Chapter 5
"Kuya Cal, Ate Amber is here at the bar, crying relentlessly."
MABILIS na iminaneobra ni Cal Mondalla ang kaniyang Pagani Zonda papunta sa bar na pagmamay-ari ng kaniyang kapatid na si Pi. He couldn't help himself to get worried, dahil kinukutuban na siya sa posibleng dahilan kung bakit walang humpay na umiiyak ang babaeng gusto niya sa bar. Iyon ay baka alam na ng fiance nito ang kalapastanganan niyang ginawa kay Brielle, at baka nga sa kagagawan niya ay naghiwalay pa ito.
Hindi niya magawang maging masaya dahil nai-imagine niyang umiiyak ang babaeng gusto niya. At para bang tumitimo na sa kaniyang kalooban ang lahat ng kaniyang nagawa.
"How foolish of me to kiss an engaged woman?" sigaw niya sa kaniyang isipan. "How am I supposed to find a healthy relationship when I almost destroyed one?" dagdag pa niya, at lalo siyang nanlumo nang makita niya si Brielle na naroon sa sulok na upuan habang umiinom ng alak at walang sawang humahagulgol.
"I'm sorry, Kuya Cal! Hindi ko siya mapuntahan, ang daming guests!" sigaw ni Pi nang makita siya nito. Sinigawan niya rin ito pabalik. "Inuna mo pa 'yan kaysa sa kaibigan mo!"
Pi gulped and almost cried because of how his elder brother shouted at him. It was the first time Cal yelled at his face.
Cal immediately went to that helpless lady now drunk and wasted. Nakasuot pa ito ng magandang dress na dahilan kung bakit pinagtitinginan pa ito ng mga lalaki sa paligid. Agad na hinubad ni Cal ang jacket niya tsaka ipinatong sa likod ng dalagang nakalugmok na sa table.
"Come with me and let's go out of here. Ihahatid na kita sa bahay mo," mahinahong wika ni Cal na para bang hindi siya sumigaw kanina sa kapatid niya.
Brielle was still crying when she looked up to his face. "Ikaw! Ikaw! Ikaw ang *huk* dahilan kung bakit kami nag-away *huk* ni Axle! Ikaw ang d-dahilan *huk* kung bakit galit *huk* sa akin ang fiance k-ko!" Hinawakan nito ang kwelyo niya tsaka hinila-hila. Bakas ang inis sa mukha ng dalaga. Namumula na rin ito dahil sa labis na kalasingan. "Ik-kaw! Dahil *huk* sa 'yo, nalamatan ang tiwala sa akin *huk* ng magiging asawa ko! Kasalanan mo i-ito! *huk* Kasalanan mo itong lahat! Hindi kita mapapatawad kapag tuluyan kaming nagkahiwalay!"
Cal was just staring at the lady. He is accepting all the hate thrown at him by the woman she loves at first sight. At tila ba natatauhan siya sa mga sinasabi nito. Totoo naman kasing kasalanan niya, dahil masyado siyang naging pangahas. Kung hindi lang sana siya nangialam, hindi niya makikitang lumuluha ang babaeng nagpatibok ng kaniyang puso. Punong-puno ng pagsisisi ang kaniyang dibdib.
"I'm sorry." He really feels so stupid. Pakiramdam niya, ang laking kasalanan ang nagawa niya. Kung alam niya lang na mas masakit palang makitang umiiyak ang taong gusto niya kaysa makitang may kasama itong iba, sana tiniis na lang niya.
But Cal, being a gentleman, brought Brielle to his car. Brielle is now sleeping soundly, na para bang napagod na sa kaiiyak. Namamaga na nga rin ang mga mata nito.
Nakatitig si Cal sa mukha ng magandang dalaga. Inayos niya ang buhok nito at inalis sa pagkakaharang sa mukha. Inayos niya rin ang coat na sinuot niya rito kanina.
"It was just yesterday when I met you and yet I made your life a mess already. Am I wrong with my hunch that your fiance doesn't really love you? Because if he did, why would he let you cry like this? Kasi kung sa akin ka magloloko, baka ako pa ang humingi ng tawad sa iyo."
Sumandal si Cal sa driver's seat habang sinasabunutan ang buhok. Kasalukuyan silang nasa parking lot, habang siya ay nagdadalawang isip kung ihahatid ba niya sa bahay si Brielle. He wants to. It was his prior plan to destroy their relationship so he can have her full in his arms, pero mas kinakain na siya ng takot ngayon. What if she ends up hating him?
Hindi siya makakilos. He's afraid that in one wrong move, lalo niyang mapalayo ang loob ng babaeng pangarap niyang makuha. He is now in a tight situation.
"Axle... I'm sorry..."
Napalingon si Cal kay Brielle. She is uttering his fiance's name, a symbol that even if her eyes were closed and in the middle of despair, the only name she will call is her fiance.
"I'm sorry..."
Umalpas ang luha mula sa mata ni Cal. I guess, a wrong start will always end wrong. She really loves that guy.
NAGISING si Brielle na nakahiga sa kama. Agad siyang napabangon at napasigaw siya nang kumirot ang ulo niya dahil sa hangover.
"Fuck it. Ang dami kong nainom!" She stood up to get some water but before she could do that, a coat fell on the floor. Nagtataka siya nang kunin niya iyon. "At kanino namang coat ito?"
Lalong sumakit ang ulo ni Brielle sa labis na pagsubok na isipin kung paano siya magkakaroon ng coat ng lalaki. "M-may kasama ba akong lalaki kagabi? No! Lalaki na nga ang dahilan kung bakit nagalit sa akin si Axle, sasama pa ako sa lalaki?"
Sinubukang maglakad ni Brielle papunta sa ref para kumuha ng tubig at inumin iyon. "I was supposed to drink with Pi, pero dahil busy siya kaya nagsolo na lang akong uminom..." Napatitig siya sa loob ng ref. "Kung gano'n, paano ako nakauwi rito? Kinaya ko bang mag-commute mag-isa kahit lasing na lasing? Am I that talented?"
Kahit sa gitna ng pagkain ng almusal ay iniisip pa rin ni Brielle ang tungkol sa nangyari kagabi, kung paano siya nakauwi nang ligtas at buo. Pero iba ang bumabalik sa alaala niya habang sumusubo ng pagkain, iyon ay ang naging pagtatalo nila ni Axle kahapon ng umaga.
"Someone saw you get dropped by a car last night here in your house. Kaibigan mo?"
Bumigat ang paghinga ng dalaga habang nagdadalawang-isip kung sasabihin ba ang totoo. Pero nangibabaw sa kaniya na dapat magsabi ng totoo at magpaliwanag para hindi nito mamisinterpret ang lahat. "H-hindi, pero hinatid niya lang ako kasi raw mag-isa lang ako." Pero para bang mali ang desisyon ni Brielle dahil bawat lumalabas sa kaniyang bibig ay hindi maganda sa pandinig ni Axle.
"Hah! Are you serious? Are you fucking kidding me, Brielle? Nagpahatid ka sa ibang lalaki dahil mag-isa ka lang? Ginagago mo ba ako?"
"Hinatid niya lang ako, I swear."
"And you want me to believe that?" Namutla si Brielle. No, hindi lang siya hinatid ng lalaki kagabi dahil hinalikan din siya nito. Paano niya ipaliliwanag na hindi naman niya ginusto ang nangyari? Ang lalaki ang nagpumilit sa kaniya at wala lang siyang nagawa. Kung hindi siguro siya iniwan ni Axle ay walang magtatangkang lumapit sa kaniya.
"Iniwan mo kasi ako kaya—"
Hindi na natapos ni Brielle ang paliwanag niya nang sumigaw si Axle. "Kaya naghanap ka ng iba?! Harap-harapan mo ba akong niloloko? We just got engaged, Brielle! I proposed to you last night and then you will be with some guy who you don't know and make him go to your house! Anong gusto mong isipin ko? Pinuntahan pa naman kita rito, Brielle, para bumawi sa 'yo. Nakakaputang ina ka naman!"
"Axle, look, I'm sorry, pero I promise, hindi naman ako nagloloko. You know that I love you... Huwag ka nang magalit. I did my best to push him away but he's just so persistent to take me home."
Hindi makapaniwalang umiiling si Axle habang nakatitig sa mga mata ng dalaga. Namumula ang mga mata nito sa galit at nagpupuyos ang kamay sa pagtitimpi. "I can't believe you're doing this, Brielle. You're making me look like a fool. Huwag muna tayong magkita in the meantime. I can't take your shit. You're unbelievable." Padabog itong lumabas at humabol naman si Brielle.
"But, Axle! Hindi ka ba naniniwala sa akin? Nagsasabi ako sa 'yo ng totoo! Please, makinig ka naman sa akin!" Hinawakan ni Brielle ang braso ng lalaki. "Please, Axle..."
"Don't push me to my limits, Brielle, if you don't want me to call off our engagement."
Pumatak ang luha mula sa mata ng dalaga. She became a statue while looking at the back of the one she loves slowly walking away from him. He even slammed the gate and rushed to his car to drive off from that place.
Brielle was heavily crying at the front door while biting her lips that miserably received a sinful kiss last night. She hated it. She wanted to hate the man who ruined her relationship with her fiance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top