Bagong Bahay 4

Bubuksan ko na sana ang pintuan ngunit bigla akong natigilan.

Di ko mawari kung bakit pero  bigla nalang  akong nakaramdam ng matinding  kaba.

Parang sasabog na yung dibdib ko

Binalewala ko nalang ang aking nararamdaman.

Dali dali akong  pumasok sa loob ng  bahay  !  Tingnan ko sa sala si aira ngunit wala sya dun pumunta ako sa kusina ngunit wala din sya dun! 

Aakyat na sana ako sa second floor ng biglang may nagsalita sa aking  likuran !

"Dumating kana pala"

Paglingon ko, bumungad sa aking harapan ang aking asawa!

Medyo nagtataka ako kasi napakaputla nya at nangingitim ang kanyang mata.

"Ho-hon?"

Agad akong lumapit sa kanya at niyakap ko sya ng kay higpit

"Anong nangyari kaanina?  Sinong gustong pumatay sayo? Nasan sya? "

Nag aalalang tanong ko .

Nagtaka ako  kasi parang ang lamig lamig nya yata .

"Ok lang ako."

Tipid nyang sagot

Kumalas ako sa pagkakayap ko sa kanya!

"Anong ok? Eh humihingi ka pa nga ng tulong sa akin eh! " naguguluhang sambit ko.

"Ipagtitimpla kita ng juice!"

Walang emosyong sambit nya at dere deretsong pumunta sa kusina.

Naguguluhan ako sa inaasta ng aking asawa.

"Parang may mali yata"

Mahinang bulong ko sa aking sarili.

Mula sa kusina, Dinig na dinig ko ang   paghahalo ng aking asawa sa juice.

"Handa na ang juice mo"  dinig kong tawag nya

Pupunta na sana ako sa kusina nang biglang nag ring yung cp ko.

"Hello"   sagot ko.

"Hello hon,  Nakauwi ka na ba?

Pasensya ka na hah medyo matatagalan pa ako bago makauwi . Nandito  kasi ako ngayon sa bahay nina mama"

Ano? Natigilan ako sa  narinig!

Imposible! Di to maaari!

Tiningnan ko ang  caller

Honey ♥♥

Di ako makapagsalita!

"Hello hon? Ok ka lang ba?"

Nabitawan ko yung cp ..

Pinagpawisan ako at nakaramdam ako ng matinding takot. Hanggang ngayon , naririnig ko pa rin na may naghahalo ng juice.

Kung ang asawa ko nga yung tumawag, Eh sino yung nasa kusina?

"Ang tagal mo naman"

Halos mamatay na ako sa takot ng  may narinig akong nagsalita sa aking likuran.

Kahit kinakabahan, dahan dahan akong lumingon.

At nagulat nalang ako nang wala naman palang tao sa aking likuran.

Tiningnan ko yung kusina ngunit wala ring tao. Ang tanging nandun ay ang isang        basong juice na nakapatong sa mesa.

Biglang nagpatay sindi ang ilaw.

Nagsitayuan ang balahibo ko sa batok.  Nakaramdam ako ng kakaibang lamig. Feeling ko, hindi ako nag iisa.

'Hindi ko kayo hahayaang maging maging masaya samantalang   ako ay nagdurusa"

Boses ng isang babae na nanggagaling sa bawat sulok.

"Si..sino ka? Anong kailangan mo?" Pilit akong nagtapangtapangan kahit deep inside takot na takot  na ako.

"Hahahahahaha"

Isang nakakapangilabot na halakhak ang narinig ko mula sa babae.

"Hindi mo ako natatandaan? Pwes ipapaalala ko sayo ang    ating nakaraan!"  Galit na sambit nang babae !

Tumigil ang pag patay sindi ng ilaw.

"Hahahahaha"

Dinig kong may humalakhak sa aking likuran.

Dahan dahan akong lumingon at,

muntik na akong himatayin sa nakita.

Isang babae na nakusuot ng puting bestida na may bahid ng dugo! Napakaputla ng babae at nangingitim ang paligid ng mata nya. Pati ang kanyang mga mata , kulay itim din.   Ang mas nakakatakot, hindi sya nakasayad sa sahig.

Binigyan nya ako ng isang nakakakilabot na ngiti.

Napa atras ako ng unti unti syang lumapit sa akin.

NAgpatuloy lang ako sa pag atras hanggang sa dumikit na yung likod ko sa pader .

"La-layuan mo ako!" Utal utal kong sabi.

"Hahahaha"

Humalakhak lang siya at bigla nya akong sinakal.

Pilit kong inalis ang kamay nya pero di ako nagtagumpay. Nahihirapan na akong huminga!

"Ngayon, alalahanin mo ang ating nakaraan" Galit na sambit ng babae

Bigla nalang akong nilamon ng nakakasilaw na liwanag , napapikit ako saglit at sa aking pagmulat, nasa harap na ako ng isang bahay.

Nagulat nga    ako kasi  kahawig yun ng bagong bahay namin ni aira.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top