Chapter 1
"Your ticket has been upgraded, Miss Forthez. I saw you earlier, Ma'am, and I was amazed that you remained calm when a Karen-like guest approached you. Enjoy your first-class seat."
Napanganga si Astherielle Forthez nang ibigay na sa kaniyang muli ng receptionist ang passport niya kasama ang plane ticket niya pauwing Pilipinas. Halos manginig ang kaniyang kamay nang makitang upgraded na nga ang seat niya from economy.
"T-thank you, Ma'am. I did not expect it."
"But you deserved it. You deserve all the best things in this world since you have a great kind heart."
Maluha-luhang naglakad si Asther papunta sa eroplano upang hanapin ang upuan niya. She never expected it. Akala niya ay hindi na aayon sa kaniya ang lahat.
"Totoo bang ito ang upuan ko?" wika pa ng dalaga sa kaniyang sarili.
"Good day, Ma'am. Let me help you with your baggage," sambit naman ng cabin crew, bago inilagay sa compartment sa taas ang luggage ni Asther.
"Thank you."
Masayang umupo si Asther sa kaniyang malambot at komportableng upuan.
"Grabe, limang taon ako sa Spain at ngayon, makakauwi na ako sa Pilipinas. Tutuparin ko na ang pangarap kong maging guro. Tutal nabilhan ko na sila nanay ng magandang bahay, katulad ng pangako ko, pwede na akong magpahinga sa pagtatrabaho bilang caregiver dito sa Espanya," saad pa ni Asther sa kaniyang sarili. "Ngayon, pwede na akong mag-focus sa sarili ko."
Nakangiting pumikit si Asther sabay sandal sa upuan. Plano niyang kumuha ng tulog habang nasa biyahe. Lingid sa kaniyang kaalaman na masyadong naging mahimbing ang kaniyang pagtulog at hindi niya namalayan na may umupo nang lalaki sa tabi niya.
The guy laughed when he saw Asther now snoring helplessly. "Cute," he commented, as he laid back on his seat to join her to sleep.
But both of them woke up when turbulence occurred.
"A-anong nangyayari?" tanong ni Asther nang magising ito dahil sa pag-alog ng eroplano sa ere.
"Relax. It's normal."
Napalingon naman ang dalaga nang makita ang gwapong mukha ng lalaking katabi niya, pero hindi niya inakalang mas mababahala pala siya sa nangyayaring pagyanig ng kaniyang puso.
"D-did I just fall in love at first sight? Oh, God, no!" sigaw ng dalaga sa kaniyang sarili, bago iniwas ang tingin. Hawak-hawak niya ang kaniyang dibdib habang pinipigilan ang pagbilis ng kaniyang puso. Laking gulat niya nang may mainit na kamay na humagod sa kaniyang likod at paminsa'y tinatapik-tapik ito.
"Chill, miss. Nothing bad is going to happen. Is this your first time travelling?"
Asther did not manage to answer. She was occupied by the soothing sensation that the guy's warm hand gives her.
"Don't worry we won't get crashed. Imagine like we're jelly. There's pressure on all sides of our aeroplane, so even if the jelly is shaken—our aeroplane—the pressure suspends us from falling. We're just in the middle of it," the guy explained before he decided to hold her hand and rub in soothing circles.
Napasulyap si Asther sa maamong mukha ng lalaki. Kusang pumatak ang mga luha ng dalaga. Kung alam lang ng lalaki ang totoong dahilan, baka tawanan pa siya nito.
"Calm down, Miss. Everything's gonna be fine. I'm here. I'm holding you tight. If ever you'll fall, I'm falling with you."
Tuluyan nang napapikit ang dalaga at nawalan ito ng malay. Mabuti na lang at nasalo kaagad ng lalaki si Asther. Kasunod din no'n ay ang patigil ng turbulence kaya nakatawag ng tulong ang lalaki sa mga cabin crew.
Unti-unting iminulat ni Asther ang kaniyang mga mata at doon niya namalayang umaga na pala dahil sa sikat ng araw na tumatama mula sa bintana.
"Nasa Pilipinas na ba ako?" bulong ng dalaga.
"Oo, nasa Pilipinas na tayo."
Nanlaki ang mga mata ni Asther nang marinig ang malalim na boses ng lalaki. Agad siyang napalingon sa tabi niya at doon niya naalala ang lahat ng nangyari sa buong biyahe niya.
Napangisi naman ang lalaki. "Looks like you're fine now. I'm glad. Akala ko, hindi ko na mababawi ang kamay ko."
Napatingin naman si Asther sa kamay niyang mahigpit na hinahawakan ang kamay ng lalaki. Mabilis siyang napabitiw. "Ah! S-sorry! P-pasensya ka na sa abalang nagawa ko. Hindi ko sinasadya! Pasensya ka na talaga!"
"Wala 'yon. Glad to help. So, paano? Iwan na kita."
"O-oo, s-sige. W-walang problema. Pasensya ka na talaga."
Habol-tingin naman si Asther nang maglakad na paalis ang lalaki. "What did I just do? Nakaabala pa ako sa nanahimik na pasahero! Sandali, at hindi pa ako nakapagpasalamat sa kaniya nang maayos! Naku naman, Ash! Bakit ka ganiyan? At sa gwapong nilalang mo pa talaga nilabas lahat ng kahihiyan mo sa katawan?"
Pailing-iling na tumayo si Asther upang abutin ang kaniyang bagahe sa compartment nang maalalang nagpatulong nga pala siya sa cabin crew kanina para ilagay 'yon doon. Ngayon, nahihirapan na siyang mang-abala ng cabin crew para magpasuyo.
"Looks like you still need my help. Good thing I forgot something and came back."
Napalingon si Asther sa matipunong lalaki at nakita niyang ang katabi niya iyon kanina. Lumapit ang lalaki sa kaniya para abutin ang bag niya. Agad namang hindi nakahinga si Ash nang dumait sa kaniya ang katawan nito. Amoy na amoy niya rin ang pabango nito na tila ba nanghihila sa kaniya.
"Here."
"G-gracias. I mean, t-thank you."
Ngumiti ang lalaki. "De nada."
Nagkadampi rin ang kanilang mga kamay at aminado si Asther na para siyang hihimatayin sa kilig. Ilang segundo silang nagkatitigan na para bang kinukumpirma kung kapwa ba naramdaman nila ang kakaibang pakiramdam na iyon.
"A-ano pala 'yong nakalimutan mo kaya ka bumalik? Tutulungan kitang maghanap."
"Your name."
"H-ha?"
"I forgot to ask your name, that's why I came back."
Naramdaman ni Asther ang init ng kaniyang namumulang pisngi. "A-Astherielle Forthez, but my friends call me Ash," pagpapakilala ng dalaga.
"Ash, sounds like the guy who catch pokemon, huh? But I agree, you seemed catch something today. I'm Danjer Mondalla, by the way." Inilahad ng lalaki ang kaniyang malapad na kamay na siya namang inabot ng dalaga. "It's so nice to meet you, Miss Forthez."
"A-ako rin, ikinagagalak kong makilala ka, Mr. Mondalla."
"Danjer, you can call me Danjer when we meet again, and I'm sure we will. See you around."
Nakangiting patango-tango si Asther habang pinipigilan ang sariling tumili sa sobrang pagkakilig. Tuluyan nang nagpaalam ang lalaki sa dalaga.
*****
Dumeretso na sa kama si Ash nang makarating siya sa nabili niyang unit. Sa dulong parte ang kwarto niya, kung saan may kusina na, living room, bedroom and comfort room. May sarili ring balcony. Three floors lang ang building kung saan siya nakatira, at kada floor ay may dalawang kwarto. Ang isa na nga roon ay ang kaniya.
"This is what I prayed for and hindi ko alam na matutupad ito after five years ng pagsusumikap ko sa Spain," sambit ni Ash sa kaniyang sarili habang nakatingin sa kisame. "At hindi ko inaasahang sa pagtapak kong muli rito sa Pilipinas ay may sasalubong kaagad na gwapong lalaki sa akin. Danjer Mondalla, what a unique name." Kinikilig na bigkas pa ni Ash sa kaniyang sarili, bago nagtitili na parang baliw.
Bigla namang may kumatok sa kaniyang pintuan, pinatutunog din ang doorbell niya kaya nagmadali siyang puntahan kung sino iyon. What welcomed her was an old lady—the owner of the building.
"Yes po, Miss Thanael?" tanong ni Ash sa matandang babae.
"Oh, nakalimutan ko lang sabihin sa 'yo na hindi soundproof itong kwarto kaya maririnig ka ng kapitbahay mo. 'Yong kapitbahay mo kasi masyadong sensitive sa ingay, principal kasi, kaya kahit hindi naman siya madalas d'yan, mas better pa rin na i-minimize mo 'yong boses mo kung sakali."
"P-principal po? O-okay po. Naiintindihan ko. Maraming salamat po sa reminder."
Ngumiti ang matanda. "Don't worry. Babalitaan kita kapag wala siya d'yan para makapag-ingay ka. Bagong dating lang kasi ulit kaya naalala kong sabihan ka. Anyway, enjoy your stay here. If ever may concern or problems encountered ka, sabihan mo lang ako."
"Sige po, Miss Thanael. Thank you po!" Bumalik na si Ash sa kaniyang kwarto at doon naisipan niya nang maglinis at magpahinga.
Bigla namang kumulo ang tiyan ni Ash kaya naalala niyang hindi pa nga pala siya nakakapamili ng pagkain niya pati na rin ng grocery kaya naman napagdesisyunan niyang lumabas. She was about to get outside when she saw a gray envelope on the floor.
"Sulat? Kanino naman kaya galing ito?"
Binuksan ng dalaga ang sobre at binasa iyon.
To: Room 302
I know you just moved in, but I appreciate it if you would minimize your voice. I have a lot of paperwork and your strident voice is kinda annoying. I heard your screams and it distracted me from my meetings.
If you don't want to hear from me again, make sure you keep your voice down. Don't disturb me if you don't want to be disturbed.
Thank you.
From: Room 301
Mabilis na pumasok si Ash sa unit niya para kumuha ng sticky note at ballpen. Sinulat niya ang malaking letter K tsaka isinilid ang note sa gray envelope. Padabog siyang naglakad papunta sa room 301 tsaka inilusot sa ilalim ng pinto ang sulat.
"Oo na, tatahimik na! Hmph! Sungit! Matanda na siguro siya."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top