Salamin! Salamin!
Salamin! Salamin!
[Trailer]
"Salamin! Salamin! Ipakita saakin ang lalaking iibigin at magmamahal sa akin!"
×××××ו••×××××××
Nacucurios ka ba sa mukha ng magiging kabiyak mo sa hinaharap? May alam akong paraan. Gusto mo bang subukan?
Mamayang hating gabi, sa harap ng isang malaking salamin, magsindi ka ng itim na kandila
at banggitin mo ang mga sumusunod na salita
"Salamin ! Salamin! Ipakita sa akin ang lalaking iibigin at magmamahal sa akin"
Banggitin mo sana ito ng wasto at tama dahil kung hindi,
Mukha ng isang DEMONYO
Ang iyong makikita.
×××××××°°°××××××
Ako nga pala si Devina. Isang simple, palangiti at masayahing babae. Nag aaral ako sa isang pampublikong paaaralan. Paborito ako ng aking mga kaklase dahil nga raw
palangiti ako. Kahit may problema, hindi ko iyon iniintindi. Tinatawanan ko lang yun.
Pero, may isa akong problema na kailan man hindi ko nagawang tawanan.
Simula 1st year hanggang sa nag 4th year high school ako, wala pang nagkakagusto at nanliligaw sa akin.
Naiingit ako sa aking mga barkada dahil maraming nagkakagusto sa kanila. Halos araw araw ay may nagpapadala sa kanila ng tsokolate at rosas.
Gusto ko ring maranasan ang mga iyon. Gusto ko nang makita ang magiging kabiyak ko sa hinaharap kaya isang araw, naisipan kung kumunsulta sa isang manghuhula.
May sinabi siya sa akin na pwede kong gawin para makita ko ang aking future husband. Sobrang saya ko nun. Akala ko hindi na ako magiging malungkot. Pero, akala ko lang pala. May nangyaring di ko inaasahan habang ginagawa ko ang ritwal. Isang pangyayari na kahit sa panaginip ay pilit akong sinusundan. Pangyayaring kailanman ay di ko ninais na balikan kahit sa alaala man lang.
A/N
Hi guys , finally im back xD . Pasensya na po kung matagal ang UD. Alams nyo na, medyo bc si otor sa skul xD.
Sana po ay patuloy nyo pong suportahan ang storyang ito gaya nang pagsuporta nyo sa Misteryosong Baryo
I love you guys ^_^
GodBless
- YouWatchThisGirl
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top