CHAPTER 10
Chapter 10
Finn Pov
Nandito ako ngayon sa kwarto. Gumagabi na pero di ako lumalabas mula nang makauwi ako galing sa bahay ni Jaheer. Nasa kama ako, yakap-yakap ko ang binti ko at nakapatong naman sa tuhod ko ang ulo ko at nakatumakbong sa akin ang makapal na bedsheets.
Nahihiya na kasi akong lumabas dito. Papaano kung makita ni nanay at tatay Carlos ang pamumula ng mukha ko? Papaano kung makita ako ni Desmond na ganito ang hitsura ko? Bakit kasi ayaw nito humupa? Bakit ba kasi sa tuwing pumapasok sa isip ko iyong mga larawan ni Desmond ay pinamumulahan ako sa mukha ko ng husto? C-crush ko lang naman siya. Iyon lang naman.
Kaso di kasi nakatulong itong si frenny, si Jaheer. Kung ano na lang kasi ang pinagsasabi sa akin at pumapasok sa isip ko ang mga senaryo na mga binabanggit niya at nakadagdag iyon sa pag-init ng nararamdaman ko. Kasalanan itong lahat ni Jaheer.
Napanguso ako nang muling pumasok sa isip ko iyong sinabi niya.
"Nakatitig ka na ba sa lips ni Desmond, Finn?" tanong ni Jaheer sa akin.
Inilingan ko siya. Oo nga't araw-araw kong nakikita si Desmond pero di ko naman natitigan ang mukha niya lalo na ang labi niya. Besides, why would I do such thing?
Napapitik si Jaheer sa kanyang daliri sa ere at dismayado akong inilingan.
"B-bakit ko naman tititigan ang labi ni Desmond, Jaheer?"
Ngumiwi siya sa akin at kinurot ang tagiliran ko. Mahina lang iyon pero napapangiwi pa rin ako.
Bumuntong-hininga siya. "Alam mo frenny inaaksaya mo ang pagkakataon na manasaan mo ang isang Michael Desmond! You are living in one house and eating in one table. Kung ako lang ang nasa kalagayan mo frenny. Gosh! Matagal ko nang ginapang si Desmond." si Jaheer.
Lumabi ako.
"Hindi ko naman galawan iyan Jaheer saka bakit ako gagapang kung maayos naman ang paa ko?"
Napasabunot na naman si Jaheer sa kanyang maitim na buhok na sobrang inis.
"Ughh! Ewan ko sayo Finn. Sasakit ulo ko sayo! Halika tingnan mo ito." wika niya saka nag-flip doon sa isang magazine.
Umusog ako sa kanya ng konti at nag crossed-sit ako. I took a glimpse on the magazine and then I saw Desmond's picture. He is topless while there is a girl hugging his arms and facing her back from the camera. The girl's one hand wound around Desmond's neck while the other one is holding a lipstick and it intentionally smudge on Desmond's side-lips. It was scripted. I know it was scripted but it looks so hot. The way Desmond's strong arms wrapped around the girl's small waist. And a fleet of second I feel a prick on my chest that I cannot fathom.
"Hindi ang babae ang gusto kong tingnan mo Finn. Ang labi. Ang labi ni Desmond ang tingnan mo." Jaheer interrupted my mind.
Bumalik ang mata ko doon sa mapupulang labi ni Desmond. Wala sa sarili akong napanguso ako at tiningnan ang labi ko na maputla. Magkaibang-magkaiba ang kulay ng labi namin ni Desmond.
"Ang pula ng labi ni Desmond, Jaheer." komento ko.
"YES! Very! Very red, Finn. At alam mo ba na maraming babae at mga kabaklaan d'yan na gustong matikman ang labi ni Desmond?" si Jaheer na kinaputol ng titig ko doon sa larawan ni Desmond na nasa magazine.
Tumingin ako kay Jaheer.
"M-matikman? Papaanon--"
"Hep! Hep! Hep! Alam ko na naman ang tumatakbo dyan sa utak mo Finn." agap ni Jaheer sa sasabihin ko sana.
Nginusuhan ko siya.
"Aish! Wag mo nga akong ngusuhan d'yan sa maputla mong labi Finn kay Desmond mo 'yan gawin. Sa harap ni Desmond mo 'yan gawin wag sa akin. Nandidiri ako." may inis niyang pahayag at napakuskos sa braso niya.
Sinamaan ko siya ng tingin at pinandilatan niya naman ako sa mata niya. Ngumuso na naman ako sa kanya at akmang ihahampas na niya sa akin iyong magazine pero mabilis kong tinakpan ang bibig ko gamit ang dalawang kamay ko.
"Pero Jaheer paano iyong gustong matikman ng iba ang labi ni Desmond?" tanong ko sa kanya habang takip pa rin ang kamay sa bibig ko.
"Syempre ano pa ba? Edi halik. HALIK. H.A.L.I.K! Lips to lips!"
"Lips to lips?" ako.
May pagmamalaking tango ni Jaheer.
I tilted my head on the other side while eyeing Jaheer.
"Papaano ang lips to lips Jaheer?"
"O-M-J!!! Hindi mo alam? As in?"
I poke my tongue into the side of my cheeks. While my brows are furrowing.
"Hindi ka pa ba nakakakita n'on Finn?"
"Paano ko malalaman kung lips to lips iyon o hindi Jaheer kung di ko naman alam kung ano iyon?"
"Wait! Wait! Wait! May marami akong videos ng types of kisses. Ipapakita ko sayo."
Kinuha na ni Jaheer ang kanyang telepono na nasa vanity niya at sakto namang tinawag na ako ni Nanay Susan kaya hindi na niya naipakita sa akin ang lips to lips. Alam kaya iyon ni Desmond? Alam kaya niya kung paano ang lips to lips na kiss? Ako kasi sa pisngi lang ang alam. Pero kung lips to lips- ibig sabihin ang mga labi? Naghahalikan sa labi?!
Sa ilalim ng makapal na kumot ay iminit ang makabulang pisngi ko nang biglang sumagi sa isipan ko ang mukha at mag labi ni Desmond niya. Pagnanasa na ba ang tawag kong nakikita ko ang sarili kong labi na dumampi sa labi ni Desmond? Naramdaman ko ang pagtaas ng temperatura ng buong mukha ko kaya lumabas ako sa kumot at tama naman na may kumatok doon sa pintuan.
Napatalon ako sa gulat.
"Anak? Nand'yan ka ba?" si nanay Susan sa labas.
"O-opo nanay."
"Halika na ka anak. Maghahapunan na."
"O-opo nand'yan na!"
"Sa hapag na kami maghihintay ng tatay mo anak."
"Sige po nanay."
Inayos ko ang sarili ko at pumunta ako doon sa salamin ng closet at nakita ko ang mukha ko na parang sinaing sa pula.
Pinagpag ko ang malaking tshirt ko na bigay ni Desmond at saka ako bumaba.
Pagkarating ko sa dining ay natigilan ako. Wala si Desmond doon sa pwesto niya. May saya sa akin na wala siya pero mas naramdaman ko ang lungkot dahil wala siya doon.
"Anak halika ka na." aya ni Nanay.
Ngumiti ako kay Nanay Susan at tumango.
Tahimik kaming kumain nila nanay at tatay at ang mata ko ay panay ang sulyap sa bakanteng upuan. Matapos kaming kumain ay ako na ang nagpresenta kay nanay na magligpit sa mesa at maghugas sa pinagkainan namin.
Matapos akong maghugas ay pumunta na ako silid ko at naglinis sa katawan bago humiga sa malaking kama. Pilit kong pinikit ang mata ko. Pilit kong tinutulog ang gising na gising ko pang diwa at kalaunan ay nakatulog ako kaso lang binangungot na naman ako sa nakaraan ko. Binabangungot na naman ako sa nakaraan kong akala ko ay natakasan ko na.
Nagising ako na basang-basa ulit ang unan ko at pinagpapawisan ako ng husto sa kabila ng malamig na temperatura ng hangin.
Umupo ako sa kama at binaluktot ko ang katawan ko sa isang sulok ng kama. Pinikit ko ng husto ang mata ko para huwag sana pumasok ang mga alaalang iyon kaso lang para iyong bumubulong sa tainga ko kaya naman tinakpan ko ang tainga ko gamit ang dalawang kamay ko kaso di pa rin nawawala ang parang mga bulong sa piligid ko.
"Tama na. Tama na po. Ayaw ko na po. Please po, tama na." umiiyak kong pagmamakaawa.
Nangangatal ang labi ko. Nanginginig ang kamay ko na nasa tainga ko habang walang tigil sa kaka-agos ang mga luha ko.
"Tama na po! Ayaw ko na po! Tama na po!" Pakiusap ko sa mga parang bumulong sa tainga ko. Parang may naririnig akong mga sigaw, tawa, at mga malalakas na sabog sa tainga ko at masakit iyon sa tainga ko. Para akong nabibingi doon.
"Tama n--"
"Finn!?"
Napaigtad ako malakas na boses ni Desmond at namulat ko ang mata ko. Parang sa gitna ng pagkagulo ng utak ko at sa gitna ng pagkabingi ng tainga ko dahil doon sa mga sigaw at bulong sa tainga ko ay parang kusang nawala iyon nang marinig ko ang boses ni Desmond.
Naramdaman ko ang mainit na palad ni Desmond sa braso ko. "Finn? Are you okay? Why the fuck are you crying? Jesus! You are soaking we--"
Natigil siya nang kinawit ko ang braso ko sa leeg niya. Binaon ko ang basa kong mukha sa leeg niya at umiyak doon.
"F-finn."
"D-desmond n-natatakot na naman ako. Akala ko w-wala na sila. A-akala ko d-di nila ako m-matutunton dito. Natatakot ako." iyak ko sa leeg niya.
Ilang saglit na di umimik si Desmond bago ko naramdaman ang kamay niya na yumakap sa katawan ko at binuhat ako. Niyakap ko ang mga binti ko sa baywang niya nang inangat ako.
"Are you not comfortable in your room? Di ka ba nakakatulog dito? Want to sleep in my room?" banayad niyang saad havang buhat ako.
"Uhm," ako at tumango at nanatiling nakabaon ang mukha sa leeg niya.
"Okay."
Naramdaman ko na lang ang paglakad ni Desmond at narinig ko ang pagbukas at sara ng pintuan sa kwarto ko.
Iangat ko na lang ang ulo ko nang makapasok kaming dalawa sa kwarto niya. Pero binaon ko naman ulit iyon sa leeg niya. Ilang minuto matapos niyang hagurin ang likuran ko ay binaba niya ako sa kama paanan ng kama niya.
Lumuhod siya sa harapan ko.
Hikbi na lang ang natira sa akin at wala nang luha na lumalabas sa mga mata ko. Pinunasan ni Desmond mga bakas ng luha sa pisngi ko.
"Kailan pa ito Finn? When did you start getting anxious and having nightmares in the middle of the night?" marahan niyang tanong sa akin.
Napalabi ako.
"M-matagal na." mahina kong sagot sa kanya.
"Why didn't you tell me?" seryoso ngunit nanatiling banayad ang boses ni Desmond.
"Nahihiya a-ako. Pinapatulog m-mo na ako d-dito sa b-bahay mo Desmond. P-pinapakain mo a-ako. B-binigyan mo ako ng d-damit. Binigyan m-mo ako ng magandang k-kwarto, malaking k-kama at may p-pamilya na ako dito. Sina nanay at tatay Carlos. Tapos k-kaibigan na rin kita. Kaya bakit pa ako aangal. B-bakit pa ako m-magrereklamo sa dami ng binigay mo sa akin? Tingin ko ay w-wala akong k-karapatan na magreklamo D-desmond sa l-lahat ng b-binigay mo sa a-akin."
Malakas siyang bumuga ng hininga at yumuko.
Namumula ang mata ni Desmond nang inangat niya ang ulo upang tingnan ako. "Tell me, Finn. Simula nang dumating ka dito. Binabangungot ka na nang ganoon? Hindi pala first time ang nangyari noong nakaraang gabi?"
Mahina akong tumango sa kanya.
"Dammit!"
Hinanap ng kamay niya ang kamay ko saka iyon mahigpit na hinawakan. Umigting na ang panga niya.
"D-desmond... galit ka?"
Pumikit siya at umiling. "I'm not Finn. I should have known. I should have known that you were suffering and uncomfortable in your room. Dapat sinabi mo. Dapat di ka nagsinungaling na komportable ka doon kahit na ang totoo ay hindi."
"I'm sorry." Yumuko ako sa hiya.
"Here. Are you comfortable being here? Or you want to sleep beside Manang Susan and Mang Carlos?" tanong niya.
"Ma... mas gusto ko d-dito." sagot ko sa kanya at sinulyapan.
Tumango siya. "I see."
"P-pero Desmond k-kung--"
"If you feel that you can't sleep in your room you can always sleep here, in my room. Just knock on my door. I will open it for you."
"Talaga?"
"Yeah. Kaysa naman umiyak ka magdamag. I invited you to come with me here so that I could give you the life that the orphanage can't give you. Kaya, oo, pwede ka dito." sa sobrang galak ko ay napayakap ako sa kanya.
"Salamat Desmond."
"I told you to stop thanking me, Finn." aniya habang yakap-yakap ko.
"Hmm." Ako at tumango.
Si Desmond na ang kumuha ng unan at kumot sa kwarto ko. Pagbalik niya ay dala na niya ang dalawang unan at iyong kumot. Ang isang unan ay ginamit ko pang unan at iyong isa ay nilagay ni Desmond sa gitna namin. Parang boundary kumbaga namin.
Humiga na ako sa kama at nagkumot ako hanggang sa leeg ko. Tanging ulo ko na lang ang nakikita.
"You rest first, Finn. I will just take a bath."
"G-goodnight."
"Goodnight." aniya at pinatay ang lampshade sa gilid ko.
Iyong naramdaman ko kaninang takot, nginig at pangamba ay nawala. At iyong bango at yakap kanina ni Desmond ay parang kinalma ako noon. Itong bango ng kwarto ni Desmond ay nakakalma sa bagabag ko. Parang inalis noon ang takot ko sa paligid ko. Parang hinamplos noon ang puso ko.
Kinabukasan ng magising ako ay nakaramdam ako ng mainit na hangin na pumapaypay sa balunbunan ko. Kumunot naman ang noo ko nang sinubukan kong gumalaw ngunit di ko naman maigalaw ang katawan ko at saka sa pagkakatanda ko hindi naman matigas ang unan na inunan ko kagabi.
I groggily opened my eyes. At first, my eyes were fuzzy from the long slumber. When I rubbed my eyes using my free hand, my eyesight became pellucid and I almost whooped.
Desmond's massive and caramel-like skin was just inches away from my lips. His dark nipples were just millimeters away from my lips. My face was close enough to Desmond's chest to the point that I felt his warmth radiating to my face.
Inilayo ko ang mukha ko doon nang maramdaman kong nagsimula na namang manginit ang mukha ko. Sinubukan kong gumalaw ngunit may mahigpit na kamay na nakayakap sa baywang ko. Ang kamay ni Desmond!
Tumingala ako upang pagsabihan siya na alisin niya ang kanyang kamay ngunit nang tumingala ako ay nawala na ang naunang intensyon ko. Sumalubong sa akin ang matangos na ilong ni Desmond na bumubuga ng mainit na hangin. Ang kaninang pumapaypay sa balunbunan ko. Ang mapupulang labi na pinag-uusapan namin ni Jaheer kahapon.
Wala sa sarili kong naitaas ang kamay na di sakop ng yakap ni Desmond at ginuhit ng daliri ko ang hulma ng labi niyang mapupula.
Nang gumalaw ko si Desmond ay mabilis pa sa kidlat na nilayo ko ang kamay ko doon sa kanya at nang bahagyang lumuwag ang kamay niya sa katawan ko ay agad akong lumayo at bumalik sa kinahihigaan ko kagabi at nagtulakbong sa kumot. Para na akong naiiyak nang di ko makalma ang malakas na pagtahid ng dibdib ko. Napiga ko ang dibdib ko dahil di iyon marunong kumalma.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top