Salamin! Salamin! 3

Kinabukasan, maagang gumising si devina. Naligo, kumain at nagbihis tapos magsiglang nagtungo sa school.

Nahiwagaan sa kanya yung mga kabarkada nya, kahapon kasi para itong namatayan subalit ngayon ay para namang nanalo sa lotto.

Di nalang nila ito pinansin baka badmood lang yun kahapon

Pagkatapos ng kanilang klase, nagpaalam si devina sa kanyang mga kabarkada. Di nalang daw sya sasabay sa kanila sapagkat may importante syang pupuntahan. 

Tiningnan ni devina ang address na naka save sa kanyang cellphone. Napangiti siya tapos nagsimula na siyang lumakad.

××××××××××°°°××××××××××××

Pagdating ni devina sa kanyang pinuntahan, agad siyang sinalubong ng isang matandang babae.

"Ako po si—" di natuloy ni devina ang nais nyang sabihin nang biglang nagsalita yung matanda.

"Alam ko hija, ikaw si devina."

Nagulat si devina.

"Paano nyo po nalaman"

tanong nya.

"Manghuhula ako hija kaya ko yun nalaman"  simpleng sagot nung matanda .

"Ayy, oo nga pala no" bahagyang napangiti si devina sabay     kamot sa ulo nya.

"Halika hija tumuloy ka , dun na tayo mag usap sa loob" 

Nang makapasok na sila sa loob , agad sinabi ni devina sa matanda ang kanyang problema masugid namang nakinig ang matanda.

"Gusto mo bang bigyan kita ng gayuma hija para mapaibig mo ang iyong sinisinta na nanliligaw ngayon sa kaibigan mo? "  Tanong ng matanda pagkatapos sabihin ni devina ang lahat.

"Ang sarap siguro sa pakiramdam pag inibig niya din ako ." Nakangiting sambit ni devina ngunit ang ngiting yun ay sandali lang. Agad itong napalitan ng kalungkutan.

" Pero ayaw ko pong gumamit ng gayuma, ayaw ko pong magkasala sa diyos. Ayaw kong magustuhan niya ako nang dahil lang dun. At lalong ayaw kong masaktan ang aking kaibigan. Mahal na mahal ko siya. Mas mabuting ako nalang ang masaktan kaysa siya."  Dagdag ni devina sabay yuko.

Nakaramdam ng awa ang manghuhula sa kanya. Nilapitan siya nito tapos dahan dahang  umupo sa tabi nya.

"Isa kang mabuting bata hija, naaawa ako sayo. Wag kang mag alala , tutulungan kita."

Napatingin si devina sa matanda.

"Talaga po pero paano?"

"Tutulungan kitang makita ang kabiyak mo sa hinaharap, para naman di kana magiging malungkot."

"Pe..pero paano?" Nagtatakang tanong ni devina.

Sinabi ng matanda sa kanya  ang mga dapat gawin tapos binigyan siya nito ng isang kapirasong papel. Sabi ng  matanda, bigkasin niya raw ito sa harap ng salamin.

Pagkatapos nun ay nagpaalam na si devina sa matanda. Pinasamatan niya ito bago umalis.

Nang malayo layo na si devina,  di nya napansin na nag iba ang anyo ng matanda. Ang dati'y mala anghel nitong mukha  ay nag iba. Nangitim ang paligid ng mata nung matanda. Pati ang labi nito, naging itim din. Ang mga mata nito ay naging kakulay ng dugo.

Napangiti ang matanda,  pagkatapos ay humalakhak ito na parang isang demonyo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top