CHAPTER 14
Chapter 14
Finn Pov
Heto na naman ako dito sa kwarto ko sa bahay ni Desmond. Nandito ako ngayon sa kama at nakatulakbong sa akin ang makapal na kumot dito sa kama ko. Hindi ko na alintana ang mainit na temperatura dito sa ilalim ng kumot. Ang mga butil ng pawis sa noo ko ay pumapatak na pero ayaw ko pa ring lumabas dito. Bakit nga ba parang ako pa ang nahihiya doon sa napanood ko? Bakit ako ang nakakaramdam ng pag-init sa katawan ng makita ko iyon? Bakit ako ang pinagpapawisan doon? Bakit ako pa ang parang nahihiya doon sa nakita kong bidyo?
Kasalanan ko rin naman kasi ito! Kung sana ay di na ako sumama kay Jaheer. Kung sana ay di na ako nakuryoso di na sana ako nagkakaganito ngayon.
I can't help it but to blushed when I remember how the two person in the video eat each others mouth? Tongue? I don't know. Hindi ko iyon masyadong nakita kasi tinatakpan ko ang mata ko. Nakakatakot din kasi. Paano ba naman? Kinakain no'ng isang lalaki ang bibig nong isa. Nakakahinga pa ba sila n'on? Tapos napaka-bayolente tingnan no'ng isang lalaki kasi parang gusto na niya atang kainin ang buong mukha nong kahalikan niya. Iyong tinatawag nilang French Kiss ay hindi maganda! Parang nauubusan na kasi sila ng hinga. Paano kung malagutan ang isa? Saka di ba masakit iyon sa bibig? Sa labi? Sa dila?
Nasipa ko ang kumot sa sobrang pagkayamot sa sarili ko. Bakit ba tandang-tanda ko pa iyon? Bakit ang linaw pa no'n sa utak ko, sa isip ko? Gusto kong sisihin si Jaheer dito. Siya ang pasimuno nito. Kung di dahil sa kanya di rin naman ako makukuryuso doon.
Mas naramdaman ko ang pag-init ng buong mukha ko at leegan nang maalala ko ang sinabi ni Jaheer na iyon ang hingin ko kay Desmond. Magpapaganun ako? Magpapa-french kiss ako kay Desmond? Hindi iyon maaari! Hindi ko iyon hihingin kay Desmond. Napabuga ako ng hininga. Kung di ko alam ang french kiss baka siguro ay nahiling ko na iyon kay Desmond. Ngunit... bakit pala hiningi iyon ni Desmond sa akin noon? Ibig ba... sabihin ba n'on... gusto niya rin kainin ang bibig ko? Iyong parang sinisipsip na lahat ng laway sa dila?
Impit akong napasigaw sa ilalim ng kumot at kumuyutkot pa ng husto. Gusto ko nang maiyak dahil di na wala sa utak ko iyong napanood na video namin ni Jaheer. Bakit si Jaheer tawang-tawa lang habang nanonood kami kanina tapos ako halos mawalan na nang dugo sa katawan. Siguro sanay na sanay na siya.
At nang gabing iyon ay di ako natulog sa kwarto ni Desmond. Hindi ko ata kayang matulog kasama si Desmond sa mga naglalarong imahe sa utak ko. Nakakahiya naman kay Desmond sa naglilikot dahil di ako makatulog tapos siya pagod sa trabaho niya.
Kinabukasan ay maagang bumisita si Jaheer sa bahay. Si Jaheer lang talaga ang nasabihan ko na birthday ko ngayon. Hindi ko naman iyon sinabi pa kina nanay at tatay at mas lalo na kay Desmond. Sapat na sa akin na nabati ako ni Jaheer kahapon.
"Ang aga mo namang pumunta dito." Nakangusong saad ko kay Jaheer.
Si Jaheer ay di na nahihiyang gumala sa bahay ni Desmond at ayos lang naman doon si Desmond kasi kaibigan ko si Jaheer.
Binaba ni Jaheer ang slice bread na kinakain. Oh, diba, kumakain na rin siya dito.
"Pinagpaalam kita sa nanay at tatay mo, Frenny. Mamasyal tayo today!" kinindatan pa niya ako.
Lumabi ako sa kanya at umupo sa nakagawiang pwesto ko dito sa dining area. Napatingin ako sa laging inu-upuang silya ni Desmond at wala na siya. Siguro ay pumasok na sa trabaho niya.
Bumuntong hininga ako.
"It's your birthday! H'wag kang malungkot!" pagalit na saad ni Jaheer sa akin pero halos pabulong niya iyong saad.
Napatingin ako kay nanay na naghuhugas sa mga vegetables sa sink.
"Finn, anak." Napa-igtad ako sa kinauupuan ko sa pagkabigla.
"Po? Nay?"
"Maagang pumunta si Jaheer dito dahil may lakad daw kayo ngayon." Nakita kong pinatay ni Nanay Susan ang faucet at lumingon sa amin dito sa dining table. "Kumain ka na para makapagbihis ka sa taas at maka-alis na kayo." Dagdag ni nanay.
"Wala po ba akong gagawin ngayon 'nay?"
"Hmm, wala. Kaya na naman namin ng tatay mo dito."
Matamis akong ngumiti kay Nanay Susan. "Sige po, 'nay."
Tumingin ako kay Jaheer at kinindatan na niya naman ako. Nginusuhan ko naman siya na kinasama ng tingin niya sa akin.
Umalis kami ng bahay ni Jaheer bandang alas nuebe dahil pumunta pa kami sa bahay niya dahil magbibihis pa siya. Akala ko iyong suot niya ay iyon na ang panlakad niya kaso di pa pala. Matagal kaming nakaalis sa bahay nila kasi marami ding ritwal sa katawan si Jaheer na di ko masundan. Ang dami niyang nilalagay masyado sa mukha niya.
Hawak-hawak ako sa kamay ni Jaheer habang papasok kami ng mall. Pangalawang tapak ko na ito dito. Ang una kasama si Desmond, Ate Zofia at Ate Andrea. Tapos ngayon si Jaheer na naman. Sinabihan ko si Jaheer na di ko gamay ang pasikot-sikot ng mall kaya naman hinawakan niya ang kamay ko para daw di siya ma-tsugi ni Desmond. Nginiwian ko lang siya dahil di ko iyon maintindihan.
"Ano Finn, okay ba iyong video na pinanood natin kahapon sa bahay? O gusto mo pa ng ibang video. Nagdownload ako ng iba for you." saad ni Jaheer nang makapasok kami sa malaking mall.
Ang magkahawak naming kamay na dinuyan-duyan namin sa ere ay itinigil ko kasabay ng pagtigil ko sa paglakad. Natigil din si Jaheer sa lakad niya at kunot noong binalingan ako.
"What?" maarte wika ni Jaheer.
Nagusot ko ang mukha ko sa kanya. Siya iyong dahilan kung bakit ako natagalan ng gising ngayon. Siya din iyong dahilan kung bakit di ako mapalagay kahapon. Di ko na iyon naiisip tapos heto na naman siya't pinapaalala sa akin!
"Ayaw ko na noon, Jaheer. Just delete the videos you downloaded. Di na ako manonood ng ganoon." nag-pout ako.
Kinurot ni Jaheer ang pisngi ko at napahiyaw ako.
"Tsk! Sanayan lang iyan, Frenny. Kapag nasanay ka na hahanap-hanapin mo na."
Nagsalubong ang kilay ko sa kanya.
"Basta ayaw ko na." pinal kong wika. Ayaw kong sabihin sa kanya na di ako pinapakali noong napanood ko kahapon na French Kiss daw. Ayaw kong sabihin sa kanya na halos di na ako makatulog kakaisip n'on dahil pupunu-in niya lang ako sa pang-aasar.
"For future purposes lang naman. Di ka magsisi sa mga teachings ko sayo, Frenny. Magagamit at magagamit mo rin ang mga pinapakita ko sayo."
Nginusuhan ko siya at ang nguso ko na naman ang pinagdiskitaan niya.
"Sabing kay Desmond lang 'yan!"
Natigil kami ni Jaheer sa paksang iyon at nauwi kami sa tanong niyang. Ano ba raw ang gusto ko sa birthday ko. Wala naman akong maisip. Di ko alam kung ano ba ang gusto ko sa kaarawan ko. Sa unang beses na may magt-treat sa akin sa kaarawan ko.
"Come on. Tell me, Frenny. Bibilhin ko kahit ano ang gusto mo. H'wag lang si Desmond dahil iyo na 'yon. Give up na ako doon."
Lumabi ako. "Wala nga akong maisip na gusto ko, Frenny. Uwi na lang tayo." aya ko.
"Hep! Hep! Hep! No, di pa tayo uuwi. Sige na ako na ang mamimili para sa birthday mo." pagsuko niya.
Si Jaheer na mismo ang humila sa akin at umabot kami sa isang cell phone store. Pumasok kaming dalawa ni Jaheer at agad namang may babaeng lumapit sa amin.
"Pili ka nang kahit anong cell phone dyan." ani Jaheer sa akin.
"Ako?" Tinuro ko ang sarili ko. Tumango naman siya. "Bakit ako ang pipili? Ikaw naman bibili." Katwiran ko.
Halos matampal na ni Jaheer sa sariling noo.
"Basta! Isipin mo na ibibigay mo sa akin ang pipiliin mo."
Pinalobo ko ang bibig ko bago ako lumapit doon sa mga naka-display na mga cell phone. Binilang ko kung ilang number ang mga price n'ong mga cell phone at umaabot siya sa limang hanggang anim na digits.
"Ang mamahal." wala sa sarili kong untag.
"Don't look at the price." si Jaheer sa likod ko.
Nilingon ko siya at ngumuso. Kaso pinandilatan niya lang ako sa mata niya. Papaano ko di titingnan ang presyo?
Nakapili na ako nang cell phone at si Jaheer na rin ang nagbayad doon. Di na ako sumama pa sa kanya at nanatili lang ako sa kinatatayuan ko.
"Let's go." Hinuli na naman ni Jaheer ang kamay ko saka kami lumabas doon sa cell phone store.
"Saan tayo, frenny?" wika ko.
"Nasubukan mo na ba maglaro sa Arcade games, frenny?"
Kumunot ang noo ko.
"May palaruan ba dito, Jaheer?"
"Tsk! Of course. Halika doon muna tayo." aniya matapos tingnan ang kanyang wrist watch.
Dinala niya ako sa sinabi niyang palaruan dito sa mall. At totoo nga may iba't ibang klaseng laro at marami ring naglalaro. Di lang mga bata. May mga matatanda na rin na naglalaro kasama ang mga anak nila. Ang saya!
Doon na ata kami nagtagal ni Jaheer. Sobra akong naaliw. Lalo na doon sa para kang nagsasayaw? Di ko kasi natanong kay Jaheer ang pangalan sa larong iyon. At saka doon sa parang basketball. Nags-shoot ka lang ng bola sa ring na gumalaw pahalang.
"Gosh! Di pa ako nakakalaro ng ganoon kahaba sa tanang buhay ko." ngiwing saad ni Jaheer at binagsak ang katawan sa aming upuan. Nandidito na kami ngayon sa isang pizzahub para kumain. Kakatapos lang kasi namin doon sa laro.
"Ang saya ko, Jaheer. Sobra. Salamat." Masayang wika ko sa kanya. "Ito na ata ang pinakamasayang kaarawan ko frenny. Thank you so much for making me experience this kind of birthday celebration, frenny!"
Ang nakangiwing mukha ni Jaheer ay unti-unting lumambot.
"Basta ikaw."
Malaking ngiti ang binigay ko sa kanya at tumango ng suno-sunod.
Magdidilim na nang makauwi kami ni Jaheer sa bahay. Kinakabahan ako dahil ito na ata ang pinakamatagal akong gumala sa labas. Baka magalit si nanay dahil porket pumayag siyang lumabas ako ay lalabisin ko na rin. Nawala kasi sa isip ko ang oras sa sobrang aliw ko kanina.
"Frenny, sasamahan mo naman ang sa loob diba?" Kinakabahan kong wika kay Jaheer.
Tumango si Jaheer.
Pumasok na kami sa loob tutal ay di naman naka-lock sa loob ang gate. At nang makarating kami sa mismong harapan ng malaking main door ay hinawakan ni Jaheer ang kamay ko.
"Kinakabahan ka rin?" tanong ko sabay hinto sa paglalakad.
Umiling si Jaheer. "Tumalikod ka saglit."
Ngumiwi ako. "Ehh--"
"Sige na."
Bumuntonghininga ako at tumalikod. Ilang saglit ay may tumakip na sa mata ko. At nataranta ako.
"J-jaheer."
"Relax lang. Nandidito naman ako."
"P-pero kasi...".
"Don't worry hahawakan kita papasok."
Narinig ko na lang ang pagbukas sa pintuan at nagdadalawang isip ako kung ihahakbaang ko ba ang paa ko o hindi sa sobrang takot at kaba na naghahalo sa dibdib ko.
"Lakad na Finn. Just trust me okay? Di kita ipapahamak."
Bakit ba ako pinipiringan si Jaheer? Para di ko makita si nanay Susan na galit?
Ilang minuto din akong naglakad na nakapiring. Dumoble pa ang kaba ko dahil sa sobrang katahimikan ng bahay.
"Okay, stop na." ani Jaheer. Siya na rin mismo ang kumalas sa piring ng mata ko at nang makalas iyon ay naestatwa ako sa kinatatayuan ko at mabilis na uminit ang bawat sulok nga mga mata ko.
Ang pag-init ng mga mata ko ay agad na sinundan nga mga luhang nag-uuhan sa paglabas sa mga mata ko. Napa-upo ako sa sahig sabay kong tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko at humagulhol ng iyak.
"Frennyyy, wag kang umiyak. Birthday mo." alo ni Jaheer sa akin.
Tumango ako pero tumutulo pa rin ang luha ko at nakatakip pa rin ang kamay ko sa mukha ko.
"Happy birthday, anak!" Rinig kong sabay na bati nina nanay at tatay sa akin. Doon ko naibaba ang kamay ko at pinunasan ko ang basa kong pisngi sa palad ko.
"Ssshh! Akala namin matutuwa ka sa ginawa naming sorpresa pero mukha namang pinaiyak ka namin." saad ni Nanay Susan at pinunasan ang pisngi ko.
Niyakap ko si Nanay Susan. "Salamat 'nay."
Tumayo rin ako upang mayakap ko rin si tatay Carlos at magpasalamat din sa kanya. Paulit-ulit akong nagpasalamat kina nanay at tatay sa kanilang hinanda sa aking birthday. Simple lang siya pero abot na sa buwan ang kasiyahan ko. Dito rin nila sinet-up ang lahat sa tabi ng pool. May mga pagkain, desert, at inumin. Ngayon ko lang naranasan ang paghandaan sa kaarawan ko. Ngayon ko lang naranasan ang sorpresahin.
"Happy birthday, Frenny. Gift ko sayo." bati ulit ni Jaheer sa akin matapos kaming kumain.
Nanlaki ang mata ko sa kanyang inabot sa akin. 'Yon kasi ang supot na naglalaman ng cell phone na binili niya kanina sa mall.
"Jaheer."
"Tanggapin mo, please."
"Pero ang mahal nito." Nag-aalalang saad ko.
"Wag mo nga isipin ang presyo. Saka para na rin makapanood ka ng p*rn."
Nginusuhan ko na lang siya kahit na di ko naman alam ang huli niyang sinabi.
Tinanggap ko ang gift ni Jaheer sa akin at sakto naman na dumating si Desmond na may dalang dalawang box. Iyong isa ay mas malaki kumpara sa isang box.
"Desmond!" masayang tawag ko sa pangalan niya. At tinakbo ko siya.
"Happy birthday, Finn."
Sa di ko malaman na dahilan ay uminit ang pisngi ko doon. Kinagat ko ang labi ko at yumuko para itago ang mukha.
Iyong malaking box ay kinuga ni Nanay Susan at iyong isa naman ay nanatiling nakay Desmond.
"Kaya pala di ka na nagpo-po sa akin dahil twenty-one ka na, huh." Nanlaki ang mata ko sa kanya at umiling. "Hahahaha!"
"D-di naman sa ganun."
"Hmm. Here." Aniya sabay taas sa box na kanyang hawak.
"Ano 'yan?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
"My gift for you."
Tinanggap ko iyon.
"Anong laman nito?" Kuryoso kong tanong at niyugyog ko iyon. May cover kasi.
"Condoms." natatawang wika ni Desmond.
"Mahabagin! Desmond!" pagalit na sigaw ni nanay Susan kaso tumatawa naman sina Jaheer at tatay Carlos nang lingunin ko sila.
Lumabi ako sa kanila. "Nakakain ba ang condom, Nanay?" inosenteng tanong ko.
Natampal ni nanay Susan ang kanyang noo saka numumula na siya at humagalpak naman ng tawa sina, Desmond, Tatay Carlos, at Jaheer. Ang sasama nila! Pinagtatawanan ata nila ako sa tanong ko.
"I'm just joking, Finn. Buksan mo na lang 'yan later, okay?" si Desmond na namumula ang mukha sa kakatawa.
Ginulo niya ang buhok ko.
"Pero ano ang condom, Desmond? Nakakain ba iyon? Masarap?"
Rinig ko ang mga singhay nila Jaheer.
"Dammit! Soon, Finn. Soon, ipapakita ko sayo kung ano ang condom."
Nanlaki ang mata ko at ngumiti kay Desmond. "Talaga? Promise 'yan, ah!"
"Prrftt! Yeah."
Natapos ang pagdiriwang ko sa birthday ko sa pagblow ko noong cake na dala ni Desmond. Kinantahan din nila ako ng Happy Birthday song. Di na ako nakakain sa cake kasi busog na busog na ako. Si Jaheer naman ay umuwi na rin sa kanila.
Akala ko ay si Jaheer ang nagsabi kina nanay at tatay tungkol sa birthday ko iyon pala ay si Desmond ang nagsabi sa kanila. At utos din ni Desmond na handaan ako at tapos si Jaheer na ang nakaisip noong surprise-surprise. Namula ako sa kaisipang tanda pa ni Desmond ang birthday ko.
Matapos kong maghalf-bath ay pumunta na ako sa silid ni Desmond dala ang isang unan ko at kumot. Kumatok ako ng tatlong beses at agad naman iyong binuksan ni Desmond at pinapasok ako.
Sumampa na ang sa kama at pumwesto sa usual kong pwesto pag natutulog dito. Sumunod naman sa akin si Desmond sa kama matapos magsuot ng tshirt. Di ko alam kung bakit siya nagsusuot n'on, e, sanay na naman akong nakikita ang katawan niyang hubad baro siya pagtutulog dito minsan.
"Desmond, thank you sa lahat." Pasasalamat ko sa kanya.
Tumagilid siya at tiningnan ako na nakatagilid rin at nasa kanya ang direksyon.
"Hmm. I hope you enjoy your day, Finn."
Masaya akong ngumiti sa kanya.
"Sobra akong nag-enjoy, Desmond."
"That's good. Goodnight."
Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa katawan ko at basta ko na lang tinawid ang distansya namin ni Desmond at hinalikan siya sa kanyang pisngi.
Para akong kinumbulsyon sa init na nararamdaman ko matapos gawin iyon.
"G-goodnight." saad ko at babalik na sana sa aking pwesto nang bigla akong itulak ni Desmond at mabilis siyang pumwesto sa ibabaw ko habang nakatungkod ang dalawang kamay sa gilid ng ulo ko.
"D-desmond." utal ko ulit na saad. Umiigting na ang panga ni Desmond sa di ko malaman na dahilan.
"Fuck this!" mura ni Desmond bago dahan-dahan na nilapit ang mukha sa akin.
Di ako makagalaw sa pwesto ko at ang tanging nagawa ko na lang ay ang pumikit ng mariin at hinihintay ang sunod na gagawin ni Desmond.
Napamulat ako nang naramdaman ko ang mainit na labi ni Desmond sa noo ko. "Goddammit!"
.
.
.
.
.
.
.
"Goodnight, again. Habibi." usal ni Desmond sa pagitan ng noo ko.
***
Hello, everyone! Salamat sa pagsuporta ninyo dito sa kwento ni Desmond. Lubos akong nagpapasalamat sa mga reader/s ko na sumuporta from 'Owned By A Mafia Boss' hanggang dito sa Mafia Series. Maraming thank you sa inyo! 🥰❤ Anyways, kung may fanmade book cover kayo sa Mafia Series at OBAMB. Kindly send it to my fb account (Amorevolous Encres) o sa email ko po.
Thank you for reading and keep safe, everyone.
Just imagine ganito gabi-gabi sina Finn at Desmond.
Jaheer be like: Gosh! Kapag ako niyan kakapain ko na ang sandata. ^_^
The photo above is not mine. Ctto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top