CHAPTER 37

Chapter 37


Dareen Pov

Sa dalawang linggo kong pagtatrabaho sa coffee shop ni Sky ay nasanay na ako sa mahabang oras na tayuan sa counter. Accepting orders, making coffee, and washing dishes.

I thought Sky was kind pero hindi! Akala ko rin ay may special treatment siya for me kasi friend kami at iisa pa ang dorm namin kaso hindi rin. He treated all of his employee equally. Actually, iyon naman talaga ang mabuti pero sana naman ay in-assign niya ako sa medyo di nakakpagod na trabaho since alam niya rin naman na wala pa akong work experience. Kaso lang heto ako't napasubo sa mga gawain na bagong-bago pa lang sa ganda ko. Sheemz! Stress na stress talaga ang ganda ko dahil dito sa trabaho.


Nagpapasalamat na lang ako na di ko na kailangan na magcommute kapag pupunta dito sa coffee shop niya dahil nakiki-ride na ako sa kanyang motorcycle. Kahit na pakiramdam ko mahuhulog talaga ako doon sa motor niya sumasakay pa rin talaga ako sa kanya. No choice. Tipid na rin kasi. Hindi niya ako pinagbabayad ng fare.

At sa dalawang linggo kong kasama sa trabaho at sa room si Sky masasabi kong mabait siya... sa apartment lang namin. Kapag nasa trabaho kasi kami lagi siyang nakakunot noo at talagang matatakot ng literal sa kanyang facial expressions. Shemz! Tapos napansin ko rin minsan ay di umuuwi si Sky sa apartment. Minsan umaga na siyang umuuwi at wala naman akong paki doon. It's his life. And I don't give a damn about his personal life.

Hindi naman sa chismosa ako o ano pero kasi naririnig ko minsan na may kausap siya sa phone niya na hatinggabi na. Ewan ko lang pero feeling ko may—gosh! Tingin ko may nilalandi rin si Sky. Naririnig ko kasi siya na malumanay kong makipag-usap sa katawagan niya tapos minsan naman pagalit. Bahala na siya basta may free rides ako every morning.


Napaigtad ako aa gulat nang may kumatok bigla sa pintuan.


"Dareen bilisan mo d'yan!" sigaw ni Sky na nasa labas na.

"T-Teka lang." Reklamo ko naman habang sinisintas ko ang shoes ko.

Ilang minuto lang ang byahe mula sa apartment namin ni Sky ay mararating na namin ang kanyang coffee shop. Pagdating namin ay agad akong bumaba at dumiretso sa locker at nagbihis saka nagsuot noong uniform namin saka ko nilagay ang name tag ko. May pagka-alta rin kasi itong coffee shop ni Sky.


Konti pa lang ang tao kaya naman nakapag-mop pa ako sa buong coffee shop at pagkatapos ay doon na ako nagstay sa counter. Naghihintay ng mga orders.

"One iced coffee please at pakiramihan ng ice."

I smiled sa babaeng umorder. "Okay, maam."

Natuto na ako sa mga iba't ibang klaseng coffee dito. Natuto na akong gumawa ng iba't ibang coffee with the help of my two co-employee at sa tulong na rin ni Sky.

Habang ginagawa ko ang coffee ay may biglang kumalabit sa braso ko mula sa likod kaya naman ay napalingon ako at nakita ko si Sky na hilaw ang ngiti sa akin. Alam ko na kapag ganito siya. May kailangan ito. Napairap ang mata ko sa ere.

"What?" I asked while raising my left eyebrow.

"Ikaw ang magsasara ng coffee today." Aniya saka sumilip doon sa phone niya.

"Tapos di ka rin uuwi sa apartment ngayon." agap ko na dahil alam ko na naman ang kasunod niyang sasabihin.

"Depends." Maikling saad niya. Saka kumapa doon sa bulsa ng jeans niya. "Don't worry dadaanan kita sa apartment bukas." sabi niya sabay bigay sa susi at kinindatan ako.

Nginiwian ko lang siya. Not my type.

Nang makaalis si Sky ay naging busy kaming tatlong worker na naiwan sa coffee niya. So far naman marami-rami ang mga customers dito sa coffee niya kahit na may mga ka-kompetensya ito sa tabi-tabi.

Hindi ako makakauwi nang maaga since ako ang magsasara nang coffee shop. Usually, close na ang shop ng 10pm kaya naman nang mag-9:45pm ay nagsimula na akong mag-mop ulit tapos ay sunod kong binaba ang mga blinds.

Pagkatapos ko doon ay pumunta na ako sa locker at nagbihis para makaalis na. Palabas na ako at inaayos ko na ang sling ng bag ko nang tumunog ang door chime hudyat na may pumasok na tao.

Napatingin ako sa pintuan at nagsalita kaso nabitin lang din nang makita ko kung sino ang pumasok.

"Sorry po close na kam-" Napatigil din ako sa pag-aayos ng sling sa bag ko.

"Dareen."

Gusto kong takpan ang tainga ko nang winika niya ang magandang pangalan ko. Bumagsak ang kamay ko at kinuyom ko iyon. Damn it, Dareen. Huwag marupok. Lihim kong paalala sa sarili ko nang maramdaman ko ang puso ko na kumabog ng malakas. Tinawag lang ni Rap ang pangalan ko at parang nagwawala na naman ang lintik kong puso sa sobrang galak.

Almost 3 weeks lang naman simula nang di ko siya nakasama, nakatabi sa pagtulog, nakausap, at nakita. Sa saglit na panahon na iyon di ko maipagkakaila na namiss ko siya. Na hinahanap ko siya pero nakayanan ko naman. Nakayanan ko naman na wala siya. Na wala ang isang Raphael Laurence sa piling ko.


It was thanks to my work right now na sobrang busy kasi di ko na siya naiisip. Paunti-unti ay nasanay na ako. Pero heto't tinawag lang ang pangalan ko. Nakita ko lang siya. Parang dinuyan na naman ang sa nararamdaman ko. Parang magsisimula na naman ako sa kung paano ko siya lilimutin.

Napayuko ako.

Paanong ang mahigit tatlong linggong paglimot ko sa kanya ay nawala ng sa isang tawag niya lang sa pangalan ko? Well, not totally forgotten naman talaga siya kasi nandidito pa rin. Kaso lang nasanay na kasi ako na wala siya.

"Baby," sambit niya pa at humakbang paabante sa akin kaso umatras naman ako. Sa bawat isang hakbang niya paabante ay isang hakbang paatras naman ang ginagawa ko.

That 'baby' thing again. It hurts to hear him call like that, but at the same time, I like it. It hurts because I don't know why he called me like that. Tinatawag niya lang ba akong ganyan kasi para paamuin o ano. I like it because, somewhat, it feels like someone is caring for me. I am longing for the care of my parents. 


Hindi ko alam kung may alam ba sila si Mommy at Daddy sa nangyari. Hindi ko alam kung inaalam pa ba nila ang sitwasyon ko ngayon. Sana nakita nila na nagsisikap din ako. Sana nakikita nila na nagbago na ako. Sana nakita nila na ang dating spoiled nilang anak ay unti-unti ng tumatayo sa sarili niyang paa. Sana nakita nila lahat. Kaso nawawalan na rin ako ng paki sa kaisipang iyan.

"Baby, I mi-"

"Anong ginagawa mo dito, Rap?"

Tiningala ko siya upang makita ko ang kanyang mukha. I hate what I see in his eyes. I hated it because it was like casting a spell on me. I hate the expression I am reading in his eyes. Why do I see loneliness there? Why do I see sadness in his eyes? Why now, Rap? Maybe my mind was just playing tricks on me? Maybe it's just my imagination that he missed me? That he is sad? That he is lonely? 




"I miss you, baby." Raphael whispered, but those words were so audible in my two listening ears. 


I felt a sudden tug in my heart. Damn him for making me feel like this. Damn you, Raphael Marcet. Damn you!


"You went here because you missed me?" I asked him, and I was thankful enough that I didn't stammer.

 

His jaw moved. 

"Yes." He breathed.

 

"Ngayon mo lang ako namiss?"

He closed his eyes and shook his head. "I've been missing you, baby, for almost three weeks now."


"Liar."


"I didn't baby."


"Stop calling me that!" 


Raphael flinched when I shouted. 


"Baby-"


"I said.'Stop calling me like that! I have a name, so call me by my name. Call me Dareen."

His eyes went bloodshot. I immediately averted my eyes on the floor, and a solitary tear fell from my left eye. A part of me wants to be with him, yet there's also a part of me that doesn't want to. Maybe because I know, even if I was there. Even if I was with him, he still found someone. He still wants his wife. 

"I really miss you, baby-"

I held my head and wiped my tears. 

"-I said-"

"-I will call you whatever I want! You're my baby."

My lips paarted. The audacity!

"Are you crazy?"

""Was it craziness that missed you? Was it crazy to be in love with you? If that is the case." He sighed and took a deep breath. "Then I'm crazy. I am insanely in love with you, baby."

I shook my head. "You don't know what you're spouting about."

"Trust me, baby. I've never been this crazy about a person. I've never been this desperate to own someone. I've never been this mad at someone to the point that I stalk him every day. From his apartment to his workplace."



Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya sa akin. Napaatras ako hanggang sa tumama ang likuran ko sa gilid ng mesa. Napakapa ako doon upang doon kumuha ng lakas. What a fucking bull! What is he saying? Does he really mean what he said? Or perhaps he simply wanted to see me as inferior to his dominance. It was so easy for him to make me feel like I had lost my sanity with his words. It was so easy for him to make me feel like I had lost my strength. 

I bowed my head then grabbed my chest when I felt like I was being stabbed in there. My heart throbbed so badly. I squeeze my chest tighter. 


"Baby, are you okay?"

Nagulat na lang ako nang matagpuan ko si Rap na sobrang lapit na sa akin at sinusuri na ako habang hawak-hawak ko ang dibdib ko.

Nahigit ko ang hininga ko nang pag-angat ko sa ulo ko ay muntik ng magtama ang ilong namin sa sobrang lapit. The familiar scent instantaneously seized my breath. The menty scent of his mouth colonized my nose. 

I pushed him and stood straight. 

He staggered backwards and looked at his chest where I pushed him with his eyes bugging out. Raphael was shocked by what I did. 



"U-Umalis ka na magsasara na ako."

Tumingin siya sa akin. "Let me drop you off in your apartment." He offered.


"No, thank you. Marunong akong mag-commute."


"It's already late." He argued.


"Sanay na ako."


"The guy with a motorcycle wasn't around, so let me drop you off."


My eyebrow furrowed. "Are you referring to Sky?"


"Hmm. That fucker."


"Don't call him like that. Sky is a gentleman." Pagtatanggol ko kay Sky.

Matunog na napahinga si Rap. Nilagay niya sa kanyang baywang ang kanyang isang kamay at napahilamos naman sa kanyang mukha gamit ang libreng kamay.

Hindi nakatakas sa mata ko ang paggalaw ng kanyang ma-anggulong panga.

"Whatever."

Bumuntong-hininga siya.

Napailing ako sa kanya at inunahan ko na siyang lumabas. My heart was still in daze but I am more than thankful that I was able to control myself. Thankful enough that I was able to hold myself na huwag yumakap sa kanya at umiyak. Nakakawala iyon sa ganda sa totoo lang.

In all fairness and truthfulness, I was stupefied by what Rap had said. Every word he vomitted. Every sentence he vomitted left me stupefied. But how could I tell if he was telling the truth when the truth was that he was still in love with his wife?He can not move on. He can not move on from his past. So how can he tell me that? How am I supposed to believe him? 


Ayaw ko nang maging tanga. Minsan na akong naging tanga at di ko iyon kina-ganda. Pinangit nga noon ang buhay ko. And in that ugliness I met Raphael Laurence. Who gave the hues in my black and white life. Pero sinira niya rin naman iyon.

Hanggang sa labas ay sinundan niya pa rin ako. Nakita ko sa tabi ng daan ang kanyang sasakyan. Lumakad ako papalayo doon at nag-abang nang dadaan na mga jeep. Bahala nag sumakay ako sa masikip at mabahong jeep wag lang doon sa sasakyan niya. Bahala nag maalikabukan ako kaysa naman sumakay ako doon sa sasakyan niya. Ramdam ko naman ang presensya niya sa likuran ko.


Gosh! Baka kasi umandar ang karupukan ko at madala ako sa mga salita niya. Kanina nga ay muntik na! Gusto niya ako. Mahal niya ako? Pwes! Habulin mo ako Raphael ka!

"Dareen-"

Naputol si Raphael nang may motor na tumigil sa harapan ko. Shemz! Si Sky! Lihim akong nagpasalamat sa Diyos.

"Sky!"

Hinubad niya ang kanyang helmet. "Ang tagal mo..." unti-unting nawala ang boses ni Sky nang mapansin niya ang taong nasa likuran ko.

"Dareen." usal ni Sky.

"Sinundo mo ako?" ako kay Sky para mawala ang atensyon niya doon kay Rap.

"N-Nag-alala ako kasi wala ka pa." sagot niya sa akin pero ang mata ay nakay Rap pa.

"Sige tara na."

"Mr. Marcet." wika ni Sky.

Napalingon ako kay Rap na hindi man lang nagulat na kilala siya ni Sky. Ako pa talaga ang nagulat. Siya ay malamig lang na tinapunan ng tingin si Sky.

"Hmm. I'll leave him with you. Take care of him." Iyon lang ang sinabi ni Rap saka nagmartsa patungo sa sasakyan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top