CHAPTER 24

Chapter 24





Dareen Pov

Kinabukasan. Nagising na lang ako na may humahalik sa leeg ko. Nakakakiliti iyon pero nagugustuhan ko naman. Napapakagat labi pa ako at nagpipigil na huwag umungol dahil sa pagkaalala ko ay nandidito sa kwarto si Chiara. Baka sabihin na naman n'on na may ghost. Napapakuyom ako sa palad ko at napapatingala na dahil sa labi na nasa leeg ko. Pero shemz lang! Iniisip ko lang iyan. Walang nangyaring ganyan nang magising ako!


"Good morning Dareen!" masiglang-masigla na bati sa akin ni Chiara. Kung full energy si Chiara pwes ako hindi!


"Nasaan ang uncle mo?" Tanong ko sa kanya at bumangon. Nag-unat pa ako ng buto kaso napangiwi ako naman agad ako. Tsk. May sugat pala ako. Sa inis ko dahil sa nangyari noong nakaraang gabi ay nakalimutan kong nandidito pala ako sa hospital.


"He went out to buy me a milk."


Lumipat ako sa kama ni Chiara at tinabihan siya doon. Shemz! Amoy Raphael ang kama. Ani ng isipan kong malandi nang makahiga ako doon. Si Chiara na nakaupo na kanina ay tumabi sa akin at umunan sa braso ko. Awtomatik tumaas ang maganda kong kilay dahil sa ginawa ni Chiara. Baka nakakalimutan nitong bata na ito na may sugat ako.


Kukunin ko na sana ang braso ko nang magsalita ang magandang bubwit.


"Dareen."


"Hmm," I hummed.


Nakita kong mapapangisi ang frenemy ko. "I think you're lucky."


Napatingin ako sa maputing ceiling ng hospital. Tho' nasa loob kami ng hospital pero ang comfy dito. Parang nasa bahay ka lang tapos walang amoy ng hospital.


Napabuntonghininga ako dahil sa sinabi ni Chiara na lucky daw ako. Tsk! Eversince, hindi pumasok sa isipan ko ang word na lucky. Until, Chiara mentioned it. Kailan pa ako naging lucky? Sa family? Of course no. Sa relasyon? Isang malaking hindi na naman. Sa kaibigan. Well, I can say that Clemence is a blessing to me. Through my ups and downs; in my joy and sorrows, he is always there. He always got my back.


Inusog ko si Chiara papalapit sa akin.


"Why do you say so Chiara?"


"Well, I think," tumingala sa akin si Chiara. Mas umusog pa siya sa akin saka bumulong. "I think Raphael like you."

Muntik na akong masamid sa sarili kong laway. Out of nowhere ay napatawa ako nang bonggang-bongga.


"Prfftt. HAHAHAHAHA! Anong klaseng joke 'yan Chiara?"


Napaahon si Chiara saka umupo sa hospital bed at pinagkrus niya ang maliit niyang braso. Sinimangutan niya ako. Nawala ang pangisi-ngisi ng labi niya kanina.


"I'm not kidding you, Dareen." naiinis na niyang anang.


Di ko pa rin talaga mapigilan ang pagtawa ko.


"You're annoying me, Dareen. I heard Rap murmured your name last night." si Chiara na kinatigil ko.


Paunti-unti ay pahina nang pahina ang tawa ko. Umahon din ako at hinawakan ko ang balikat ni Chira. Murmuring my name? Rap murmured my name in his sleep? I bite my lips to refrain from screaming because of happiness. I want to flip in joy. Does this mean may improvement na? Siguro iniisip ako ni Rap bago iyon matulog. May narinig kasi akong chismis na kapag daw may iniisip ka or may tao kang iniisip bago ka matulog ay napapanaginipan mo iyon. 


"Really?"


Umirap sa akin ang bubwit. "Yeah."


"Anong pa ang sinabi ni Rap?" nakukuryoso kong tanong sa kanya.


"He said. Dareen, dumb."


Lumaylay ang balikat ko sa sinabi ni Chiara. Akala ko naman kung ano na. Pati ba naman sa panaginip ni Rap nang aabuso siya sa ganda ko?


Kapwa kami ni Chiara napatingin sa pintuan nang marinig namin ang pagbukas n'on. Ang kamay ko na nakahawak sa balikat ni Chiara ay bumagsak at nakuyom ko iyon. For how many months ngayon ko lang ulit sila nakita. Hindi ko alam kong maiiyak ako sa pangungulila ko sa kanila o magagalit ako dahil ngayon lang nila ako naisipang dalawin matapos ang ilang buwan na pinalayas nila ako sa bahay namin.


I grind my teeth. My eyes started to moist at the same time. It started to moist because of bereavement and anger... and longingness.


"Dareen. Who are they?" narinig kong bulong ni Chiara sa tabi ko at kumapit sa damit ko.


Nanatili akong walang kibo at nakatitig lang kina Mommy at Daddy na pumasok sa loob at may dalang tatlong paper si Mommy. May tatak iyong Louis Vuitton at Gucci, the common brand na gustong-gusto ko. Oo common na sa akin ang mga brand na iyon dahil iyon ang mga brand ng damit ko.


"Dareen." si Mommy at may pag-aalinlangang ngumiti sa akin. Si Daddy naman sa tabi ni Mommy ay buntonghininga. Parang napipilitan lang siyang pumunta dito. Naglakad si Mommy papalapit sa akin ng mailagay niya ang mga malalaking paper bag sa kama ko.


"Umalis na kayo."


Napatigil si Mommy nang inusal ko iyon. Ang ngiti sa labi niya ay unti-unting nawawala at napalitan ng lungkot. Iniwas ko ang tingin ko kay Mommy dahil pati ako ay naapektuhan sa ekspresyon ng mukha niya. I love my Mommy. I love her so much. At alam ko naman na mahal din ako ni Mommy kaso bakit niya hinayaan na mangyari ito sa buhay ko. Bakit di niya magawang kumontra sa Daddy ko.


Ngayon na nakita ko sila parang bumalik ang lahat ng pighati ko, lungkot, at galit nang araw na pinalayas nila ako sa bahay namin at pinadala sa bahay ng tao na di ko naman kilala in the first place. Tapos ngayon, now that I feel accustom to this thing, start from taking a public transportation, budgeting my small allowance for a week, cleaning, and even cooking. Magpapakita na sila sa akin? Not to mention na nakasanayan ko na ang presensya ni Rap at napamahal na ako sa bahay ni Rap, sa environment ng bahay niya at pati na sa may-ari ng bahay. Tapos ngayon magpapakita sila na parang wala lang? The heck! Kung sa iba madali lang ang nangyari sa buhay ko at kung tingin ng iba ay ang liit lang ng problema ko kumpara sa kanila. Pwes para sa akin ang laking bagay na iyon dahil ang layo na nang buhay ko sa dati.


Before, gigising ako may nakaluto na. Pagkagising ko kakain lang ako at aalis na sa bahay tapos uuwi lang ako kapag gusto ko. Isang tawag ko lang sa driver namin nandyan kaagad. Gusto kong gumala nakakagala ako kahit saang lupalop pa man iyan ng mundo. Tapos noon nakakabili ako sa lahat ng gusto ko without minding how much it cost. Noon, hindi ako nakakahawak ng lupa, hindi ako nakakalinis ng swimming pool. I have everything in my hands before but in one glimpse, everything turned upside down.


Well, thanks to it. Now, I know how to value a penny of money. I know some household chores. I know how to cook for myself. I also strive more to finish my bachelor's degree. If before hindi ko pinapahalagahan ang education now, I valued it.


Come to think of it. I became a lil bit more mature to my old self. I became conscious in my surrounding and now I have priorities. And that is to finish my degree and then find a work and be independent. Independent from my family and... even to Rap. I feel like I grew up being in Rap's home. 


"Dareen." mahinahong saad ni Mommy pero nag-crack ang boses niya.


"Umalis na kayo, Mommy." ulit ko pa.


"Dareen... I miss... I miss you anak." ani Mommy sabay ng pag-agos ng luha sa mga mata niya.


Gusto kong yakapin siya. Pero pinipigilan ko ang sarili ko. Handa na ang paa kong umapak sa sahig at yakapin si Mommy pero nagpipigil ako. Kinuyom ko ang kamay ko. Hindi naman dahil sa ma-pride akong tao pagdating sa kanila. Gusto ko lang ipakita sa kanila na ang anak nila... na pinalayas nila... na pinatira nila sa ibang bahay ay bumabangon ngayon. Gusto kong ipakita sa kanila na kaya ko kahit na wala sila. Dependent man ako kay Rap ngayon ngunit ang layo na rin ng buhay ko sa naging buhay ko noon.

I know one day. Makakaya ko rin nang wala silang lahat. Alam ko na balang araw tatayo rin ako sa sarili ko na walang tulong na galing sa sa kanila... tulong na galing sa mga magulang ko at pati na rin kay Rap.


"Kailangan pa lang ma-ospital ako Mom para mamiss ninyo ako? Ang ganda siguro kong nabundol talaga ako ng todo, 'no?" sarkastiko kong saad. I don't want to be a rude yet I can't help it.


"Don't be rude your mother Dareen." may diing saad ni Daddy.


Umirap ako.


Di ko na lang pinansin si Daddy dahil baka magkasagutan pa kami. Kaya bumaling ako kay Mommy. "Umalis na kayo Mom. Maayos na ako. Walang nabaling buto sa akin. Walang akong concussion o internal bleeding. Kaya makakaalis na kayo."


"Dareen! You're mother is begging me to come here dahil nag-aalala siya sayo tapos gagantuhin mo lang siya? Di mo lang ba namiss ang Mommy mo?"


Nakagat ko ang dila ko.


"Eh, dapat Dad di na kayo pumunta dito! Kung napipilitan lang kayo Dad na pumunta dito, edi, umalis na kayo-"


"Dareen-" di ko pinatapos si Dad.


"-saka miss? Dad kung 'yan lang ang pag-uusapan. Oo... oo miss na miss ko si Mommy... ikaw," ang luha na kanina ko pa sinusubukang pigilan ay tuluyan naang kumawala sa mga mata ko at nag-uunahan na sa pag-agos. "Dad, ilang buwan ang lumipas pero ngayon n'yo lang ako naisipang dalawin o kumustahin o magpakita man lang sa akin? Kailangan pa bang may mangyaring masama sa akin para madalaw ninyo ako? Akala ko nga Dad wala na akong mga magulang. Akala ko nga nakalimutan n'yo na ako." pagak akong tumawa at pinalis ang luha ko.


"Mas maganda siguro kung nasagasaan na lang ako. Sana siguro nabali na itong mga buto ko. O mas mabuti sigurong mamatay na lang ako mas ma-"


"DAREEN!!!" maputol ako sa pagsasalita ko nang marinig ko ang dumadagundong na boses ni Rap. Napatingin ako doon sa pintuan at nakita ko si Rap na may dalang dalawang brown na paper bag at coffee naman sa isang kamay niya. Gumagalaw ang panga niya at humigpit ang pagkakahawak niya doon sa bitbit niya.


Napalunok ng malalim. Pati sina Mommy at Daddy ay nagulat doon at napatingin din kay Rap pero parang walang nakikita na ibang tao si Rap. Parang di niya nakita sina Mommy at Daddy na malapit lang sa kanya.


Naglakad siya ng diretso at nilagpasan sina Mommy at Daddy na wala ring imik.


"Rap..." usal ko nang makalapit siya.


"You shouldn't said something like that."


Kumunot ang noo ko.


"Don't speak something about death Dareen. Not again, baby."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top