CHAPTER 13

Chapter 13


Finn Pov

Sa pagdating ko dito sa bahay ni Desmond. Dito ako nagkaroon ng pag-asa. Dito ako muling nabuhayan. Dito ako muling namulat sa mundong ginagawan ko. Hindi naman pala lahat masama. Hindi lahat tini-take advantage ang sarili ko. Ang kahinaan ko. Masaya ako na nakilala ko si Desmond. Masaya ako na tinutulungan niya ako. Masaya ako dahil kung hindi dahil sa kanya wala akong matatawag na pamilya ngayon (Nanay Susan at Tatay Carlos). Dito sa bahay ni Desmond ako naging tunay na masaya. Ngunit! Ngunit sa nangyari kagabi ay di na ako mapakali. Natatakot na ako.

Kasi mula nang dumating ako dito sa bahay ni Desmond ay kailanman di pa ako ginambala ng mga ligaw na ispirito. Sobrang maaliwalas ang malaking bahay ni Desmond para tirahan ng nga ganoon kaso lang sa nasaksihan ko doon sa kwarto pa talaga ni Desmond. Natakot na ako. Iyon tuloy. Di ko na alam kung kaya ko pa bang matulog doon sa kwarto ni Desmond o hindi. Hindi kasi ako pwedeng magkamali. May momo dito! Meron talaga!

Si Nanay Susan matapos kong sabihin iyon ay halos mawala na rin ang dugo sa mukha niya. Alam ko ang ganoong pakiramdam. Natatakot din si Nanay! Pero nakapagtataka dahil si Tatay Carlos ay bumulanggit ng tawa. May sinabi pa si Tatay na hindi ko maunawaan.

Matapos iyon ay agad na umakyat si Nanay Susan sa taas. Nais ko sanang pigilan si Nanay sa ginagawa kaso matapang si Nanay at susugod talaga doon sa taas.

Bumaling ako kay Tatay Carlos na humahagikhik pa at tinuloy iyong naudlot na pagluluto ni Nanay. Nilapitan ko si Tatay Carlos ay tiningnan ko siya habang naghahalo ng kung ano doon.

"Tatay, hindi po ba kayo natatakot? May momo po dito 'tay." seryoso kong ani kay Tatay pero ngumisi si Tatay sa akin. Tinakpan niya ang kaldero at ginulo niya ang buhok ko.

"Di ako natatakot sa ganoon anak. Gawain ko iyon, e." Pakiramdam ko ay hindi siniseryoso ni Tatay ang sinabi ko. Para kasi siyang natatawa sa akin. Saka, anong gawain ni Tatay Carlos?

Magtatanong pa sana ako kay tatay nang marinig ko ang sigaw ni nanay Susan sa taas. Napatakbo ako sa salas at tiningala ako second floor. Ayaw ko umakyat baka may momo talaga!

"Ikaw'ng bata ka! Dinudumihan mo ang utak ng anak ko!"

"Fuck! Shit! Ah, manang, please stop!"

Napakurap-kurap ako nang makita ko si Desmond na bumababa at sinusunod naman ng hampas ni Nanay Susan. Natabingi ko ang ulo ko sa nakita ko. Bakit ginaganyan ni Nanay si Desmond? Bakit pinapagalitan na naman ni Nanay si Desmond?

"Nanay." tawag ko kay Nanay Susan at tumigil siya kakahampas kay Desmond.

"Oh, anak."

"Bakit niyo po sinaksaktan si Desmond 'nay?" anang ko kay nanay.

Bumuntonghininga si Nanay at napasapo sa kanyang mukha.

Lumapit ako sa kanila.

"Ayos ka lang?" tanong ko kay Desmond.

Ngumisi lang si Desmond na parang walang ginawa si Nanay Susan sa kanya. Kanina naman ay ang lakas niya makasigaw.

Ginulo ni Desmond ang buhok ko.

"Nag-aalala ka sa akin?"

Parang tuta akong tumango sa kanya.

"Oo, Desmond. Nag-aalala ako sayo kasi sinaktan ka ni Nanay, e, alam ko naman na may multo sa kwarto mo. Siguro ay natatakot ka Desmond tapos ay sinaktan ka pa ni Nan— ay?"

Kumunot ang noo ko nang humagalpak si Desmond ng tawa. Tumingin ako kay Nanay Susan na napa-irap sa ere at namumula ang mukha. Bakit parang may alam silang lahat na ako lang ang di nakakaalam? Kanina pa ito.

"Damn. You don't know how much you make me laugh, Finn. Fuck! I've never laugh like this until now." si Desmond at tawa pa rin ng tawa.

Sa inis ko ay si Desmond na siyang malapit sa akin ay nasampal ko ang dibdib!

Napatigil si Desmond sa kakatawa at biglang sumeryoso ang mukha at tiningnan ako. Nasapo ako ang bibig ko gamit ang dalawa kong kamay. Hala! Bakit ko ba nasampal si Desmond. Ang bilis niya magpalit ng emosyon.

"Eeehhh..."

"Ehh?" si Desmond na parang nanunuya sa akin. Sinusubukan pa niyang gayahin ang boses ko.

Kinagat ko nang mariin ang labi ko. P-patay ako nito.

"So... sorry." Yumuko ako at nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang malaking braso ni Desmond na sinakop ang maliit kong katawan.

Si Desmond ay mataas ng isang baitang sa akin tapos maliit pa ako kaya naman ang mukha ko ay bumaon sa matigas na tiyan ni Desmond. Ang pagkakagat ko sa labi ko ay nauwi sa paglabi ko at pinulupot ko ang kamay ko sa baywang ni Desmond at pinikit ko ang mata ko. Nalalanghap ko ang bango ni Desmond na kagaya ng bango ng kanyang kwarto. Nakaka-relax talaga ang bango ni Desmond.

Nasasarapan na ako sa yakap ni Desmond sa akin nang haplusin ni Desmond ang ulo at  tumabol naman ang puso ko. H-hala! Ang sakit ko na naman. Kakalas na sana ako sa pagkakayap kay Desmond pero ang huli na ang naunang kumalas nang marinig ko ang paglugapak ng kamay ni Nanay Susan sa balikat ni Desmond.

Tumayo ako ng maayos at nakita kong halos patayin na ni Nanay Susan si Desmond sa kanyang tingin.

Ngumisi lang si Desmond kay nanay Susan.

"Good morning, Finn. Don't worry about that ghost thing, okay? Magpapa-cleansing ako nang bahay. Hahaha."

Tinango ko ang ulo ko kay Desmond kahit na nararamdaman kong para niya akong inuuto.

Lumabi ako. "Good morning din."

"Halika na kayo at nang makapag-almusal na tayo. Ki-umaga tumaas ang alta presyon ko. Mahabagin!"

"Haha, pinapataas ba ng multo, Manang?" natatawang sigaw ni Desmond kay nanay Susan na naglalakad tungo sa kusina.

---

The day went on at hindi naman tinutoo ni Desmond ang sinabi niyang cleansing sa bahay niya pero sa mga nagdaang gabi kong tulog sa kanyang kwarto ay wala na naman akong naririnig na ganoon. Kasi pagkagising ko sa umaga ay lagaslas na lang ng tubig sa CR ang naririnig ko. Kaya naman nawala na ang pangamba ko.

Saka noong nakaraang araw ay nalaman ni Nanay Susan na tumatabi ako kay Desmond gabi-gabi at di ko alam kung bakit namutla na naman si Nanay. Inalam pa ni Nanay kung pinilit ba daw ako ni Desmond na tumabi dito. Pero sinabi ko naman kay Nanay na ako ang pumupunta sa kwarto ni Desmond. Nakomportable akong matulog doon e.

Nagbibilang ako ng araw at isang araw na lang ay birthday ko na. Oo bukas ay birthday ko. Walang nakakaalam sa birthday ko. Well, nasabi ko iyon kay Desmond pero malabo naman na maalala niya iyon.

"FRENNY!" napatigil ako sa pagdidilig ko nang makita ko si Jaheer na sumisilip doon sa gate.

Pinatay ko ang tubig saka tumakbo ako doon sa gate at binuksan ko iyon para may Jaheer.

"Shocks! Ang tagal mo naman akong pagbuksan!" si Jaheer at nagmartsa sa loob.

Nagusot ko ang mukha ko sa mga sinasabi ni Jaheer. Di lang mabuksan agad tapos ang dami na niyang binatong salita sa akin na nakasanayan ko na naman.

Bumalik ako sa pagdidilig at si Jaheer ay nanood lang sa akin. Sanay na naman siya sa ganyan at minsan tinutulungan niya ako.

"Bakit ang tagal mo akong binuksan, frenny?" tanong niya sa akin. Di pa talaga tapos si Jaheer d'yan.

"May iniisip lang." sagot ko naman.

"Like what? Gosh! Kung di ako bumirit doon sa labas ay di mo pa talaga ako maririnig, huh."

I sighed and stop from what I am doing and faced Jaheer. Pag makatingin naman ito. Parang ang laki ng kasalanan ko.

Ngumuso ako sa kanya na naka-ani naman ng reklamo sa kanya.

"Tigilan mo nga ako sa kakanguso mo, Finn. Kinikilabutan talaga ako."

"Birthday ko kasi bukas at--"

"OMG!!! Birthday mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" histerya ni Jaheer.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at halos pigain na niya ako.

"So, mag-t-twenty-one ka na bukas? Bakit di mo sinabi sa akin?"

Ngumiwi ako sa kanya. Binitawan niya ako at pinitik sa noo.


"Ahw!" ako at hinimas ang noo kong pinitik niya.

"Dapat magparty tayo."

Nataranta ako sa sinabi ni Jaheer. Kung ano kasi lumalabas sa bibig niya ay ginagawa niya.

"A-anong party? Wala akong per--"

"Pwes ako meron!" Tinaas niya ang kilay njya sa akin at nilagay ang kamay sa kanyang baywang.

"Pero... ayaw ko nang party." mahina kong wika sa kanya.

Lumambot naman ang mukha ni Jaheer. Kinuha niya ang dalawang kong kamay.

"Ano ba nag gusto mo? Iyon na lang gawin natin. Birthday mo naman kaya iyon ang masusunod. Kaso kung ako party talaga!"

Nag-isip ako saglit kong ano ang gusto ko kahit na mukhang malabong mangyari.

"Hmm, gusto ko mag-celebrate kasama sina Desmond, si nanay at tatay... saka ikaw."

Bumuntonghininga si Jaheer bigla akong niyakap.

"Happy birthday, Finn."

Niyakap ko si Jaheer at siniksik ko ang mukha ko sa balikat niya. Napakasarap sa pakiramdam ang batiin. Hindi ko na tanda kong may bumati ba sa sa akin sa mga nakaraang birthday ko kung meron man. Saka kailanman ay di pa ako nakakapag-celebrate ng birthday... kahit noong nasa parish pa ako.

Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng handaana; ng kantahan ng happy birthday song; ang palakpakan dahil birthday ko. Hindi naranasan na magblow ng sariling candle sa birthday ko kasi kailanman ay di nga rin ako nakapag-celebrate ng birthday ko.

Kapag birthday ko ay gumising lang ako ng mga hatinggabi at ako lang mismo bumabati sa sarili ko. Wala naman kasing nakakaalala nung birthday ko. Wala namang nagpahalaga sa akin. Di ko nga kilala ang mga magulang ko.

All of my life I've been alone. Wala akong matawag na pamilya ko... not until I came here and met Nanay Susan and Tatay Carlos who stand as my parents even if we're not blood related. Then there's Jaheer who never fails to make me laugh and annoy at the same time. And or course, Desmond the stranger I met way back in the sinking ship. The stranger who became my savior. They're now my family...

"Salamat, Jaheer."

Naghiwalay kami ni Jaheer at pinunasan niya ang pisngi kong basa sa luha.

"Ang eeww mo naman frenny. Ang iyakin." Reklamo niya pero pinapunasan niya pa rin ang pisngi ko. Napangiti nalang ako.

"Ano ba ang wish mo sa birthday mo?"

"Wala akong... wish Jaheer."

Totoo wala akong maisip na birthday wish.

"Sige, alam ko na naman ang ibibigay ko sayo pero kung may gusto ka mula kay Desmond. Ano iyon?"

"Wala rin e."

Napa padyak si Jaheer sa kanyang paa.

"Ano ba 'yan! Dapat kasi ganito Finn. Humingi ka ng blowjob, french kis--"

"T-t-teka lang J-jaheer." Natataranta kong pigil sa kanya. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Nakakahiya naman kay Desmo--"

"Tsk! Bakit ka mahihiya aber?"

"Nakakahiya na Jaheer. Siya na nga iyong nagpapakain sa akin, nagdamit, at nagbigay ng pamilya sa akin tapos hihingi pa ako ng ganyan. Jaheer baka mahal iyong blowjob. Sayang lang iyon sa pera." seryoso kong wika. "Si Desmond nga hiningan na ako ng french kiss kaso di ko naman alam kung ano iyon at magkano."

"UURGHH!!!" napasabunot si Jaheer sa sariling buhok at namumula ang natang sinamaan ako ng tingin. Kinalma niya ang sarili sa pamamagitan ng breathe in, breathe out. "Aheerm! Pero tama ba ang narinig ko, Finn. Nanghingi sayo ang isang Michael Desmond ng French kiss?"

Tumango ako. "Oo, hiningi niya iyan nang magpasalamat ako sa kanya at nanghingi ng tawad."

Jaheer cursed under his breathe.

"Tsk! Ako iyon baka higit pa sa french kiss ang ibigay ko."

"Ehh?"

"Finn, ang french kiss ay kiss! K.I.S.S. Halik!"

Di ako makapagsalita. Para nalunok ko ata ang dila ko sa sinabi ni Jaheer. Kiss? Halik? Hindi ba iyon French na susi? French keys? At saka paano iyon naging french? Paano naging french ang halik?

Sa utak ko kasi F.R.E.N.C.H K.E.Y.S. Hindi French Kiss.

"Papaano naging french ang halik, Jaheer?"

Inirapan ako ni Jaheer.

"Halika sa bahay. Ipapakita ko sayo kung ano ang french kiss." Sabay kuha sa kamay ko. "Tsk! Dapat may suhol ako sa pagtuturo ko sayo sa mga bagay-bagay, Finn. Oh my gosh!" mahinang untag ni Jaheer.

Wala akong magawa kung hindi ang magpahila kay Jaheer tungo sa kanilang bahay. Hindi ko alam. Di ako makareklamo... siguro gusto ko rin malaman kung bakit naging french ang halik na iyon.





***
Happy Valentines Day, everyone.😘❤

Don't forget to vote, comment and share this story to your friends.
Thank you for reading!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top