CHAPTER 3
Chapter 3
Dareen Pov
"You really didn't learn you lessons, Dareen!" Sigaw ni daddy. Malaya niya akong nasisigawan dahil nandito kami sa isang private room sa LCL hospital. Dinala kasi Clemence sina Geoffrey at Eurika dito sa ospital tapos sinama pa ako. Ayaw kong sumama kasi... para sa akin wala akong kasalanan. Wala! Kasalanan nila kung ano man ang nangyayari sa kanila ngayon! I'm not guilty here. I am not!
Pero heto ako sinisermonan ni daddy. Si mommy naman ay nakahalukipkip lang sa isang tabi. Kung saan si daddy doon din si mommy. Walang desisyon si daddy na hindi sinang-ayunan ni mommy. Sa tingin ko nga walang desisyon si mommy na sa kanya lang. Lahat desisyon ni daddy! Lahat ng desisyon ni daddy iyon ang nasusunod. Daddy believed that the patriarch of the family is the superior! That's the true nature of Senator Ram Hernane. How funny na sisusuportahan niya ang womens rights pero sa loob pa nga ng pamilya namin hindi iyon nakikita.
"What now! What will the people think of me? Na mismo anak ko walang disiplina? Na parang walang pinag-aralan? Dammit!!! Dareen! "
Hindi ako nagsalita. Puro sarili niya lang ang iniisip niya. All he thinks is his position and image in the public.
"Look at me." demand ni daddy. I look at him. "You will apologize. You will ask for forgiveness to Eurika Sanchez and Geoffrey Muñoz."
Sa sinabi ni daddy na iyon ay napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa isang single couch.
"What? No way in hell, i would ask them for that, dad! It looks like you're asking me a miracle, dad!"
What daddy's asking is infuriating! That's ridiculous!
"Dareen this is for your own good!"
I scoffed at his remarked. "Really, dad? For my own good? Dad, kahit na anong pilit ninyo hinding-hindi ako hihingi ng tawad doon sa mga putang iyon. Dapat lang iyon sa mga higad at walang hiyang tao na iyon. Kung tutuusin ay kulang pa ang mga sugat na iyon sa ginawa nila sa akin! " i shouted.
Ang galit na si daddy ay tumayo at lumapit sa akin. Akala ko kung ano na ang gagawin niya pero sinuntok niya ako. Napaatras ako.
Mabilis kong nalasahan ang dugo sa loob ng bibig ko. Napahawak ako sa mukha kung saan ako sinuntok ni dad.
"Ram, please, Dareen is still our son." Si mommy na ngayon lang nagsalita.
"Damn it! Aliza iyang anak mo kung ano na ang pumapasok sa bibig n'yan!"
Si mommy ay tumayo rin at nilapitan ako saka kinuha ang kamay ko. Hinawakan ng isang kamay ni mommy ang mukha ko. Nakikita kong naaawa si mommy sa akin.
"Dareen... anak, sundin mo nalang ang gusto ng daddy mo."
Pagak akong tumawa sa sinabi ni mommy. Kinuha ko ang kamay ko sa kanya at nilayo ang mukha ko.
"Mom, hindi ko magagawa ang inuutos ni daddy. Umulan o bumaha man ng apoy pero hindi ko mapapatawad ang mga taong iyon."
"Anak-"
"Mom, nakita ko pong kasiping ni Geoffrey si Eurika! At mom boyfriend ko po si Geoffrey-"
Naputol ako ng marahas akong hinarap ni daddy sa kanya at sinuntok na naman ako.
"RAM!!!" sigaw ni mommy. Sumalampak ako sa sahig sa lakas ng suntok ni daddy.
"Wala akong anak na bakla, Dareen. Hindi ko matatanggap ang bagay na iyan! So get your self together and act like a real man! "
"Dad! Heto ako. Ganito ako. Gusto ko man ito o hindi pero ito ako. Bakla ako! I like men!" Tumulo ang luha ko ng di inaasahan. Hindi ito ang gusto ko. Gusto ko sanang umamin sa kanila ng hindi ganito.
Akmang susuntukin na sana ulit ako ni daddy pero pumagitna si mommy.
"P-please, Ram. Let's talk this at home. Let's settle everything here and head home."
Iritadong hinilamos ni daddy ang kamay niya sa mukha niya before storming out of the room.
"M-mommy."
"D-dareen... bakit... bakit ngayon mo lang iyan sinabi. Bakit ngayon pa?"
Umiyak ako. Humagulhol ako ng iyak sa harapan ni mommy. Niyakap niya ako.
"Shhshh," pagtatahan sa akin ni mommy.
"Na-natatakot kasi ako mom. Natatakot ako kay daddy dahil alam kong hindi niya ako matatanggap... at ikaw rin po. " ang hirap aminin sa mga magulang mo kung ano ka ba talaga. Ang hirap umamin sa kanila. Hindi lang nila alam kung gaano ko kagusto na sabihin sa kanila ang tunay kong kasarian.
Pinalis ni mommy ang luha ko. "Dareen anak kita. Kahit ano ka lalaki ka man o hindi matatanggap kita. Oo marami akong kakulangan sa pagiging ina ko sayo pero mahal na mahal kita anak. Tanggap ka ni mommy kahit ano ka pa." Sabi ni mommy at niyakap akong muli.
Nang mahimasmasan ako. Umupo kaming dalawa ni mommy sa isang sofa.
"Matagal na kayo ng Geoffrey na iyon?" Tanong ni mommy.
Yumuko ako at sinimulan ko na ang pagkukuwento ko sa kanya. Kung kailan at paano naging kami ni Geoffrey at paano nauwi ang lahat sa ganito.
"Hindi mo dapat sila sinugod"
"Nagalit ako mom. Nasaktan ako. Niloko nila ako mom. Nagdilim po ang paningin ko sa mga oras na iyon. Tingin ko po sa oras na iyon ay wala akong kakampi. Tingin ko po ay pinagkaisahan nila ako. Mom, matagal po kami ni Geoffrey, mahal ko siya mom, pero niloko niya ako."
"Tama ang ginawa mong hiniwalayan mo siya pero sana hindi mo lang pinatulan iyon. May media na anak. Ang reputasyon ng daddy mo."
Natahimik ako. Ramdam ko si mommy. She is torn between daddy's side and mine. Alam kong gusto niya akong kampihan pero mayroon din na gusto niyang kampihan si dad.
Iwan ko ba kasi kung paano nagkaroon ng media doon. Hindi ko alam kung sino ang nakakuha ng mga larawang iyon.
Ngayon ay hindi ko na iniisip pa ang media. Sanay na ako dyan. Sanay na ako na nalalagay sa mga tabloids halos araw-araw. Sanay ako. Sanay ako na laging nasa dyaryo ang mukha ko. Meron pa ngang mas malala pa dito. Actually, last month iyon, nadawit ako sa isang illegal drug issue. Nagumagamit daw ako ng drugs, ng ecstasy. Yes, I am a party boy pero hindi ako gumagamit ng mga bagay na iyan. I am kinda famous when it comes to daily newspaper, honestly.
Tapos ngayon ay nadagdagan ang issue ko. Na baliw daw ako kaya basta-basta na daw ako nanunugod. Baliw na daw ako. Tssk! I'm too pretty to be called crazy. Isampal ko kaya sa mukha nila ang medical record ko! Isang galaw ko lang ang dami ng kibot. Mga bwesit!
Pagkauwi namin sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto ko at natulog. Kailangan kong itulog ang mga issue ko. Dahil alam ko bukas nasa TV na ako. Kailangan ko ng beauty rest para sa mga isyung haharapin ko bukas.
Kinabukasan ay nagulat ako ng walang sermon na naman ni daddy. Nakakatakot ang katahimikan ng bahay namin. Hindi ako sanay. Tapos na akong maligo at ang presko ng pakiramdam ko kahit na nagdudugo pa ang puso ko. Pero ayaw kong magpalunod sa sakit na dala ni Geoffrey. Hindi siya kawalan kagaya ng sinasabi ni Clemence sa akin.
Nagtataka rin ako kasi walang text o tawag sa akin si Clemence. Wala rin siyang photo o video mesaage sa akin. Sanay na kasi ako na pagkagising ko mukha agad ni Clemence ang nakikita ko.
Pagdating ko sa dining area ay nandodoon na sina mommy at daddy. Si daddy ay nagbabasa ng dyaryo. Hula ko nabasa na niya ang issue ko ngayon. Nothing's new?
"Morning mom, dad." Ako at umupo sa isang silya malapit kay mommy.
"Good morning, Dar." si mommy. Ginulo niya ang buhok ko. Ngumiti sa akin si mommy pero... bakit may lungkot sa ngiti niyang iyon.
Kumuha ako ng kanin at nilagay ko sa plato ko.
"Eat your breakfast, Dareen. Eat well because this will be your last meal in this house."
Nabitawan ko ang kobyertos ko dahil sa sinabi ni daddy. Tiningnan ko si mommy na ngayon ay nakayuko at hindi maiangat ang tingin sa akin o kay daddy.
"D-dad-"
"Today, our driver will drive you to MV." ang sinasabing MV ni daddy ay ang isang sikat at pribadong village sa kabilang syudad.
Tumawa ako ng pagak. "Dad, anong gagawin ko doon sa Marcet Village? Dad, may klase po ako."
"I know that. From now on, you will be living with Raphael Marcet. That'll be your punishment. Maybe in Raphael's hand you will be discipline since I cannot discipline you in my own home."
I know. I have my own faults here but do really dad have to do this to me? How can I live in the house of others? Yes, I've known Mr. Raphael Marcet, the owner of the Marcet Village but I don't know him. Nakita ko na siya pero sa picture lang sa mga news or magazine pero wala lang iyon sa akin dahil hindi naman siya importanteng tao sa buhay ko. Hindi ko alam na magkakilala pala ang daddy ko at si Mr. Marcet.
I glance at my mom na ngayon ay nakayuko pa rin. I know this kind of situation. Ganito ang mga sitwasyon kapag si mommy ay hindi maka-argumento kay daddy. Napaka-under ni mommy kay daddy. It shouldn't be like this!
"M-mom," kinalabit ko si mommy. Tumingin siya sa akin at tamang-tama naman na tumulo ang luha niya. Malungkot na ngumiti sa akin si mommy at iniling ang ulo niya. That's the sign na wala siyang magagawa sa desisyon ni dad.
Kaya ko bang manirahan sa bahay ng isang tao na ekstranghero sa akin? Why my punishment should be like this? Isa lang ang may kasalanan kaya nangyayari ito sa buhay ko. And that is Geoffrey and his fucking friend Eurika. Curse them!
°°°
Thank you for reading!😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top