Bagong bahay 5

Maya maya,  bigla nalang may lumabas na lalake mula sa pintuan, NAkasunod sa kanya ang isang umiiyak na babae.

Hindi ako maaaring magkamali, ang babaeng yun ang sumakal sa akin! Sya rin yung babaeng nakita ko sa aking panaginip. Nasindak ako ng makita ko ang kabuuang mukha ng lalake!

Paano nangyari yun? kamukhang kamukha ko ang lalake!

"Sino sya? Bakit kami magka mukha?" Naguguluhang tanong ko sa sarili

"Charlie, wag mo akong  iwan please maawa ka!"

Umiiyak na sambit nung babae.

Hindi umimik at nagpatuloy lang sa paglalakad ang lalake.

"Charlieeeeeee"  nakaka binging sigaw ng babae.

Hindi pa rin tumigil ang lalake sa paglalakad. Tila desidido na itong iwanan ang babae.

Biglang nag iba ang paligid, Kung kanina nasa labas lang ako ng bahay, ngayon nasa terrace  na.

"Ano ba kasing gusto mo? Bakit ayaw mo akong lubayan" sigaw nung lalaki na kamukha ko.

" Mahal na mahal kasi kita Charlie!   Kahit kailan, hinding hindi kita lalayuan. Ano ba kasing nakita mo sa babaeng yun?  Mas maganda ba siya mas mayaman kaysa sa akin?" Umiiyak na sambit nung babae..

"Please Angel! Hayaan mo nalang kami ni Jenny!"

Naiiyak na sambit nung lalake...

"Hindi. Hindi ko kayo hahayaan! Kung sasama ka sa kanya , idedemanda  kita!"  Desperadang sambit nung babae habang tinutuyo yung luha nya.

"Ganun ka na ba ka desperada?" Mahinang sambit nung lalake.

"Oo"  malakas na sigaw  nung babae.

"Pwes, hindi ko hahayaang  sirain mo kami ni jenny" nakakakilabot na sambit nung lalake.

Biglang kinuha nung lalaki  ang kutsilyo na nakapatong sa isang aparador.

Nanlaki ang mata nung babae

"Cha..charlie? A..anong gagawin mo?"

Isang nakakakilabot na ngiti ang sumilay sa labi nung lalaki .

"Pinilit mo ako angel."

Tatakbo na  sana yung babae pero nahawakan nung lalake ang  buhok nito.. Hinila niya ito tapos marahas nyang tinakpan   ang bibig nung babae at  pinaulanan nya ito nang saksak...

Tumalsik ang dugo ng babae  sa sahig,  pati na rin sa akin.

Nanlambot ako sa nakita.

Di ko na matatagalan ang eksang ito.

"Tama nahhhh" 

Sigaw ko

Bigla nalang  dumilim ang aking paningin.

At pagmulat ko, nasa harap ko na uli yong babae .

"Ano ? Naaalala mo na ba? Hah Charlie? "   nakakakilabot yung ngiti nung babae.

Nahirapan akong huminga dahil sa  higpit ng pag kakasakal nung babae. PakirAmdam ko malapit nang maputol ang aking hininga.

"Patay ka ngayon charlie! Isasama kita sa impyerno!"

Nanlaki ang mata ko ng bigla syang  humugot ng patalim mula sa kanyang likod.

Ngumiti sya at dahan dahan nya itong itinaas.

Ako naman , ay nanginginig na sa takot.  Ito na ba talaga ang katapusan ko? Sana panaginip lang to! Ayaw ko pang mamatay. Nais ko pang mabuhay at magkaroon ng masayang pamilya.

Isa....

Dalawa....

Tatlo.......

Itatarak na sana nung babae ang kutsilyo sa dib dib ko ng bigla nalang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si   Almae

"Huwag!"   Malakas nyang sigaw.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top