Salamin! Salamin! 2

Cast of Characters:

Devina - masayahin at palangiting babae

Rose - isa sa mga barkada ni devina. Black beauty pero matanos ang ilong at matangkad

Lyn - isa sa mga barkada ni devina. Maputi at palaging may suot na salamin gayunpaman, hindi nito nagawang  itago ang kakaibang ganda ni lyn.

Cindy - isa sa mga barkada ni devina. May kaputian siya at medyo kulot ang kanyang buhok. Hindi man sya kasing ganda nina lyn at rose, napakatalino naman nya . Palagi syang nangunguna sa klase.

Manang Rocel -  manghuhula na kinunsulta ni Devina

Aling Jayne - mama ni devina

Mang niel -  papa ni devina

××××××××××××♡♡♡×××××××××××

"Ayeeee, kanino galing yang flowers  at chocolate rose? Kay Terence no? Sagutin mo na kasi"  Nakangiting panunukso ni lyn sa kaibigan.

"Tumahimik ka nga Lyn. Nakakahiya! " Namumulang sabi ni Rose

"Kunwari kapa rose,  di ba crush mo naman si te—" di naituloy ni cindy ang kanyang sinasabi dahil dali daling tinakpan ni rose ang bibig nya.

"Ikaw cindy ha, akala mo di ko alam na may crush sayo yung crush mo na si Ryle"

Tumawa ng malakas si Lyn.

"At ikaw Lyn , baka gusto mong sabihin ko kay Daniel na may crush ka sa kanya" 

Sabay na sinapak nina lyn at cindy si rose.

"Aray nako, sabay talaga?"

Reklamo ni rose

Nagpatuloy lang sa pag aasaran ang tatlo hanggang sa napansin nila ang pagiging tahimik ni devina.

"Oh, devina , anong problema mo? Bakit tahimik ka yata?"  Nag aalalang tanong ni cindy

"Wala." Tipid na sagot nito

"Ahh sige. Mauna na ako may gagawin pa kasi ako sa amin" dagdag ni devina  sabay alis.

Pagdating ni devina sa kanilang bahay, agad siyang dumeretso sa kwarto niya. Inilapag niya ang kanyang bag at humarap sa salamin habang umiiyak.

"Pangit ba ako? Hindi ba ako maganda?  Bakit si Rose ang niligawan ni terence? Matagal na akong nagpapapansin sa kanya ngunit dinededma lang nya ako. Yung crush ko na si ryle ay may gusto kay cindy. At pakiramdam ko ay ganun din yung crush ko na si daniel kay lyn. Wala na ba talaga akong karapatan magmahal? Lahat nalang kasi ng mga nagugustuhan ko ay sa mga kabarkada ko nanliligaw"

Mayamaya may narinig si devinang  kumatok .

Pinunasan nya ang kanyang luha at inayos ang sarili pagkatapos ay nagtungo siya sa pinto at dali dali itong binuksan.

"Oh ma, ikaw pala" 

" Bumaba kana kakain na tayo"  mahinhin na sabi ng mama niya.

"Sige po. Magbibihis muna ako"

"Bilisan mo" sabi ng mama nya sabay alis

Pagkatapos nilang kumain, agad na pumanhik sa silid nya si devina. Kinuha ang kanyang laptop at inopen ang kanyang facebook account.

Like lang sya ng like. Share ng share at post ng  post hanggang sa nagsawa na sya.

I lo'log out na sana nya ang kanyang facebook ng may nakita siyang website .

"Loveless ka ba? O kaya ay gusto mong makita ang taong sayo nakatadhana? Visit Manang rochelle now. Siya ang magiging kasagutan sa mga problema mo" Basa ni devina sa nakasulat.

Biglang nagkaroon ng interes si devina sa website.

Binisita nya ang website na ito tapos kinuha niya ang address ni manang rochelle 

May balak siyang gawin bukas .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top