Chapter 2

"May chance ka pa para agawin siya. Galingan mo."

Those words are like a record, repeating on Cal's mind. Para bang nasulsulan siya ng isang demonyo—at ang demonyong iyon ay walang iba kung hindi ang bunso niyang kapatid na si Pi.

Pumunta lang naman si Cal sa Island Motel bar para hanapin si Iso, ang kapatid niyang sumunod sa kaniya, pero iba ang natagpuan niya—isang magandang babae na nagngangalang Brielle Amber Vallejo.

"Brielle Amber Vallejo," paulit-ulit na bulong ni Cal na para bang isang ritwal habang nakatitig sa babaeng ngayon ay nakita niya nang palabas na ng bar kasama ang fiance nito.

"Saan ka pupunta, Kuya?!" sigaw ni Pi.

Hindi na sinagot pa ni Cal ang tanong ni Pi. Lumabas din siya ng bar at dumeretso sa parking lot para sundan ang babae.

HINDI MAKAPANIWALA si Brielle sa kaniyang narinig mula sa fiance niya nang makabalik ito mula sa comfort room.

"Ano? Iiwan mo ako rito? But why? We just got engaged, Axle!"

"I'm sorry, I really have to go. Magkita na lang tayo bukas, okay? Pupuntahan kita sa bahay mo. Nagkaroon lang ng problema sa kliyente."

"Bakit? Anong naging problema? Hindi ba 'yan pwedeng ipagpabukas, Axle? Anong oras na, oh?"

"I can't. I'm sorry. Promise, babawi ako sa 'yo." Hinalikan ng lalaki ang pisngi ni Brielle tsaka madaling pumasok sa kotse nito at umalis.

Nagtitimpi si Brielle at pinipilit na huwag lumuha, pero kumawala na ang mga ito. Kanina lang ay masayang-masaya siya dahil sa wakas ay inalok na siya ng boyfriend niyang magpakasal, pero ngayon naman ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa dahil iniwan siya nito.

"Damn it. Nag-propose na nga sa inappropriate place, iniwan ka pa sa ere?"

Lalong nakaramdam ng inis si Brielle nang may magsalita sa likod niya. Nilingon niya iyon at nakita niya ang lalaking kanina niyang sinabuyan ng mamahaling wine.

"Ano namang pakialam mo? Doon ka nga! Hindi ako nakikipag-usap sa taong hindi ko kilala," mataray na tanong ni Brielle tsaka pinunasan ang mga luha sa pisngi.

"Ano lang? Binubuhusan ng wine?" biro ng lalaki. "Ako si Cal, and I know your name, you're Brielle, right?"

Napaatras naman si Brielle. "H-how did you know my name?"

"I have my connections. Those who do me bad, usually get punished. Do you remember what you did to me earlier? I have never heard any apologies from you since then."

"Why would I? You deserved it! You were mocking me!"

"I am not mocking you." Cal's jaw tightened. He was just a metre apart from the lady and from where he was standing, he could see the woman now full of walls around her. "In fact, I am concerned about how you accepted to be treated this way. I don't know why I care when I just saw you a moment ago, but it pains me to see a woman receiving mistreatment from the man she loves."

Hindi nakapagsalita si Brielle. In fact, para siyang ginising ng mga salitang iyon kaya naumid ang dila niya. Pakiramdam niya, ilang salita pang manggaling sa lalaking kaharap niya, tuluyan nang bubuhos ang mga luha niya.

"It is not mistreatment, Mister. May kailangan lang puntahan ang fiance ko kaya kinailangan niyang magmadaling umalis."

"Then he's not threatened or just doesn't even care about you. Hindi ba alam ng fiance mo kung anong klaseng lugar kung saan ka niya iniwan? It is a fucking bar, Miss, kung hindi mo rin alam. A lot of crazy men are lurking around. Who knows what they can do to a woman who's alone in the dark."

Napalunok si Brielle sa mahabang salita ni Cal. Ang baritonong boses nito ay sapat para palagumin ang lungkot at takot sa dibdib niya.

"Anong akala mo sa akin, mahina? Alam ng fiance ko na kaya ko ang sarili ko. I am an independent woman. I can find a taxi to go home. Ikaw lang naman itong pumigil sa akin, gayong papauwi na ako. Katulad nito, hinahayaan ba kitang makalapit sa akin? Hindi naman 'di ba? Walang makakalapit sa akin kung hindi ako magpapalapit ng tao. Walang manlalandi kung walang nagpapalandi."

"Did your boyfriend teach you that?"

"W-what?! It is common sense."

"Then, you're telling me it is the victim's fault if a killer kills?"

Kumunot ang noo ni Brielle. "That's not what I mea—" Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang mabilis na naglakad si Cal papalapit sa kaniya at hawakan ang kaniyang magkabilang pisngi bago halikan ang kaniyang mga labi. Nanlalaki ang mga mata niyang hindi makapaniwala sa nangyari.

It was a long kiss. Even Brielle forgot herself and got carried away by that passionate kiss from this obnoxious guy. But she snapped herself and tried to gather all her strength to push Cal away.

"What the hell?!" sigaw ni Brielle sabay sampal nang malakas sa lalaki. "Who gave you the right to kiss me?!"

Nakangising tumingin si Cal sa babaeng namumula sa galit. Hawak niya ang kaniyang pisngi na ngayo'y nangingimi sa lakas ng sampal na natanggap. "It is you. Walang manghahalik kung walang magpapahalik, hindi ba? It is your fault, Miss Brielle Amber. Now that we kissed, guess what we will do next?"

Hindi na nakapalag pa si Brielle nang buhatin siya ni Cal na parang sako. "F-fuck! Bitiwan mo ako! Ibaba mo ako! Isa! Tang ina naman! Tulong! Tulungan niyo ako! This fucking bastard plans to rape me! Oh, God!"

Panay ang sigaw ni Brielle habang nananalangin na sana hindi niya na lang binuhusan ng wine ang lalaki kanina o kaya naman ay hindi na lang pinansin. Hindi sana mangyayari itong lahat. Kahit anong paghahampas ang gawin niya sa likod ng lalaking bumubuhat sa kaniya ay hindi ito natitinag.

"Isa! Bitiwan mo ako! Ano ba?! Saan mo ako dadalhin?!"

And then, a brilliant idea flashed through her mind. Hinawakan ni Brielle ang mahabang buhok ni Cal at sinabunutan ito.

"Aray! Fuck! Stop that, woman! Not my hair!"

"Ayoko! Hangga't hindi mo ako ibinababa! Uubusin ko ang buhok mo! Ughh!" Pinanggigilan pa ni Brielle ang buhok ni Cal, pero hindi iyon naging hadlang para madala siya ni Cal sa mamahalin nitong kotse. It was a Pagani Zonda.

"Tang inang kamay 'yan! Napakasakit!" kagat-labing hirit ni Cal habang inaayos ang buhok, bago pumasok at umupo sa driver's seat.

"Kasalanan mo 'yan! Walang mananabunot kung walang magpapasabunot! Grr! Buksan mo ang pinto! Hindi ako sasama sa 'yo! Kung kailangan mo ng babae, huwag ako! Isa! Sasabunutan ulit kita!"

"Sige, sabunutan mo ako. I will pull your hair in a situation where you will be disgraced."

Nawalan ng hangin ang baga ni Brielle dahil sa sinabi ni Cal. Fuck it. Hindi niya rin alam kung bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon. Kanina lang ay halos umiyak siya dahil sa pang-iiwan sa kaniya ng fiance niya, ngayon naman ay halos pumutok ang ugat niya sa galit sa makulit na lalaking nasa tabi niya.

"Fix your seatbelt, so I can drive now," utos ni Cal pagkatapos ng ilang minuto nilang katahimikan.

Sinamaan ni Brielle ng tingin ang binata. "Ayoko. Hindi ako sasama sa 'yo. Pwede ba? Lubayan mo na ako? Ano ba talagang gusto mo? Apology? Sure! Fuck it! I'm sorry! I'm sorry kung binuhusan kita ng wine kanina. Happy? Now, stop this nonsense and leave me alone, asshole!"

"I won't leave you alone," seryosong sagot ni Cal tsaka lumapit kay Brielle para isuot ang seatbelt nito. Napalunok na lang si Brielle nang lumapit ang mukha ng lalaki sa kaniya. Muli niyang naalala ang ginawa nito sa kaniya kanina. Ang matagal na halik na inalay nito sa kaniya kanina.

"I'll bring you to your home. Tell me where you live," dagdag pa ni Cal nang makasandal na siyang muli sa upuan niya. Pinaandar niya na rin ang kaniyang mamahaling kotse.

"Why would I tell you that?"

"Then, should I bring you to my flat instead?"

Brielle's teeth gritted. "Bakit mo ba ako ihahatid? Kaya ko naman ang sarili ko! Ano ba? Naiirita na ako! Ano na lang ang sasabihin ng fiance ko kapag nalaman niyang may ibang lalaking naghatid sa akin sa bahay?"

"Iyon ay kung magtatanong nga ang fiance mo sa 'yo, because as far as I remember, he doesn't care about you. He left you on the ground full of wolves, and I am also there taking advantage of this chance. He should be threatened so he can treat you right."

"He is treating me right. Ano bang alam mo sa relasyon naming dalawa? Hindi mo naman kami kilala! Saglit mo lang kaming nakita pero kung husgahan mo ang relasyon namin ay para kang saksi sa lahat!"

"A second is enough to see everything. Just like how I saw the future in a split second that I saw you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top