Salamin! Salamin! 4

Pagsapit ng hating gabi, pinatay ni devina ang ilaw sa kwarto nya. Kumuha siya ng itim na kandila at sinindihan ito.

Humarap siya sa salamin at nagbuntong hininga bago nag salita

"Salamin!Salamin! Ipakita sa akin ang..." biglang napahinto si devina sa  pagsasalita

"Ano nga ba yun?" Mahinang bulong nya sa sarili

"Ang dali ko talagang makalimot" dagdag niya sabay  patay nung kandila.

Inilagay niya ito sa gilid ng kama tapos tiningnan niya sa bag yung papel na ibinigay nung matanda.

"Nandito ka lang pala" sambit  ni devina.

Sa ikalawang pagkakataon, sinindihan niya ang kandila at muli syang humarap sa salamin.

Binasa niya ng malakas ang nakasulat sa papel.

"Salamin! Salamin!Ipakita sa akin ang lalaking mamahalin at magmamahal sa akin"

Natigilan si devina ng biglang bumukas ang bintana sa kwarto nya. Kinilabutan siya ng biglang umihip ang napakalamig na hangin. Kakaibang kilabot ang idinulot  nung malamig na hangin sa kanya.

Nagulat siya ng biglang nagpatay sindi ang ilaw.

Kahit natatakot , pilit nyang nilakasan ang loob  at nagsalita

"Fu...future husband? Ikaw na ba yan? Wag mo naman akong takutin!"

Biglang tumigil ang pagpatay sindi ng ilaw  at naging tahimik na muli yung paligid.  Tumingin si devina sa salamin.

Ilang minuto siyang naghintay  pero hindi niya nakita ang magiging  kabiyak.

"Hindi naman pala to totoo, niloko lang ako nung manghuhula." 

Nanlulumong sambit ni devina.

Biglang umihip yung malamig na  hangin, dahilan nang pagkamatay nung kandila.

Naging madilim yung paligid. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsilbing tanglaw sa kwarto ni devina.

Nilapag ni devina ang kandila at nagtungo siya sa may bintana. Isasara na sana nya ito ng biglang  may bumulong sa kanya

"Devina" 

Nakakakilabot ang boses nito , mahina at parang tinangay lang nang hangin papunta sa tenga nya.

"Si..sino yan?"  Nanginginig na sambit ni devina.

Walang sumagot sa kanya. Tanging nakakabinging katahimikan lang ang kanyang naririnig.

"Ano ka ba devina, pagod ka lang kaya kung anu ano yang naririnig mo"

Dinampot nya ang kandila,

"Sayang yung effort ko, di pala epektibo ang ritwal na yun"

ilalagay na sana nya ito study table nya nang  aksidenteng nabitawan niya ito . Dahan dahang gumulong ang kandila tungo sa paanan ng malaking salamin.

" Gosh, I'm so careless talaga"

Yumuko siya at  pinulot niya  ang kandila.

Ganun nalang ang pagkasindak ni devina nang napaharap sya  sa salamin.

Nabitawan niya ang hawak na kandila. Hindi niya alam ang gagawin. Gusto niyang sumigaw ngunit walang lumalabas na boses mula sa bibig nya.

Naaaninag niyang mabuti, nasa likod nya ang isang kahindik hindik na nilalang .

Kakulay ng dugo ang katawan nito. Ang mata naman nito ay parang mata ng isang pusa. Mahaba at matulis ang sungay ng nilalang at mayroong pangil.

Nakangiti ito kay devina.

Lumingon siya sa likod ngunit wala  dun ang nilalang. Nang ibinalik niya ang tingin  sa salamin ay nandun parin ito nakangiti sa kanya.

Napatakbo sa isang sulok si devina sumubsub siya doon na parang isang bata.

Napaiyak siya sa sobrang takot.

Unti'unting bumukas ang pintuan. Nakita ni devina na unti unting pumasok ang nakakatakot na nilalang. Dahan dahan itong naglakad tungo sa kinaroroonan  niya.

Di na napigilan ni devina na yumuko at  mapasigaw sa takot na nararamdaman.

Mas lalo pa syang napasigaw ng     may naramdaman siyang may  humawak sa braso niya.

"Devina, anong nangyayari sayo" 

Napatigil si devina sa pagsigaw nang mapagtantong ang ina lang pala niya ang humawak sa kanya.

"Ikaw ba yan mama ?" Nakayukong sambit ni devina.

"Oo, ako to anak" sagot nung boses

Unti unting tumingala si devina sa kausap, ngunit nanlaki ang mata niya sa nakita. Hindi ang mama niya ang humawak at kumausap sa kanya ,

ang nakakatakot na nilalang pala.

Sisigaw sana si devina ngunit tinakpan ng nilalang na yun ang bibig nya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top