CHAPTER 8

Chapter 8







Dareen Pov




Nasa malaking living area na ako ni Rap at nawiwili pa rin talaga ako sa malaking bahay niya. Gusto ko nga kasi ang bahay niya. From it's size, the interior and exterior design, besh this house is breathtakingly beautiful. Hindi halatang pinaghandaan. I take a glance at his very high ceiling. Goodbye dream house. I whispered. And continue staggering to the main door of Rap's house.



Now, I'm on my way to the house human gate. This house has a massive green ground. While i'm sauntering towards the gate someone call me from behind. The voice of no other than Raphael Laurence Marcet.



"Dareen," he call out my name. Gumaganda ang tunog ng pangalan ko kapag si Rap ang nagsasalita n'on. Sheemzz!



Lumingon ako sa kanya. Nakakunot na naman ang noo niya. Lumapit siya sa aking nakitatayuan. His rugged look can really loose the thread of my underwear. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa kanyang baywang saka siya yumuko at bumuntong hininga. Okay? Anong problema ni Rap?





"Bakit Rap? May kailangan ka? Wait..." ako saka binitawan ko ang maleta ko. "inaakala mo ba na nagnakaw ako ng painting mo doon sa loob? Rap, sinasabi ko sayo kahit na gusto kong magnakaw kahit isa n'on hindi naman iyon magkakasya sa maleta ko. Promise, wala akong ninakaw kahit isa." ako saka nag swear sa kanya.





Inangat niya ang ulo niya saka pinukol ako ng matalim na tingin. Napaubo naman ako kahit na wala akong ubo. Sheemzz! Nakakamatay ang tingin ni Rap parang pinapatay niya ako sa tingin niya. Pag-usapan nalang natin lahat wag lang talaga ang painting niya. Jusko!





"Don't... don't go. You can stay..." umiling siya saka bumuntong hininga ulit. "You can stay in my house. Don't go." kahit na nahihirapan si Rap sa sinabi niyang iyon nagawa niya pa ring i-ahos. Akala ko pa naman ay pinagdudahan na niya ako. Pero gulat na gulat ako sa kanyang sinabi nang mag-sink in iyon sa utak ko.





"Bakit? Bakit ginagawa mo ito Rap dahil ba naaawa ka sa akin?" tanong ko sa kanya.



"Yes, naaawa ako sayo." maiksi niyang sagot.





"Wag na. Alam kong ayaw mo ako dito sa bahay mo at kung naaawa ka man nako wag na. Makakahanap naman siguro ako ng bahay dyan."





"Really? Makakahanap ka? Why? Do you even have a job? Does you know any work? Do you have money in your pocket?"



Dun naman ako natamimi. Ang lakas din talaga ng loob kong sabihin iyon sa kanya nang hindi nag-iisip. Tama siya wala akong trabaho. Wala akong pera. Wala akong alam na trabaho but i can learn naman. It's just i'm a sheltered brat way back in our home.



"You back to your room. Before I change my mind." anang ni Rap saka naglakad pabalik sa loob ng bahay niya. Tinanaw ko lang si Rap habang naglalakad siya patungo sa main door. Pinalobo ko ang bibig ko saka huminga ng malalim at nilingon ko ang maleta ko. Kinuha ko iyon saka naglakad... naglakad pabalik sa loob ng bahay ni Rap.



Yeah, I decided to stay in his house. I have nowhere to go so why would I be a choosy. Siguro dapat ko na ring ipaalala sa sarili ko na wala na ako sa bahay namin. Na ang buhay ko ay iba na sa dati. Before, if I have anything at my disposal, well, now wala na. It's a blessing na rin siguro na dito ako sa bahay ni Rap napunta. Mayaman tapos may sarili pa akong kwarto na maganda. Mabuti at hindi ako naisipang ipadala ni papa sa iba. Tapos may kasama pa akong, ehermm... hot dzaaddy.



"We don't really bump to each Dareen because I'm a busy person and I go early in the morning and went home late at night so, hindi tayo magkikita dito sa bahay ko. Also, my house is too big for us to bump in each other. Just behave yourself and don't worry about the house work. I have a peron who works for it but it would be nice if you work your ass off here cause your foods, water and other expenses are not for free just so you know. You have to cook for your own meal as well. That's all and lastly, my rules... my rules is still on. Always keep that in mind."





Ito ang pangalawang briefing ko with Rap. Grabe sana pala nag-print out nalang siya sa mga sinabi niya at saka iyong rules-rules niya. Daming tsi-tsi buritsi nitong si Rap but then again wala akong CHOICE! Well, I have Clemence. Does Clemence have money? Yes! He have BUT from his family as well. And for your more information his father is a colonel and his father just like Rap and my father they don't  like gays. Simple speaking, Clemence is also hiding his true colors. That is why, i just cannot barge in, in their house.



"Uhm," masunurin akong tumango kay Rap na naka upo sa isang couch habang nakalagay ang siko niya sa kanyang dalawang tuhod at pinagsiklop iyon. Malalim ang iniisip ni Rap. Psshh! Para namang lagi siyang iniisip e. Ano pang kaibahan ngayon?



Napataas na lang ako sa kilay ko nang walang paalam si Rap na tumayo at basta nalang umalis sa living area. Ngiwing sinundan ko siya ng tingin hanggang sa naglakad siya patungo sa right wing nitong bahay niya. Parang magkabilamg mundo pala ang silid namin, huh.



Umalis na si Rap alangan namang tumunganga pa ako dito sa living area. Kaya umalis na rin ako doon at pa-ika ikang bumalik sa kwarto ko. Kanina ay nag-stay lang naman ako sa kwarto dahil nakakatulala lang talaga ang nangyari sa araw na ito. Hanggang di ko namalayan ang oras at may kumatok sa kwarto at si Rap iyon. Inaya niya ako sa kusina na kumain dahil may t-n-ake out daw siyang pagkain at iyong pag-aya niya sa akin kanina na kumain ay parang natatawa na naiinis ako. Alangan naman, sinabihan lang niya ako na 'follow me'. Kaka-imbyerna ka rin Rap. Tapos ayon tahimik lang kami na kumakain at hanggang doon sa living area iyon lang ang naging usapan namin after niya akong pinabalik dito sa bahay niya.



Nakahiga na ako at nakatulala sa ceiling. Grabe. Akala ko hindi na ako makakahiga sa kamang kinahihigaan ko ngayon. Akala ko magiging palaboy na ako sa daan ngayong gabi. Pero ano kaya ang nagpabago sa isip ni Rap? Bakit kaya hindi niya ako hinayaang umalis sa pamamahay niya?



Kinabukasan ay nagsikap na akong gumising ng maaga at nagluto. And i hate myself for not knowing how to cook a damn rice. So in the end i just settle to a... shemmzz. Fried hotdog?



Pagdating ko sa SU, syempre nag-taxi ako. Walang jeep na dumadaan d'on sa Marcet village besh. When i reached in my school. Well, I'm used to the stares and gossips everytime i went here ganyan ang sasalubong sa akin dito. Parang naging parte na iyon ng buhay ko at kung mawawala iyan jusko hindi na SU ang napasukan ko. Iba lang ngayon kasi hindi na ako nakasakay sa sasakyan namin kundi nag-taxi na ako. Gusto kong mag-grab pero wala akong phone.



I only gave their stares a shrugged of my shoulders. Hindi ako mamamatay sa tingin at tsismis ninyo, oi! Kampante akong naglakad papasok. Thanks god! My ankle doesn't hurt that much. Nakakaya ko nang rumampa. Chaarr!



Kakapasok ko lang talaga sa loob ng SU at may humablot na sa braso ko. Hmmm. Ganito ako ka famous dito!



"Bakla ka akala ko kung ano na ang nangyari sayo!" my one and only friend ranted while his hands is on my arms and pulling me from I don't know where.

Tumigil kami sa hallway na hindi masyadong dinadaanan ng mga estudyante. Binagsak ni Clemente ang braso ko saka taas ang kilay niya na pinagawa niya pa. Yes, I know na pinagawa niya ang mga iyon. Wala na kaming nililihim ni Clemence sa isa't isa. Ganun kalalim ang pagsasamahan namin.



"Speak, Dar. Defend yourself. Anong nangyari sa iyo at bakit hindi ka pumasok kahapon."



I open my mouth and was about to mutter but there's a student na naligaw sa kitatayuan namin kaya tinikom ko nag bibig ko at napaikot ako sa maganda kong mata.



"Speak." Clemente demanded.



"I'm about to speak Clemente may dumaan lang." ngumiwi siya nang marinig niya ang totoong pangalan niya. "As you can see hindi pa ako nakakarampa ng maayos it's because I twisted my ankle yesterday at kaya rin ako absent." i him an answer but my answer wasn't enough Clemence face is asking for more. More infos.



"You know I'm not satisfied, Dar." he plainly said and folded his arms above his chest.



"Wala na ako sa bahay namin." simpleng sagot ko sa kanya and his eyes widen in fraction. "Satisfied?"





"Dahil ba..."





"Yes, because of the damn messed I did to my ex and his bitch friend. My dad almost disown me because of it, Clemence. He wants me to apologize to that bastard and bitch but i cannot and you know why." i heaved before resuming. "Nakakainis lang dahil nasabi ko tuloy sa kanila... nasabi ko tuloy sa kanila kung ano ba talaga ako. And that adds the fuel on the fire."



"Shit! I-i'm so sorry Dar. It's my fault-"



"It's no one's fault. I went there on my own will Clemence. And it just that... i caught my bastard ex fucking his friend. But I'm still thankful that it happened dahil kung hindi nangyari iyon baka tangang-tanga pa rin ako ngayon. So don't blame yourself, Clemence." i said.



"And where are you staying righ now? Condo? Hotel? Pwede ba akong pumunta doon."



Sarkastiko akong ngumiti sa kanya.



"What's with that smile Dar?" maarte niyang tanong.



"Gaga ka ba talaga Clemente! Pinaalis nga ako sa bahay namin ni daddy. May pinalayas bang binigyan ng sanda-makmak na pera para may pang hotel at condo? Hello? Of course, I have no money. Actually everything! Even a damn phone. Fuck this, I'm broke right now." i sneered.



Nagsimula na ang klase namin ni Clemence kaya pumasok muna kami sa aming klase. At pagkatapos ng klase namin ay hiniram ko ang cellphone niya. I'm not a fan of YT but right now mukhang kailangan ko ito. Kailangan kong matutong magluto and YT is the best na malalapitan ko. Kaya binuhos ko ang break namin sa kaka-youtube.




Kaya noong uwian ko na binalik kay Clemence ang phone niya. At pagka-uwi ko dahil sa saya ko dahil mukhang natuto na akong magluto dahil sa YouTube nagluto ako. But then... my expectation is very far from the reality. The pan that i used to fry is damn burning. Dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko habang tinitingnan ang malakas na apoy ay wala akong nagawa kundi tingnan lang iyon. My body become immobile. Parang mapapalayas na talaga ako nito!





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top