Chapter 4
"Fine, then I won't tell you what Ate Amber said. Siya ang kausap ko kanina, just so you know."
Cal immediately halted and turned his face on his younger brother again. "W-what?"
"I told you, I am her friend. She tells me everything including what you did to her earlier."
Nanlaki ang mga mata ni Cal. "What exactly did she say?"
Lalapitan na sana ni Cal ang kapatid nang tumakbo ito. "Secret! I'm not in the mood to tell you also! Bleh!"
"Pi Mondalla!" sigaw ni Cal na dumagundong sa buong second floor. Agad namang natakot si Pi sa kuya niya at tumigil sa pagtakbo.
"B-bakit?"
Cal exhaled as he tried to calm himself and negotiate. "What do you want then?"
Kumislap naman ang mga mata ni Pi pagka't nalalaman niya ring hindi siya matitiis ng kaniyang kuya dahil siya ang bunso. Hindi nito kayang magalit o mainis sa kaniya nang matagal kahit asarin niya pa, but still he respects his elder brother.
"What do you want, Pi, in exchange for telling me everything she said."
"E-ewan. Pero parang wala akong energy na magsalita at pumunta sa dining room."
Cal rolled his eyes. "Fine, I'll bring you downstairs."
Honestly, Cal knows his younger brother was just messing around because it is just now he visited them. Obviously, Pi just miss him kaya siya nito kinukulit. Ganito talaga sila magmahalan katulad noong mga bata pa sila. Palagi niya ring binubuhat ang kaniyang kapatid dahil nagpapalambing ito. Matagal na rin kasi siyang bumukod mula sa kaniyang pamilya at naiwan na lamang si Pi na kapiling ang kanilang ama at ina. Ganoon din ang sampu pa niyang mga kapatid na si Iso, Geo, Arc, Ax, Dox, Trix, Zero, Sum, Aden and Velo na kapuwa mga abala sa kani-kanilang buhay.
Buhat-buhat ni Cal si Pi na parang bagong kasal hanggang sa makarating sila sa hapagkainan. Natatawa naman ang kanilang ina nang magsalita ito. "Anong trip iyan?"
"Nagpa-practice na po si Kuya Cal ng pagbuhat sa bride niya, mom."
"Ganoon ba? Bakit? May soon-to-be-bride na ba ang kuya mo?"
"Wala po, pero soon-to-be-bride ng iba, meron."
Dahil sa inis ni Cal sa walang tigil na pang-aasar sa kaniya ng kapatid ay sinadya niyang ibagsak ito sa lupa. Nangangamot naman ng puwet si Pi habang nagsusumbong sa mom and dad niya.
"Kumain na nga lang kayong dalawa."
Inahinan naman ng mom niya si Pi, kasunod siya. Ang dad naman niya ay sinandukan ang kaniyang ina. Namamangha si Cal habang pinanonood ang kaniyang mga magulang lalo na nang sa huli ay hainan din ng kaniyang ina ang kaniyang ama.
"I'm glad you visited us, anak," wika ng kaniyang ama sa kaniya.
"Namiss ko lang po rito sa bahay at lalo kayo, pati na rin ang makulit kong kapatid." Pinisil ni Cal nang madiin ang pisngi ng kaniyang bunsong kapatid. "Aray naman, Kuya!"
"Hindi ka busy?" sabat naman na tanong ng kaniyang ina.
"Well, I am. I just took a break to find Iso. Hindi rin kasi sila mahagilap nila Trix."
Sandali namang natahimik ang lahat.
"Baka masama pa rin ang loob niya sa akin," komento naman ng dad niya.
"No, love. Of course, not. It was just a misunderstanding, and I know our son. Hindi iyon magtatanim ng sama ng loob sa 'yo. Maybe he needs time to think, parang ikaw noon. Palagi ka ring nawawala, hindi ba? Don't worry, I'll call him."
"Right, mom. Sumasagot sa 'yo si Kuya Iso kahit nga siguro nasa gitna siya ng kagubatan na walang signal, maghahanap siya ng paraan para lang masagot ang tawag mo."
Thanks to Pi dahil medyo gumaan ang atmosphere sa gitna nila. Natawa naman din ang kanilang ina dahil sa biro nito. But Cal seemed to be in deep thoughts while he's having his meal. Naalala niya kasi ang naging sagutan ng kaniyang ama at ni Iso. Dumagdag din iyon sa isipin niya kaya naman nang matapos ilang kumain ay nagpresinta na siyang siya na muna ang maghuhugas ng mga pinagkainan nila.
"Inaagawan mo ba ako ng trabaho?" hirit ni Pi, tsaka inilagay ang mga nakita niya pang hugasin sa lababo. "Mabuti na lang at narito ka, Kuya. Nakapagpahinga ako sa duty ko bilang tagahugas ng pinggan."
"Past time mo bang palaging mang-asar?" seryosong tanong ni Cal. "What if you go to your room and study in advance so you can be ready for your class next semester?"
"Ito naman ang init ng ulo. Sasabihin ko na sana ang kapalit na hihingiin ko sa 'yo para sa impormasyong alam ko tungkol kay Ate Amber kaso parang gusto mo akong paalisin. Fine. Fine. Papasok na ako sa kwarto ko."
Mabilis na ibinaba ni Cal ang sponge tsaka hinablot ang braso ng kaniyang kapatid. "What is it then?"
"Well..." Tumabi si Pi sa kuya niya tsaka bumulong. "I just have a single condition for all of the information you need about Ate Amber..." Tumunghay si Pi. Seryoso ang mukha nito na para bang nakikiusap. "You just make sure you'll marry her."
Cal's forehead creased. He did not expect that those words would come out from his younger brother's mouth. It was as if he's more desperate than him.
"W-why? Why of all the conditions you will choose that one, Pi?" hindi kumbinsidong tanong niya sa kaniyang kapatid.
"Kasi..." Muli na namang napayuko si Pi. Tila ba isinantabi niya na muna ang pagiging mapang-asar para sa seryosong pag-uusap nilang dalawa. "Ate Amber has a cousin..."
Cal cleared his throat. "Now I see where you're trying to lead this conversation."
Pi scratched his head in embarrassment. "She is my classmate so if you would marry Ate Amber, I might have a chance to visit their house. Doon kasi nakatira si Eise kay Ate Amber. So I would have the time to talk to her kung maging mag-asawa na kayo ni Ate Amber."
"Oh, so Eise is the name..." Napangisi naman si Cal tsaka sinulyapan ang kapatid. Hindi niya mapigilang matawa dahil tiba ba silang dalawa ay nasa parehong sitwasyon. "Akala ko ba classmate mo? Why not approach her?"
"Suplada, eh. Tsaka sa bar management lang kami nagkikita. Irregular student kasi siya."
"Now that you told me that, I have the upperhand, you see? You need to help me so you can have the love of your life all yours."
"I know, right? But I'm still too young and can wait. The crucial situation is yours. You're getting older, yet you still have no lovelife. The worst is that you fell in love with someone engaged already."
BUONG GABING nakatitig si Cal sa kisame habang nakahiga sa kama sa kaniyang kwarto. Everything flashbacks in front of him and he knows his heart is beating like crazy. He's a big guy, yet can be folded by love. Katulad ng sinabi sa kaniya ng dalagang si Brielle... Love makes people crazier, and he now got the memo. At hindi siya makatulog sa labis na pagkabaliw sa kaiisip sa babaeng nagpatibok ng puso niya unang beses niya palang itong nasisilayan.
Naalala ni Cal ang mga impormasyong ibinahagi sa kaniya ni Pi at muling napabuntong-hininga. Iniunan niya ang dalawang braso.
"So, she's planning to confess everything to her fiance. I guess she really loves that guy. Am I really too late? Mali bang tumitibok ang puso ko para sa kaniya? Should I not listen to it then?"
Pailing-iling si Cal sa kaniyang sarili at pinilit na lamang na makatulog. Kinabukasan, nagpaalam na siya sa kaniyang mga magulang, pati na rin kay Pi. Dumeretso na siya sa opisina niya para asikasuhin ang mga nakabinbin na namang trabaho.
Kasalukuyang siya ang CEO ng pangkalahatang negosyo ng kaniyang ama—ang Moon Corporation. Sa ilalim ng Moon Corporation, hinahawakan ng kaniyang mga kapatid ang iba't ibang negosyo na ipinamana rin sa kanila ng kanilang ama. Bukod pa sa Loeisal Malmdan na perfume company na pinamamahalaan ng kaniyang ina, ang Avenzon Hospital na ngayon ay pagmamay-ari na ng kaniyang Auntie Jenna at Uncle Yves, ang Island Motel and Bars na si Pi at si Mrs. Estanislao ang nangangalaga, mayroon din silang real estate companies na ngayon ay inaasikaso ng kaniyang pangatlong kapatid na si Geo. Si GEO ang tinaguriang COO ng overall corporation at ngayon, maangas itong pumasok sa loob ng opisina niya.
"Brother, long time no see!" pagbati ni Geo sa kaniyang nakatatandang kapatid bago niyakap. "Long hair pa rin?"
"Wala kang meeting?" seryosong tanong naman ni Cal na para bang iniiwasan ang pag-usapan ang tungkol sa mahaba niyang buhok.
"Meron, but I still have a minute to see you. Also, minsan ko lang makapiling ang kapatid ko, palalampasin ko ba ang pagkakataong hindi kita masilayan?"
"O baka kaya ka narito ay dahil naibalita na sa 'yo ni Pi ang lahat?" sarkastikong bitaw ni Cal sa kaniyang kapatid.
Humagikgik si Geo nang umupo siya sa harapan ng table ni Cal. "Well, that's what brothers are for. Ano bang lihim natin sa isa't isa? At isa pa, mabilis kumalat ang balita lalo na't ikaw ang panganay ng 12th generation ng pure blood Mondalla. Hindi ba't nakatakda kang magpakasal bago ka magtrenta at magkaroon ng labing-dalawang anak dahil sa tradisyon ng pamilya natin?"
Cal heaved a deep sigh, a meaningful one. "Dad said, hindi ko kailangang sumunod d'yan."
"But I know you want to. Kilala ko ang buhol ng bituka mo. Even if you are the most intimidating person because of your looks, I know how deeply you wanted to fulfill your duty. Lalo pa't alam ko ring ang goal mo sa buhay ay magkaroon ng mapagmahal na asawa."
Nanatiling tahimik si Cal habang nag-iisip at hinayaan niya ang kapatid niyang magsalita. "I don't understand you. Why don't you become like me? Payamanin na lang natin ang pamilya natin sa buong mundo. Sagabal lang naman ang mga babae sa buhay. Magparami na lang tayo ng business at ng pera, mas masaya pa."
"Mabilis lang sa 'yong magsalita kasi hindi mo pa nararanasan."
Natawa naman si Geo. "Why? Are you telling me you fell in love with that Vallejo because of that one kiss?"
Seryosong tinitigan ni Cal ang kapatid. "It is not about the kiss, Geo. It is about how a woman can add a single beat to your normal heartbeat and can make a beautiful and addicting sound in just a second of meeting her eyes. Every time I think about her, I am having a hard time breathing."
"Damn it! Tama nga si Pi, in love ka nga!" hindi makapaniwala nitong sigaw tsaka tumayo para lumayo sa kapatid. "I hate to say this but, lalayo muna ako sa 'yo dahil ayokong mahawa. Masyado pa akong maraming gustong gawin sa buhay para maging tanga sa pag-ibig. I don't want to get infected by that. You're losing yourself, Kuya Cal." May pandidiri sa mga mata ni Geo habang nakatingin sa dambuhala niyang kapatid na ngayon ay daig pa ang batang kulang sa aruga kung magmakaawa.
"Bakit? Sino bang nagsabi sa 'yong pumunta ka rito? What are you doing here in the first place?"
"Well, sabi ko nga, kinukumusta lang kita, and also, I want to tell you that we have a big client that we're aiming for too long to become our investor. He said, papayag siyang makipag-deal sa atin kapag ikaw ang kakausap sa kaniya."
"Tell him that I'm busy."
"Busy sa babae?" pang-aasar pa nito. "Eh, engaged na nga, hindi ba? Tulungan mo na lang ako rito. Wala, eh, CEO ang hinahanap."
"But you're the soon-to-be CEO, Geo."
"Matagal pa 'yon o baka nga imposible dahil mukhang malabo kang ikasal."
Nag-uusok na ang tainga at ilong ni Cal dahil sa pang-aasar ng kaniyang mga kapatid. Wala na ba talagang ligtas na lugar para hindi siya mapagtripan? Perks of being a Mondalla. Kahit saan pumunta, may kapatid siyang handang mang-badtrip sa kaniya.
Walang nagawa si Cal kung hindi ang pumayag sa kagustuhan ng kliyente ni Geo, na makipagkita siya roon para maging kasyoso nila. Ipinangako ba naman kasi ni Geo na hindi na makakarating pa sa ibang mga kapatid nila ang tungkol sa nangyari kay Cal at sa pagkagusto nito sa engaged woman na si Brielle Amber Vallejo.
Cal is on his way driving his Pagani Zonda to a fine-dining restaurant to meet the client named Doug Marazga, a business tycoon in the city. Ang sabi ni Geo, galing pa raw itong Singapore sakay ng private jet at kasalukuyang hinihintay na si Cal.
But a phone ring stopped Cal from going to that place, lalo na nang marinig niya ang balitang nanggaling mula sa kaniyang kapatid na si Pi.
"Kuya Cal, Ate Amber is here at the bar, crying relentlessly."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top