Alleysa 3

Kinabukasan pag gising ni drey ,wala na naman si alleysa sa tabi niya. Agad siyang naligo at nagbihis tapos dumeretso sa kusina. 

Wala siyang nakita sa kusina maliban sa umuusok pa na sabaw at kanin.  Nakahanda na rin ang  plato, kutsara at tinidor.    Ang ipinagtataka lang ni drey ay kung bakit iisa lang ang plato na nakalagay sa mesa. 

Kumain na kaya si alleysa ? Pero impossible naman yun. Kailanman ay hindi ito naunang kumain sa kanya. Palagi silang sabay kumain. Kahit minsan gabi na siya umuwi galing trabaho, hinihintay pa rin siya ng asawa.  

" Alleysa, mahal... "  tawag ni drey ngunit walang sumasagot

Lumabas siya ng bahay at nagpunta sa likuran ngunit wala parin doon ang asawa.  Nilibot niya ang buong bahay ngunit kahit anino nito ay di niya makita.

Sinulyapan ni Drey ang relo ,   pasado alas 7 na ng umaga. Bumalik nalang siya sa loob at mag isang kumain.  Kahit nagtataka , napag isipan ni  drey na baka maagang namalengke ang asawa kaya ganun.

Pagkatapos kumain, umalis na siya sa bahay at nag iwan ng sticky note na idinikit nya sa ref.

   ••••••••••••••••••••'''•••••••••••••••••••

Natapos ang araw ni drey na kagaya ng dati ,  natapos na rin niya ang proyektong ipinapagawa nang kanyang amo kaya maaga siyang umuwi ngayon. Gaya ng dati, sabay silang umuwi ni Jayro.

Matapos mag paalam ni Jayro ,  dahan dahan siyang naglakad papunta sa bahay nila. Patay na naman ang ilaw gaya ng dati.
Pinihit ni Drey ang door knob.

"Drey"    

Napalingon siya sa tumawag sa kanya, si Aling Delya pala.

" O, aling delya " nakangiting sambit ni drey

" Oo nga pala , may iniwang sulat — "

" Patay ! Nalaglag yung wallet ko"  naputol sa pagsasalita si aling delya ng biglang nagsalita si drey

Kinapa niya ang kanyang bulsa ngunit di niya makita ang kanyang hinahanap. Natitiyak niyang nalaglag ito kanina habang naglalakad sila ni Jayro.

" Aling Delya , pasensya kana hah. Nawawala kasi yung wallet ko, hahanapin ko muna.  Pakibigay nalang kay alleysa yung sulat" sambit ni drey

" A..Ano ? Kay A..Alleysa?"  gulat na sambit ni aling delya

" Opo, pasukin nyo nalang siya sa loob" sambit ni drey at nagmadaling umalis

Kahit nagtataka sa ekspresyon ng matanda , di na lang niya yun pinansin. Ang importante mahanap niya yung wallet. 

Pagtapos ng higit kalahating oras , nahanap na ni drey ang wallet. Nagpapasalamat siya at walang nawala sa laman nito.  Pagkatapos nun ay nag commute na lang siya pauwi sa bahay.

  
     ••••••••••••••••''''••••••••••••••••

Pagkapasok ni drey sa  loob ng bahay , dumeretso siya sa kusina.
Walang tao doon ngunit may nakahain na pagkain. Gaya ng dati , umuusok pa ito. 

" Alleysa ?  "    tawag niya sa asawa ngunit walang sumasagot

" Mahal ??? " 
Wala paring sagot na natanggap si drey

Kumain nalang siya mag isa , pagkatapos ay hinugasan niya ang kanyang mga pinagkainan. 

Ilang sandali lang pumanhik na siya sa kwarto , nakita niya si Alleysa na nakahiga sa may gilid ng kama at nakaharap ito sa pader. 
Napangiti si drey sa pag aakalang napagod lang ang asawa.  Dahan dahan siyang humiga sa tabi nito at hinalikan sa pisngi ang asawa.  Nagtataka siya dahil parang nagyeyelo ito sa lamig.  Yinakap niya ito at kinumutan, napakalamig ng katawan nito!  Ngunit gayunpaman , di ito pinansin ng lalaki at natulog nalang. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top