Salamin! Salamin! 9

Kinabukan, nagsidatingan ang mga pulis . May nakapagreport kasi sa nangyari. Dinala na sa punerarya ang mga labi nina mama, papa, at nung babae na hindi ko kilala. Ako naman , ay dinala nang mga pulis sa presinto para kunan ng pahayag sa nangyari.

Aaminin ko, nagsisisi ako sa ginawa kong pagkakamali. Kung di lang  sana ako naging inggitera sa mga barkada ko di sana mangyayari to. Kung natuto lang sana ako na maghintay , buhay pa sana ang mama at papa   ko.

Pero, kahit anong pagsisisi ko, hindi na mababago ang nangyari. Tatanggapin ko na lang na baka ito talaga ang buhay na itinadhana sa akin. Buhay na binago ng isang pagkakamali.

Kaya sana kayo , wag    nyo sanang subukan ang ritwal na ginawa ko.  Sana Matuto kayong mag hintay sa hinaharap dahil darating din naman yung magiging kabiyak nyo , sa tamang panahon. Wag ninyong pangunahan ang mga mangyayari dahil baka ikasira pa ito ng buhay ninyo kagaya ko.

Sa ngayon, hahayaan ko munang mag hilom ang sakit na na aking nararamdaman. At pag nangyari yun,  Tutuparin ko ang pangako ko sa aking mga magulang na patuloy akong lalaban sa buhay kahit wala na sila. 

Darating din ang  panahon  na lahat ng sugat na aking natamo ay mawawala. Hindi sugat na dulot ng kutsilyo o anumang matalim na bagay kundi sugat na nag ugat lang sa isang simpleng





               SALAMIN !!!









A/n :

Hi guys :)  I miss u very much *^O^*  Sorry kung matagal bago naka UD. Bc kasi ang owtor ninyo eh.

Sana nagustuhan ninyo itong salamin! Salamin!

Pero kung hindi naman , ok lang din. Alam ko naman kasing di ito masyadong kagandahan. Sorry din po sa mga wrong spellings at grammar.

Anyways guys, sa mga hindi pa nakakabasa ng misteryosong baryo, iniimbitahan ko po kayong basahin ito. 

Horror story din po siya at natitiyak kong magugustuhan   ninyo. Kaya sana po ay basahin ninyo.

Godbless guys :) more powers ! :)

- YouWatchThisGirl♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top