CHAPTER 11

Chapter 11

Desmond Pov

"Desmond? Fuck! Ngayon ka lang ata nakabalik dito. Akala ko di mo na alam ang daan dito sa bar ko?" natatawang saad ni Colt sa akin nang maupo ako sa harap nnag counter.

I inwardly cursed my friend. Bakit nandidito ito? Talaga bang pinaglalaruan ako ng panahon? Gusto lang naman uminom. Gusto ko lang mawala ang stress sa utak ko. Tapos nandidito pa itong asungot na 'to. Di pa naman marunong magpreno ito sa bibig.

"Last time si Raphael ang naglasing-lasingan dito baka naman ikaw na naman ang maglasing-lasingan, bud." aniya at binigyan ako ng isang basong alak. Iyong lagi kong inorder dito.

Inikutan ko siya sa mata.

"Will you shut your damn mouth, Colt?"

Ngumisi pa sa akin ang magaling kong kaibigan.

"Alam ko naman na tirahan mo na ang mga bar Desmond. Pero nitong mga nakaraang araw ay di na kita nakikita na dumadalaw dito. Tapos nabalitaan ko na may binabahay ka na pala."

Muntik na akong masamid sa sinabi ni Colt. Naibagsak ko ang baso sa counter ng malakas sa sinabi niya.

"What did you say?" I asked and my eyebrows furrowed.

"Tsk! May binabahay ka na." Ulit pa niya.

I frowned. "At saan mo nasagap 'yan?"

"Aish! Nasa iisang village tayo, bud. Saka walang balitang nakakalagpas sa akin." pagmamalaki niya.

"Kung saan mo man iyan nasagap mali ata ang balitang dumaan sayo. Wala akong binabahay, okay?"

Colt leaned on the counter top and a creepy smile appeared on his lips.

"Edi, sino iyong bata na nadodoon sa bahay mo? Bud, kilala kita hindi ka nagdadala ng--"

"Jesus!" I cussed. "Colt hindi ko siya binabahay. I just help the kid, okay? Naalala ko sa kanya ang kapatid ko kaya tinulungan ko siya. Nothing more. Nothing less."

My friend shrugged his shoulders.

"Titingnan natin iyang katapid-kapatid mo, ah."

I glared at Colt.

"But bakit ka nga nandidito at mukhang may iniisip ka? Negosyo? Sa organization ba?" tanong mayamaya.

"None of the above. I—I'm just a bit stress."

"From?"

"I haven't gotten laid off these past few weeks."

Colt almost choke on his own saliva.

"Gago! Iyang bibig mo talaga Desmond." inis niyang saad.

"It was true."

"At kailan ka pa naubusan?"

In fact, there are several in the lineup, but then I can't bring myself to fuck someone. I don't know what's happening to my body recently. I want to screw, but my mood isn't cooperating with me. Idagdag pa iyong nangyari noong nakaraang gabi. Tang ina! How did my body react to Finn's simple touch on my lips? It wasn't even romantic, erotic, or lustful, but my body immediately reacted to the plain touch. Just a damn touch of his fingertips. 

Nagising na lang kasi ako nang may gumuguhit na sa labi ko. Then I took a discreet glimpse kung sino iyon at nakita kong si Finn iyon. He was using my arm as his pillow. While... Jesus! My other arm wrapped around his body. I want his fingers last on my lips pero parang puputok na naman ang puson ko kaya nagpanggap akong kakagising ko lang.

A smile formed on my lips when I remembered how he jumped on his side when I moved a bit. Finn was so damn cute. He is like a puppy. Dammit!

"Hoi! Desmond." Tapik ni Colt sa balikat ko.

"What?" may inis kong wika.

Napailing-iling siya sa akin at pinagkrus ang braso niya.

"Tang ina! Delikado ka na Desmond. Wag ka sana sumunod kay Las at Rap."



Finn Pov

"Finn, are you okay?" pang-ilang tanong sa akin ni Desmond mula nang umalis kami sa bahay.

Tatlong araw na ang lumipas mula ng nahawakan ko ang mapupulang labi ni Desmond kaso lang di iyon mawala-wala sa isip ko. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa sa mga daliri ko kung gaano iyon kalambot at may pagkatigas ng konti.

Sinusubukan kong iwasan si Desmond. Sinusubukan ko na hindi mag-krus ang landas namin sa bahay niya dahil sa nangyaring iyon. Pero tila lumiit ang bahay ni Desmond habang sinusubukan ko siyang iwasan. Sa pag-iwas ko sa kanya ay mas lalong lagi kaming nagkakabanggaan sa isa't isa. Tapos sa mga araw na iyon lagi ko nang nakikita ang sarili ko sa labas ng kwarto ni Desmond. Mas komportable kasi akong matulog doon sa kwarto niya. Tingin ko ay di ako nasasakal kapag nandon ako sa kwarto niya. Hindi ako binabangungot kapag doon ako natutulog.

Kung dati umuuwi ng bahay si Desmond ay mga 6-7:00 pm ngayon five pa lang ay nasa bahay na siya. Lagi na nga rin kaming sabay na kumakain ng breakfast at dinner.

Dagdag pa sa iisipin ko ang puso ko na bumibilis ang tibok. Sa totoo lang malapit na akong magsumbong kay Nanay Susan tungkol dito. Pero ayoko ko naman na mag-alala sa akin si nanay. Kung ano man ang sakit nitong puso ko ay sana hindi malala. Ayaw ko kasi na maging pabigat dito sa bahay lalo na kay Desmond na ang bait sa akin. Hay!

Mabait si Desmond at ayaw ko na malaman niya kung anuman ang nakaraan ko. Baka kasi kapag nalaman niya kung ano talaga ako—kung ano talaga ang buhay ko ay paalisin niya ako sa bahay niya. Baka kapag nalaman niya nakaraan ko kamuhian niya ako. Ayaw ko nang ganoon. Hindi ko ata kaya lalo na ngayon na napapalapit na ako kay Nanay Susan at Tatay Carlos at pati na rin sa kanya. Hindi ko sila kayang tingnan kapag nalaman nila ang nakaraan ko.

Kaya't hangga't maaari ay ayaw kong malaman ni Desmond ang buhay ko noon. Ayaw kong malaman niya kung paano ako lumaki. Sana mapatawad niya ako sa paglilihim ko. Sana mapatawad niya ako na sinuklian ko nang kasinungalingan ang kabaitan niya sa akin.

"Finn?" napalukso ako sa kinauupuan ko nang maramdaman ko ang malambot ngunit may pagkagaspang na kamay na dumapo sa kamay ko na nasa hita ko.

"O-oh?"

"I asked you if were you fine? You weren't listening." aniya at sinulyapan ako bago kinuha ang kamay doon sa pagkakapatong sa kamay ko. Nag-iwan iyon ng kakaibang init.

"Ah, oo naman. Ayos lang ako." nasagot ko.

"Hindi ka ba komportableng lumabas?"

Agad akong umiling sa sinabi niya. "No. Hindi sa ganoon Desmond. Gusto ko. Gusto ko lumabas kasama ka."

Nginitian niya ako bago tinuon ang mata sa daan.

Pagkapasok naman sa mall ay agad akong napakapit sa braso ni Desmond. Napakaraming tao.

My heart started to race.

"Hey? Finn."

Tiningala ko ang tangkad ni Desmond.

"O-oh."

"Ayos ka lang ba?"

"N-napakalaki dito Desmond baka m-mawala ako." rason ko sa kanya.

Humarap siya ng mabuti sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Tsk! That would never happen and if ever just call me."

Lumabi ako.

"Paano kita matatawagan?"

"I have you memorized my number for a reason Finn."

Oo nga. Nang papunta kami dito ay binigyan niya ako ng isang maliit card at may numero doon. Tinanong ko siya kung ano iyon at kung ano ang gagawin ko doon at sinabi niya lang sa akin na memoryahin ko daw ang number na iyon.

Kaya kahit na di ko naman alam kung para saan iyong ay sinaulo ko na lang habang nasa daan kami. Di naman mahaba kaya madaling nasaulo ko at binigay ulit sa kanya iyong card.

"Besides, I am here. Hindi kita i-wawala."

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

Naglakad ulit kami ni Desmond nang bigla niyang hinuli ang isang kamay ko saka iyon pinagsiklop sa kamay niya. Napatingin ako sa kanya na diretso lang ang mata sa harap. Parang wala lang sa kanya ang ginawa niya pero sa akin halos magwala na ang sistema ko. Parang may pumipiga doon sa tiyan ko. Tapos itong pisngi ko naman ay nagsimula na namang tumaas ang temperatura.

Nandito kasi kami ngayon sa mall kasi gusto niya akong bilhan ng mga damit. Lalo na ang mga shorts kasi bilang lang ang meron ako noon. Ang lalaki kasi ng mga shorts ni Desmond. Masyadong malaki sa akin na kapag sinusuot ko nahuhubad siya ng kusa sa sahig. Sabi niya ngayon lang siya nagka-oras na ipag-mall ako kasi busy daw siya sa trabaho niya nitong nakaraan at di naman ako nagreklamo doon. Okay nga lang sa akin na sa bahay na ako at siya na bumili kaso gusto niya na kasama ako para daw kasya ko talaga.

"Good morning, sir." bati nang babae nang pumasok kami sa isang store.

Hawak-hawak pa rin ni Desmond ang kamay ko. At nang dumapo doon ang mata noong babaeng bumati sa amin ay napaiwas ako ng tingin sa kanya... uminit ng husto ang pisngi ko.

"Bibili po kayo para sa..." tumingin ang babae sa akin bago kay Desmond. "kapatid ninyo sir?"

Hindi sinagot ni Desmond ang babae bugkos ay inustusan niya ito.

"Bring any shorts, pants, underpants, and t-shirts that may fit him."

"O-okay sir." nauutal na saad noong babae at tumalikod.

"May gusto ka bang iba? Pumili ka." Ani Desmond sa akin nang mawala iyong babae.

Ngumuso ako sa kanya. "H-hindi ba mahal dito Desmond?"

"No." sagot niya agad.

Huminga ako nang malalim at nagsimula na akong pumili ng mga ilang damit. Si Desmond naman ay umupo doon at gaya ng sinabi niya na pumili na lang ako kung ano ang gusto ko. Kaso lang nang pumili na ako sa mga tshirts pa lang lumaylay na ang balikat ko nang makita ko ang presyo n'on thirty-five thousand para sa isang pirasong damit.

Dismayado akong bumalik kay Desmond sa kinauupuan niya na walang dala kahit na isang damit. Abala siya doon sa telepono niya.

Tumayo ako sa harap niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Di ka makapili?" tanong niya.

Umiling ako sa kanya. "Sinungaling ka." akusa ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya. "What?"

"Sabi mo hindi mahal dito bakit ang isang damit thirty-five thousand?" wika ko na nakaani ng ilang tingin sa mga ibang customers.

Tumawa lang si Desmond. Tumayo siya at niyuko ako dahil maliit ako kumpara sa kanya.

"Ako ang magbabayad. Hindi ikaw kaya don't mind the price kahit ano at ilan 'yan kaya kong bayaran. I have money, Finn. Jesus! It's only thirty-five thousand."

"Pero kasi Des--"

"Woah! Michael Desmond?"

Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko ang isang babae na nakasuot ng isang isang timberland boots, jeans, at tshirt na puti na pinatungan din ng isang leather na jacket. Sa tabi noong babae ay isa ring napakagandang babae na nakasuot ng halter top, skinny jeans, at naka-heels. Ngunit mas nanlaki ang mata ko nang makita ko na nakahawak ang kamay nila sa isa't isa. Pero agad namang bumitaw sa pagkakahawak iyong babae na naka-halter top.

"The fuck! Andrea?" na sambit ni Desmond at binigyan ni Desmond ng isang yakap at halik sa pisngi iyong Andrea, siya iyong may leather jacket na suot.

"Desmond, si Zofia may know." ani noong Andrea na parang may pagkakahulugan.

"I am please to meet, Zofia."

"Me too, Desmond. Andrea talked about you so much and about your lunch date." ang babaeng nagngangalang Zofia.

Nagkamustahan silang tatlo, nag-uusap sila na parang may sarili silang mundo at wala ako. Saka di ko rin naman maintindihan ang kanilang pinag-uusapan.

Nanliit ako sa kanilang tatlo kaya naman ay nagtago ako sa malapad na likod ni Desmond.

"Oh, who's the kid behind you Desmond?" Ang boses noong Zofia.

"Shit!" si Desmond iyon. "Finn." Napaangat ako ng tingin kay Desmond nang humarap siya sa akin. "Sorry, ahm, guys, Andrea, Zofia, this Finn."

"Woah! This is your kid, Desmond?" si Andrea na kinaungol naman ni Desmond.

"Stop that Andrea. How many times do I have to tell you that I don't have a child."

"Hi, Finn! I'm ate Zofia."

"Ate Andrea naman ako Finn." Singit ni ate Andrea.

"Hello po," ako saka isa-isa kong tinanggap ang kani-kanilang kamay na nakalahad sa akin. Nang mahawakan ko ang kamay nila ay mas nanliit ako sa lambot at kinis noon.

Ngayon ko lang naalala nakita ko na ang mukha ni Ate Zofia kanina nang papunta kami dito. Nakalagay sa malalaking billboards ang kanyang mga picture. Sikat siguro itong si Ate Zofia.

"Damn. You're so cute and you have a girly aura, Finn."

Pinanlakihan ko sa mata si Ate Andrea.

"Oh! It's a compliment, Finn."

"Namimili din ba kayo ng damit ninyo?" tanong ni Ate Zofia.

Umiling si Desmond.

"Just Finn's clothes." maikling sagot ni Desmond.

"Naks! Sugar daddy?" may panunuksong tanong ni Andrea kay Desmond.

"Andrea, stop teasing them." si Ate Zofia na kinatahimik naman ni Ate Andrea.

At sa huli tinulungan ako nina ate Andrea at ate Zofia na pumili ng damit. Hindi nagustuhan ni Ate Zofia iyong dinala ng babae na mga damit kaya pinabalik niya iyon. Mula doon sa store kung saan kami nagmeet ay lumipat pa kami sa ibang store. Sobrang pihikan nila sa damit. At ako naman ay sukat lang ng sukat habang si Desmond ay pasensyosong sumusunod lang sa amin.

Mag-a-alas kuatro na nang matapos kami sa pamimili. At pumunta kami sa isang restaurant para kumain. Nauna nang maglakad sina ate Zofia matapos makapag-order kaya naiwan kami ni Desmond at may biglang tumawag sa kanya.

"Desmond?" Anang ng lalaking matangkad at may bagong tubong bigote. Napalunok ako nang makita ko ang malalamig niyang tingin at parang laging galit.

"Fuck!" gulat na wika ni Desmond. "Rap."

"Your with?" nakataas kilay nitong tanong kay Desmond.

"My... my friends and..."

"You adopted this kid?" taas ang kilay nitong tanong kay Desmond.

"I did not, Rap. He just staying in my house." sagot ni Desmond at napayuko ako.

"Sweetie tara na!" may isang boses na maarte na tumawag sa kausap ni Desmond.

"Dareen is calling you." Si Desmond.

"Hmm, I gotta go."

Sinundan ng mata ko ang lalaking kumausap kay Desmond na nagngangalang Rap? Nakita ko kung paano ang isang maliit, maputi, at magandang lalaki na kumapit doon sa braso noong Rap at hinalikan namn noong Rap ang sentido noong lalaking maliit din.

Ang mukha ko ang uminit sa nakitang eksena.

Tahimik ako hanggang sa matapos si Desmond sa pag-oorder at hanggang sa maupo kami sa table kung saan sina ate Andrea.

"Finn, are you okay?" pabulong niyang tanong sa akin. Magkatabi din kasi kami at magkatabi naman sina ate Andrea at ate Zofia.

Tumango ako kay Desmond.

"Uncomfortable?" sunod niyang saad.

"A-ayos lang ako, Desmond."

"You've been silent for a while now. I'm worried."

Sasagot na sana ako kay Desmond nang may isang lalaki na napadpad sa table namin.

"AJ?" sabay na sambit nina ate Zofia.

"Hi, there, Zof!" nakangiting wika noong AJ bago binalingan si Desmond.

Napatingin ako kina ate Zofia at nakita kong sumama ang timpla ng mukha ni Ate Andrea. Ate Zofia, is talking silently to ate Andrea.

Binalingan ko naman ang lalaking kakarating lang.

"Hi, MD!" anito kay Desmond.

Kumunot ang noo ni Desmond.

"Oh, my bad. I'm AJ, Zof's workmate. Nice to meet you!" magiliw nitong saad kay Desmond.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top