Alleysa


Alas 6 palang ng umaga, gising na si Drey. Maaga siyang papasok sa kanilang opisa ngayon. Napag utusan kasi siya ng kanyang boss na tapusin ang kanilang proyekto sa lalong madaling panahon. Kahit inaantok pa ay pilit na iminulat ng lalaki ang kanyang mga mata, ayaw niyang mapagalitan siya ng kanyang amo , kahit papano kasi ay malaki ang tiwala nito sa kanya. 
Dahan dahang bumangon si Drey , pagtingin niya sa kanyang tabi , wala na dun ang kanyang pinakamamahal na asawa.  Napangiti nalang siya ng ma amoy niya ang malinamnam na langhap  ng kaldereta mula sa kusina. Batid niyang ipinaghahanda siya nito ng agahan.  Nagmadali si Drey at dumeretso na sa banyo para maligo.
Pagkatapos maligo ay agad siyang nagbihis at  dumiretso na sa kusina, naabutan niya ang kanyang asawa na naghahain nang pagkain sa mesa.

" Magandang Umaga mahal ko" bati ni alleysa sa kanya
" Kumain kana habang maiinit pa yung kaldereta na niluto ko para sayo"  dagdag nito sabay lapit sa kanya

Isang matamis na halik sa noo ang ginawad ni Drey sa asawa. Hindi niya talaga pinagsisihang pinakasalan niya ang babae.  Sobrang ganda na nga nito  may ginintuang puso pa  , palagi itong tumutulong sa nangangailangan. Likas na masipag din ang babae. Sa 5 taon nilang pagsasama, kailanman hindi sila nagkaroon nang malaking away. May mga tampuhan din minsan ngunit madali nila itong naaayos.

"Ang swerte ko talaga sayo mahal"  nakangiting sambit ni Drey

" Ako din naman mahal ang swerte ko rin sayo,  sa dinami dami ba naman ng magagandang babae dyan ako parin pinili mo " malambing na sambit ni Alleysa sabay yakap sa asawa

" Ikaw kaya pinakamaganda mahal"  sambit ni Drey

" Sus! Mambobola ka talaga mahal"  nakangising sambit ni alleysa sabay hatak kay drey sa hapagkainan

"Kumain na nga lang tayo "  dagdag ni Alleysa

       •••••••••••••••'''••••••••••••••

Isang mahabang araw na naman ito para kay Drey,  sinubsub niya ang sarili sa pagtratrabaho , nais niyang matapos kaagad ang ipinapagawa sa kanya ng amo niya. Nakalimutan na nga niyang kumain ng tanghalain. Mga bandang alas 7 ng gabi na yun nang mapagdesisyunan niyang umuwi nalang  ,  sumasakit na kasi  yung mata niya kaka'tingin sa laptop.  Bukas na niya tatapusin ang kanyang gawain.

Habang naglalakad ,   may naririnig si drey  na  mga malalakas na  kalabog mula sa loob ng kanilang bahay ni alleysa ,  parang may nag aaway yata.
Nanggagaling ang kalabog sa ikalawang palapag.  Napatakbo si Drey papasok sa bahay, nag aalala siya baka may nangyaring masama sa asawa.   Nagtataka si drey bakit nakapatay ang ilaw sa kanilang bahay. Sobrang dilim sa loob. Kinapa niya ang light switch at agad ini'on ang ilaw.  Dinig niya parin ang kalabog mula sa itaas.
Dahan dahang umakyat sa hagdanan si drey, may nararamdaman siyang kakaiba. Pinagpawisan siya ng malamig sa hindi maipaliwanag na kadhilanan.

"Alleysa..."  malakas na tawag niya sa asawa ngunit walang sumasagot.

"Mahal ? Nasan ka ?"  Muling tawag ni drey ngunit wala paring sumasagot sa kanya. 

Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan ng biglang tumigil ang kalabog. Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kaba, di niya maintindihan pero parang may mali.

"Drey ,  mahal ...."
Isang malamig na boses ang tumawag sa kanya. Natitiyak niyang  sa asawa niya ang boses na yun. Nanggagaling ito sa kanilang kwarto.
Kahit kinakabahan , nagpatuloy si Drey.  Ilang hakbang palang ang nagagawa niya , bigla nalang nagpatay sindi ang ilaw sa ibaba.
Umihip ang napakalamig na hangin, kasabay nito ang  pagsayaw sayaw ng mga puting kurtina sa kanilang mga bintana.  Mas lalong  tumindi ang nararamdamang kaba ni drey.

" Hindi to tama..."
Natatakot na sambit ni drey,  napaatras siya at tatakbo na sana pababa nang bigla siyang nakarinig ng iyak.

" M..ma..mahal tu..tulong " 

Napatingin si drey sa kwarto nila ,  kay alleysa ang boses na yun.
Mas lalong lumakas ang pag iyak na naririnig ni Drey. Kahit natatakot , nagmadali siyang umakyat.  Baka may nangyaring masama sa asawa, hindi niya kakayanin yun.

Pagkapasok ni Drey sa kwarto , biglang umihip ang malamig na hangin sa kanyang batok.
Hinanap niya ang asawa ngunit di niya ito matagpuan, tanging iyak lang nito ang kanyang naririnig.

" Mahal , nasan ka? Nandito na ako"  tawag ni drey sa asawa ngunit wala paring sumasagot sa kanya.

Mayamaya pa ang mga pag iyak ay napalitan ng nakakapanindig balahibong halakhak.  Bumilis ang tibok ng puso ni drey at pinagpawisan siya.  Ang halakhak ay nanggagaling sa bawat sulok ng kanilang kwarto.

Ang tanging nagpapaliwanag  sa kwarto ay ang malamyos na liwanag mula sa buwan na pumapasok sa bintana.  Mas lalo nitong pinatindi ang takot na nararamdaman ni drey.

Naririnig niya parin ang halakhak. Di niya na talaga kaya, natatakot na siya. Lumabas siya sa kwarto , tatakbo na sana siya pababa ng bigla nalang siyang salubungin ng isang nakaputing babae.  Nanlaki ang mata ni drey.  Nakakatakot ang hitsura nito!  Maputla ang babae, at maitim ang mga mata nito. Malaki ang bibig nang babae na umabot hanggang tenga.  Ngumiti ito ng nakakakilabot! Kumikinang ang duguan  at matutulis nitong ngipin.
Hindi makagalaw si drey , para siyang naparalisa. Hindi na niya kaya ang takot na nararamdaman.
Dahan dahang naglakad ang babae patungo sa kanya.
Pagkatapos ng ilang sandali , nagulat si drey ng bigla nalang itong lumipad patungo sa kanya at hinawakan siya ng mahigpit   sa leeg. Hindi siya makahinga! Mas lalo siyang kinilabutan sa nakakatakot na ngiti ng babae.

" T...tu...tulong"    hindi na talaga siya halos makahinga

Tanging ang  malakas na halakhak lang nang  babae ang kanyang naririg!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top