Salamin!Salamin! 5
Isang mahinhin na tapik ang gumising kay devina.
"Devina, gumising kana"
Napabangon si devina, hinanghina ang buo nyang katawan.
"Bakit dyan ka natulog sa sulok?" Nagtatakang tanong ng kanyang ina.
Muling nag flashback sa alaala ni devina ang nangyari kagabi. Ang ritwal , at ang kahindikhindik na nilalang. Biglang naramdaman ni devina ang kilabot at takot na naramdaman nya kagabi.
"Devina? Ba't di ka makasagot?"
Muling tanong ng mama ni devina.
"Ahh.. wa...wala po ma , sige po, maliligo na ako , baka malate pa ako sa school."
Dere'deretsong tumayo si devina at nagpunta sa banyo. Walang imik namang tumayo ang mama nya at lumabas sa kwarto.
Sa isang madilim na bahagi ng sulok, lumabas ang isang nakakatakot na nilalang. Nagbabaga ang kulay pula nitong katawan. At biglang nagkulay dugo ang luntian nitong mata na parang mata ng isang pusa.
"Devina"
Bulong nito pagkatapos ay muling umatras at unti'unti itong nilamon ng kadiliman.
Sa room:
"Okay Class, let's go to the laboratory now."
Dahan dahang naglakad ang lahat ng mga estudyante papunta sa laboratory maliban kay devina.
"Devina" tawag ng guro , ngunit di sumagot si devina.
"Devina?" Di pa rin siya sinagot ng dalaga. Nakatulala lang ito at tila wala ito sa sarili.
Lumapit ang guro kay devina at tinapik niya ito.
"Ma—mam?"
Bahagyang nagulat ang dalaga
"Ok ka lang ba Devina? Parang wala ka kasi sa sarili. Kung gusto mo, umuwi ka muna sa inyo at magpahinga ka!"
Nag aalalang sambit nang guro.
"A...ano, wag nalang po. Ayos lang po ako! Medyo kulang lang ako sa tulog" sagot ni devina
"Oh sige, pero ayos ka lang ba talaga?"
" Oo , mam ayos lang po ako"
"Sige, tumayo ka na dyan at pumunta na tayo sa laboratory"
Dahan dahang tumayo si devina at sabay silang naglakad ng guro nya patungo sa lab.
Sa laboratory:
"Ang instruction ni mam, kailangan daw nating sindihan tong kandila tapos papatakin natin ito sa salamin" paliwanag ni Rose.
"Ako na ang hahawak sa salamin tapos si devina ang hahawak sa kandila." Sambit ni Lyn
"Ayos lang ba sayo devina?" Tanong ni cindy
" Ahh, oo ayos lang" pilit-ngiting sagot ni devina.
Kinuha ni devina ang kandila at sinindihan n'ya ito. Ipinailalim naman ni lyn ang hawak na salamin para mapatakan ito.
Isa...dalawa...tatlo
Nakatatlong patak pa lang ang kandila ng may napansin si devina habang nakatingin siya sa salamin. Parang may kung anong nakapula ang nakatayo sa likuran niya. Tinitigan nyang mabuti ang nilalang , at ganun nalang ang pagkagimbal niya ng mapagmasdan ang hitsura nito. Nakatingin ang nilalang sa kanya habang nakangiti. Nagniningning ang kulay berde nitong mata. Nanginig sa takot ang buo niyang katawan. Ang nilalang na ito ay yung nilalang na nakita nya kagabi.
Isang napakalakas na tili ang pinakawalan ni devina. Nabitawan niya ang kandila at tumakbo siya palabas sa laboratory. Halos madapa siya sa bilis ng kanyang pagtakbo. Lahat ng mga estudyante ay pinagtitingan siya at nag bubulungan sila sa isa't isa. Pero, walang paki alam sa kanila si devina , ang buong katawan niya ay napuno ng takot. Parang mababaliw na siya at di niya alam ang gagawin.
Ang nais ni devina ay ang makalayo sa lugar na yun, at sa demonyong sumusunod sa kanya!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top