CHAPTER 34

Chapter 34








Dareen Pov

Napapatid ako sa pintuan ng nilabasan kung isang restaurant. Kaya naalog iyong pintuan at napatingin sa akin ang iilang mga kumakain sa loob. I just gave them a smirk before flipping my imaginary long hair and turning my back on them.


Bumuntonghininga ako at napapadyak. Nakailang restaurant na ako na pinuntahan at ni-isa walang tumanggap sa akin kasi daw may na hire na sila. Ang papangit lang nila. Bakit kasi naglalagay sila ng poster sa labas ng restaurant nila na may hiring sila e, may natanggap na naman pala? Ano 'yon para may uto? Pangatlong restaurant na iyong nilabasan ko na saka lang kinuha ang poster kapag nagtanong na ako na pwede bang mag-apply.




I roll my eyes and leave the place. Humanap ako nang mauupuan ko dahil napagod na ang ganda ko sa kakahanap ng work! Tsk! Hindi talaga madaling makahanap ng work in reality. Lalo na kapag wala kang experience at hindi ka graduate. Shemz! Mag-aaral pa nga para makapagtapos. Tapos iyong iba na pinag-apply-an ko tumatanggap lang daw sila ng may experience. Ugh! Kaya nga naghahanap ng trabaho para may experience! Paano makaka-experience kung hindi naman tinatanggap? Nakaka-bwesit din ang ganun. Nakakasira ng ganda!




I took my phone from my pocket at doon ako naghanap ng trabaho na maaaring kong mapag-apply-an.


Ito pa nga ang pangalawang araw na wala ako sa bahay ni Rap pero hirap na hirap na ako. Stress na stress na ang ganda ko! Naisip ko tuloy na bumalik na lang kaso nasaan na ang mga sinabi ko kung ganoon? Naisip ko nang bumalik kasi ang hirap pala pero paano ako matututo nito kung ito pa lang susukuan ko na. Paano ako matututo kung ito nga kang tatalikuran ko na? Kaya paninindigan ko na talaga ito. Ayaw ko nang bumalik doon. Maghahanap ako ng trabaho. Mag-iipon. At kasabay n'on ang pagpatay ko sa nararamdaman ko kay Rap. Saka kung babalik ba ako doon tatanggapin niya ako?


Sa paghahanap ko ng trabaho online ay biglang nagwala ang cellphone ko dahil sa tawag ni Clemence. Mumurahin na nga ang cellphone ko muntik ko pang mahulog sa gulat ko.




I coughed and pressed the green button to answer Clemente's call.


"Ano!?" ako.


"Ang init ng ulo ah? Parang sing-init ng panahon ngayon." sarkastikong saad ni Clemence.


Napairap na lang tuloy ang maganda kong mata sa bakla.


"Ano ba kasing tinatawag mo bakla?"


May narinig akong daing kay Clemence. "Tumawag lang kasi ako dahil baka naman hindi ka na naman kumain. Ganda pa naman ang inuuna mo."


Napailing ako. "Tsk! Kakain ako ngayon."


"Teka saan ka ba ngayon?"


"Naghahanap ng trabaho like what I've told you yesterday."


"And?"

"At wala! Walang tumatanggap ng walang experience. Nakakabwesit na. Nakakasira  na sa ganda!" naiinis ko nang sagot kay Clemence. Kanina pa kasi timpi nang timpi dahil natatakot ako na baka magwala ako ng di oras sa pinag-aapplyan ko kaso wala rin namang nangyari not hired pa rin.


At ang mabait kong kaibigan sa kabilang linya ay tinawanan lang ako. Tsk!


"Don't worry may bukas pa,baks. At saka kumusta pala ang friend ni Kuya? Ayos ba siya ka-roommate?"


Panibagong irap na naman ang nagawa ko dahil sa tanong ni Clemence. "Shemz! Di naman umuwi kagabi  baks. Kaya malay ko doon. Why don't you ask your brother, instead." I suggested.


"Dah?! Kuya isn't home and doesn't even answer my texts and calls. At di rin kasi siya umuwi kagabi."


Habang nag-uusap kami ni Clemence sa telepono ay bigla akong kinabahan. Para kasing may nakatingin sa akin na di ko matukoy. Tumingin-tingin ako sa paligid pero ang nakikita ko lang ay ang mga taong naglalakad at mga sasakyang dumadaan.


Alam ko namang ganda lang ang ambag ko siguro dito sa mundo pero kung may stalker man ako dapat rin gwapo. Di sa totoo ay kinabahan ako at biglang nanlamig ang katawan ko. Pakiramdam ko kasi may nakatitig talaga sa akin.


Nagpaalam na ako kay Clemence at sinabi ko na kakain pa ako. At habang naglalakd ako at the same time naghahanap ng makakainan na mumurahin ay pakiramdam ko may mata talagang nakasunod sa ganda ko! Ewan ko kung sa gutom lang ito o talagang may stalker lang ako. O di kaya'y kidnapper? Shemz! Wag naman sana. Pero kung may kidnapper dapat pogi ang kidnapper, 'no?


Kumain ako sa isang turo-turo na kainan. Sa totoo lang ito ata ang kauna-unahang pagkakataon na kakain ako sa ganitong klase na kainan. Nakabili na ako ng aking panglunch at habang tinititigan ko ang pagkain sa harap ko. Halos maluha ako. I'm not overreacting. At mas lalong di sa pag-iinarte. Pero ito kasi ang kauna-unahan kong kain sa ganitong klase na kainan. Sa tabi ng isang daan. Mausok. Maraming tao. Pinagpapawisan ako kasi kahit na may wall fan marami kasi ang tao at mainit din talaga ang panahon.


Ang lunch ko ay nabili ko ay di man lang umabot sa one hundred pesos which is kung nasa isang mamahaling resto ako juice lang ata ang mabibili ko sa one hundred. I know the food that was served was edible naman kaso hindi lang talaga ako sanay.


I shook my head and took a deep breath before picking up my spoon and fork, which were a little bit hot. Nilagay kasi sa isang boiler ang mga utensils. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tawag dito sa kinakain ko at narinig ko lang kanina ang babae na nagserve nito na nenudo daw. Ay, nenudo ba iyon? Basta something like that kung hindi iyan tama siguro katunog ganyan.


Nang malasahan ko na ang pagkain para akong nakahinga ng maluwag at napapikit ako habang ninanamnam ko ang kanin at nenudo sa binig ko. Shemz! Ang sarap naman pala. No wonder kaya maraming tao ang kumakain dito kasi delicious naman talaga ang food. After one bite sunod-sunod na ang subo ko dahil masarap talaga. Napatingin ako sa paligid ko at nakikita ko na nag-ienjoy din iyong mga kumakain sa tabi ko. With matching kausap sila habang kumakain at samantalang ako. Gosh! Wag na akong mag-emote dito.


Pay as you order kasi itong kainan kaya nang matapos akong kumain at pumunta ako sa harap kung saan iyong mga naka-display na iba't ibang klase ng pagkain.


"Sir, ano po ang sa inyo?" tanong noong babae na nagserve sa food ko kanina.



I gave her my prettiest smile.



"Ahm, the food na s-in-erve mo po sa akin kanina. Gusto kong mag-take out ng ganoon. The nenudo?" saad ko at di pa talaga ako sure sa huli kong sinabi.


Ewan ko ba kung guni-guni ko lang iyon o may nabulunan lang talaga after kung magsalita. May narinig din akong tumikhim pero di ko na iyon pinansin.


"Anong nenudo po?" naguguluhang tanong sa akin ng babae.


Napakamot naman ako sa batok ko. Imbes na mag-explain ako sa babae binaba ko na lang ang mata ko sa pagkain sa harapan ko at hinanap oo iyong kinain ko kanina.


"That," sabi ko at tinuro ko ang nenudo. "That one po."


"Ay, sabi niyo po kasi nenudo. Menudo po iyan."


Kumunot ang noo ko. "What?"




"Menudo po tawag d'yaan hindi nenudo."


I just her a shoulder and rolled my eyes. It's menudo pala not nenudo! Shemz! Hindi nakakaganda iyon. Nang maibigay na sa akin nang babae ang 'menudo' agad akong umalis sa lugar na iyon. Shemz! Kaya pala may narinig ang munting tawa kanina dahil mali pala ang pagkakasabi ko sa menudo. Gosh!


Hindi na ako naghanap pa ng trabaho after ng late lunch ko. Pumunta na lang ako sa isang mall upang mamili ng kailangan ko sa apartment ko. Unahang-una kong nilagay sa cart ko ay toothbrush. Dahil wala akong dalang toothbrush. Bumili na rin ako ng mga gamit sa ko sa banyo. Tapos lotion na rin, pabango, maliit na groceries at iba pa.


Laking pasasalamat ko kay Clemence na tinuruan niya ako kung ano ang dapat kung bilhin. Kaya ayon ikot na lang ako ng ikot sa mall pang hanapin ang mga bibilhin ko. And I spend almost three thousand sa mga binili.


After sa mall ay umuwi na ako sa apartment at sumakay ako ng jeep! For the first time again! Alangan naman na magtaxi ako. Ang liit na nga lang ng pera ko magta-taxi pa ba ako? Halos mahilo nga ako sa jeep dahil sa sobrang sikip at ang paulit-ulit na tigil ng jeep. Nakakainis! Tawag nang tawag ng pasahero tapos ang liit na nang space dito! Gosh!


Halos gusto ko nang dumapa sa semento nang makababa ako sa jeep. Talagang mahilo ako at pinagpapawisan ng husto! Nagulo ko ang buhok ko at saka binitbit ang mga pinamili ko at umakyat na sa apartment.


Pagkapasok ko sa apartment ay kahit na wala pang linis ang katawan ko. Tinapon ko na ang sarili ko sa maliit kong higaan. Napagod ako. Pagod ako sa paghahanap ng trabaho na wala man lang ni-isa na naghire sa ganda ko. Pagod pa ako kakaikot sa mall dahil di ko naman gamay ang pang-g-grocery. Tapos pauwi na nga ako pero para naman akong binigbog sa jeep na sinakyan ko. Gosh! This is the worst day ever!









Raphael Pov

"Ano na Rap? Dito lang tayo tititigan lang natin ang apartment na pinasukan ni Mr. Hernane?" Parang naiinis nang saad ni Desmond sa akin sa may shotgun seat.


"Just shut up, Desmond." Pagpapatahimik ko kay Desmond. I looked at him and glared. He used his fingers as if zipping his mouth. Before we get here kanina pa namin sinisundan si Dareen.


I parked my car meters away from Dareen. I watch him talk on his phone. My baby looks tired. Sa totoo lang kanina ko pa sinusundan si Dareen. Simula pa lang sa unang resto na in-aaplyan niya. I know he isn't used to it, that is why he looks so frustrated and down kapag lumalabas sa mga pinag-aapplyan niya.


Kanina ko na rin kasa-kasama si Desmond na nagrereklamo na dahil kinikilabutan na daw siya sa ginagawa ko.

Pwede kung lapitan si Dareen anytime even now. But I choose not to. I still have to fix myself first before claiming him as mine. Mommy and Yas was right, kailangan na kapag haharap na ako kay Dareen dapat maramdaman niya na hindi na ako tumitingin pa sa iba. Na wala na akong nakikitang iba kung hindi siya. I want to love him wholly, completely. Ayaw ko na pagdudahan niya ang nararamdaman ko sa kanya.


Alam ko na nasaktan ko siya ng sobra. I was numb before and acted cold towards him. Well, that's me. But when I'm with him, I feel like a stranger in my own body.He brings warmth to me. And I also want him to feel this warmth. I don't want him to think that I only want his body. Instead, I want him to know and feel that his presence per se is all I need. Just waking up with him in my bed completes me. I want him to know that I want to spend countless nights and days with him. And I can do that by moving on from my past, accepting my faults, learning to forgive myself, and learning to stop blaming myself for circumstances that are not in my control. 


"Fuck! Nakaramdam ata, Rap."


I snapped back to reality when Desmond spoke.



I click my tongue.



Parang nakaramdam talaga si Dareen na may nakatingin sa kanya. At nang magsimula na siyang maglakad ay dahan-dahan ko namang pina-usad ang sasakyan at sinundan siya hanggang sa isang... mumuharing kainan.


Napatiim-bagang ako. Gusto ko nang lumabas sa sasakyan at hilahin si Dareen doon at dalhin sa restaurant ko. Pero nang pumasok na doon si Dareen ay lihim din kaming sumunod ni Desmond doon. Nag-cap at face mask pa kami kahit na sobrang init.




"Kung sana alam ko na ito ang gagawin natin, Rap. Sana pala di na ako sumama sayo." saad ni Desmond nang pumila kami upang maka-order.


Dammit. Wala pa lang menu-menu dito ang dami pang tao.


Sa isang sulok na malapit lang sa pinagpilahan namin ni Desmond kami umupo. Ako hindi kumain at tinitingnan lang si Dareen na noong una ay mukhang di kayang kainin ang nasa harap niya pero ginanahan naman sa huli. Tumingin ako kay Desmond na ang coke lang din ang ginalaw at di iyong pagkain sa harap niya. It's not that we don't eat this kind of foods di lang kami sanay. Clayton used to cook something like the foods they serve here kaya di na bago ito sa amin. But we would only eat it if Clayton cooked it.


Nang tumayo si Dareen matapos siyang kumain at naglakad patungo sa direksyon namin halos idapa ko na ang ulo ko sa maliit na mesa.


"Sir, ano po ang sa inyo?" A girl asked.


I took a glimpse and the girl on the counter was talking to Dareen.


"Ahm, the food na s-in-erve mo po sa akin kanina. Gusto kong mag-take out ng ganoon. The nenudo?"



Si Desmond sa harapan ko ay nakatawa kaya mabilis ko siyang sinipa sa ilalim ng mesa upang tumigil. Kung hindi lang ako nagkakamali baka menudo ang tinutukoy ni Dareen na pagkain. Clayton once mentioned it when we ate at Lorcan's house before.



"Anong nenudo po?" tanong naman nung babae.



Nakita ko na may tinuro si Dareen. "That, that one po."



"Ay, sabi niyo po kasi nenudo. Menudo po iyan." pagtatama ng babae kay Dareen.



Tama nga ako Menudo.



"What?"




"Menudo po tawag d'yaan hindi nenudo." Ulit nang babae.


Dareen just shook his shoulders and leave after taking his order.


"Fuck! Hahahaha! Nenudo? Dammit! Ang funny pala ni Mr. Hernane." natatawang sabi ni Desmond kaya napatid ko na naman siya. Namumula pa ang gago sa kakatawa.


"Don't laugh at my baby, Desmond." I glared at him.


Umiling naman siya sa akin at ngumisi. "Tsk! Don't call him that unless you have label. Label muna, Rap. L-A-B-E-L. Label." He emphasized.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top