Bagong Bahay 6
Natigilan yung babae at napalingon siya sa direksyon ni almae.
"A..Almae? " gulat na sambit nung babae.
Biglang umaliwalas ang mukha nung babae tapos Binitiwan nya ako.
Dali dali syang pumunta kay almae At niyakap nya ito
"Ate.."
Nagulat ako nung tinawag syang ate ni Almae.
Ibig sabihin magkapatid sila.
"Mahal kong kapatid, salamat at nandito ka!"
Umiiyak na sambit nung babae.
"Ate, nakikiusap ako! Itigil mo na to! Hindi sya si charlie. Matagal nang patay si Charlie! Ate please, manahimik kana! "
Mangiyakngiyak na sambit ni Almae.
Biglang bumalik sa dati ang hitsura nung babae tapos matalim nya akong tinitigan.
Ngumiti sya ng nakakakilabot tapos tinusok nya ang likod ni Almae gamit ang matatalim nyang kuko .
Napaawang ako sa aking nakita. Akala ko ba mAgkapatid sila? Pero bakit sinaktan nung babae si ALmae
"A..ate" dahan dahang napa upo si Almae.
"Hahahahahaha pasensya na aking kapatid pero hindi ako matatahimik hanggat di ko nadadala sa impyerno si charlie pati ang kabet nya! Alam kong makikialam ka kaya mabuti pang tumahimik ka nalang kong ayaw mong Pati ikaw ay isama ko sa impyerno."
Ang takot na aking nararamdaman ay biglang napalitan ng galit.
Napakasakim nya. Kahit sarili nyang kapatid ay kaya nyang saktan . Dapat syang bumalik sa impyernong kanyang pinanggalingan .
Bigla kong naalala ang rosaryohang nakatago sa aking bulsa. Palagi ko itong dala dala saan man mag punta. Benditado ito at natitiyak kong takot dito ang anumang masamang elemento
Dahan dahan ko itong dinukot tapos pumunta ako sa direksyon nung babae .
"Tatanggapin ko ang kaparusahang iyong ibibigay sa akin." Mahinahong sambit ko.
"Hahahaha mabuti kong ganun. Hindi na ako mahihirapan sa pagpatay sayo"
Malakas na sambit nya
"Maghintay ka rito at kukunin ko ang aking kutsilyo. Yun ang ginamit mong pangsaksak sa akin kaya yun rin ang gagamitin ko sayo." dagdag nya sabay talikod
Ito na ang pagkakatanong hinihintay ko.
Isusuot ko na sana yung rosaryohan sa leeg nya pero agad siyang nakailag at naitapon nya ako.
Naputol yung rosaryohan.
Tiningnan nya ako ng masama. Tapos pasigaw siyang nag salita
"Akala mo maiisahan mo ako? Pwes nagkakamali ka!"
Sinugod nya ako at pinag kakalmot nya ang buo kong katawan.
"Ahhhhhhhh" napasigaw ako sa sakit.
"PAPATAYIN KITA" malakas na sigaw nung babae.
Humaba ang kuko nung babae .
Isasaksak na sana nya ito sa akin ng biglang ........
"AHHHHHHHHHH"
Isang malakas na sigaw ang kumawala mula sa bibig nya.
Napa atras ako ng biglang nagliyab yung buo nyang katawan .
"Pasensya na ate pero dapat sayo'y bumalik na sa empyerno!"
Malakas na sambit ni almae habang patuloy na binububusan ng holy water ang katawan nung babae.
Maya maya naging abo ang katawan nung babae at unti unti itong naglaho.
Nagkatinginan kami ni almae tapos nginitian namin ang isa't isa. Tapos na ang lagim. Wala nang mang gugulo sa amin. Bumalik na yung babae sa pinanggalingan nya.
"Anong nangyari?" Napalingon kami sa nag salita.
Si Aira lang pala, ang asawa ko.
"My god hon what happened to you? Bakit may sugat ka? "
Nagmadaling lumapit sa akin si aira.
"OK lang ako hon! Magpapaliwanag ako later.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top