desmond.
"N-nay..." usal ko pero sumapaw sa akin si Nanay.
"Mag-usap tayo Desmond." seryosong ani ni nanay.
Habang papa-akyat ako ng second floor ay di mapigilang di lingunin si Desmond at si nanay Susan. Nakatalikod sa gawi ko si Nanay Susan samantalang si Desmond naman ay nakaharap. Tumigil ako sa pag-akyat. Gusto kong balikan doon si Desmond. Baka kasi pagalitan siya ni Nanay, e. Iba pa naman magalit si Nanay.
Napakurap-kurap ako nang lumingon sa akin si Desmond pero giniya niya lang ang kamay na paakyatin na ako.
Ngumuso ako kaso ngumisi lang Desmond. Hay!
Tumambay ako sa kwarto ko at iniisip kung ano ang pag-uusapan nila ni Desmond at nanay kaso wala namang ideya na pumapasok sa isip ko. Hindi naman siguro kami paghihiwalayin ni Nanay Susan, 'no?
Hindi naman siguro. Sagot naman ng isip ko.
Para ma-distract ang isip ko doon ay nag-cellphone nalang ako. Naka-dapa ako kama at nags-scroll lang sa tiktok. Mas gusto ko iyong mga clips ng mga aso doon. Naaliw ako pero may dumaan din namang mga sayaw, funny vids, at mga nags-sexi-hang mga babae at lalaki.
"Habibi." napa balikwas ako nang marinig ko ang boses ni Desmond.
Umupo agad ako at gayun din si Desmond na kakapasok lang sa kwarto ko. Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin at pugpugin ng halik. Nakikiliti ako!
"H-hehehe! Tigil na Desmond." Natatawang ani ko.
Tumigil naman si Desmond at sinuklay ang buhok ko na medyo mahaba na.
"I love you, habibi... so fùcking much!"
Pinamulahan agad ako sa mukha at yumuko. Lihim akong napapabuga ng malalalim na hininga dahil sa lakas ng kabog ng puso ko. Desmond naman kasi, e. Bigla-bigla nalang talaga umiinit ang paligid ko kapag nandidito si Desmond sa tabi ko.
"I... I-I love y-you too."
Kinabig ulit ako ni Desmond ako kinulong sa bisig niya. May sinabi pa siyang di ko naman maintindihan.
"Ano ba ang tinitingnan mo dito sa cell phone mo?" tanong ni Desmond matapos akong yakapin. Kinuha niya ang cell phone kong naiwan sa kama.
"Mga bidyo ng mga aso Desmond. Ang k-kyut kasi nila. Hehehehe!" Kinikiling kong turan.
Umugong si Desmond at napatalon ako sa kandungan niya nang magmura siya ng malakas.
"What the fùck! Ito ang tinitingnan mo dito? Saan ang aso dito Finnick!?"
Kumunot naman ang noo at ilong ko sa sinabi niya. "Hu--"
Napatigil ako at nanlaki ang mata nang iharap ni Desmond sa akin ang telepono ko. Napatakip ako sa bibig ko gamit ang palad ko nang makita ko kung ano ang nasa bidyo. Iyong lalaki kasi nagsasayaw habang nakahubad at medyo namamawis pa ang katawan dahil makintab ito tingnan sa bidyo. Hala si tiktok may kasalanan dyan!
"Hala! Desmond. E-ewan ko dyan!"
"Tssk! Aso pala huh! Ito na pala ang aso ngayon, habibi?"
"Eehh?" anang ko dahil obvious naman na hindi iyon aso. Tao naman iyong nasa bidyo, e. Ano ba naman itong si Desmond!?
Nalapag niya ako sa kama.
Napa-atras ako sa kama nang biglang tumayo si Desmond. Tinapon niya ang telepono sa tabi ko at walang putol ang tingin niya sa akin habang inisa-isa ang paghubad ng butones sa suot niyang dress shirt.
Napalunok ako nang makita ko umiigting na masels ni Desmond at ang malapad niyang dibdib na madalas kong gawing unan.
"H'wag ka ng tumingin sa mga video na iyan habibi. Ako nalang ang sasayaw para sayo." wika ni Desmond at tinapon ang hinubad na dress shirt sa sahig.
***
Wala bang nakamiss dyan sa mga pa-hanash ko? Haha charot lang po! Anyway, I am so grateful po for reaching 17K followers dito sa wattpad kaya gumawa ako ng update ngayon. I am so thankful po sa mga sumu-suporta sa akin dito sa napili kong pagkalibangan. Hindi ko aakalain na sa taon na ito ay maa-achieve ko ang 17K followers. Nakakaiyak! Omg! Salamat mga beh🥰😭 mahal ko kayo sagad!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top