CHAPTER 38
Chapter 38
Dareen Pov
"Tang ina naman, Dareen. Kilala mo pala si Mr. Marcet?!" Pagbagsak na wika sa akin ni Sky nang makapasok na kami sa aming apartment.
Gusto kong murahin si Sky. Gusto ko siyang isumpa. Gusto ko siyang gilitin ngayon sa leeg niya. Syet niya! Akala ko di na ako buhay na makakarating dito sa apartment namin. Akala ko ay sa impyerno na niya ako dadalhin sa sobrang bilis niyang magpatakbo. Parang naiwan ata ang kaluluwa ko doon at itong katawang lupa ko lang ang nakarating dito sa apartment.
May inis sa mukha ni Sky na lumingon sa akin saka nagsabing, "Paano mo siya nakilala? At bakit ganoon ang hit-" nabitin niya ang kanyang sasabihin nang pagtingin niya sa akin ay parang mapapatay ko na siya sa galit.
Lumapit siya sa akin ay hinawakan ang braso ko. "Dareen ayos ka lang ba? Bakit ka namumutla?" Pag-aalalang saad niya.
Sa inis at galit ko kay Sky ay nabatukan siya. "Ikaw ang tang ina! Akala ko mamamatay na ako kanina. Maaga pang mawawala ang ang ganda ko dahil sayo, e."
Napahimas siya sa kanyang leeg. Tinalikuran niya ako at kumuha siya ng silya saka siya umupo roon. Ako naman ay napairap sa kanya. Tinapon ko ang katawan ko doon sa higaan ko at napakapa ako sa buong katawan ko. Omg! Buhay ba talaga ako? O baka naman kaluluwa ko na lang itong nanadidito sa apartment.
Napahawak naman ako sa mukha ko. Gosh! My pretty face.
"Wag ka ngang mag-inarte d'yan, Dareen. Jesus! You're still alive." Rinig kong suway sa akin ni Sky.
Pairap akong tumingin sa kanyang kinauupuan.
"Alam mo hindi na ako sasakay sayo. Mapapaaga pa ata ang pagkamatay ko dahil sayo Sky, e."
He lean and put his elbow on his knees. "Ang tanong ko kanina Dareen." Bigla ay sumeryoso na si Sky. "Paano ma nakilala si Mr. Marcet."
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at umayos sa pagkakatihaya ko. "He is the reason why I am here." I answered him.
"Fuck!" mahinang mura.
"Siya iyong stranger na nagustuhan ko. Siya iyong stranger na minahal ko..."
"... at mahal mo pa rin." Pagtatapos niya.
Saglit kong binalik ang mata ko sa kanya at tumango. "Oo mahal ko pa." Amin ko kay Sky.
I struggled to get up, then I undid my shoe laces.
Sky sighed, and I heard him.
"Anong ginagawa niya doon kanina?" tanong niya sa akin. "Kanina pa ba siya doon?"
Saglit akong tumigil sa pag-untie ng shoe lace ko at natigilan. Parang ngayon lang nakarating ang kaluluwa ko na naiwan kanina dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Sky sa motor niya na parang gusto na niyang paliparin kung maari lang sana.
Bumuhos sa isipan ko ang pag-amin ni Rap sa akin kanina. I don't know if he is aware na nasabi niya sa akin na mahal niya ako. I don't know kung napag-isipan niya ba iyon sa sobrang bilis ng pangyayari. Sa sobrang bilis ng salitan ng mga kataga namin. I don't know if he mean it or not.
Rap can really sets my mind in turmoil.
Bumuntong-hininga ako saka sinagot si Sky. "Oo kanina pa. Nag-close na ako sa shop mo nang dumating siya... actually paalis na nga ako nang pumasok siya sa loob. Hindi ko alam kung ano talaga ang sadya niya sa akin pero sabi niya..." kusang tumigil ang bibig ko sa pagsasalita nang maalala ko ang mukha kanina ni Rap. I usually see him with his cold expression. Sometimes, nga he makes landi with me with his cold expressions. He rarely showed emotions in his eyes—on his face. But earlier, the emotions in his eyes were vivid and overflowing. I almost didn't recognize if I was really seeing Rap or not.
Bumuntong-hininga ulit ako at binaba ko ang tingin ko sa sapatos ko na hindi ko pa pala tapos na hubarin ang shoe lace.
"...sabi niya namiss niya raw ako. He misses me and he said... he loves me." Dugtong ko at tuluyan ko nang nahubad ang sapatos ko saka naman hinubad ko rin ang isa.
Pinatong ko nag paa ko sa higaan ko. I hugged my knees and rested my head there.
"Then what happened? Bakit ganun kayo nang maabutan ko? Tang ina! Nakadisturbo pala ako?"
Ngumuso ako.
Inangat ko ang ulo ko saka naman humilig sa dingding. Hindi na ako mapalagay. Sana makatulog ako nang maayos nito ngayon.
"I never acknowledge his feelings."
"Oh c'mon that's what you have been wishing for?"
"Before." I corrected him.
Si Sky naman ngayon ang napabuntong-hininga at napahilig doon sa silya. "You said you love him. Ang gulo mo."
"Yeah. I love him. I love him but it seems like I cannot trust his words. Ewan ko rin Sky. Gusto kong maniwala sa kanya. Kaso baka..."
"Baka nagsisinungaling siya? Baka nangulila lang siya sayo kaya nasabi niya iyon sayo? Or might be, he is just taming you so that you will come back to him?"
Kinagat ko ang labi ko. "Oo, baka. Baka nga Sky. Iniwan ako ng mga magulang ko sa kanya. I was left in his care and now na umalis ako sa kanya ay baka naalala niya na may r-responsibilidad siya sa akin. T-That's why he approach me and upon realizing na hindi niya ako madadala. He used my w-weakness." Medyo natataranta ko pang saad.
Bumalik ang inis ko kay Sky nang marinig ko ang mahinang tawa niya.
"Anong tinatawa mo?!" Galit kong saad.
"Jesus Christ! Dareen you bend someone as Mr. Marcet. You bend someone who is sturdy and straight as a flagpole like him. Tapos iyan ang sasabihin mo? Kung ang mga straight guys ang tatanungin mong hahalik ka ba sa isang bakla? Hahalik ka ba sa katulad mong lalaki? Or makikipagtalik ka ba sa kapwa mo lalaki? The answer for that is no. Nakita mo naman kanina si Mr. Marcet ako nga na saglit lang nakita ko nga ang lungkot niya at pangulila niya. Ikaw pa kaya? I understand that you have some trust issues when it comes to love, Dareen. Pero ang isang Raphael Laurence Marcet ay hindi magbibiro o magsisinungaling o gagawing alibi ang isang damdamin para lang mapa sa kanya ang isang bagay o tao. He's the scariest person I've ever known."
He folded his arms in front of his chest.
"Sinasabi mo na responsibilidad ang babaw n'yan Dareen. Mr. Marcet is one of the multi-millionaire in the country kaya ka niyang pabantayan mula sa malayo at di na kailangan na lapitan ka niya mismo. Kilala ko si Mr. Marcet, Dareen dahil iisa ang ginagalawan ng pamilya namin when it comes to business. He is ruthless. He show no mercy. He is a total perfectionist. At sa isang tulad mo Dareen. Sa iyo pa naging mahina si Mr. Marcet. Payo ko lang Dareen. Don't just consider your own feelings and struggles. Mr. Marcet has his own, too. Try to listen to him. Try to understand him if you want to know his real intentions."
Nang gabing iyon iniwan ako ni Sky matapos akong pagsabihan. Hindi na kasi ako makasagot o makapag-argumento sa kanya. Para niya akong pina-paralisa sa bawat mga katangang binibitawan niya. He left me speechless and unable to make eye contact with him. His words are just too strong for me to guard. Did I just really consider my feelings? Did I just really think of myself alone?
What can I do? I live my life loving myself the most kasi walang tao na nagpakita sa akin na mahalaga ako. Walang tao na nagparamdam sa akin na importante ako. Na may halaga ako kaya ako nandito sa mundo. That is why, ako. Ako na lang ang nagmahal sa sarili ko. Kaya sarili ko lang iniisip ko kasi doon ako nasanay. Nasanay ako na sarili ko lang iniintindi kasi wala namang tao na malapit sa akin. Doon ako lang magaling. I love myself above all kasi alam ko na at ramdam ko na nawalang magmamahal sa akin kung hindi ako lang.
---
"I have learned na pinuntahan ka raw ni Rap dito kagabi." ani Clemence.
Wala akong maayos na tulog gaya ng inaasahan ko na. Mabigat ang mata ko at inaantok na ako na ngayon ay nasa trabaho na ako. Ininom ko na ito ng kape at di na iyon tumatabla sa kaantukan ko. Tapos pinuntahan pa ako ni Clemence ngayon sa shop. Hindi ko siya tinext kagabi kasi alam kung susugod ito anytime, anywhere.
Hindi ko alam kung saan niya nahithit na pinuntahan ako ni Rap dito kagabi pero may hinala na ako na si Sky ang nagsabi sa kanya o ang Kuya Cloud niya.
"Nahithit mo ang balita kay Sky?"
"Hindi. Kay Kuya ko nalaman. Sinabi ni Sky sa kanya at pinasa naman ni Kuya sa akin kaya nalaman ko."
Umingos ako sa kanya. "Chismoso rin kuya mo bakla."
"Hmm. Pero, anong ginagawa ni Rap dito?"
Binagsak ko ang mata ko sa kape na umuusok pa. Pinatigil din talaga ako ni Clemence sa pagtatrabaho para maki-chismis sa buhay ko.
"Hindi ba nai-chismis ng kuya mo?"
Clemence clicked his tongue. "Hindi. Kaya sabihin mo sa akin Dareen. Alam kong napaka-nosy ko na sa mata mo pero ito lang ang magagawa ko as friend mo. Alam ko na marami kang kinikimkim baks. Alam ko na di mo sinasabi sa akin lahat. Alam ko na tinatawanan mo lang ako at iniirapan pero alam ko sa likod n'on ay ang malungkot na ikaw. Gusto ko lang malaman mo baks na nandidito ako. Mahal kita. Makikinig ako sayo."
Magsisinungaling ako kung hindi ko aaminin na hindi ako naapektuhan noong sinabi ni Clemence sa akin. From the start he's been true to me. Hindi pini-filter ni Clemence ang mga sinasabi niya sa akin. Kung ano ang mali ko sinasabi niya. Kung ano ang sa tingin niya ay hindi nakakabuti sa akin sinasabi niya. Ganyan siya na kaibigan. He is a rare and hard-to-find friend. They may be able to imitate him, but no one can duplicate him.
Inangat ko ang namamasa kong mata kay Clemence. Hindi ako natatakot na maging mahina sa harap niya. Hindi ako natatakot na ipakita sa kanya ang kahinaan ko. Kaya sinumulan ko na ang pagkukuwento ko sa kanya sa mga nangyari kagabi. At habang nagkukuwento ako sa kanya ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Sinabi ko rin sa kanya ang naging usapan namin ni Sky.
Pagkatapos kong magkuwento sa kanya ay napahigop siya doon sa kape niya.
Tumanaw naman ako sa labas.
"Kung sasabihin ko bang nandidito ngayon si Rap-"
"-nandidito siya?"
Clemence raised his hand. "Nasa labas ang sasakyan. I guess, totoo ang sinasabi niya na sinusundan ka niya. That he is stalking you." wika niya at binaba ang kamay.
Hindi ako umimik.
"Hindi sa pumapanig ako kay Raphael baks pero kasi nakita ko siya kung gaano mag-alala sayo. Remember the time na nag-walwal ka at paglagising mo siya na ang kasama mo sa suite? Nakita ko kung paano siya na-aligaga noong hinahanap ka niya. Mapili ako sa mga taong gusto ko para sayo baks. Nakita mo naman kung paano ako umaalma sa inyo ni Geoffrey noon. Pero kay Raphael... I like him for you. He changed you. You changed him too. And that happened without the two of you knowing. You are both oblivious that you changed for each other; for the better. Kaya kung ako sayo baks pagbigyan mo si Rap. Hear him out."
Mapait akong tumingin kay Clemence. "Paano kung sasaktan lang din niya ako? Paano kung iiwan niya lang din ako? Paano kung magsawa lang din siya sa akin? Baks, ayaw ko na ng ganoon."
"Baks, lahat ng mga paano mo posible 'yang mangyari. Pero nasa sa inyo na iyon kung paano ninyo pagtitibayin ang relasyon ninyo. Nasa inyo na kung paano ninyo panghahawakan ang isa't isa. Pain is part of loving someone, Dar. There's pain when there's love. Magkasama talaga 'yan. It's inseparable."
---
Kinagabihan nang paauwi na ako sa apartment namin ni Sky ay nakita ko talaga ang sasakyan ni Rap na sumusunod sa jeep na sinasakyan ko. Kapansin-pansin kasi dahil mamahalin ang kotse niya.
Pagdating ng apartment ko ay ramdam ko pa rin na sinusundan niya ako hanggang sa may pintuan ng mismong room. Nilingon ko siya at di man lang siya nag-abalang magtago. Para bang sinsadya niyang magpakita talaga.
Napabuga ako ng hininga at pumasok.
"Can I get inside." Si Rap nang akmang isasara ko ang pintuan.
Napatingin ako sa buong room at nakita kong walang bakas ni Sky. Niluwagan ko lang ang pintuan para makapasok siya.
"Tubig lang ang kaya kong maibigay sayo dito." ani ko at kumuha ng tubig saka binigay sa kanya.
Tinanggap niya iyon. "Thank you."
Kumuha ako ng damit ko saka nagpalit sa CR. Naglinis na rin ako sa katawan ko at nagtoothbrush. Nang makalabas ako ay nakaupo na siya doon sa silya na siyang ginagamit namin ni Sky dito.
"Matutulog na ako isara mo ang pinto kung aalis ka na." Bilin ko sa kanya at humiga na sa kama. Binukot ko sa kumot ang ulo ko hanggang paa.
"Can i sleep here?"
Napadilat ako sa tanong niya.
Tumikhim ako. "Wala ng space baka dumating si Sky."
"I can sleep on the floor."
"Wala kaming extra beddings dito."
"I can handle myself."
I sighed in defeat.
"Bahala ka sa buhay mo."
***
Two chapters left before epilogue! Matagal naka-update binagyo, e. Also, I hope you understand na ang mga storya na sinusulat ko ay walang EDIT! Kaya pagpasensyahan n'yo na. Anyways, thank you for reading! <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top