CHAPTER 22

Chapter 22




Dareen Pov

"Do you like Raphael, Dareen?" nakangiwing tanong ni Chiara sa akin habang ang mata niya ay nasa TV. Nanonood kasi kami ngayon ng Barbie! Well, to tell you honestly. Hindi talaga ako mahilig manood ng ganitong klaseng cartoon. Mahilig ako manood ng mga anime series na may mga gwapo at magagandang katawan. Kagaya ng One Piece, Fairytail, Hunter by Hunter mga ganoon. Doon ako nanood. Kasi doon marami akong nagiging jowang anime character! Hindi sa Barbie na ang jowa lang ni Barbie ang gwapo!

From the corner of my eye, I know Chiara my little frenemy is waiting for my response. She looked so occupied by the television but I know her ears are on me. Kay gandang bubwit pero laging pinapainit ang ulo ko.

"Dareen?" she called me.

"Ano?" maarte kong tinaas ang kilay ko.

"Popcorn, please?"

Napamaang ako at di makapaniwalang binalingan na siya. Kanina inutusan niya akong magkuha ng juice kasi nauuhaw daw siya. Pagkatapos sa juice tubig na naman kasi medyo sumakit daw ang lalaamunan siya tapos niya'n! Gusto niya naman ng crackers kaya kumuha ako sa fridge. Tapos ito na naman. Talagang inaalila ako ng todo ng pamangkin na ito ni Raphael! Nanggigil na talaga ako ng todo sa batang ito! Ang sarap kutusin! Jesus!

"Hindi. Unhealthy na ang kinakain mo." pagtanggi ko naman sa kanya.

Ang Chiara na nakatuon sa TV ay bumaling sa akin. Just in case na hindi niyo alam. Nasa kandungan pa ni Chiara si Snow. Ang traydor kong pusa! Salawahan! Tumaas din ang kilay sa akin ni Chiara. Talagang nagsusubukan kami ni Chiara sa aming angking kamalditahan!

"Oh! I'm not eating it everyday, so it's not unhealthy. I only requested it today." Ngumuso siya.

Naaligaga ako nang ang malditang bata ay biglang namula ang mata at may namumuo nang luha doon. Sheemmmzz!!! Talagang sinusubukan ako nang bubwit na ito!

Pabagsak akong tumayo. "Sige. Kukuha na po. Kamahalan!"

Matapos kong isaad iyon ay maarteng dinampi ni Chiara ang maliit niyang kamay sa kanyang mata at pisngi. Saka hinalikan niya ang traydor kong pusa!

"Thanks." si Chiara at tumuon na ulit ang mata sa television na parang walang nangyari!

Napamura na lang ako sa isip ko.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng popcorn. Iyong Kettle Corn. Binuksan ko iyon saka binuhos sa isang malaking bowl. Dinalhan ko na rin ng gatas si Chiara. Kahit na enemy ko ang batang iyon. May malasakit pa naman ako doon kahit konti. Oo konti!

Shemz! Napalapit na ako sa bubwit na iyon. Kahit na para iyong maliit na Boss sa bahay na ito. Nagugustuhan ko naman ang presensya niya. Ang maingay niyang boses na kagaya sa akin. Ang maliit at matulis niyang boses ay nakakasanayan ko na dito sa bahay.

Minsan nga nai-imagine ko na para na kaming may anak ni Rap. Shocks!

Ang maliit na binti ni Chiara ay pinapaindak niya sa ere. Iyon ang naabutan ko nang makabalik ako sa sala. Binaba ko iyon sa center table. Tinabi ni Chiara ang si Snow sa kanyang tabi. Kinuha niya ang bowl ng popcorn at iyon ang nilagay niya sa kanyang kandungan.

"Dareen." ani ni Chiara na kinainis ko na naman. May iuutos na naman ito!

"Ano na naman?"

"You didn't answer my question."

Pinatong ko ang mga binti ko sa mahabang sofa at humilig sa sandalan.

"Anong tanong mo?" pagmamaang-maangan ko. Akala ko nakalimutan na niya iyong tanong niyang iyon.

"Tss. My first question. Do you like Raphael? My uncle?"

Napataas ang kilay ko nang marinig ko iyon. Iyon ata ang unang beses na narinig kong tinawag niya si Rap sa uncle. Kasi Raphael talaga ang tawag ni Chiara kay Rap. Tch!

"Anong klaseng tanong iyan, Chiara? Saka saan mo nakukuha ang mga ganyang klaseng tanong?"

Napataas ng maganda at hulmado kong kilay dahil binaba ni Chiara ang bowl ng popcorn. Bumaba siya sa sofa at siya na mismo ang naglagay ng bowl ng popcorn doon sa center table. Umakyat siya muli sa sofa at tinalikuran niya ang traydor kong pusa. Kagaya ko ay nilagay din ni Chiara ang paa niya sa sofa. Naka-indian siya at parang malaking tao na talagang pinagkrus niya ang maliit niyang braso.

Huminga pa siya ng malalim at tumaas din ang kilay niya sa akin. Ang daming alam ng bubwit na ito. Sarap talaga ipalapa sa mga parang asong gala ni Rap sa likod!

"Dareen," panimula niya pa at napapikit siya saglit. Muntik na akong matawa. She's acting like a mature lady. "I may be a child but I know a thing and that."

"Tigilan mo ako Marcet ka." ani ko at di ko sineryoso ang sinasabi nnag bubwit.

"Answer me. Dareen you like my uncle, right?"

"Alam mo ang bata mo pa para sa ganyan. Wag mo ako dramahan dyan."

Ngumuso si Chiara sa akin. "I don't like you Dareen." anang ng bubwit at papabulaanan ko na sana iya kaso sumatsat pa siya. "But I don't hate you too. So, I'll tell you Dareen. Please, don't fall deeper for my uncle."

Tumawa ako. "Hoy bubwit. Kung ano-ano na talaga ang lumalabas dyan sa bibig mo. Mabuti pa siguro kung kumain ka nalang dyan-"

"Even if you don't say it Dareen. I see it that you already like my uncle and it is unfortunate..."

"...itong batang 'to-"

"We ate together Dareen. I saw how you look at my uncle. It's like how my mom look at my daddy. You like Raphael, right."

Bumuntonghininga ako. Talagang madaming alam ang bubwit na ito. "Oh, sige na nga. Ano naman ngayon kung gusto ko ang uncle mo."

May pa kibit pa siya sa balikat niya. "I just want to tell you that my unlce is really bad so you might get hurt. I'm just warning you Dareen. Cause even if you're ugly, you're still good to me and took care of me."

Ang tunog ng speaker ay malakas naman pero klarong-klaro rin sa akin ang sinabi ni Chiara. Ang maarteng bata ay may malambot din na puso. So, she appreciate my the little things I did for her. Akala ko puro lang siya utos at satsat sa akin. Actually, sa maliit na bagay na iyon na sinabi ni Chiara ay parang may kamay na humaplos sa puso ko.

Why do I feel like other people care for me more than my family? I can feel Chiara's sincerity. Bata man siya at di ko alam kung naiintindihan na ba niya ang mga pinagsasabi niya pero talagang na-touch ako doon sa words ni Chiara.

Huminga ako nang malalim. "Alam mo Chiara kailangan mo nang maglunch gutom lang 'yan." saad ko at tumungo na sa formal kitchen. Di rin naman nagreklamo pa si Chiara.

Nire-heat ko lang ang pagkain namin Chiara para kahit papaano ay mainit ang makain namin. We still have leftovers pa naman kasi from our breakfast.

While waiting sumandal ako sa sink at nakatuon ang mata ko doon sa microwave. I don't know why Chiara said those things. Di naman sa siniseryoso ko talaga ang sinasabi ng bubwit na iyon pero di rin kasi iyon mawala-wala sa isip ko. Si Clemence sinabi na rin iyon sa akin tho' magkaiba sila ng approach still the thought they tried to implied on me was the same.

They don't want me to fall for Raphael Laurence. What can I do if I'm in middle of falling? Can I climb back from where I was? Of course no! Hindi-hindi na. Rap and I are starts to sleep together. He likes to gapang me in the middle of the night. Maybe kakauwi niya lang tapos doon na siya matutulog sa kwarto ko dito sa bahay niya.

Eversince na may nangyari sa amin ni Rap napapadalas ang tulog niya sa kwarto then of... course we played each other. Was I blinded with too much happiness? Pleasure? Na nakalimutan ko na na laro lang lahat ng ito sa amin ni Rap? We were just messing with each other. Uhaw lang kami sa ganoong bagay at nakita namin ang isa't isa kaya ganoon. At hanggang doon lang iyon. Alam ko. Alam ko na hanggang doon lang iyon pero... nangyayari na ang kinatatakutan ko.

What should I do? Ask Rap kung ano kami? Kung ano ang label namin? Tssk! What are we? Friends with benefits? Fuck buddy? Are we on a casual relationship? Lived in with benefits? Tsk. May ganoon ba? Bumibigay lang kami ni Rap sa isa't isa kasi iyon din ang gusto ng katawan namin. Pero ako alam kong gusto ko kasi may feelings ako for him. But how about Rap? I already knew na hindi na talaga siya straight simula nang may nangyari sa amin. Obviously, kung lalaki siyang tunay. Di na masusundan ang isang simpleng halik pero may nangyayari ngang mas higit pa doon. Kaya masasabi kong hindi na talaga straight ang tinatahak ni Rap.

After ng lunch namin ni Chiara ay pinatulog ko siya at gladly nakatulog naman. Sa living area lang siya natulog. At nang maghapon na may dumating na bisita na kinailangan ko pang pagbuksan ng car gate dahil hindi iyon si Raphael. It was Rap's older brother. How do I know? Of course, sa features nila. Pareho ang shape ng mukha nila at ang tindig ay pareho din. Nga lang mas clean ang dating ng brother ni hubby eherm. I mean ni Rap siguro dahil sa gupit ng buhok niya at parang laging nags-shave rin.

"You must be Dareen?" aniya sa akin nang maglakad kami patungo sa main door.

Doon niya pa kasi pinark ang kotse niya sa vacant na carport ni Rap.

"Yes, Dareen Hernane." pagpapakilala ko at nilahad ko ang kamay ko sa kanya.

Tumigil siya at may ngiting tinanggap ang kamay ko gamit ang libre niyang kamay. May dala kasi siyang paper bag. "Ralph, Raphael's brother." ganti niya naman.

Ngayon masasabi kong mukhang friendly at approachable na tao itong si Ralph compared doon kay Rap. Pala-ngiti si Ralph, laging kita ang pantay at puti niyang ngipin. Tapos iyong si Rap naman parang kabaliktaran nito. Lagi kasi iyong nakasimangot at parang laging pasan ang problema sa mundo.

"Daddyyyyy!!!" Bungad na sigaw ni Chiara ng makapasok na kami. Agad ma bumaba sa sofa si Chiara at sinalubong ang daddy niya. Natawa aki nang maiwan sa sofa at traydor kong pusa. Who you ka ngayon!

"My princess." si Ralph at binuhat si Chiara at pinugpog ng halik.

Malungkot ang napangiti. Iniwas ko ang tingin ko doon dahil parang may tumusok na karayom sa puso ko. Alam ko namang di ko dapat ito maramdaman kaso... naiinggit ako. Naiinggit ako kasi wala akong alaala na t-in-rato ako ng ganoon ni daddy. Masakit sa mata at sa puso ko na nakakapanood ako ng ganoong klase ng eksena.

"Dareen, you already know my daddy?"

I get myself together, chineck ko rin kung may luha ba sa pisngi ko at huminga ako nang malalim bago bumaling sa kanila.

May ngiti akong bumaling sa kanilang mag-ama. Tumango ako kay Chiara.

"Chiara. Why are you calling Dareen on his name? You should call him kuya. He is older than you." pangangaral naman ni Ralph sa anak niya na kina-irap lang ni Chiara sa mata niya.

"Dareen is okay with it, daddy and... Dareen and I are friends..."

"Okay lang Ralph." singit ko naman.

"I'm sorry in behalf of my daughter. She's really like this especially when she feel comfortable to the person. She loves calling them by their name and I guess my daughter here is comfortable with you."

Napangiti naman ako doon at tumingin kay Chiara na binuon ang mukha sa leeg ng ama niya.

"No, I don't, daddy."

"Hmm." natatawang ugong naman ni Ralph.

Biniba ni Ralph si Chiara at naupo na doon sa sofa sa living area. Ako ay pumunta naman sa kitchen upang kunan ng maiinom si Ralph. Pagbalik ko doon ay nag-uusap ang mag-ama.

"Thank you." si Ralph nang mailapag ko ang inumin sa center table.

"Thank you for bringing my favorite ball, daddy." Si Chiara at niyayakap na ang bola niya. So, bola pala ang lamang noong paper bag na dala ni Ralph kanina.

Ang pusa ko naman na nasa paanan ni Chiara at nakadapa doon sa carpeted na sahig ay nangseselos na sa bolang yakap-yakap ni Chiara. Haha! Bagay sayong pusa ka. Pero syempre kinuha ko sa sahig si Snow at kinandung ko.

"Dareen pagpasensyahan mo na kung pinapainit nitong anak ko ang ulo mo."

"Hahaha, ayos lang Ralph nasanay na rin ako."

"Anyway, thank you for looking after my daughter. At saka di ko pa siya makukuha dito ngayon dahil nanduduon pa sa hospital ang asawa ko. Kaya dito muna si Chiara sa inyo ni Raphael." Sa pagkasabi n'on ni Ralph ay kinilig naman ang cells ko. Sa inyo ni Raphael daw. Shocks! Parang mag-asawa ang dating. Pero syempre hindi ko pinahalata na kinilig ako.

"Ah, walang problema Ralph."

Isang minuto lang at nagpaalam na rin si Ralph dahil walang naiwan sa asawa niya sa ospital. Hinatid namin siya ni Chiara hanggang sa may car gate at yakap-yakap ni Chiara ang bola na dala ng daddy Ralph niya.

"Chiara tabi na. Isasara ko na ang gate." ani ko kay Chiara nang nakaalis na ang sasakyan ni Ralph. Tumabi naman si Chiara. Tinutulak ko na ang mabigat na gate nang mabitawan ni Chiara ang bola niya at gumalong ito papalas nang gate. Si Chiara naman ay tumakbo upang sundan iyong bola na kumawala.

Agad ko namang sinundan si Chiara at nakita ko na ang bola ay nasa gitna ng daan at may sasakyan na paparating tapos si Chiara ay papatawid na upang kunin ang bola.

"CHIARA!!!" My adrenaline rushed through my body and in an instant inabot ko ang braso ni Chiara. Hinila ko si Chiara sa akin at  niyakap ko nang mahigpit ang bata sa takot ko na baka mapaano siya. Dahil sa biglaan iyon nawalan ako nang balanse sa katawan ko hanggang sa nagpagulong-gulong kami sa daan ni Chiara.



___
Kayo na po ang bahalang umintindi sa mga updates ko. Trying hard na po iyong mga updates ko lately kasi hindi pa po talaga maayos ang isip ko ngayon. I wish babalik na rin ito sa normal. Talagang walang-wala na ako ngayon.
Anyway, thank you for reading!❣

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top