Chapter 3
"A second is enough to see everything. Just like how I saw the future in a split second that I saw you."
NAPALINGON si Brielle kay Cal dahil sa narinig. She was in pure shock. In her entire life, Brielle never heard that from her fiance. Axle doesn't want to get involved in a conversation whenever she asks about their future. At palagi lang siyang sinasabihan na 'live in the present. Hindi natin alam ang bukas.'
"Anong sabi mo?"
"Why? You want me to repeat that I fell in love at first sight with you?"
Brielle was too stunned to speak. She never saw it coming. Everything that happened tonight was beyond her expectation. Her wedding proposal, her encounter to this arrogant man, her fiance leaving her, and now a sudden confession.
"Iyan lang pala ang magpapatahimik sa 'yo, sana kanina ko pa ginawa."
Napalunok si Briella habang nakatitig kay Cal. Hindi pa rin niya mahanap ang mga tamang salita para sa lalaki. Hindi siya makapaniwala.
"Now, tell me where you live so I can go home myself at peace after dropping you off."
Tahimik lang si Brielle sa buong biyahe kahit nang makarating na sila sa tapat ng bahay niya. Brielle was still couldn't get over how this stranger confessed to her plus he kissed her. HE FUCKING KISSED HER!
Brielle cleared her throat as she decided to remove her seatbelt. "T-thank you." Hindi na niya hinintay pang magsalita si Cal, at nagmadali na siyang pumasok sa gate ng bahay niyang two-floors. It was just a simple home with a garden and a rooftop where she can relax. She is living alone in this place but her cousin, Eise, lives there when the classes starts again.
Dala ni Brielle ang kaba sa dibdib niya hanggang sa makarating siya sa loob ng kaniyang bahay. Dumeretso siya sa banyo upang maghilamos. She immediately saw her ring now flashing on her finger, but a different feeling pierced into her heart... hindi na saya kundi malaking pangamba. Paano kung malaman ng fiance niya ang paghalik sa kaniya at paghatid sa kaniya ng ibang lalaki? Lalo pa ngayong engage na siya.
She saw her reflection on the mirror in front of her. She stared at herself. Alam niyang wala siyang ginawanag masama dahil hindi siya ang lumapit o humalik sa lalaki, pero ang isiping hindi niya kinayang pigilan ang sarili ang lalong nagpadoble ng malaking guilt na nararamdaman niya.
Brielle went to her room after she took a shower and changed into her pajamas. Kinuha niya ang phone niya para tawagan ang kaniyang kaibigan na si Pi Mondalla, pero hindi nito sinagot. Sa halip ay nakatanggap siya ng mensahe mula rito.
From: 3.1416
Orient me. I'm on my way home.
-end of message-
Agad namang tumipa si Brielle ng text message para sa kaniyang kaibigan.
To: 3.1416
Yeah, right? Katabi lang naman ng bar ang hotel kung nasaan ang penthouse ninyo.
-end of message-
Walang ilang segundong nakatanggap muli ng mensahe si Brielle mula kay Pi.
From: 3.1416
I'll call you in a moment. Wait for me.
-end of message-
Napatitig na lamang si Brielle sa screen ng phone niya. "Parang hindi talaga siya ang kaibigan ko kapag sa text," sambit pa ni Brielle tsaka muling nag-type ng balitang kanina niya pa gustong sabihin sa kaibigan.
To: 3.1416
Axle proposed to me.
-end of message-
Mayamaya lang ay tumawag na si Pi. Mas mabilis pa sa alas kwatro na sinagot iyon ni Brielle.
"Pi!" sigaw na pagbati ni Brielle sa kaibigan. "Thank God, tumawag ka na. I really need someone to talk to. Are you busy? Are you tired? Can you spend some time for me?"
Natawa naman si Pi sa kabilang linya. "Kaya nga tumawag ako, eh. Hindi naman ako busy. Hindi pa naman pasukan. Tsaka para namang may choice ako, kaya sige lang. Kwento ka lang. Makikinig ako."
Napangiti naman nang matamis si Brielle. "Syempre, makikinig ka, you have no choice, eh, since your wines are the ones I always recommend to my clients," biro ni Brielle.
"And I thank you for that, but I'm sure it is not about this why you want someone to talk to, am I right?"
Brielle felt a tingling sensation on her nostrils. It was as if she was about to cry. "Right, I am so doomed, Pi. Thinking that I am now talking to someone ten years younger than me. Sa 'yo pa talaga ako naghahasik ng mga problema."
"Okay lang, parang ate na ang turing ko sa 'yo, at mukhang magiging ate naman talaga kita."
"H-huh?" nagtatakang tanong ni Brielle. "W-what do you mean?"
"Ha? I mean, wala. Ang sabi ko hindi naman masamang magsabi ka rin sa akin ng mga problema mo para masabi ko kay kuya este para kunwari kuya mo ako. Yes, think of me as your big brother tonight."
"Sabagay, kung pakinggan kita parang ikaw pa ang mas matanda sa akin. Idagdag pa ang lagom ng boses mo," humahagikgik na sabi ni Brielle. Para siyang baliw na kanina'y napapaiyak, ngayon naman ay tumatawa. Mabuti na lang at tanggap siya ng kaniyang kaibigan kahit na baliw siya.
"Puberty hits. Anyway, what's bothering you? I thought your boyfriend proposed to you. Hindi ba't iyon ang matagal mo nang hiling? Kahit ilang beses ko nang sinabing you don't deserve that guy."
Brielle heaved a deep sigh. "Pi, I already told you before, we love each other. I love him so much. Fiver years na nga kami, eh. Tatagal ba kami kung hindi namin mahal ang isa't isa at syempre nakikita namin na sapat ang bawat isa para sa aming dalawa."
"Then, what seems to be the problem?"
Napakagat naman si Brielle sa kaniyang ibabang labi. "The truth is I made a mistake."
"Mistake?"
"I let someone kissed me."
"W-what?!" hindi makapaniwalang tanong ni Pi.
"I-I think I cheated, Pi."
"Finally! I mean, so sad, Ate Amber. What should we do now?"
"I don't know. I'm scared that Axle might find about this."
"I hope he did."
"A-ano? Kanina ka pa, ah! Isa ka bang evil eye?" naiinis na tanong ni Brielle.
"Hindi, ah. Sabi ko, paano nga kung malaman niya?"
Brielle shrugged and stared at the ceiling. She's still holding her phone near her ear. "Tingin mo, dapat kong sabihin sa kaniya ang nangyari? Aminin ko? Pakiramdam ko, hindi ako makakatulog dahil kinukunsensya ako. Pero nag-aalala naman ako, paano kung iatras niya ang plano niyang magpakasal sa akin? Tatanda akong dalaga, Pi. Alam mo namang pangarap kong maikasal kaya nga ako naging wedding organizer because I love how couple end up being together because they love each other. The courage they have to be with someone 'til the end of time," mahabang paliwanag ni Brielle na siyang kinontra naman ng kaibigan niya.
"Sigurado akong hindi ka tatandang dalaga, Ate Amber. Kung sakaling iwan ka man ng Axle na 'yon, hahanapan kita ng mapapangasawa mo. Kung magkasing-edaran nga lang tayo, baka ako na lang."
Natawa naman si Brielle sa sinambit ni Pi. "Palabiro ka talaga! Thank you for listening and comforting me, Pi. You're such a great friend."
"Because you are too."
Magsasalita pa sana si Brielle nang may marinig siyang isa pang boses ng lalaki sa kabilang linya.
"Pi! Halika na! Kakain na!" sigaw ng pamilyar na boses. Nanatiling nakikinig habang naghihintay si Brielle sa kaniyang kaibigan.
"Kuya Cal! Narito ka! Akala ko, doon ka sa bahay mo magmumukmok," pang-asar na wika ni Pi na siyang ikinabungisngis ni Brielle.
"Shut up. Sinong kausap mo? May girlfriend ka na? Ma! Si Pi, may girlfriend na, oh! Hindi pa nga marunong maglaba ng brief!"
"Kuya, shut up! I am talking to someone on the phone! What the hell?!"
"Anong what the hell? Minumura mo ba ako? Halika rito, ihe-headlock kita."
Nakarinig ng kaluskos si Brielle mula sa kabilang linya. "Ate Amber, bye! The monster is here. I'll talk to you later. Ingat ka d'yan. Cheer up."
"You too, Pi. Thank you."
Ibinaba na ni Brielle ang tawag. She turned off the lamp on her side table and pulled up a blanket to cover her body so she can sleep, but not even a moment passed when a glimpse of thoughts occured to her.
"Did I hear it right? Pi said Kuya Cal?"
Naalala ni Brielle ang lalaki kanina sa bar pati na rin ang pagpapakilala nito.
"Coincidence lang ba?" tanong niya pa sa kaniyang sarili.
BAGSAK ang magkabilang-balikat ni Cal nang umuwi siya sa penthouse nila. Kapapasok pa lang niya sa main door nang makita niyang nasa living room ang mga magulang niya habang naglalaro ng baraha.
"Matalo, sasampalin ko," wika ng kaniyang ina na si Jothea na kahit may katandaan na ay hindi pa rin kumukupas ang taglay nitong ganda.
"You're so sadistic, my love," sambit naman ng kaniyang ama na si Ismael na ngayo'y kitang-kita pa rin ang ligaya sa mga mata habang nakatingin sa kaniyang asawa.
"Eh, bakit? Eh, 'di huwag kang magpatalo."
"Fine, kapag nanalo ako, kiss mo 'ko, ha? What if doon tayo sa kwarto maglaro?"
"Naku, love! Alam ko na 'yan! Hindi ba't bibisita tayo sa residence bukas? Nangako tayo kay Aunt Veonna na bibisitahin natin siya."
"Parang isa lang, eh."
"Wala akong tiwala sa isa mo! Nakarami na tayo!"
"Eighteen years old na si Pi, baka kaya pa nating sundan," hirit ng kaniyang ama habang hinahaplos ang maputing kamay ng kaniyang ina.
"Baliw! Matagal na akong menopause, Ismael! Kung magsalita ka parang nasa bente anyos palang tayo, ha?"
Natawa si Cal sa kaniyang nasaksihan at hindi niya napigilang mapaluha. Seeing his parents still madly in love with each other, and still bicker like a teenager somewhat makes him feel envy. He really want this kind of love... a true love. Ito ang nakagisnan niya, kaya hindi masisising ito rin ang hinahanap niya.
"Cal, nariyan ka pala. Kanina ka pa ba diyan?" tanong ng kaniyang ina, bago siya nilapitan. "Oh, bakit umiiyak ang anak ko?" Sinapo pa nito ang magkabilang pisngi ni Cal at hinaplos-haplos.
Cal embraced her mother tightly. His eyes were shut and wanted to stay in that way for a moment. "I just missed the both of you, mom, dad," pagbati ni Cal maging sa kaniyang ama na ngayo'y lumapit na rin sa kanila at hinagod ang kaniyang likod. "Looking at you makes me feel so happy and grateful. I am so lucky to be born by the love you have both for each other."
"Of course, you are made by our love and the love of God, Cal. Huwag ka nang umiyak, pati ako ay naiiyak din sa iyo. Kumain ka na ba? Tawagin mo na si Pi sa kwarto niya at baka gusto ring kumain. Ipaghahanda ko kayo. Sige na."
"Thank you, mom. Dad." Niyakap din ni Cal ang kaniyang ama at tinapik-tapik naman nito ang likod niya.
"Good thing, you visited. Inaapi na ako ng mama mo. At least ngayon, pwedeng ikaw naman ang pagdiskitahan niya."
Napangiti na lamang si Cal.
"Ano? Anong sabi mo? Pinag-uusapan niyo ba ako?" singit ng ina ni Cal na sumilip mula sa kusina.
"Wala. Kako papunta na ako d'yan. I'll help you."
Nagpaalam na ang dad niya sa kaniya. Si Cal naman ay naiwan sa living room habang pinagmamasdan ang kaniyang mga magulang na nagkukulitan sa kusina. Deep inside he really prayed and hoped for a love like that.
Dumeretso na si Cal sa kwarto ni Pi na naroon sa taas sa huling kwarto. Nadatnan niya namang may kausap ito sa phone kaya naman sinadya niyang ipahiya ito sa kausap sa pag-aakalang girlfriend ni Pi ang kausap nito. Mabilis na ibinaba ng kaniyang kapatid ang tawag tsaka pumunta sa kaniya para sakalin siya, pero nilabanan niya iyon at ni-headlock ito.
"Aray! Aray! Ano ba, kuya?! Sasabihin kita kay mom! Ganiyan ba kapag brokenhearted?"
Napatigil naman si Cal sa kaniyang panghe-headlock sa kapatid. Uubo-ubong nagsalita si Pi. "So, brokenhearted ka nga? Brokenhearted ka pa sa lagay na 'yan? Balita ko, nakaisa ka sa kaibigan ko, ah. May plano ka talagang agawin siya sa fiance niya?"
Hindi kaagad nakapagsalita si Cal dahil naalala niya ang nangyari kanina. Ang walang pakundangan niyang paghalik kay Brielle Amber Vallejo, ang malakas na sampal nito sa kaniyang pisngi, maging ang mabango nitong amoy na naamoy niya kanina nang ikabit niya ang seatbelt nito. Hindi niya makalimutan. At tila ba nakabisado iyong lahat nang mabilis ng kaniyang sistema.
"Oh, hindi ka nakapagsalita, Kuya Cal? Masakit na ba?" Tinapik ni Pi ang dibdib ng kaniyang kuya tila ba sinasamantala ang pagkakataon.
"Shut up. Stop messing with me, Pi. I'm not in the mood."
Tumalikod na si Cal at iniwan ang kapatid sa kwarto nito.
"Fine, then I won't tell you what Ate Amber said. Siya ang kausap ko kanina, just so you know."
Cal immediately halted and turned his face on his younger brother again. "W-what?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top