CHAPTER 39
Chapter 39
Dareen Pov
Inis kong inalis ang kumot sa ulo ko nang marinig ko na naman ang munting ungol ni Rap na nasa sahig. Talagang di siya umalis. Talagang sinununod niya ang gusto niyang dito matulog. Gusto niya. Kaya hinayaan ko. Kaso nga lang umulan pa ng napakalakas. Minalas siya! Kaya ayan ngayon siya giniginaw sa sahig. Pinagtya-tyagaan niya ang manipis na kumot ni Sky sa sahig.
Bumangon ako saka ko siya sinilip sa sahig. Nakalukot na ang katawan niya at talagang giniginaw na. Nanginginig na sa ginaw kung tutuusin. Paano ko nalaman? Simple lang iyong kumot kasing nakalimin sa kanya ay nanginginig din.
"O-Oi! Rap." Tawag ko sa kanya.
"H-Hmm." Nanginginig niyang tugon.
Sa inis ko nang marinig ko ang boses niya ay inabot ko siya doon sa sahig saka ko ginising. "Rap tay-" nabitin ako nang pagpalis ko sa kumot niya ay bumungad sa akin ang topless niyang katawan.
Napairap ako. Sinong hindi giginawin kong naghubad at may ulan pa?
Napadilat siya sa gulat nang maalis ang kumot sa kanya.
"You're so stupid! Ang stupid mo Rap." Nawika ko saka padabog na inihagis ang kumot sa kanya.
"Baby." sambit niya na kinairap ko na naman.
"Nangungusensya ka, stupid. Umakyat ka na dito. Ako pa sisisihin ni Tita Bienvinida kung manigas ka dyan sa ginaw, e." sabi ko habang ang mata ay wala sa kanya. "Malakas ang ulan kaya hindi na siguro makakauwi si Sk-"
Naputol na naman ako nang may biglang tumabi sa akin habang naglilitanya ako. Napabaling ako kay Rap na nakaupo na rin sa tabi ko. Napadaing ako at umusog papalayo sa kanya.
"Hindi ko sinabi na dito ka umakyat sa deck ko. Doon sa deck ni Sky ikaw umak-"
"Stop talking baby." Pagputol niya sa akin saka ako niyakap.
Hinawakan ko na ang magkabilang braso niya at handang-handa ng itulak siya kaso lang nang dumantay ang kamay ko sa kanyang balat ay halos mapakislot ako sa lamig niya.
Binaon niya ang kanyang mukha sa noknok ng leeg ko. Ang lamig niya talaga. Sobra.
"I know what you mean, baby. I just want to hug for a minute. So please. Let me hug you baby. I missed you. I miss you so much." wika niya habang ang mukha ay nasa leeg ko pa.
Paunti-unti ay dumaos-dos ang kamay ko sa kanyang braso at hinayaan ko iyong mahulog. Niyakap niya ako nang mahigpit at biglang tumulo ang butil ng luha sa mga magaganda kong mata. Namimiss ko rin siya ng sobra. Di lang siya ang namiss ako. Namiss ko rin siya pero di ko iyon aaminin. Hindi nakakaganda iyon.
"I miss you in my bed baby. I miss you silly moves towards me. I miss you small kisses before you off from bed. I miss your sharp and loud voice. I miss your coffee. I miss your warm embrace. I miss you clinging on me. I miss everything about you baby... so much." bulong niya pa. At habang binubulong niya iyon sa akin ay tumutulo ang luha ko.
Inangat ko ang kamay ko saka pinunasan ang luhang umaagos sa mata ko.
"Plano mo na ba na dito matulog para sabihin 'yan sa akin?" tanong ko.
He moved a bit at akala ko aalis na siya mula sa pagkakayakap sa akin ngunit umusog pa siya sa akin lalo at niyakap na niya ang dalawang kamay sa aking baywang.
Iniling niya ang kanyang ulo na nasa leegan ko pa. "No. I just want to see you and accompany you. Pero hindi ko kaya na ang lapit mo lang sa akin pero di kita mahawakan. I'm not a patience kind of guy, baby. I tried but I cannot. Look what am I doing right now. Niyayakap na kita kasi di ko kaya. Your smell is not enough. I want to sip your smell." Natahimik siya.
"Let's go back home, Dareen." aniya mayamaya.
"Wala akong uuwian."
"You can always go with me. We can come back together in my home."
Namuo na naman ang luha sa mga mata ko.
"Bakit ako uuwi sayo?"
"Cause you love me and I love you." sabi niya at kumalas sa pagkakayakap sa akin. Binaba niya ang kamay sa kamay ko saka iyon pinisil. "We can always g-"
"Wala akong lugar sa bahay na ang asawa mo gumawa Rap. Ayaw ko. Alam mo ba ang tingin ko sa sarili ko nang malaman ko ang lahat Rap? Para akong mang-aagaw. Para pinagsiksikan ko ang sarili ko sa bahay mo-ninyo. Tapos ang dami ko pang tanong sa sarili ko na di ko naman kayang sagutin. Para akong nababaliw sa kakaisip sa nga tanong na wala namang kasagutan kasi di naman ako ang makakasagot n'on." Nagpipigil kong saad sa kanya. Nagpipigil na h'wag siyang sigawan.
"Hindi ka naging mang-aagaw. Hindi mo pinagsiksikan ang sarili mo sa akin o sa bahay ko. I was the one who let you stay and even restrain you from moving out. So don't think of yourself that way."
"Pero Rap iyong mga tanong ko na-"
"Ask me then. Ask me, baby. I want to hear your questions. Your thoughts. Everything. Baby, just tell me." Seryosong saad niya sa akin at humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.
Napatiim-bagang ako.
"Umakyat ka na doon sa deck ni Sky, Rap. Tama ang lahat ng nangyari-"
"Then, when is the right time na mag-uusap tayo?"
"Ewan ko! Ewan ko Rap! Kasi sumisikip ang dibbib ko kapag naiisip ko palang ang mga tanong ko sayo at sa magiging sagot mo. Naninikip ito Rap." Turo ko sa dibdib ko. "Nasasaktan ako kahit na wala ka pang ginagawa!"
"If you wouldn't tell me kailan mawawala ang sakit n'yan baby? Try me, baby. Try me." He begged.
Winaksi ko ang kamay niya. "Sige! Sige kung iyan ang gusto mo!"
Napakurap-kurap siya.
"Sige, ito ang gusto mo, diba?" Anang ko. Hinawakan na niya naman ang kamay ko pero tinampal ko iyon. Ayaw kong hawakan niya ako dahil bubuhos na naman ang luha sa mata ko. Ang rupok ko talaga pagdating sa kanya. Tingin ko ang hina ko kapag nandyan siya. Tingin ko wala akong lakas pagdating sa kanya. "Hindi ka ba nandiri sa akin? Noong panahon naghahalikan tayo hindi ka ba nandiri sa akin? Bakla ako at ayaw mo sa mga bakla diba? Galit ka sa mga katulad ko. Saka-"
"Baby, hindi ako nan-"
"Patapusin mo ako!" sigaw ko.
I saw him clenched his jaw. "Saka Rap... iyong mga paglalandi ko sayo sinasakyan mo lang ba ako? Hindi mo ba ako sinusumpa matapos kitang landiin? O ginawa mo ang lahat ng iyon para lang amuhin ako? Aminado akong sutil ako at sayo lang ako naging sunod-sunuran. Did you do all those things just to tame me?"
"Baby... to tell you honestly the first time we kissed? I was shock and surprise for myself cause I didn't feel any disgust. I even want more of you. Yes, I hate gays but I don't hate you. I admit that at first it was all a fucking a game and I don't want to lose but yeah... I losed. And to tell you honestly baby. I like everything you do in me. I never hated the thing you do. I never did. And for your last question... yes--"
"Tingnan mo na umamin-"
"At first yes baby. I did all those things because I want to tame you but like what I've said I losed. You win. You even win my heart... body and soul. I've been in a different battle in my life, baby. And I don't accept defeat. I can't accept being defeated. But when it's the battle between you and me. I wholeheartedly surrendered my body to you. That's how much I love you, baby."
Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga sinabi ni Rap. Ni hindi ko mai-alis ang mata ko sa kanya. He is dead serious. He didn't even blink when he said all those things.
"Does it too late for me baby? Am I late? I knew the fact that I realized my feelings for you too late, baby. But I still want to ask you. Am I too late?"
Sinampal ko ang dibdib niya. "Ang stupid mo."
"I know."
"Gago ka."
"I am."
"Mahal din naman kita. Gago ka. Mahal kita kahit stupid ka."
"I kno-- what?"
Umasim ang mukha ko sa kanya.
"D-Did I hear you right, baby?"
"Hmp! Matutulog na ako stupid ka!" saad ko sa kanya bago humiga.
Ngunit ilang saglit lang bago ako mahiga ay may dumagan na kaagad sa akin.
"Shemz! Umalis ka Rap!" Naiinis kong sambit saka sinubukan siyang itulak kaso ang bigat niya.
Siniksik niya ang kanyang mukha sa banda kung saan ang Adams Apple ko. Kaya napatingala ako.
"Malandi ka Rap. Umalis-"
"Damn baby! You're so noisy. It's so damn okay calling me malandi, baby. Cause, I'm only malandi to you." Reklamo niya pero nanatili pa ring nakabaon ang mukha sa leegan ko.
"Tsk! Porket sinabi ko na mahal kita akala mo okay na tayo? Akala mo ba tayo na?"
Dahil sa sinabi ko napaahon si Rap saka naitungkod ang kamay sa gilid mismo ng ulo ko. Kulong kung kulong, huh. I saw how his chest moved up and down.
"Umalis k-" itutulak ko na sana siya kaso agad niya namang nahuli ang dalawang kamay ko saka iyon pinako gamit ang kamay niya sa kama.
"I know that baby. I just want to hug you." He reasoned.
Umingos ako.
"Hindi libre ang kahit yakap Rap. One thousand per yakap."
Ngumisi siya.
"One thousand per hug? Tssk.One million, can I kiss you?"
Nanlaki ang mata ko offer ni Raphael Marcet. Omg!
Raphael Pov
My smile grew wider as I see the whole set up of my dinner date with Dareen. I personally get things ready. From the venue, design, the music, and even the foods. Eversince, we talked everything in his apartment. We officially started dating and then my family knows that I am now dating Dareen. They are happy for me but not Chiara. She still wants Dareen to lived with me but Dareen refuses to stay in my new house while we're on dating stage. Hindi ko na lang din siya pinilit pa.
Ngayon ay nandidito nga ako sa top floor ng isa sa mga hotel na pag-aari ni Lorcan. Dito naka-set up lahat ng sa dinner namin ni Dareen. For the ninth time for the two months of dating tatanungin ko ulit siya na pwede na bang officially maging kami. Tama, walong beses na akong tinanggihan ni Dareen. Nakabalik na siya sa pag-aaral niya, he is now on his 4th year at pinagsabay niya ang kanyang pag-aaral at trabaho sa coffee shop ng ka-roommate niya. I offer na tulungan siya but he opt not to. And I considered his choice. And I am glad to see that my baby is slowly growing up and becoming mature. I'm glad to see that he can support himself through his hardwork.
"Sir, is-serve na po ba ang mga foods?"
Umiling ako. "No, later."
Umalis ang waiter saka naman tumunog ang cellphone ko. Kinapa ko sa bulsa ko ang telepono ko na nagwawala at lumiwanag ang mukha ko nang makita kong sino ang tumatawag sa akin. It's Dareen. My baby.
"Yes, baby?"
I heard him tsked.
"Wag mo na ako sunduin ako na pupunta d'yan sa hotel."
Napatalikod ako saka humarap sa transparent glass na mga dingding. Kitang-kita ko ang mga maliliit na ilaw sa ibaba at ang mga malalapit na towers.
"No. Susunduin kita-"
"Hehehe. Nagtaxi na ako. Nakasakay na ako sa taxi."
Napabuntong-hininga na lang ako at napatango kahit na wala sa harap ko ang aking kausap.
"Fine. Take care. I love you."
"Alam ko. I love you rin. Hehe, sige na nag-text si Sky tumakas kasi ako sa shop niya para sa date natin." He said and cut the line.
We're exchanging I love you's. We cuddle. We hug. But we are not yet official and Dareen didn't let me kiss him. I can hug him and cuddle with him but no kissing. And it's a hell for me. I cannot bribe him with money for one kiss.
I waited for Dareen. Nasanay na rin kasi ako na lagi ko siyang hinihintay. I waited for him for an hour already but no Dareen appeared in front of me. Not even his shadow. Naghintay pa ako ng oras at nang di na talaga ako mapakali sa kakahintay sa kanya. Sinimulan ko na siyang tawagan at hindi nagri-ring ang kanyang cellphone.
Natapon ko ang cellphone ko sa mesa nang nakailang tawag na ako at wala paring sumasagot doon. At ilang saglit ay nagring iyon kaya mabilis kong pinulot ang telepono ko kaso na dismaya lang ako ng unregistered number ang nakatatak doon.
I clenched my jaw and answer the call.
"M-Mr. Marcet?"
Napataas ang kilay ko nang mabosesan ko ang tumawag sa akin.
"Yes?"
"M-Mr. Marcet kasi... kasi si Dareen... nabangga kasi ang taxi na sinasakyan niya at nasa LCL hospital siya nga-"
Hindi ko na tinapos ang pakikinig doon sa tawag at tumakbo na ako sa elevator saka ko pinugpog ng pindut ang open button ng elevator. Hinayaan ko na ang tawag ni Sky.
All I think was Dareen in the hospital. Dammit!
Matching in the hospital's hallway. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit hindi ko nasundo si Dareen. Sana sinundo ko siya. Sana hindi siya naaksidente ngayon. My heart is beating so loud while approaching in the operating room. How I wish this is only one of his pranks. How I wish this in only one of his surprises. But it isn't.
"How's my baby? How's Dareen condition?" tanong ko kaagad nang makita ko si Sky na nakatayo sa labas ng operating room.
"M-Mr. Marcet. A-ano... kanina pa siya sa loob at wala pang doktor na lumalabas. Kanina kinakailangan nila ng blood transfusion kasi marami ang dugo na nawala kay Dareen at mabuti na lang marami silang stock na dugo. Sa ulo kasi napuruhan si Dareen, Mr. Marcet."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top