CHAPTER 15
Chapter 15
Finn Pov
"You want a milk tea?" tanong sa akin ni Desmond habang nagbibihis siya.
Kinagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan ko siyang binubutones ang kanyang long sleeves. Ang ganda rin talaga ng katawan ni Desmond at saka ang laki pa. Maskulado at brusko. Siguro kapag tumanda ako ay magiging ganyan ako. Pero mukha namang malabo. Kasi ako ngayon kahit na nakakain na ako sa tamang oras at masusutansya payat pa rin ako. Maputla pa ang katawan ko na laging kinukutya ni Jaheer na kulang daw ako sa bilad sa araw.
Kung magtatabi kami ni Desmond ay para akong bata sa liit ko. Twenty-one na ako kahapon, 'no!
Naglakbay pa ang mata ko sa may dibdib ni Desmond na minsan ko nang ginawang unan sa lapad n'on. Mukhang matigas ang dibdib ni Desmond pero kapag umunan naman ako doon ay di namam siya masakit. Masarap pa nga e. Napansin ko rin ang kamay ni Desmond na may ugat doon na umuusli. Napatingin ako sa akin na halos kita na ang ugat ko sa pagkaputla. Mga peklat lang ang nasa kamay ko.
Binalik ko ang mata ko atensyon ko kay Desmond. Napalunok ako nang makita ko ang leegan ni Desmond partikular na ang Adam's apple niya. Malaki iyong kanya samantalang iyon akin hindi masyadong visible. Nakakainggit! Sarap siguro himasin at hawakan ng ganoon.
"Oo, sabi kasi ni Jaheer masarap daw iyon, Desmond. Pero di niya ako masasahan ngayon e, kasi may gagawin daw siya." pahayag ko sa kanya.
Sinuklay ni Desmond ang basa niyang buhok at tumutulo iyon sa suot niyang long sleeve. Hinayaan lang iyon ni Desmond dahil may binutones pa siya sa may wrist niya. Kaya naman ako na walang ginagawa ay kinuha ko ang towel na ginamit niya kanina at nilapitan siya.
Tumingkayad ako upang punasan ang kanyang buhok kaso di ko naman abot. Naistatwa si Desmond ng ilang saglit.
Ngumuso ako dahil di ko siya maabot.
"Yumuko ka, Desmond. Ako na magpupunas sa buhok mo." nginuso ko pa ang tuktok niya.
Napansin ko ang pagtaas baba ng Adam's apple ni Desmond. Bago siya yumuko para maabot ko nag ulo niya nang tuluyan.
Lihim naman akong napangiti.
"Papayag ka ba Desmond na aalis ako. I really want to try milk tea." anang ko.
Tumawag kasi si Jaheer kanina tungkol doon. Gusto niya raw iyon ipatikim sa akin dahil marasap daw at nakakatirik sa mata. Di ko naman ako kung bakit napapatirik iyon sa mata pero gusto ko siya i-try. Kaso nga lang di pwede si Jaheer ngayon kasi may gagawin din siya.
"Okay."
"Hala! Salamat, Desmond." Magiliw kong ani at mas ginanahan pa sa pagpupunas ng buhok niya.
Di ko mapigilang di mapangiti sa ginagawa ko. Tapos ay biglang nahagip ng mata ko ang labi ni Desmond. Napatigil ako nang maalala ko ang ginawa ni Desmond kagabi. He kissed me on my forehead. That red lips kissed my forehead last night. Napahinga ako ng malalim nang maramdaman ko ang pagkabog ng puso ko.
Iniling-iling ko ang ulo ko sa mga pumapasok na mga ideya at nagpatuloy sa pagpupunas ng buhok ni Desmond. Pinalobo ko ang bibig ko. Nang maalala ko na may tinawag si Desmond sa akin kagabi kaso di ko lang maalala. Pwede ko kaya siyang tanuningin kung ano iyon?
Bumuntong hininga ako. H'wag na nga lang nakakahiya na naman kung tatanungin ko siya at baka di na rin niya tanda iyon.
"Finn," tawag ni Desmond sa akin.
"Desmond?" ako at tumigil na naman sa kakapunas sa buhok niya. Kinuha ko na rin iyong towel at binaba ko ang kamay ko pero si Desmond ay nanatiling nakayuko. At nakatingin sa akin.
"Can I kiss you?"
Hindi ko mawari kong sa kaba ba o dahil sa sinabi ni Desmond kaya di ako makahinga ng maayos dahil sa malakas na pagkabog sa puso ko. Parang naluluwa na ako sa lakas n'on.
Puno ng kaseryosohan ang buong mukha ni Desmond. At mga mata niya naman ay nakapukos lang sa akin.
"E-ehhh..."
"Hmm, nevermind." si Desmond saka ginulo ang buhok ko.
Tumayo siya nang maayos at inayos ang nalukot na damit. Tatalikod na sana aiya nang magsalita naman ako.
"Ayaw ko n'ong French Kiss, ah, kung iyon ang gusto mo."
Dinig ko ang pag-ungol ni Desmond at napahilamos sa kanyang palad.
"Finn."
"Okay lang sa forehead at sa cheeks." Nakangiting saad ko kay Desmond kaso nagusot lalo ang mukha niya. "Ehh, ayaw mo?" ngumuso ako sa kanya.
Nilagay ni Desmond ang kanyang dalawang kamay sa kanyang baywang at tinaliman ako nang tingin.
"Finn, if someone ask you if they can kiss you. Will you let them?" Desmond said while clenching his jaws.
Lumabi ako sa kanya.
"Sino naman? Si Jaheer? Ayaw nga n'on sa ak--"
"No. For example some random guys." putol niya sa akin.
"Hala! Hindi. Ayaw ko." mabilis kong sagot sa kanya.
Napabuntong hininga si Desmond at tinangu-tango ang ulo niya.
"Good." aniya saka sa isang hakbang niya ay tinawid niya ang maliit naming distansya at hinalikan ako sa noo. Kinabahan ako dahil malakas ang pintig ng puso ko at natatakot ako na baka maramdaman din iyon ni Desmond sa lapit namin. "Bumaba ka na. Sasamahan kita."
"Ay! H'wag n-na." tanggi ko sa kanyang sinabi matapos ilayo ang labi sa noo ko.
"Sasamahan kita o hindi ka aalis dito ngayon."
"Sige na nga."
Lumabas ako nang kwarto niya at bumaba na ako sa sala. Naabutan ko naman si Nanay Susan na nagpupunas sa mga muwebles.
"Tulungan ko na po kayo, nay." saad ko at nilapitan si Nanay Susan at kinuha ko kaagad ang isang feather dust.
"H'wag na. Aalis ka diba? Pinayagan ka ni Desmond?"
"Uhm!" tango ko kay Nanay.
"Mabuti naman."
"Sasamahan niya ako nay." Dagdag ko naman.
"Di ba siya papasok sa trabaho?"
Nagkibit ako nang balikat. "Ewan ko, nay. Iyon ang sabi niya e. Sasamahan daw niya ako."
"Oh, siya. Maghintay ka na lang sa kanya doon," nginuso ni Nanay iyong sofa sa gilid.
Ngumuso ako at binaba ang feather dust.
Ilang sandali pa ay bumaba na rin si Desmond. Uminit ang pisngi ko nang makita ko si Desmond na pababa ng hagdanan. Napaka-gwapo ni Desmond sa kanyang suot.
"Aalis na kami Manang." si Desmond.
"Sige mag-iingat kayo. Mag-ingat sa pagd-drive Desmond."
"Hmm."
"Bye bye, nay."
---
Dinuyan-duyan ko ang paa ko sa sya habang naghihintay kay Desmond na nag-o-order ng milk tea. Sinabi niya kasi na maghanap daw ako ng gusyo kong pwesto at ang napili ko ay dito sa malapit lang sa pintuan at nakaharap sa transparent glass ang upuan. Kaya naman kitang-kita ko ang busy na daan. Mga 9am pa naman kaso marami nang tao ang nandidito sa milk tea shop na pinasukan namin ni Desmond.
"Here."
Naglaway ako habang tinitingnan iyong binaba na milk tea ni Desmond. It would be my first time tasting this kind of drink. Ang kyut tingnan n'ong mga black pearls.
"Thank you." saad ko pero ang mata ay nandun sa milk tea. May fries ding binili si Desmond.
"After this ihahatid kita sa bahay, Finn."
"Uhm." tumango ako sa kanya.
Naaliw na ako doon sa kakasipsip noong milk tea at ang paminsan-minsan kong abot doon sa fries nang may biglang tumawag kay Desmond.
"MD!"
Sipsip ko ang straw noong milk tea at napatingin ako doon sa pinanggalingan nang boses. And there I saw the familiar guy. Siya iyong lalaking nakilala ko doon sa restuarant noong kasama ko si Desmond, ate Zofia, at ate Andrea. Hindi ko na nga lang tanda ang name niya.
"AJ."
Sinundan ko lang ang galaw noong AJ hanggang sa lumapit siya sa table kung saan kami ni Desmond at kagaya noong una kong kita sa kanya ay di niya ako napapansin kahit na magkatabi lang kami ni Desmond.
"I didn't know I would find you here." Malalaking ngiti na saad noong AJ at humawak-hawak pa sa balikat ni Desmond.
"I'm here with my fr--"
"Come here. Ipapakilala kita sa mga friends." Putol niya kay Desmond. Di na naka-angal pa si Desmond nang hilahin na siya noong AJ at dinala doon sa table niya na may iilang babae.
Napanguso na lang ako at tumalikod. May kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Iniwan ako ni Desmond pero alam ko naman na babalikan niya ako dito.
Inibus ko na lang ang milk tea at nilantakan ko na ang fries hanggang sa maubos ko iyon kaso lang naubos ko na ang fries pero di pa rin bumabalik si Desmond.
Nilingon ko si Desmond at masaya siyang nakikipag-usap doon sa mga kaibigan ni AJ. Bumuntong hininga ako at humalumbaba ako sa mesa. Parang nakalimutan na ako ni Desmond. Kakapain ko na sana ang bulsa ko kaso di ko naman dala ang phone ko na bigay ni Jaheer. Nakalimutan ko ata sa bahay. Di rin naman kasi ako sanay na laging nagdadala ng phone.
Nabagot na ako kakahintay kay Desmond kaya naman ay lumabas ako ng milk tea shop. Gusto ko nang umuwi. Pumara ako ng taxi. Iyon lang kasing mga ganoong pampasaherong sasakyan ang nakakapasok doon sa MV.
Ngumiti ako nang nay taxi na huminto sa harap ko at agad akong sumakay doon at sinabi ko sa driver na sa MV ako.
"Iyan lang ang pera mo?!" Pagalit na wika sa akin noong taxi driver nang pababa na sana ako sa taxi. Three hundred lang kasi ang pera ko kaso ang babayaran ko pala ay nasa limang daan.
"Sorry po..." di ko naman kasi alam na ang mahal pala nang pamasahe sa ganitong sasakyan.
"May nagta-taxi pa naman kasi. Wala namang pera pamasahe. O siya! Labas na! Lugi ako sayo. Ang mahal pa naman ng petrolyo ngayon."
Gusto ko nang maiyak sa sobrang kahihiyan na dinala ko sa sarili ko. Tahimik akong bumaba sa taxi at sinara ko iyong pintuan. Maglalakad pa ako nito papasok kasi dito niya lang ako binaba sa mismong harap lang ng entrance nang MV.
Bahagya akong yumuko doon sa may bintana nang front seat. "Sorry po talaga. Hayaan n'yo po at--"
"Alis na! Agang-aga nakakabwesit na ikaw pa talaga ang una kong pasahero. Akala ko pa naman galanti kasi dito sa MV tapos kulang-kulang naman ang pamasahe m--"
"Oii!" Napatalon ako nang may biglang sumigaw sa likod. Nakita ko ang isang maputing lalaki na katantaman lang ang laki ng katawan at di rin katangkaran. Lumapit iyon sa akin.
"Anong problema dito?" tanong noong lalaki. Di ako nakapagsalita sa gulat ko pero iyong taxi driver na ang nagsalita.
"Iyan kasing batang iyan! Nagpahatid dito e kulang naman ang pamasahe. Kaya ay--"
"Ayan na tumahimik ka na." tinapunan noong lalaki ang taxi driver ng buong limang daan. "Alis na."
Umungot iyong taxi driver at humarurot palayo.
"Bago ka lang ba dito?" tanong niya sa akin.
Tumango pero kalauna'y umiling naman.
"Saang bahay ka pala? O saang block?"
"S-sa bahay lang naman ako ni D-desmond." Bigla kong naalala na iniwan ko pala si Desmond doon sa milk tea shop. Hinahanap na kaya niya ako? Baka magalit iyon dahil umalis ako ng walang paalam sa kanya.
"Oh! Kaano-ano ka ni Desmond?"
"Na... nakikitira lang." mahina kong saad sa kanya.
"Ahh, gusto mo ba ihatid kita doon sa bahay niya?"
Napakurap-kurap ako. "Alam mo ang bahay ni Desmond?"
"Oo. Kung si Desmond Bunsen ang tinutukoy mo. Kaibigan siya ng yumao kong nobyo. Clayton pala pero tawagin mo na lang akong Clay." Napatitig ako kay Clay. Mukha namang masigla ang boses niya kaso iyong mata niya ay malungkot.
"Ako naman si Finn. Masaya akong makilala ka at salamat pala doon sa pera mo..."
"Okay lang. May trabaho naman ako. Tara hatid na kita sa bahay ni Desmond."
Napanguso naman ako sa kanya. "Ayaw ko pang umuwi doon e."
Ngumiti siya sa akin. "Gusto mo bang pumunta sa tinitirhan ko ngayon? Nandun ang anak ko."
"P-pwede ba ako doon?"
"Tsk! Oo naman. Teka, itetext ko si Desmond na kasama kit--"
"H-h'wag. H'wag na. Abala naman siya." pigil ko kay Clayton.
Natabingi niya ang kanyang ulo.
"Okay."
---
Di ko mapigilang di mamangha sa bahay na pinasukan naming dalawa ni Clayton. Napakalaki nitong bahay. Mas malaki pa ito kaysa doon sa bahay ni Desmond. Parang lahat ata ginto ang nakikita ko. Tapos doon naman sa labas ay mga berdeng tanim naman at may fountain pa. Grabe!
"Ang laki at ang ganda ng bahay mo, Clay." Di ko mapigilang di mapuri ang mansyon.
"Bahay 'to nang partner ko, Finn."
"Oh, saan na pala siya ngayon." anang ko at malikot pa rin ang mata sa loob ng mansyon.
"He already passed away."
Napatigil ako at tumitig kay Clayton. Kinagat ko ang labi ko. Oo nga pala nabanggit niya iyon kanina. Hala! Ang tanga ko.
"S-sorry, Clay."
"Okay lang."
"Papa!" mabaling ang atensyon ko sa batang nagmamadaling bumaba ng hagdanan.
"Baby." sulubong naman ni Clay doon sa nakapa-cute na bata.
Binuhat iyon ni Clay kahit na malaki na naman.
"Who is he, papa?" tanong noong bata.
Karga ni Clay ang bata at lumapit sila sa akin.
"He is Kuya Finn, baby. He is a dear friend of your uncle handsome Desmond. Finn, anak ko pala si Daniel. Anak siya ng partner ko."
"Hello, baby. Ang kyut mo naman." Lumapit ako at napakurot doon sa malambot na pisngi nang bata.
"Hehehe. Hello, can I call you, Kuya Radish?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Daniel. "Your so white po Kuya Finn, like a radish."
Nakuha ko na ang ibig niyang sabihin kaya naman tumango ako.
"Oo naman."
Mabilis kaming nagkasundo ni Daniel at naglaro pa kami sa lego niya habang ginagawan kami ni Clay doon sa kitchen ng meryenda. Nawala na sa isip ko si Desmond sa sobrang aliw ko dito sa bahay ni Clay. Idagdag pa itong si Daniel na nagpapakandong sa akin. He even compliment my scent. Ang bango ko raw.
"I really like you, Kuya Radish. Unlike, ate Jhera who looks like a rotten mushroom."
"Hehehe, binobola mo lang ako e, para makakandung ka sa akin."
"No it's true, Kuya."
Tumawa lang ako kay Daniel hanggang sa dumating si Clay na may dalang meryenda namin. Cookies iyon at juice.
Tumayo si Daniel at kumuha ng cookies saka binigyan ako.
"Salamat, baby Daniel."
Namula ang pisngi ni Daniel. Ang kyut talaga niya at parang anak siya ni Clayton. Sobrang close kasi nila sa isa't isa na mapagkakamalan mo talagang anak ito ni Clay.
"Finn!!"
Muntik nang mahulog ang kinagatan kong cookies nang marinig ko ang parang kulog na boses na Desmond.
"Uncle handsome." ani Daniel.
Dahan-dahan ako tumayo at nilingon sa likuran si Desmond.
Nakakuyom na ang kamo ni Desmond. Ang mata niya ay nanlilisik na rin. Tapos ang nagtatagis na ang bagang niya. Galit siya!
"D-desmond."
"Why the fu—" ginulo ni Desmond ang buhok niya nang makita na nasa tabi ko si Daniel. "Why did you leave me? Why did you leave without me knowing, Finn? Fu—fudge! I almost turn the shop upside down!"
"H'wag kang mag-alala Desmond. Safe naman si Finn at naglalaro lang sila ni Daniel." sumabad si Clay.
"Are you angry with Kuya Radish, uncle handsome?" si Daniel naman.
Nagtagpo ang kilay ni Desmond. "No! I'm just worried, buddy."
"Ohh! Don't scold, Kuya, huh. Or else I will take him away from you."
Napangiti ako kay Daniel. Friends na rin talaga kami ni Daniel.
"Oh! Buddy, you're still a kid."
"And you're old, uncle handsome."
Tumawa ako at pati si Clay ay napatawa sa sinabi ni Daniel.
"Don't worry, Kuya Radish. If uncle handsome hurt you or scold you. You can always come here and play with me, okay?"
"Oo naman." masaya kong saad kay Daniel at kinurot ang pisngi niya.
"Let's go home, Finn."
"Sige na, Clay, baby Daniel. Uwi na ako. Salamat ulit."
"No problem, Finn. Saka gaya ng sabi ni Daniel you can always come here, okay?" Lumapit si Clayton sa akin at niyakap ako. "Baby na rin kita." aniya at pinakawalan ako.
"Uncle handsome!" tawag ni Daniel kay Desmond.
"What bud?"
"Take care of Kuya, huh."
"Tsk! Lorcan na Lorcan talaga."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top