CHAPTER 6
Chapter 6
Dareen Pov
Itinaas niya ang kilay niya sa akin. "I don't have to do that since I know that, I'm not a lovable person. No one can withstand me, Dareen. Besides, if you fall for me. It's not my lost, it's yours since I cannot reciprocate that."
Pssh! Ang seryoso naman talaga ng taong ito. Hindi man lang marunong sumakay sa joke. Dire-diretso agad. Pagkatapos niyang banggitin iyon ay umalis na siya ng di man lang sinara ang pinto! Nakakainis!
Inan-pack ko na ang mga dala kong damit at nilagay iyon sa built-in na closet. Halos lumuhod ako sa closet dahil iyong mga damit ko iyong isang space lang ang na-occupy. Tapos ang closet na nandito ay nasa apat ata. Kung sana pinadala lahat nila daddy ang damit ko. Tiyak na magkakasya iyon dito! Tapos iyong mga sapatos ko pa sa bahay namin.
Humiga ako sa kama na napakalambot at inunan ang braso ko. Gusto ko tuloy'ng kumanta ng 'night changes' dahil sa sobrang bilis ng pangyayari sa buhay ko. Parang p-n-ast forward. My god! Parang noong biernes ng gabi tumakas pa ako sa bahay tapos sumugod ako sa party at nakita ko pa ang puta kong ex at ang kaladkarin niyang kaibigan na nagjujug-jugan. Naiirita talaga ako kapag naiisip ko iyon. Iyong pa-inosenteng mukha ni Eurika! Nakuuuuu! Ang sarap i-mudmud ang mukha sa rough road. Tapos sa sumunod na araw ay ito na. Nandidito na ako sa bahay ni Mr. Marcet ay ni Rap pala.
But I think mag-ienjoy ako sa pags-stay ko dito dahil kay Rap. Kanina habang nagmamasid ako dito sa loob ng bahay niya ay wala naman napansing kakaiba. I mean, wala akong nakita na picture puro paintings lang iyon. Ako ay hindi ko naman talaga naiintindihan ang mga paintings maliban na lang kung may description iyon. Nahihirapan akong ina-lyze ang isang larawan but I appreciate arts naman. At itong mga painting sa bahay ni Rap. Sarap nakawin at ibenta tiyak tiba-tiba ako nito.
Kinaumagahan ay tinanghali na akong nagising dahil kagabi hindi ko aakalain na sa pamamahay pa na ito ay dito pa talaga ako di makatulog. Pinagod ko ng sobra ang sarili ko kagabi. Nag-push up ako, nag-squats, nag-jumping jacks at kung ano-ano pa. Syempre, nagsigaw-sigaw ako dito sa silid. At sa tingin ko naman ay sound proof itong kwarto ko kasi hindi ako binulabog ni Rap, e.
Inunat ko ang braso ko. Sheemmz! Nanakit ang katawan ko sa mga katangahan ko kagabi. Napanguso ako nang bumalik lahat sa akin. Hay! Ang hirap tanggapin nito! Malungkot ako kasi wala ako sa bahay. Pero syempre ayaw ko naman ipakita iyon, nu! Dinadaan ko nalang ang lahat sa biro para kahit papaano ay hindi ko ikamatay ang lungkot ko!
Lumabas ako sa kwarto saka nagmartsa patungo sa kusina. Fresh na fresh ang lola ninyo! Sarap na sarap ako sa ligo ko kanina. Pagdating ko sa kusina ay napahawak ako sa dingding na nasa tabi ko nang makita ko si Rap na nasa bar at nagkakape ata. Kahit na hindi pa ako nakalapit sa kanya ay natatakot na akong lumapit sa kanya kasi ang dilim ng awra ni lolo Rap. Anong nangyari dito?
"Eherm! Eherm!" i cough but piki iyon para lang makuha ko ang atensyon niya. At nagtagumpay naman ako. Tumingin siya sa akin pero ang awra niya ay ganun pa rin. Hala kang bakla ka! Jutay ka talaga ngayon!
"Hehehe, good morning!" maligaya kong bati sa kanya saka patalon-talon na lumapit sa kanya.
"Did you remember my rules?" hindi niya ako binati.
"Huh? Ah... oo naman." anang ko. Kahit na nagtataka ako bakit siya nagtatanong.
Napatalon ako sa gulat ng binagsak niya ang basong hawak sa island counter.
"Then why the fuck you are so noisy last night! Who told you to shout in the middle of the freaking night!"
Lumipad ang kamay ko sa bibig ko. "Narinig mo?"
"Hindi?" sarkastikong saad niya sa akin.
"Sorry, hindi kasi ako makatulog e. Namamahay siguro ako."
"Whatever your damn reason is. I don't fucking care just shut your mouth before I pull that fucking tongue of yours."
Ngumiwi ako sa kanya. "Ay, grabe naman yang babala."
"Trust me Dareen. I can pull your tongue. Don't try me."
Pull my tongue using your mouth? Gusto ko sanang biruin pa siya pero mulhang sa sementeryo na ang ending ko nito. Kaya zip na ang labi kong kissable.
Marahas siyang tumayo at nilagpasan ako. Mahahaba ang hakbang ni Rap kasi mahaba ang bayag niya este biyas. Hinabul ko siya kasi papasok ako sa school tapos sinong maghahatid sa akin? Malapit lang naman dito ang Saldivar University (SU). Hindi ako sa MU nag-aaral. Bwesit lang dahil hindi ako nakaabot sa schedule ng entrance exam ko doon. Na-late lang naman ako ng ilang minuto tapos di na ako pina-take! Kaya sa SU ako nalang ako.
"Rap!" sigaw ko kay Rap na ang lalaki ng mga hakbang. "Raappp-aahhhh!!!" sigaw ko kay Rap habang tumatakbong hinabul siya pero sa di inaasahang pangyayari ay na nabuwal ako. Ang paglingon sa akin ni Rap ay parang naging slow-motion. Kagaya ng mga napapanood niyo sa TV. Oo besh! Sa wakas nagka-slow motion na ako. Kaya napasigaw na naman ako.
Napapikit ako ng maramdaman kong nauntog ang noo ko sa may pagkamalambot at matigas na bagay.
"Holy fucking hell!!!" sigaw ni Rap kaya napamulat ako. Bumilog ang mata ko nang ma-realized ko na nauntog ang ulo ko sa... SHEEMMZZZ! Sa baton ni Raphael Marcet! Inangat ko ang tingin ko kay Rap na ngayon ay pulang pula na ang mukha. Hindi sa kilig iyon o ano. Kundi dahil iyon sa galit niya. Malapit ko ng makita ang usok na lumalabas sa ilong at tenga niya.
Tinungkod ko ang dalawang kamay ko upang tumayo pero sa muli ay mauuntog na sana ulit ang ulo ko doon sa malaking umbok ni Rap pero besh! Naiharang na ni Rap ang kamay niya doon. Kaya lumanding ang mukha ko sa nag-aalab niyang kamay.
"What the fucking hell Dareen! What are you looking at stand the fucking up!" galit na bwelta niya kaya nataranta ako. Pero hindi ko maitayo ang paa ko. Wahuhuhuh! Nabali ba ang paa ko? Ang ankle ko ang sakit.
"R-rap, ang sakit ng paa ko."
Si Rap na ang nag-adjust siya na ang tumayo at ako naman ay umupo nalang sa sahig. Ini-inspect ko ang ankle ko pero ang sakit hawakan.
"What happened?" malamig na tanong ni Rap na nakatayo sa harap ko.
"Na-dislocate ata ang buto ko? Nabali?"
Akala ko kung saan na si Rap ng umalis siya sa harapan ko. Pumunta siya sa likod ko. Hinawakan niya ang braso ko saka ako pinatayo. Panay ang daing ko dahil hindi man lang niya ako dinahan-dahan. Shit siya! Oo gusto ko ng mabilis pero sa sitwasyon ko ngayon halata naman na gusto ko ng dahan-dahan. Nang makatayo ako ay walang kahirap-hirap niyang akong binitbit pabalik ng kusina.
"Stay." si Rap saka parang papel niya lang akong nilapag sa island counter saka tumalima kung saan. Napanguso ako habang sinisipat ko ang paa ko. Pagbalik niya ay may dala na siyang ice pack.
Napaigtad ako ng hawakan niya ang paa ko at hinubad ang slippers ko.
"Stay fucking still you dumb." umupo siya sa isang high chair na nasa harap ng island counter kung saan ako at nilapag niya ang ice pack sa tabi ko. Saka walang paalam niyang inikot-ikot ang ankle ko.
"Ahhhh, R-rap dahan-dahan naman. Ah... ahh... ahhhh," panay ang reklamo at daing ko.
"Tssk!" iyang lang ang narinig ko sa kanya.
"Ah, ahh, ahh aray... Rap." parang naging ungol na iyon.
Mabuti at banayad na ang paglapag niya sa paa ko. Pagkatapos niyo'n ay dinampi-dampi niyang ang ice pack doon.
"Your voice is starting to get under my skin, Dareen so you better shut that mouth of yours." mahinahon naman ang pagkasaad nun ni Rap sa akin pero kinilabutan ako. Hawak niya kasi ang paa kaya pwedeng-pwede niya iyong paliin kapag nairita na siya ng husto.
Nakayuko lang si Rap habang dinadampi niya ang ice pack sa ankle pero kitang kita ko ang bawat galaw ng panga ni Rap. Bumabakat ang bones niya doon besh! Shemmz! Ang panga niyang mas hinulma dahil sa whiskers niya ay ang lakas ng dating sa akin. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nasa paa ko. Ang malalakas niyang kamay ay bumabakat din ang ugat niya doon. Choke me daddy! Ay grandpa pala.
"What the hell are you staring at dumb."
Napaayos ako ng upo dahil sa boses niya kaya naigalaw ko rin ang paa ko pero humigpit ang paghahawak niya doon.
"What a dumb indeed!" komento niya. "So, why did you chase after me?"
"Oh... oo pala. Kasi... kasi nag-aaral ako Rap. Then I just wanna know if sino ang maghahatid sa akin sa school."
Bumuntong-hininga si Rap at binitawan ang paa ko saka umayos siya ng upo at pinagkrus ang braso niya.
"Commute dumb. Magku-cummute ka."
"What?"
"Magku-cummute ka." ulit niya.
"I don't have any money-" Naputol ako nang may kinuha siya sa bulsa niya akala ko magma-magic siya pero nilapag niya ang limang libo sa mismo tabi ko. "Ito lang? Rap pang isang araw ko lang ito." di makapaniwalang saad ko.
"It's not my problem anymore. It's yours. So, if you want to go to your school for the entire week you spend your money wisely."
"Dagdagan mo naman ng three thousand."
"No."
"Two thousand five hundred."
"No."
"One thousand."
Inikot niya ang mata niya sa akin. "Even if it's one piso, you can't get any from me aside from that." Saad ni Rap saka tumayo at iniwan ako.
"ARRGGHHH, RAPHAAAEELLLL!!!" malakas kong sigaw ng di ko na makita ang kahit na anino ni Rap. For god's sake. Five thousand? Really? Baon ko lang ito sa isang araw! Kulang pa nga ito, e. Kung sana hindi kinuha ni daddy ang mga credit cards ko. Ginulo ako ang buhok ko sa inis na nararamdaman ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top