CHAPTER 1
Dedicated to: IvanSuazo4
Chapter One
Dareen Pov
"Ano!!?" inis kong sagot sa tawag ni Clemence. Nakakailang tawag na kasi siya sa akin pero binababa ko lang kasi wala namang silbi ng pinagsasabi niya. Nagpipigil na nga ako dito. Malapit ko na talagang matapon itong cellphone ko sa labas ng bahay namin dahil kay Clemence.
"Wow, ganito na tayo ngayon, no? Porket di ka lang pinayagan ni tito Ram na gumala, na pumarty, ganito na tayo? " sarkastikong saad ni Clemence sa kabilang linya. Kahit na sa lakas ng boses ni Clemence ay naririnig ko pa rin ang tugtugin sa background niya. Mas nangati pa tuloy ang paa ko na tumakas dito sa bahay namin. Tumayo ako at sumilip sa bintana ng kwarto ko. Napa-sign of the cross na lang ako. Bwesit! Bakit pa kasi nasa ikalawang palapag ang kwarto ko? Sumilip ako sa ilalim. Napalunok ako kapag kasi tatalon ako mula dito ay sa halaman naman ang bagsak ko. Tapos iyong mga halaman ay mag mga tinik pa. Nakaka-imbyerna naman. Ngayon pa talaga ako hindi pinayagan ni daddy!
"Ano ba kasing tinatawag-tawag mo huh, Clemente!" bagsak ko sa totoong pangalan niya. Naiinis kasi ako dahil parang gusto ko nang lumipad doon sa party ng cousin niya.
Tumingin ako sa wall clock ko. Alas nuebe na ng gabi.
"Bwesit kang bruha ka! Pero mamaya na tayo magwarla baks dahil sa oras na ito dapat iba ang kawarla mo."
Yes, Clemente or Clemence is my gay friend. I am also gay at sa lahat ng taong naging kaibigan ko si Clemence lang iyong tumagal. Ako kasi ay may pagka-strict to the point talaga na tao. At iyong ibang naging kaibigan ko kuno dati ay nasasaktan sila sa mga lumalabas sa bibig ko na mga salita. Aba? Sila ang mag-adjust! Dahil ako! Kaya kong mabuhay ng wala sila! But then god gave me Clemence, ang masasabi kong tunay kong kaibigan. Sa sakit at ginhawa ng buhay ko nadya-dyaan iyang bakla kong kaibigan na iyan.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko kasi alam kung ano ang ibig niyang sabihin doon.
"Anong sinasabi mo bakla ka!"
"Hoy! Ikaw Dareen, huh. Nakakailan ka na sa akin. Akala mo naman hindi bakla kong makapagsalita!"
Maarte akong umirap sa ere. I want to flip my long wavy and shiny hair but unfortunately wala ako nun. Ganito talaga kami mag-usap ng Clemence nagsisigawan na parang magrarambulan na pero ang totoo nag-uusap lang talaga kami.
"Just don't beat around the bush, Clemence. Dinidisturbo mo ang tulog ko." Which is pagsisinungaling ko lang sa kanya.
"Na,ah!" patuya niya. "Guess who kung sino ang lalaking nakita ko detey?"
Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko. Kung talaga nasa harapan ko lang si Clemence ngayon, malamang sa malamang nasabunutan ko na ang baklang iyon.
"Clemente, kung may sasabihin ka sabihin mo na dahil kung hindi ibaba ko na ito. Matutulog na ako!"
"Hindi ka interested dito?"
Napairap ulit ako sa ere at tinalikuran ang bintana. Bumalik ako sa kama at humiga doon.
"Hindi ako interested kaya bye na Cle-"
"Kahit sabihin ko sayo na nandito ang boyfriend mong hilaw?" pagpuputol niya sa akin. Napaahon naman ako mula sa pagkakkahiga ko. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Clemence. "Geoffrey, is here baks." habol niya pa.
Napatingin ulit ako sa wall clock na nandidito sa loob ng kwarto ko. Kanina ay katawagan ko si Geoffrey sabi niya ay nakahiga na siya at matutulog na.
"Anong sabi mo?" anang ko.
"I thought not interested ka ghurl?"
Umingos ako dahil sa sagot ni Clemence.
"I hear you wrong right? Wala dyan si Geoffrey, Clemence... baks sabi niya ay matutulog na siya kanina." imbes ay saad ko kay Clemence.
"Sabi ko naman sayo Dareen... hindi mapagkakatiwalaan iyang si Geoffrey... Geoffrey is just after your money, Dareen." Ang kaninang boses na mapagbiro ni Clemence ay naging seryoso. Noon pa man ay ayaw na talaga ni Clemence kay Geoffrey. Ayaw niya kay Geoffrey dahil marami na daw itong issues at kagaya nga ng sabi niya hindi mapagkakatiwalaan pero nagkagusto ako sa kanya tapos tamang-tama naman na ano... na gusto rin ako ni Geoffrey kaya ayon sinagot ko naman. Aaminin ko na sa halos isang taon namin ni Geoffrey ay lagi kaming nag-aaway kasi... nagsisinungaling siya e. Lagi s'yang nagsisinungaling pero pinapatawad ko kasi malaki ang gusto ko sa kanya. Kahit na sa kabila ng mga sinasabi ni Clemence sa akin na hiwalayan si Geoffrey dahil niloloko lang daw ako nito ay hindi ako nakikinig. Saka hindi ko pa naman din nakikita na niloko talaga ako ni Geoffrey kaya, bat ako maniniwala?
"Baks-"
"Pumunta ka dito para makita mo... sinasabi ko sayo baks... walanghiya iyang si Geoffrey."
"Baks, alam mo naman na hindi pumayag ang daddy ko... hindi ako makakalabas dito sa amin." totoo kasi hindi talaga ako pinayagan ni daddy na maglakwatsa ngayon dahil sa nakaraang gala ko na nakaabot ako ng Davao. Galit na galit si daddy doon. Tapos ang issue ko last month.
"Basta nasabi ko na sayo nandidito si Geoffrey. Sabi mo kasi sa akin kanina na ayos lang sa iyo na hindi ka makakapunta dito dahil wala naman si Geoffrey pero baks... andito... andito siya at... pisti rin dahil magkalumpungan siya ba-"
Hindi ko na pinatapos si Clemence at binaba ko na ang tawag. Oo, sinabi ko kay Clemence na hindi ako pupunta kasi wala rin naman ang boyfriend ko pero... pero ano itong sinasabi niya na nandodoon si Geoffrey tapos may kalumpungan pa! Alam kong kahit na gaano pa man kagalit si Clemence sa nobyo ko ay hindi siya magsisinungaling sa akin. 'Yan ang hindi gagawin ni Clemence sa akin.
I abruptly stand and find a clothes on my closet. It's now or never. I need to get out. I need to go to that party. I need to see Geoffrey. I need to see him personally... pero habang nagbibihis ako ay napatigil ako. Paano kung pagdating ko may kalumpungan nga iyon? Ano ang gagawin? Of course, this time kapag nakita ko na talaga sa dalawang magaganda kong mata na niloloko niya ako hihiwalayan ko na talaga siya.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ko. Maingat akong naglalakad sa malaking hallway namin dahil takot akong makagawa ng ingay. Baka magising si daddy at mommy. I know what I'm doing is really bad dahil tatakas ako dito pero just... just this one. Ngayon ko lang ito ulit gagawin and it'll be the last time. Pag-uusap ko sa sarili ko. Nang makababa ako sa ay mahina ang lakad ko patungo sa pintuan ng kusina namin. Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng may kumalabit sa balikat ko. Halos lumipad ang kaluluwa ko dahil sa gulat. Paglingon ko ay nakita ko si nana Tilma, ang isa sa mga kasambahay namin na siyang pinakamalalit din sa akin.
Napahawak ako sa dibdib ko. Akala ko end game ko na. Akala ko si daddy na. Hoh! Nakita kong napabuntong hininga si nana Tilma sa akin.
"Ano ginagawa mo Dareen?" tanong niya sa akin. "Saan ka na naman pupunta?" sunod niyang tanong. Si nana Tilma talaga ang nakakaalam sa mga escapades ko dahil siya lang naman ang malalapitan ko, siya lang ang nakakatulong sa akin kapag tumatakas ako dito sa bahay namin.
Lumapit ako kay nana Tilma at hinuli ang dalawa niyang kamay. Nagpa-cute ako kay nana, "Nana, wag niyo naman po akong isumbong kina mommy at daddy, oh, pleaseeee po."
"Saan ka nga pupunta?" Binaba ko ang kamay ni nana.
"Sa... sa party po nana..."
"Narinig ko kanina ang daddy mo Dareen. Hindi ka niya pinayagan kaya ngayon, bakit ka tumatakas? Alam mo namang ayaw na ayaw ito ng daddy mo."
I know. I know that.
"Pero kasi nana... please po last na po ito, promise. I-iyong boyfriend ko po kasi sabi ni Clemence ay nandodoon daw sa party pero ang sabi niya natuullog daw siya... gusto ko lang pong kumpirmahin kung totoo ba iyon."
Ngayon ay si nana na ang lumapit sa akin at hinawakan ang balikat ko.
"Dareen, hindi talaga maganda itong gagawin mo... pero sige hindi ko sasabihin sa mga magulang mo pero umuwi ka kaagad at wag iinom doon, huh?"
Ngumiti ako kay nana at niyakap siya bago ako tuluyang umalis ng bahay. Pagkalabas ko sa subdivision ay agad akong pumara ng taxi. Mabuti at nakasakay agad ako.
°°°
Thank you for reading!😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top