Alleysa 4

Mga bandang alas 3 ng umaga  , nang biglang nagising si Drey sa di maipaliwanag na dahilan.
Napagtanto niyang wala sa kanyang tabi si alleysa.
Nagtataka siya kung saan ito nagpunta sa ganitong oras.   Nakaramdam siya ng uhaw kaya napagdesisyunan niya na bababa nalang siya sa kusina para maka inom at  hahanapin na rin niya si alleysa. Naninibago na talaga siya sa kinikilos ng asawa nitong nakaraang araw. 

Habang kinakapa ang light switch sa kanilang table lamp, nasagi ni drey ang jewelry box ng asawa.  Natapon ang lahat ng laman nito. Agad  namang bumangon si drey at isa isang pinulot ang mga alahas. 

May napansin siyang maliit na piraso nang papel ,  natitiyak niyang galing ito sa loob ng jewelry box.  Isinilid niya ang papel sa bulsa at nagpatuloy sa  ginagawa. 

Napansin niya ang isang singsing na gumulong sa gilid ng kama,  lumuhod siya para pulutin ito ngunit laking gulat niya ng biglang may mga kamay na lumabas mula sa ilalim ng kama. Matutulis ang mahaba at itim nitong kuko. Duguan ito at nababalot ng sugat! Halos himatayin sa takot si drey nang hilahin siya nito papuntang ilalim nang kama. Pilit itong nilalabanan ni drey, pilit niyang binabawi ang kanyang kamay.   Wala siyang magawa kundi ang sumigaw nalang sa takot, sobrang lakas nito! Kinikilabutan siya sa kamay!  Napakalamig nito at nangangamoy bulok na laman!

" Ahhhhh........"  

Napabangon bigla si drey  sa kama. Pinagpapawisan siya ng malagkit. Hinihingal siya habang nakahawak sa kanang dibdib. Panaginip lang pala ang lahat!  Akala niya totoo na.  Napatingin siya sa kanyang tabi ngunit gaya ng dati wala na naman si alleysa.

Bumangon siya at  parang wala sa sarili na naligo at nagbihis. Di mawaglit sa kanyang isipan ang nangyari sa kanyang panaginip.  Bumaba siya at dumeretso sa kusina, gaya na naman ng dati, wala dun ang kanyang asawa, tanging mga pagkaing nakahain para sa kanya lang ang nandoon.

                **************^^^^^**************

Natapos ang araw na yun na parang wala sa sariling pag iisip si drey, nakatunganga lang siya palagi at lutang ang diwa.

" Okey ka lang ba drey?" nagtatakang tanong sa kanya ni jayro nang pa uwi na sila

" Okay lang ako pre"
sagot ni Drey

" Okay ? Eh kanina kapa wala sa sarili pre. Lutang na lutang ka. Ano ba problema?"   sambit ni jayro

Napahinto si drey sa paglalakad at napatingin sa itaas.  Makulimlim ang kalangitan ngayong gabi , walang buwan at bituin na makikita sa ibabaw. 

" Nakakapanibago lang kasi pre eh, " Mahinang sambit ni drey  habang malalim na nag iisip

" Ang alin?"  tanong ni jayro na puno ng kyuryusidad

" Ilang beses na akong nananaginip ng masama pre ,  tapos sumabay pa itong si alleysa "

" Ano yung tungkol kay alleysa ?"

" Parang may kakaiba sa kanya nitong mga nakaraang araw, ibang iba yung kinikilos nya. Para siyang nanlalamig na ewan ,  tuwing gabi di na niya ako hinihintay tulad ng dati, tuwing umaga naman, nawawala siya. "  mahabang paliwanag ni drey

Namagitan ang ilang sandaling katahimikan sa kanilang dalawa.

" Di kaya may iba si mare pre ?" seryosong sambit ni jayro dahilan para mapatitig si drey sa kanya

" Di naman siguro pre,  sa limang taon naming pagsasama ngayon lang siya nagkaganyan"  malungkot na sambit ni drey

" Parang hindi naman yata kapanipaniwala na may iba si mare pre, alam kong mahal na mahal ka nang asawa mo at di ka niya kailanman pagtataksilan"  sambit ni jayro

" Wala na bang ibang kakaibang bagay na nangyayari sa kanya?"  dagdag nito

" Meron pre ,  tuwing uuwi ako sa gabi at bago ako umalis kada umaga , parating may nakahain na mainit at umuusok pa na pagkain sa mesa. Parang para sa akin lang talaga kasi iisa lang ang plato, kutsara , tinidor at baso na nakalagay.  Yun nga lang , walang tao sa bahay lalo na pag umaga. Di ko naman makausap ng mabuti si alleysa, napakatipid kung magsalita"  mahabang paliwanag ni drey

Napatitig sa kanya si jayro.

" Pre , pang ilang bahay nga yung bahay niyo ? Tsaka sinong may ari nyan?"

" Nasa ika anim na bahay pre mula sa ika anim na kanto.  Ang  sabi sa akin nung may ari bago namin ito  binili noong isang linggo,  anim na buwan na ang nakakalipas , ibinenta ito nang mag asawang Bailon at Aira, tapos ayun pina ayos niya ang bahay para ibenta ulit" paliwanag ni drey 

" ganun ba pre? sige ha , mauna na ako sayo. Hinihintay na ako ng asawa ko" sambit ni jayro.

" Sabay nalang tayo pre" sagot ni jayro sabay kuha ng mga gamit nya. 

√√√√√√√√√√√√√••••√√√√√√√√√√√√√√√

Tahimik na nakatayo si drey sa harap ng kanilang bahay.  Gaya ng dati patay lahat ng ilaw. Mas lalo tuloy nagmukhang katakot takot ang kabuuhan ng bahay.  Ipinihit ni drey ang doorknob at pinindot ang switch ng ilaw. 

"Nandito kana pala"

Napatalon sa gulat si drey nang biglang bumungad sa harapan niya si Alleysa.

"O.. Oh mahal,  akala koy tu..tulog ka na" nauutal na sambit ni drey. 

Tumalikod sa kanya ang babae na parang walang narinig. 

"Ipaghahanda kita ng pagkain"  malamig na sambit ni alleysa sabay tungo sa kusina.

Si drey naman ay naiwang nakatunganga. Maya maya pa ay nagtungo na siya sa kwarto para magbihis. Pagkatapos ay bumaba siya at umupo sa sala habang hinihintay na matapos ang asawa na magluto.  Dinig na dinig ni drey ang tunog ng kutsilyo,  tila ba may kung anong hinihiwa ang asawa. 

Ilang sandali lang may natanggpap na tawag si drey. 

"Hello,  sino to? "
Sabi ni drey

" Anong sino to!   Di mo ba ako kilala?  Di mo manlang ako ba miss? "

Halos lumuwa ang mata ni drey sa gulat ng marinig niya ang boses na yun. Hindi siya maaaring magkamali, ang boses na yun.  Kilalang kilala niya !
Pero paano?  Paano yun nangyare?
Ang boses na yun !
Ang may ari ng boses na yun ay walang iba kundi si....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top