Bagong Bahay 3
"Ahhhhhhhhh"
Napabangon ako sa kama.
Pawis na pawis at hinihingal.
Napakasama ng aking panaginip ! Siguro bunga lang yun ng sobrang kapaguran !
Bigla nalang bumukas ang pintuan at iniluwa nun ang aking asawa.
"Bakit ka sumisigaw? Anong nangyari?" Bakas sa mukha nya ang pag aalala.
Nginitian ko sya!
" Wala , may masama lang akong napanaginipan!"
Lumapit sya sa akin at hinalikan nya ako sa noo.
"Ganun ba? Ang mabuti Maghanda kana hon baka malate ka sa trabaho!"
Nakangiting sabi nya sa akin..
"Sige , maliligo na ako!"
Nagmadali akong tumayo at nag punta sa cr para maligo!
Pagkatapos maligo , magbihis at kumain,
Nagpaalam na ako kay aira..
"Alis na ako hon " sabi ko sabay halik sa kanya.
"Mag' ingat ka hah! Wag mag papagabi masyado "
Bilin nya sa akin.
"Opo nay!"
Binatukan nya ako tapos tumawa sya !
"Loko ka talaga ! Sige na , baka malate ka pa!"
Nagmadali akong lumabas sa bahay. Sasakay na sana ako sa kotse ng bigla akong natigilan!
may narinig akong boses ng isang babae...
"Isasama ko kayo sa impyerno!"
Kinilabutan ako sa narinig.
Ni lingon lingon ko ang paligid pero wala naman akong nakitang tao..
"Imahinasyon ko lang siguro yun!" Mahinang bulong ko sa sarili.
Ipinagwalang bahala ko nalang ang narinig!
Nagmadali akong sumakay sa kotse at mabilis na nag drive papunta sa aking destinasyon.
××××××××∞∞∞×××××××××××
Sa opisina
"Bailon, mag o'overtime ka ba ngayon?" Tanong nang ka trabaho ko na si Ryle.
"Ahhh, oo pare ikaw?"
"Naku, hindi ehh."
"Ahh ganun bah?"
"Oo, Ahhm sige mauna na ako hah?"
"Hmmm ok!"
Nagmadaling umalis Ryle.
Ako naman ay naiwang mag isa!
Nag patuloy lang ako sa aking ginagawa! Sana'y naman akong mag isa . Hindi ako natatakot..
Mga bandang 9 pm na yun nang biglang tumunog ang cp ko. Tiningnan ko ang caller.
Honey ♥♥
Si aira pala ang tumatawag.
Ano kayang sadya nya?
"Hello hon"
Wala akong narinig sa kabilang linya!
"Hon?"
Wala paring sumasagot.
Maya maya biglang naputol ang tawag.
"Hay nako, Ano kayang problema nun?"
Itutuloy ko na sana ang aking ginagawa nang biglang nag ring ulit yung cp ko.
Si aira parin yung tumatawag !
sinagot ko yun ngunit gaya kanina, wala akong naririnig.
Naulit yun nang 2 pang beses.
Nang muli syang tumawag ay nainis na talaga ako!
Padabog kong sinagot ang tawag nya!
"Ano ba ? Kanina ka pa tumatawag pero di ka naman nagsasalita. Ano ba talagang sadya mo't marami pa akong —"
Natigilan ako ng may narinig akong umiiyak!
"Ho- hon? I-ikaw ba yan? Ba-bakit ka umiiyak?
So-sorry na ! Di ko sinasadya marami lang talaga akong ginagawa ! Sorry na please.."
Na'guilty ako sa aking ginawa! Di ko naman talaga sya gustong sigawan kaso nakaka abala sya sa ginagawa ko!
May narinig akong kumalabog sa kabilang linya at may tunog din nang mga platong nababasag!
"Hon? Ok kalang ba dyan?"
Nag aalalang tanong ko .
"Ho-hon tu-tulungan mo ako !"
Utal utal na sagot ni aira..
NApatayo ako sa aking kina uupuan!
"Bakit? Anong nangyari?"
"Nan-nandito siya! Papatayin nya ako!"
Bigla akong may narinig na nakakapanindig balahibong halakhak.
Kasabay nun ang malakas na pagsigaw ni aira ..
"Hon, papunta na ako wag—"
*toot* *toot*
Biglang naputol ang kabilang linya!
Dali dali kong niligpit ang aking gamit at nagmadaling umalis ...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top