Salamin! Salamin! 7
Sa likod ni devina ay may nakakatakot na nilalang. Nagbabaga ang pulang katawan nito, ang sungay at kuko ng nilalang ay sadyang napakahaba. Nanlilisik at tila galit ang kulay berde nitong mata na parang mata ng isang pusa.
"Diyos ko!" Mahinang sambit ko sa sarili.
"Jayne, .. jayne, gising!"
Sambit ni niel.
Napalingon ako sa dereksyon nila ni niel, hinimatay pala si jayne.
Pagtingin ko pabalik kay devina, ganun nalang ang pagkagulat ko nang nasa harapan ko na siya.
Bigla niya akong sinakal. Pilit ko syang itinulak ngunt hindi ko magawa, sobrang lakas niya.
Parang siyang sinaniban ng isang demonyo.
"Umalis ka na!"
Sambit ni devina.
Nakakatakot ang boses nya. Parang boses ng isang demonyo.
Bigla niya akong inihagis sa may pintuan.
"Ahhhh" na pa angal ako sa sakit. Nabali yata yung likod ko.
Unti'unting lumapit sa akin si devina tapos sinakal nya ako.
Konti nalang talaga malalagutan na ako ng hininga.
Bigla kong naalala yung bendita na inilagay ko sa aking bulsa bago ako umalis.
Dahan dahan ko yung kinuha at binuksan pagkatapos, winisikan ko si devina.
"Ahhh.." malakas na sigaw ni devina sabay bitaw sa akin.
Hindi ko siya tinigilan sa pagwisik sa bendita hanggang sa natumba siya.
"Hawakan mo si devina niel , iwan mo muna si jayne dyan" sambit ko.
Agad namang sinunod ni niel ang sinabi ko.
Kinuha ko ang isang rosaryo sa kaliwang bulsa ko at itinapat ko ito sa dibdib ni devina.
"Ahhhhhhhh" malakas na sigaw ni devina.
Mas lalo kong idiniin ang rosaryo sa dibdib niya habang sumasambit ako ng orasyon.
"Ahhhhh" muling sigaw ni devina, tapos bigla siyang hinimatay
Maya maya, biglang may lumabas na itim na usok sa katawan ni devina.
Naging isa itong ipu'ipu pagkatapos ay unti unti itong naging hugis tao.
Ang nilalang na ito ay yung nilalang na nakita ko sa likuran ni devina kanina.
"Diyos ko aling ester," takot na sambit ni niel
"Hindi mo pwedeng kunin sa akin si devina" galit na sambit nung nilalang
"Tumahimik ka, huwag mo na silang guluhin demonyo ka!" Galit na sambit ko.
"Hahahahaha , hindi mo ako mapipigilan!" Galit na sambit ng demonyo sabay lapit sa akin.
Ihinagis nya ako sa may pinto at tumama ang ulo ko sa may doorknob. Umagos ang sariwang dugo mula rito.
"Aling ester !" Malakas na sigaw ni niel.
Lumapit sa akin ang demonyo at sinakal nya ako tapos hinagis niya ako sa may study table.
"Hahahahahahaha" nakakapangilabot na halakhak ng demonyo.
Halos hindi ko na maigalaw ang katawan ko. Namamanhid yung sugat ko sa noo.
"Waggggg!"
Napatingin ako sa sumigaw, si niel pala. PApalapit sa kanya ang demonyo at may hawak itong matalim na bagay.
Sasaksakin niya si niel. Hindi to pwede
Kahit nahihirapan, pinilit kong tumayo. Dinukot ko ang isang basag na piraso ng salamin at nagtungo ako sa kinaroroonan ng demonyo. Uunahan ko siya bago niya sasaksakin si niel.
Akmang sasaksakin ko na ang demonyo ng biglang......
"Ahhhhhh"
Biglang may sumaksak sa tiyan ko.
"Hahahahahaha, akala mo mauunahan mo ako?" Nakangising sambit ng demonyo
Unti unti akong tumumba.
At kahit nanlalabo yung paningin ko, kitang kita ko na pimaulanan ng saksak ng demonyo si niel. Nais ko man siyang tulungan, wala akong magagawa.
Maya maya, tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top