CHAPTER 26

Chapter 26


Finn Pov

"Feeling better?" Ang bulong sa akin Desmond.

Tumango naman ako pero na nanatili ang ulo kong nakaunan sa kanyang balikat. Napausog ako ng konti sa kanya nang maramdaman ko ang kamay niya sa loob ng t-shirt na suot ko.

Kasalukuyan kasi akong naka kandung sa kanya ngayon. After I teared up earlier because of too much joy, he made me sit on his lap while he was leaning on the bed's headrest. He cooed me, calming me down. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Ang sweet ni Desmond.

Hindi ko kung anong oras na ngayon pero di pa kami bumabalik ni Desmond sa pagtulog mula kanina. 

Kapwa pinapakiramdaman namin ni Desmond ang isa't isa. Hindi ako makapaniwala. May boyfriend na ako at si Desmond pa iyon.

Napanguso ako at hinigpitan ko ang pagkakayakap ng kamay ko kay Desmond. Parang naririnig ko rin ang lakas ng kabog ng dibdib ni Desmond dahil nagkadikit ang mga katawan namin sa isa't isa.

"D-desmond... na... nakikiiti ako," reklamo ko sa kamay niyang naglalaro sa balat ko na nasa loob ng tshirt ko. Hinawakan ko ang kamay niya upang pigilan iyon sa ginagawa.

Napaungol namam siya saka binigyan ng kurot ang tagiliran ko.

"Aww!" reklamo ko sa kanya at napaahon mula sa pagkakahilig sa kanyang balikat. Nanatili ang isa kong kamay sa malaki niyang balikat. "Bakit nangungurot ka, Desmond?"

"You're acting so cute, e." He said and smirked.

Ngumiwi ako sa kanya. "I'm not acting." argumento ko.

"Hmm," may panunuya niyang higing. "Because you are already cute. You are cute and so fucking adorable without even trying, habibi."

Pinalobo ko ang bibig ko para itago ang multong mga ngiti na nangingiliting lumabas sa mga labi ko.

Naramdaman ko na naman ang pag-init ng pisngi ko kaya naman iniwas ko agad ang mukha ko kay Desmond at tinuon ang mata sa lampshade na siyang tanging nagbibigay liwanag sa buong silid. Ito siguro iyong kilig na sinasabi nila. At kung ito man iyon, matagal na pala akong kinikilig kay Desmond. Iyong parang may naghuhukay sa tiyan mo. Iyong parang may nangingingiliti sa loob ng tiyan mo.

Napaigtad ako nang gumapang ang kamay ni Desmond sa pisngi ko. Kinulong ni Desmond ang mukha ko gamit ang dalawang palad niya. Ang init ng mga 'yon.

"You're blushing in the meddle of the night, hmm?" anito at nilapit ang mukha sa akin.

Hinabaan ko siya sa nguso ko at di nagsalita.

Humalakhak siya. Kaya napasimangot naman ako.

Ang kamay ko na nasa balikat niya kanina ay giniya ni Desmond doon sa baywang niya at binuhat ko para mas maglapit ang katawan naming dalawa. Saglit akong natigilan at napalunok dahil may naramdaman akong kakaiba sa ibaba. Parang may matigas na bagay sa may pwetan ko. Ginalaw ko ng konti ang pwet ko para makasiguro kung tama ba iyong naramdaman kong may kung anong sabagal na bagay doon. Rinig ko ang pag-ungol ni Desmond kaso di ko iyon pinagtu-unan ng pansin dahil abala ang utak ko sa pagproseso kung ano ang naninigas na bagay na 'yon. At nanlaki ang mata kong nakumpirma kong mayro'n nga. Hala! Ano iyon? Bat ang tigas n'on? At sa tingin ko ay malaki ang bagay na iyon.

Napakurap-kurap ako at magtatanong na sana kay Desmond kaso naunahan niya ako sa pagsasalita.

"Habibi," halos manindig ang balahibo ko sa tono ng boses ni Desmond. Namamaos iyon at may halong lambing at ungol. Hala! Anong nangyayari kay Desmond? May sakit ba ito?

Hinawakan ko ang mukha niya at sinipat ko ang noo niya kung may sakit o lagnat ba siya. Nagtagpo ang kilay ko dahil wala naman siyang lagnat. Di naman siya mainit.

"A-ayos ka lang D-desmond? W-wala si nanay Susan dito." Nag-aalala kong tanong sa kanya. Di pa naman ako maalam sa pag-aalga ng may sakit.

Napatingala si Desmond at napapikit sa kanyang mata. Humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko at napatawa. Umalon ang kanyang adam's apple na nanunuro sa akin.

"I'm not sick but my friend below is not feeling well."

Naglinya ang kilay ko at tatanungin na naman sana siya kaso naunahan na niya namn ako.

"Habibi?" Tawag niya sa akin matapos tawanan ang tanong ko sa kanya.

"Hmm?" ani ko.

Sumeryoso siya. "Do you know what couples do?" tanong niya sa akin.

Saglit akong napaisip doon at nawala ang kaninang tanong ng isip ko. Ano nga ba ang ginagawa ng mga couples? Kami ni Desmond ay couples na pero wala akong masyadong alam dito. Hmp! Hindi ito maaari. Dapat may mga alam ako. Bukas mags-search ako. Sa ngayon... maghuhula muna ako para may masagot kay Desmond. Kausap ko sa sarili ko.

"D-d-d-date?" patanong kong untag kay Desmond.

Ngumisi siya saka napapisil sa baywang ko.

"That's right and given. Another."

Noted! Anas ng utak ko.

Ngumuso ako at nag-isip pa.

"Hmm, hugs?" wika ko.

Napatango si Desmond. "That's a bonus. Guess more, habibi."

Humalukipkip ako at tina-tap ko ang mga daliri ko sa baba ko. Ang hirap naman nito. Para naman akong nasa isang pasulit nito, e.

"K-k-k-kiss," halos di ko na iyon maliwanag sa pagkautal ko.

Tumaas ang isang kilay ni Desmond at ngumisi.

"What?"

"Eehhh!"

Tinaasan niya lang ako sa kilay niya.

"K-kiss kasi..."

Tumawa siya. "Fuck! Pinapatigas mo talaga ako, Finn. Anyways, guess more. We already do that every time we have each other, and yeah, couples do that."

"Hmm, cuddles?"

Sumilay ang ngiti sa mga labi niya.

"We cuddle, habibi, even if we weren't a couple before, but we'll do it as much as we can right now."

Napatango ako. "So, mali pala iyong nag-cuddles tayo at nagkiss Desmond? Tapos di pa kita boyfriend noon?" inosenteng tanong ko na kina asim ng mukha ni Desmond.

"Let's not talk about that, habibi. No one cares if we cuddle and kiss, even if we're not yet a couple back then." labas sa ilong niyang untag.

Napatango ulit ako doon. Oo nga. Tama siya.

Napagod na ako kakaisip. Wala nang pumapasok sa isip ko kung ano man ang mga ginagawa ng mga couples kaya naman nagreklamo na ako kay Desmond.

"Ang dami namang ginagawa ng mga couples, Desmond." Reklamo ko.

Napalunok ako nang nawala ang munting ngiti sa mga labi ni Desmond at bigla siyang sumeryoso.

"D-desmon--"

"So you don't want us to be a couple since there are a lot of things that couples do?" nagtatampo niyang untag sa akin na kinataranta ko.

"Hala! H-hindi. Hindi. Gusto ko." agap ko sa kanya.

Napasigaw ako nang parang papel lang akong binuhat ni Desmond saka hiniga sa kama at mabilis siyang pumaibabaw sa akin. Hawak-hawak ni Desmond ang dalawang palapulsuhan ko na nasa ibabaw ng ulo ko at gamit ang bakante niyang kamay ay pinaghiwalay niya ang mga binti ko sa isa't isa saka siya pumagitna doon.

Hindi man tumakbo si Desmond pero para siyang hinahangos. At tumatama ang mainit niyang hininga sa ilong at labi kong nakaawang dahil sa kanyang ginawa.

Halos lumuwa ang mata ko nang pinid ni Desmond ang kanyang ibabang parte sa akin at naramdaman ko sa aking puson ang katulad ng naramdaman ng pwet ko- iyong matigas na bagay. Ngayon ay tinutusok na nang bagay na iyon ang pusonan ko.

"D-d-desmond naman e-ehh," nauutal kong saad nang makita ko kung gaano na kaseryoso ang mukha ni Desmond sa akin.

Binitawan niya ang kamay ko at tinungkod ang mga iyon sa gilid ko.

Halos ramdam ko na ang panginginig ng mga kamay niya na nakatungkod sa gilid ng ulo ko habang matatalim akong pinupukol ng tingin.

"B-binibiro lang e," dugtong ko pa at nanginginig ang mga labing nginitian siya.

Umigting ang panga niya at napalunok. Hindi ko alam kung anong klaseng tensyon ang namumuo sa pagitan namin ni Desmond ngayon. Pero kahit sa limitadong ilaw sa kwarto dahil lampshade lang ang bukas. Kitang kita ko pa rin ang mga malalalim na paglunok ni Desmond habang nakatingin sa akin. Naman kasi e!

Gusto ko tuloy mapapadyak sa inis. Ginalit ko yata si Desmond doon sa sinabi kong madami ang ginagawa ng mga couples. Masyado niya yatang sineryoso ang biro kong iyon sa kanya. Tapos iyon mga titig niya sa akin parang... parang gusto na niya akong kainin... sa galit niya. Huwah!!!

Nagsimula nang bumigat ang dibdib ko. Hindi ko naman kasi alam ang mga ginagawa ng magcouple. First time kung magka-crush. First time kung magkagusto. First time magkab-b-b-boyfriend. Kaya wala akong kaalam-alam sa mga bagay-bagay. Marami at halos wala talaga akong ideya sa mga ginagawa ng mga couples.

Sa katunayan ay si Desmond yata ang first time ko sa lahat. Siya ang unang tao sumagip sa akin, ang tumulong sa akin. Siya ang unang tao na nakaintindi sa akin. Siya ang unang tao na pinahalagahan ako. Siya ang unang ekstrangherong tao na nakapasok sa puso ko. Siya ang pa f-first kiss. Sa una'y naguguluhan ako kasi lalaki ako tapos lalaki siya at gusto ko siya. Iyong mga halik na pinagsasaluhan namin di ako nakakaramdam ng kung anong pagkadisgusto doon. At sa katunayan nga ay gustong-gusto ko ang mga iyon. Naunawaan ko na ang tinitibok pala nitong puso ko ay di para sa mga babae. Kung hindi pala sa lalaki.

Bumalik ang utak ko sa reyalidad nang marinig ko ang marahas na hininga ni Desmond.

"D-desmond," ani ko at tinaas ang kamay para hawakan ang bisig niya. Nanginginig talaga siya at mainit na din. "N-nilalagnat ka ba Desmond?"

"I... I am not." garalgal ni Desmond.

"G-galit ka sa akin?"

"I am not." namamaos niya namang sagot sa akin at napatingin sa ilong ko? Hindi. Sa labi ko.

"Gusto ko nga na couple tayo. H'wag ka na magalit doon sa sinabi ko, mmm?" wika ko at hinimas ang bisig niya.

Napapikit ng mariin si Desmond at malalim na lumunok.

"I said, I am not, habibi. I am not mad at you." saad niya nang binuksan niya muli ang mga mata.

Humaba ang nguso ko sa kanya. Niloloko niya ako. Nagsisinungaling siya sa akin!

"E, galit ka naman e. Nagsisinungaling ka sa akin, Desmond, e." Akusa ko sa kanya.

"Fuck! That's not it, habibi." tanggi niya naman.

Gumalaw siya sa ibabaw ko kaya naman naramdaman ko ang pagkiskis noong kung anong buhay doon sa ibaba na nasa pusunan ko.

"Galit ka."

"I am not."

"Galit ka."

"I said. I am not, habibi."

"Sinungaling!"

"Fuck! Jesus! If and only if, habibi. If only I'd been that fvcking Desmond back then. If only I were that heartless man before. If and only if you're not Finnick Salvatore. I might already have ripped your clothes and banged you down right now. But you are my precious habibi," malambing na hinaplos ni Desmond ang pisngi ko.

Bigla-bigla na lang nagbabago ang mood ni Desmond.

Hindi ko alam kung bakit pero tumulo ang luha ko. Wala man akong masyadong naintindihan sa sinabi ni Desmond pero alam ko kung gaano siya kasinsero doon.

"I'm not angry, okay? I just... I... I fvcking want t-to..." di matapos ni Desmond ang sinasabi at naoabuntong hininga nalang atsaka hinalikan ang noo ko.

Napapikit ako.

"A-ano ba ang gusto mo Desmond?" tanong ko nang humiwalay ang labi niya sa noo ko.

"You won't understand and you'll probably hate me, habibi, if I tell you."

"Try me." hamon ko sa kanya.

Hinawakan ko ang mukha niya. Kinulong ko iyon gamit ang kamay ko.

"Fùck you. Own you."

Napakunot ang noo ko doon. First time kong makarinig n'on.

"Ano? Own me? At fúck you? Ganito ba?" ani ko at pinakita ko sa kanya ang gitnang daliri ko. Madali niya naman akong sinuway.

"That's bad."

"Pero... ano ang ibig mong sabihin Desmond?"

Napahinga lang siya malalim.

"A-ano nga Desmond? Ipaliwanag mo sa akin ng mabuti di ko naintindihan at paano 'yan." usal ko.

"Next time. It's not the right time."

Dahil sa sinabi ni Desmond ay napasilip naman akong sa wall clock sa kwarto. Alas dos na pala nang madaling araw. Napatango ako kay Desmond. Naiintindihan ko siya. It's not the right time nga. Siguro ay pagod siya ngayon at galing pa kasi sa trabaho at walang tulog. Kaya naiintindihan ko siya.

"Sige. Tulog na tayo?" aya ko sa kanya.

Matamis siyang ngumiti sa akin. "Won't you give your boyfriend a goodnight kiss, habibi?"

Parang may bulateng kumiliti doon sa tiyan ko sa sinabi ni Desmond. B-boyfriend daw. Hehehe! Ang sarap pakinggan at ang sarap marinig ng paulit-ulit!

I pushed myself up to give him a wet and long kiss on his cheeks. May tunog pa iyon at ang magkabilang pisngi niya ang ginawaran ko nang halik ko.

"Goodnight na." ani ko kahit na madaling araw na.

Tumawa si Desmond bago hinalikan ang noo ko, tapos sa takip-mata ko, at hanggang sa ilong.

"Did you know that your kisses are the sweetest of all, habibi?" anas ni Desmond.

Ginapangan nang init ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Iba talaga si Desmond. Ang dami niyang kayang iparamdam sa akin. Napaka swerte ko siguro sa kanya.

"Talaga?" mahina kong saad.

"Hmm," napatango siya at saka sinapo ang buhok ko. "And did you know that even your kisses and actions scream innocence and purity?"

Napatitig lang ako sa kanya at di makapagsalita.

"You should know, habibi, that even your smallest actions bring havoc inside me; that no matter what you do, you always wake up something within me. Finnick Salvatore, you bring so many things to me that I can't even fathom them all. I may not be the smartest person living in this lifetime, but I graduated with latin honors when I finished my bachelor's degree as a petroleum engineer and topped my bar exam. That is why I can say that I'm a smart one. But when it comes to you, I think I'm the most stupid, the most foolish of all. But I don't care about that, because now, I will try my very best, Finn, to protect that innocence and pureness of yours."

Saglit na hinalkan ni Desmond ang labi ko bago ang noo ko. "Goodnight, habibi." bulong niya at humiga sa tabi ko.

Yumakap siya sa akin kaya yumakap din ako sa kanya. Napaigik ako nang walang kahirap-hirap niyang ni-rolyo katawan ko para doon mahiga sa ibabaw niya.

Pikit ang mata akong napangiti saka inunan ang ulo sa kanyang malapad na dibdib. Pinakinggan ko ang tibok ng puso niya at niyakap ang kamay ko sa kanya. Isa na yata ito sa pinakamasayang araw sa tanang buhay ko. Nag-uumapaw sa kaligayahan ang puso ko. Sumasabog sa saya ang puso ko.

Di ko man alam kung ano ang nagawa ko para iparamdam sa akin ito ng Diyos pero nagpapasalamat ako sa lahat. Nagpapasalamat ako dahil akala ko noon hanggang simbahan lang ako. Na hanggang takas lang ako doon. Akala ko noon iikot lang ang buhay ko sa simbahan pero nang dumating si Desmond. Binigyan niya ako ng liwanag, ng pag-asa, ng buhay. Hindi ko man nasabi kay Desmond kung gaano ako nagpapasalamat sa kanyang ginawa pero sobra-sobra akong nagpapasalamat sa Diyos na binigay niya sa akin si Desmond. Nagpapasalamat ako na dumating ang isang Michael Desmond sa buhay ko. And a tears of joy escaped from my eyes as I tightly wrapped my arms around Desmond.


***
Ito na ang update na may sama ng loob to the next level!🤣 Charot! Sana nag-enjoy kayo beh sa pagbabasa. And I dedicate this chapter to my readers na patuloy pa rin sa pagsuporta sa mga akda at sa mga bago ko pong readers, hello po! Pagalawin niyo naman ang baso! Omg! Amore is tearing😭. Sa mga nagv-votes at nagc-comments salamat po ng marami. Binasaba ko po silang lahat at nagrereply po ako sa abot ng makakaya ng signal ko.🤣 Ayon lang ang dami ko ng pa-hanash.

Thank you for reading!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top