True Story no. 2 (Sino ang may gawa?)
True Story no. 2 (Sino ang may gawa?)
Ang kwentong ito ay nangyari sa totoong buhay na ibinahagi sa akin ng aking mga pinsan. Ang pinangyarihan nito ay sa isang liblib at mabukid na lugar sa Cebu.
Sa ating araw araw na pamumuhay dito sa mundong ibabaw, minsan hindi natin namamalayan na may nakakasama na pala tayong mga elementong hindi basta bastang nakikita nang mga normal na tao lang. Mga elemento na kung tawagin ng ating mga ninuno ay "Engkanto".
Madalas sila ay naninirahan sa mga gubat at sa mga malalaking punong kahoy. Sabi nila ayaw raw nito sa mga maiingay kasi sila ay nagagambala at naiistorbo. Kung ikaw man ay may nagawang hindi kaaya aya sa kanila, tiyak na makakatanggap ka ng parusa.
________________............________________
(Ang mga pinsan ko na nasangkot sa pangyayari ay halos sampu ngunit ang papangalanan ko lamang ay yung mga mahahalagang tauhan na itatago nalang natin sa pangalang Jennie, Jimmy at Jomar. Ang gagamiting kong POV ay ang kay Jennie.)
Jennie's POV
Malapit nang magdapit–hapon nun nang mapag utusan ako ng aking lola na pakainin ang mga alagang baboy namin. Dito kasi kami pansamantalang nanunuluyan sa bahay ng aking lola magmula nung maghiwalay ang aming mga magulang ni Jimmy. Ang aking ama ay nagtatrabaho sa syudad habang ang aking ina naman ay sumama sa ibang lalake. Tatlo kaming magkakapatid ngunit yung bunso namin ay kinuha ng aking ina.
Kasama ko rito sa bahay ni lola ang ilan kong mga pinsan. Mahilig kaming magkumpulan kaya halos lahat ng mga lakad ko ay sumasama sila. Ako kasi yung pinakamatanda dito. Nung araw na iyon ay sabay sabay kaming nagtungo papunta sa kinatitirikan nang kulungan ng baboy katulad ng aming nakasanayan.
Nakasalubong namin ang tatlo pa naming mga pinsan na nakatira lang din malapit sa bahay ni lola. Nakita nilang masaya kaming nagkukulitan kaya na enganyo silang sumama sa amin.
Sa gilid ng kulungan ay may isang puno ng mangga na hindi naman gaanong mataas at katamtaman lang din ang laki.
Sa katunayan, kaya ko hinahayaan ang aking mga pinsan na samahan ako tuwing pinapakain ko ang mga baboy ay dahil hindi ako mapakali sa tuwing ako'y nag'iisa. Pakiramdam ko kasi may nagmamasid sa akin na hindi ko nakikita. Mga ilang dipa lang din ang layo ng puno sa kulungan at aaminin kong hindi ko talaga gusto ang awra nito sapagkat napaka dark tingnan.
Buong buhay ko ay hindi pa ako nakasakay sa sanga ng punong iyon ngunit noong araw na yun ay nagyaya yung pinsan kong si Jomar na maglaro muna sa may mangga bago kami umuwi sa bahay.
Kahit hindi ko gusto ang awra ng puno ay pumayag nalang ako sapagkat marami naman kami, halos sampu. Wala naman sigurong mananakot sa amin. Yun ang akala ko!
Matapos naming pakainin ang mga baboy at linisin ang kulungan nito ay nagsitakbuhan na kami patungo sa puno ng mangga. Isa isa kaming sumakay sa malaking sanga ito. Ang arrangement namin ay mula pinakamaliit hanggang sa pinaka malaki. Nasa pinakahuli si Jomar kaya pagkatapos nun ay pumadyak siya ng pagkalakas lakas dahilan upang sumulbong yung sanga paitaas. Napuno ng hiyawan at tawanan ang paligid ngunit hindi ito nagtagal.
Ilang sandali lang ay bigla nalang kaming nahulog mula sa sanga ng sabay sabay. Nagtataka kami kung paano yun nangyari sapagkat mahigpit naman ang pagkakahawak namin dito. Gayunpaman, nagtawanan lang kami. Ganun naman talaga pag mga bata pa diba? Pinagtatawanan yung mga nadadapa o nahuhulog.
Hindi na ako bata, may kalakihan na yung edad ko ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili na makisaya sa mga mas nakakabatang mga pinsan na aking nakakasama sa araw araw.
Muli kaming sumakay sa sanga ng puno, pareho pa rin ang arrangement at ganun pa din yung ginawa namin. Panay pa rin ang padyak ni Jomar habang kami naman ay tuwang tuwa tuwing sumusulbong paitaas yung sanga.
Hindi ko inaasan na sa pagkakataong ito ay mas kakilakilabot pa pala ang aming sasapitin.
Matapos ang ilang sandali ay bigla nalang naputol yung napakalaking sanga ng puno at sabay sabay ulit kaming bumagsak sa ibaba kasama yung napakalaking sanga.
Ang ilan sa amin ay nagtamo ng galos at yung isa namang pinsan naming babae ay nadaganan nung napakalaking sanga, hindi nga siya makatayo mag isa. Humingi siya ng saklolo at syempre tinawanan muna siya ng iba bago tinulungan.
Nagtataka na talaga ako sa nangyayari nung panahong yun kasi imposible talaga na maputol ang ganun kalaking sanga sa isang iglap lang. Isa pa, maliliit lang naman yung mga kasama ko at hindi naman ako ganun ka bigat.
Hindi pinansin nung pinsan kung si Jomar ang nangyari. Muli siyang lumipat sa ibang sanga sabay sabing
"Dito na naman tayo, halina umangkas na kayo! " nakatawang sambit niya
Medyo makulit at pilyo din kasi itong si jomar.
Aangkas na sana sa sanga yung mga kasama ko ng bigla silang natigilan.
Nawawala daw kasi yung tsinelas nung kapatid kong si Jimmy at nagpapatulong siya sa paghahanap.
Pumanaog si Jomar mula sa sanga at
kaming lahat ay nagtulungang hanapin yung nawawalang tsinelas.
Maya maya pa, bigla nalang nagsalita si Jomar na ikinagulat naming lahat.
"Hala! Bakit nandun yun" sambit ni Jomar habang nakatingin sa itaas ng puno.
Tumingala kaming lahat at ganun nalang ang pagkagimbal namin nang makitang nandun yung tsinelas sa pinakamataas na bahagi ng puno. Maayos na nakapatong sa gitna ng sanga na nakapormang letter U.
"Hindi na to maganda" seryosong sambit ni Jomar
Hindi na kami nakapagsalita at mabilis na tumakbo sa lugar na malayo malayo sa puno.
Sa sobrang takot ay naiwan namin si Jimmy na umiiyak habang kinukuha yung tsinelas niya.
Nang makuha na niya ito ay mabilis siyang tumakbo papunta sa amin.
Matapos ang insidenteng yun ay hindi na kami muling naglaro dun sa puno ng mangga.
_______________................_______________
Nung time na nangyari ito ay wala ako dun sa probinsya namin nandito na ako sa syudad sapagkat dito na ako nag'aral nang highschool. Habang kinukwento ito sa akin nung mga pinsan ko ay nakaramdam talaga ako ng takot. Yung punong mangga na sinasabi ni Jennie ay hindi ko rin yun masyadong gusto kasi hindi ako komportableng tinitingan ito. Totoong medyo gloomy talaga yung awra niya kaya nga takot din akong pumunta dun ng mag'isa.
Pero yung kumuha ng tsinelas ni Jimmy, isa kaya yun sa elementong di nakikita ng mga normal na tao? Nung una, Ilang beses ko silang sinabihan na baka umakyat sila sa puno at nakalimutan lang ni jimmy habang naglalaro yung tsinelas niya ngunit iisa lang talaga ang sagot nilang lahat.
Lahat sila ay hindi umakyat sa puno kaya wala talagang dahilan upang mapunta doon ang tsinelas na suot suot ni Jimmy.
Yung pananakot na naranasan nila,
Sino ang may gawa?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top