CHAPTER 25
Chapter 25
Finn Pov
"Ay! Ano ba 'yan, frenny?!" May inis kong sambit nang biglang binagsak ni Jaheer ang kinukusot niyang short shorts niya. Naglalabada kasi kami dito sa laundry area ng bahay nila. Medyo marami-rami kasi ang labahin niya dahil wala ang mga maids niya dito sa bahay. December na kasi at pinagbakasyon na niya ang kanyang mga maids. Pinauwi niya raw sa mga pamilya nito na nasa mga kani-kanilang probinsiya. Hehehe! Ang bait talaga ni Frenny. Maganda na mabait pa.
Muli akong napaigtad nang tampalin niya ang tubig na may maraming bula.
"Frenny!" Igik ko at tumigil na rin sa pagkukusot ng mga damit niya.
Tinaasan niya lang ako sa kanyang noo at sinamaan ng tingin.
"Maglaba na nga lang tayo, Frenny." aniko at pinulot ulit ang damit at nagkusot.
"Hindi. Masakit na ang kamay ko. And my manicure were already damaged. Gosh!"
"Ehh, malapit na matapos, frenny, oh." Tinuro ko ang mga damit niya.
"Aish! Iniiba mo ang usapan natin, ah, frenny."
Napanguso ako at unti-unting humina ang pagkusot ko sa damit.
"Ehh!"
"Hmp! Di o-obra sa akin iyang paganyan-ganyan mo, Finn. Sige, sagutin mo nga ako. Bakit di mo pa natatanong si Michael Desmond sa label ninyo?" Pangungulit na niya naman sa akin.
Lumaylay ang balikat ko at tumigil sa pagkukusot saka tumingin kay Jaheer. Inip na inip na siyang naghihintay sa sagot ko.
"N-nahihiya kasi Frenny. Gusto ko naman talagang tanungin si Desmond kaso... nahihiya ako. Kapag kausap ko na siya nawawala na sa utak ko ang tanong ko." saad ko kay Jaheer.
"Sus! Nahihiya kang magtanong pero nagpapahalik ka?"
Pinalobo ko ang bibig ko.
Linggo na rin kasi ang lumipas simula noong sinabi sa akin ni Jaheer na kailangan ko daw'ng tanungin si Desmond kung ano ang l-label namin. Sa totoo lang ay maraming beses ko akong nag-attempt na tanungin si Desmond kaso kapag nasa harapan ko na siya nagwawala na ang puso ko. Kapag kausap ko na siya natutulala na lang ako. Kaya nawawala na sa utak ko ang tanong.
Bumuntong hininga ako. Paano kung tanungin ko nang ganoon si Desmond tapos magalit siya? Papaano kung tanungin ko si Desmond ng ganoon tapos di naman niya ako masagot. Marami rin kasing mga tumatakbo sa isip ko na mga what ifs. Tapos may takot pa at kaba.
"Aish! H'wag ka nang malungkot d'yan. Kung kailan mo gusto Finn at kung kailan mo feel saka mo lang ipush ang pagtanong kay Desmond. Don't pressure yourself, but always remember don't let that man touch you anywhere priv--"
"Nagyayakap kami Frenny." Putol ko kay Jaheer.
"Hmm," tumango siya pero alam kong may sarkastiko doon. "Kayo na ang mga malalandi na walang label."
Ngumuso ulit ako sa kanya.
"Pero frenny paano kapag tinanong ko si Desmond... nang ganoon tapos... m-magagalit siya. O di kaya'y di niya ako masagot o... b-baka kapatid or hanggang kaibigan lang ang tingin sa akin ni Desmond, Frenny." Malungkot kong sabi kay Jaheer.
Napabuga siya ng marahas na hininga at kinuha ang kamay kong may bula pa.
"Frenny. Look. Kung magagalit si Desmond. Layasan mo." Payo niya sa akin.
Nalukot ko ang ilong ko.
"Ehh? Si Desmond ang nagpapakain sa akin, frenny. Wala akong mapupuntahan dito. Siya ang naglabas sa akin sa parish, frenny, diba?" Seryoso kong sambit.
Taas ang kilay niyang ngumiti sa akin. Naglalaro ang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi.
"Edi, dito sa bahay ko. Dito kita itatago."
Napaisip din ako doon. Oo nga pwede siguro ako dito sa bahay ni Jaheer kaso ang lapit lang ni Desmond. Di ko siguro matitiis na di siya silipin dito.
Iniisip ko palang na lalayo ako kay Desmond ay naninikip na ang dibdib ko sa di ko malaman na dahilan. Saka di ko yata kakayanin kapag nakita kong galit si Desmond. Di pa naman siya nagalit sa akin ng todo, e. Iyong nagsuot siguro ako noong swimsuit tapos iyong iba naman di ko naman iyon tinuturing galit si Desmond kapag nasisigawan niya ako.
"P-papaano Frenny kung... h-hanggang friends lang kami. Iyon bang di kami p-pwedeng maging couple o baka di pwedeng lumagpas ang relasyon namin ni Desmond sa pagiging magkaibigan, frenny."
Binitawan ni Jaheer ang kamay ko at halos nasabunutan na niya ang sariling buhok kung wala lang bula sa kanyang kamay sa sobrang inis na nararamdaman.
"Kung ganyan lang din naman pala si Desmond, e, mas mabuti siguro frenny kung humanap na lang tayo ng afam mo."
"Afam?"
Tumango siya.
"E, kung si Desmond hanggang friends lang kami papaano ako makakahanap ng afam, frenny?"
"Mataas ang standards ni Des..."
Lumaylay ang balikat ko doon sa sinabi ni Jaheer. Mas lalong malabo yata kami ni Desmond? Matanda na siya ako... mas b-bata sa kanya. Siya mayaman, ako mahirap, siya may sariling bahay, ako nakikitira sa kanya. Si Desmond may trabaho, ako... wala. Palamunin niya lang.
Bakit pa kasi ako humantong sa ganito? Bakit pa kasi ako nagka-crush kay Desmond? Ayon tuloy... g-gusto ko na siya. Parang ayaw ko nang maging kaibigan niya lang. Ayaw ko noong sinabi niya sa akin na little brother niya ako. Nakakainis! Ayaw ko na nang ganito pero marami akong kinakatakutan, marami akong what ifs.
"Frenny," pukaw sa akin ni Jaheer bago pa man tumulo ang luha ko. "Always remember. Na kahit na anong taas pa nang standards niyang si Desmond at kahit na may tag na red flag iyang lalaking iyan. Sayo pa rin 'yan kakalampag. You said it before, na si Desmond nanghingi ng french kiss sayo. It only means one thing and that is he wants you. Desmond wants you."
Ngumuso ako. "Talaga?"
"Hmm," tumango siya. "Maganda ka, e. Kaso nga lang mas maganda pa rin ako." Aniya at kinindatan ako. "Kaya h'wag kang masyadong mag-overthink d'yan, okay? Saka tapusin na natin ito. Ako pa nai-stress sa lovelife mo, e."
Ngumiti ako kay Jaheer. Oo nga. May lalabahin pa kami.
Sa sumunod na araw ay nabalitaan ko na uuwi pala sina tatay Carlos at nanay Susan sa kanilang probinsiya. Labis akong nalungkot doon. First time itong uuwi sila nanay at tatay sa kanilang probinsiya simula nang dumating ako dito sa bahay ni Desmond.
"Nanay, uuwi naman po kayo dito, diba?" sunod ko kay nanay Susan palabas ng bahay. Ngayon na rin kasi ang alis nila ni tatay Carlos. Pinahiram ni Desmond ang kanyang SUV kina nanay para di na sila mahirapan pa sa pagc-commute pauwi.
"Itong batang ito talaga. Oo naman. Bibisitahin lang namin ng tatay mo ang babay namin sa probinsiya at iyong ibang kamag-anak namin doon."
Pinunasan ni Nanay ang luha na dumaloy sa pisngi ko.
"Ilang days kayo doon 'nay?" Nag-crack ang boses ko.
"Hindi ko alam anak pero babalik kami dito bago ang bagong taon. Sa probinsiya kami magpapasko ng tatay mo pero dito naman kami magbabagong taon." saad ni nanay Susan.
"Ingat po kayo doon 'nay." Niyakap ko si nanay Susan.
Hinagod naman ni nanay ang likuran ko.
"Oo," kumalas si nanay sa akap namin. "Ikaw din mag-iingat ka dito. H'wag mong bubuksan ang gate kapag di mo kilala ang bisita. Saka kumain ka sa tamang oras. May alam ka na naman diba sa simpleng lutuin na tinuro ko?"
Oo, tinuruan ako ni nanay Susan sa mga simpleng lutuin dito sa bahay. Actually, paminsan-minsan akong tinuturuan ni nanay kung papaano magluto. Iyon ang naging napag-abalahan ko kapag wala akong magawa dito. Tsaka kung papaano paandarin iyong mga equipments ni Desmond sa kitchen ay tinuro rin ni nanay.
"Opo, 'nay."
"Susan, halika ka na." si tatay Carlos at kinuha ang bag na dala ni nanay.
"Alis na kami, anak." Ani nanay at niyakap ako muli.
Kumalas si nanay sa yakap at sunod naman na nagpaalam si tatay.
"Mag-ingat ka dito, anak. Aalis na kami ng nanay mo."
"Kaya rin 'tay ingat po. Ingat po sa byahe ninyo."
Ngumiti si tatay Carlos at yumakap sa akin. "Ikaw ang mag-ingat dito anak sa multong jakolero na nakatira sa bah—ahhh!" Daing ni tatay Carlos nang sampalin ng malakas ni nanay Susan ang balikat ni tatay.
"Tara na Carlos! Kung ano-ano pa ang sinasabi mo kay Finn."
Nang umalis sila nanay ay umalis din si Desmond para sa kanyang trabaho. Napaka abala niyang tao. Laging may ginagawa. Mayaman e.
Papasok ako nang bahay at napakatahimik. Ako lang mag-isa. Napaisip tuloy ako sa sinabi ni tatay Carlos tungkol sa multong jakolero dito. H'wag naman sana akong gambalain noon. Pipi kong dasal.
Nang mag gabi matapos kong maglinis sa katawan at makapagbihis ay sa baba ako tumambay. Natatakot na naman kasi ako. Di ko na kasi naalala ang jakolerong multo na sinabi ni tatay Carlos kaso pinaalala niya iyon sa akin kanina. Nakakainis!
Paminsan-minsan ay nagc-cell phone ako tapos nanonood sa TV. Hanggang sa dumating si Desmond bandang alas nuebe ay sa salas akong tumambay.
"Why are you here? You should wait for me in my room." bungad ni Desmond sa akin at hinalkan ako sa noo.
Nagrambol naman kaagad ang puso ko doon sa simpleng kilos ni Desmond.
"Tapos ka na bang kumain?" tanong niya sa akin.
Naka cross-sit ako sa sofa habang nakatayo naman siya sa harap ko. Nakaharang siya sa malaking television.
Tumango ako. Nagluto kaya ako.
"Di ka ba kumain, Desmond? Gusto mo ipaghanda kita?" Alok ko sa kanya.
Umiling naman siya.
"No need, habibi." Anito.
"Tapos ka na kumain?" Segunda kong tanong.
"Hmm. But can I have you as my dinner?" Si Desmond at napa lip bite.
Kiniling ko ang ulo ko.
"Pwede rin." Nonchalant kong untag dahil di ko naman siya maintindihan.
Nanlaki ang mata ni Desmond sa akin kaya naman mabilis kong binawi ang sinabi ko.
"Hehehehe! Joke lang. Di ko naman alam iyan, Desmond. Don't worry kapag alam ko na iyan papayagan na kita."
Kumuyom ang panga ni Desmond at napamura.
"Don't kid like that, Finn." May halong pagtitimpi at kaseryosohang saad ni Desmond habang pinupukol ako ng matatalim niyang titig.
"Huh? Di kita jino-joke, Desmond. Pag alam ko nga ay papayagan na nga kita." anas ko.
Napahilamos nalang siya sa kanyang palad at ilang mura ang iniwan sa akin bago tumalima sa ikalawang palapag ng bahay. Pinatay ko ang TV at sinigurado kong lock ang mga bintana at pintuan bago patakbong sumunod kay Desmond sa kanyang kwarto.
Wala si Desmond sa kanyang kama nang pumasok ako kaya ang hula ko ay nasa cr siya. At tama naman ako dahil ilang minuto ang lumipas lumabas siya napatapis lang ang brown na towel sa kanyang baywang at nagpupunas sa kanyang buhok.
Kitang-kita ko kung paano gumalaw ang mga masels ni Desmond kapag ginagalaw niya ang kanyang kamay. Tapos iyong mga tubig na lumalandas sa kanyang maskuladong katawan at mala-karamel na kulay na balat ay nakakatuyo sa lalamun. Nakakauhaw iyon tingnan. Parang nanuyo ang lalamunan ko sa tanawin.
Nanlaki ang mata ko nang dumapo ang mata ko sa ibabang parte ng katawan niya. Partikular doon sa pagitan ng hita niya. May bukol doon na parang buhay. Parang iyong kagaya sa akin. Iyong morning wood.
Napatakip ako sa bibig ko. "Desmond, may morning wood ka?" At tinuro ko pa iyon.
Sinundan ni Desmond kung saan nakaturo ang daliri ko. Napatingala si Desmond af humalakhak. Kita ko tuloy ang malaking adam's apple niya na tumaas-baba.
Naibaba ko tuloy ang kamay ko dahil tinawanan niya lang ako. Noong ako ang nagkaganyan ay umiyak pa nga ako, e.
"It's not morning wood, habibi."
"Ehh? Ano tawag d'yan? Evening wood? Meron ba noon, Desmond?"
Mas lalong lumutong ang tawa ni Desmond kaya naman napanguso na lang ako. Ang sama. Tinatawanan lang ako. Pero kahit na ganoon ay ang gaan sa dibdib ko 'yong mga tawa ni Desmond.
"Fuck!" Mura niya. "I'm just... big. I'm just blessed, habibi."
Napatango ako kay Desmond at humiga na lang sa kama nang tahimik. Wala naman akong paki sa big at blessed na tinutukoy niya, e.
Hanggang sa dinaluhan na ako ni Desmond sa kama. Umunan ako sa braso niya pero nanatiling nakakapit ang kamay ko sa kumot ko. Di ako yumakap kay Desmond.
Huminga ako nang malalim nang maalala ko ang payo ni Frenny na tanungin si Desmond sa label namin. Pinono ko ng hangin ang dibdib ko bago bumaling kay Desmond.
Naka-side view ako at kita kong nakapikit na ang mata ni Desmond.
"Desmond," mahina kong tawag sa kanya.
"Desmond," muli kong tawag at ginalaw ko ang kamay niyang nakapatong sa tiyan niya.
Malungkot akong napanguso at bumangon. Hinarap ko patungo sa direksyon ni Desmond ang katawan ko at niyakap ko ang binti ko saka tinitigan ang natutulog niyang mukha.
Ngayon na nagkalakas na ako ng loob ay tulog naman siya.
Ilang minuto kong tinitigan ang mukha ni Desmond at napabuntong hininga nalang ako.
Hihiga na nasa akong muli nang buksan ni Desmond ang mga mata niya. At nahuli akong nakatitig sa kanya.
"Why aren't you sleeping?" tanong niya sa namamaos na boses.
Binitawan ko ang binti ko saka nagcrossed-sit ako. Pinagsiklop ko ang kamay ko at umayos sa pagkakaupo.
"Is there something wrong, habibi?" may halong pag-alala niyang tanong. "Nightmare? Does your bad dreams hunting you again? Hmm?" malamyos na turan ni Desmond at hinawakan ang kamay ko.
Napalunok ako sa bikig na namumuo sa lalamunan ko.
"Say habibi. I'm worried."
"Desmond..."
"Yes, habibi."
Pumikit ako nang mariin at bumuga ng malakas na hininga.
"D-d-desmond... ano b-ba t-tayo?" Pikit mata kong tanong kay Desmond.
"Huh?" si Desmond.
Tinakpan ko ang bibig ko at agad akong tumalikod kay Desmond saka humawak sa dibdib ko na parang galing sa paglaro ng track and field sa lakas ng kabog. Halos di na rin ako makahinga doon.
"Hibibi." Gumapang ang kamay ni Desmond sa siko ko at iniharap ako sa kanya. Kaso tinakpan ko agad ang mukha ko dahil may luhang tumutulo sa mata ko. Naghahalo na ang nararamdaman ko ngayon.
"Habibi," anas ni Desmond at sinubukang kunin ang kamay kong nakatakip sa mukha ko.
"Finn."
"Habibi."
"Finnick."
"Habibi, why are you crying? Jesus!"
Napahikbi ako. "S-sorry, Desmond. Sorry." aniko.
"What? Fvck! Why the fvk are you saying, habibi? Why are you saying sorry, hmm?" may inis na tanong sa akin ni Desmond. Pero may bahid ding pag-aalala ang tono n'on.
"Say it, Finn." Biglang naging malambing ang tono ng boses ni Desmond.
Binaba ko ang kamay ko. And my wet face welcome Desmond's worried stares.
"Sshhh," si Desmond at pinupunasan ang basa kong mukha.
"Sorry if I'm asking for too much, D-desmond. I'm sorry if I wasn't c-contented with what you gave to me. I'm sorry if I w-want something m-more. I'm sorry. I'm sor--"
Pinutol ako ni Desmond sa pagsasalita gamit ang kanyang labi. Mababaw niyang hinalikan ang labi ko. Iyong walang kasamang dila. Pinaglapat niya lang ang mga labi naming dalawa.
Desmond ran his fingers over my lips and gave them a massage after our shallow yet sweet kiss.
"You can be greedy, Finnick Salvatore. You can be greedy when it comes to me, habibi. I want you to be selfish when it comes to me, habibi."
Hindi ako makapagsalita at nakatitig lang ako sa mga nangungusap na mata ni Desmond.
"Do my actions make you confused? Are my actions vague? I thought I already made it clear to you back then in Boracay, habibi." wika niya. At bumaba ang kamay ni Desmond sa leeg ko.
"Sorry Desm--"
Pinutol niya ulit ako sa pamamagitan ng halik.
"No need to say sorry, habibi. I'm not an expert when it comes to relationship things, Finn. This whole fucking thing was new to me. That is why I'm sorry for making you confused. I'm sorry for taking it so long before I made it clear to you. And to make things clear to you, Finnick Salvatore... I didn't know when it began, but I am yours now and you're mine, too. You are now my baby, my boyfriend, my habibi, and I am your boyfriend now, too. Okay?"
I clumsily wiped my tears away and threw my body at Desmond. Napakasaya ko. Nagsasabog sa saya ang puso ko.
"C-couple na talaga tayo?" Mahigpit ang yakap ko sa kanya.
Rinig ko ang pagtawa ni Desmond. Hinagod niya ang likuran ko.
"Yes."
***
Masama po ang loob ko kaya may sama ng loob ang update ko. Kaya pagpasensyahan niyo na.🤣 Sana nag-enjoy kayo mga beh sa update ko.🥰👌Konting tiis na lang hehehe.
Thank you for reading!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top