MULING PAGKIKITA
MAHIGPIT na hawak ni Paula ang isang tuyong bulaklak habang naglalakad papunta sa tagpuan ng matalik na kaibigan.
Unti-unting bumalik sa kan'ya ang huli nilang pagkikita at ang pangako nito sa kan'ya habang ibinibigay ang bulaklak na siyang hawak niya.
MABILIS siyang nagpalakad papunta sa isang lugar kung saan nandoon nag-aantay ang kaibigan na si Liam.
"Liam! Mabuti na lang at nandito ka! Marami akong kwento sa iyo na alam kong masisiyahan ka!" masiglang saad ni Paula nang makita ang kaibigan.
Ngunit ang nakangiti nitong mga labi at mata ay napalitan ng pagkabahala nang makita ang lungkot sa mukha ng kaibigan.
Pilit na ngumiti si Liam sa kan'ya at marahang inabot ang bulaklak nitong hawak.
"Did you know that dahlia flowers have a meaning… it means, beauty– like you. Kindness, like you to other people and lastly, commitment…" usal nito na ikinakunot ng noo ni Paula.
"Anong sinasabi mo?" saad niya sa kaibigan.
"Hindi na kami magtatagal dito ngayong summer. Mamaya lang ay uuwi na din kami dahil may ibang pupuntahan sila mommy, at hindi ko din alam kung babalik pa kami dito dahil mag-aaral na ako ng college. Pero gusto kong tandaan mo na nangangako ako sa iyo sa harap ng bulaklak na ito… babalikan kita, magkikita tayo ulit– dito mismo sa tagpuan natin,"
HAWAK ang bulaklak na ibinigay ni Liam limang taon na ang lumipas, masuyong lumapit si Paula sa lalaking nakaupo kung saan sila nangako sa isa't-isa ng muli nilang pagkikita.
"Liam…"
Marahang humarap ang lalaki at agad na sumilay ang ngiti sa mga labi nito nang makita ang dalagang si Paula.
"Paula…"
Nakangiti ito habang hawak ang isang bulaklak ng dahlia.
"Namiss kita…" habol pa nito at marahang inabot ang bulaklak habang may ngiti sa mga labi.
🌻🌻🌻🌻🌻
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top