Chapter 1
"Will you marry me?"
NAPASINGHAP si Brielle nang marinig ang isang linyang iyon na matagal na niyang inaasam sa kaniyang nobyo na si Axle. Inilabas ng lalaki ang maliit na kahon kung saan naroon kumikislap ang magandang singsing na gawa sa diamante.
"Haha!" Papasagot na sana si Brielle nang may marinig siyang malakas na tawa sa kaniyang gilid. Agad siyang napatingin doon at nakita niya ang isang lalaking nakangisi habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Brielle..." Kung hindi pa siguro siya tinawag ng kaniyang nobyo ay hindi muling mapupunta ang atensyon niya rito.
"O-of course, Axle. I would love to!" sagot ni Brielle sa kaniyang nobyo na ngayon ay abot tainga ang ngiti. Ibinigay ng babae ang kaniyang kamay at sinuotan iyon ng magandang singsing.
Now she's engaged.
"She said yes!" Malakas na sigaw ang pinakawalan ng kaniyang nobyo habang yakap-yakap siya. Ang mga tao naman sa paligid nila ay kapwa walang pakialam dahil abala sa pagsayaw at pag-indayog sa musika.
"I love you, Brielle Amber Vallejo! My soon-to-be wife!"
"Mahal din kita, Axle Augustine Celonzo."
Isang malalim na halik ang kanilang pinagsaluhan sa gitna ng napakaingay na lugar ng Island Motel Bar. Iyon ay pagmamay-ari ng mayamang kaibigan ni Brielle na si Pi Mondalla. Kanina pa nga niya gustong ibalita sa kaibigan ang engagement ngunit kanina pa ito nawawala doon sa counter.
Naputol ang paghahalikan ng dalawa nang biglang tumunog ang phone ni Axle kaya naman nabitin si Brielle sa pag-iisa ng kanilang mga labi. Sinilip ni Brielle kung sino ang dahilan ng kaniyang inis ngunit hindi niya agad iyon nakita.
"Babe, I'll just go to the comfort room. Wait for me here," paalam ng kaniyang nobyo na hindi na hindi na siya nahintay sumagot dahil naglakad na ito papalayo.
Bumagsak ang mga balikat ni Brielle, pero nawala din naman ang kaniyang lungkot nang makita ang singsing sa kaniyang kamay.
"It is really beautiful," komento ni Brielle sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan ang simbolo ng pagmamahalan nilang magnobyo. Limang taon na rin nang maging sila ni Axle at ilang taon niya na ring hinihintay ang araw na yayain siya nito ng kasal. Lalo pa't ang mga kaklase niya ay may sari-sarili nang asawa at anak, hindi niya mapigilang mainggit.
Nahagip ng kaniyang mga mata ang isang lakaki na kanina pa panay nakaw ng tingin sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo at muling naalala ang pagtawa nito sa kaniya kanina. Hanggang ngayon ay tila ba pinagtatawanan siya nito kaya naman lakas loob siyang lumapit.
"Anong nakakatawa?" mataray na tanong ni Brielle sa lalaking naka-itim na tuxedo. Malaki ang pangangatawan nito na para bang kayang-kayang balyahin ang kahit na sino kapag paharang-harang sa daan, pero tila ba hindi natatakot ang dalaga kahit na mas malaki ito sa kaniya. Mas malaki ang inis niya dahil sa ipinaparamdam sa kaniya ng misteryosong lalaki.
"Everything," sagot ng lalaki sa malalim nitong boses. Gumuhit muli ang ngisi nito bago inumin ang brandy na nasa rock glass.
Napalunok si Brielle nang makita ang mabagal na paggalaw ng lalagukan ng lalaki. Doon niya napansin ang mahaba at makapal na buhok ng malaking lalaki na hanggang balikat na nakatali sa gitnang parte ng ulo. Makapal din ang bigote at balbas ng lalaki na nakadugtong sa patilya nito. Mukhang hindi siya sasantuhin kapag may ginawa siyang hindi nito nagustuhan.
"Who in his right mind will propose in a bar?" sarkastikong tanong ng malaking lalaki, sabay tingin kay Brielle nang mapaglaro. Napukaw ang atensyon ni Brielle sa kahel nitong mga mata na sa tuwing tatamaan ng gumagalaw na ilaw ay nagiging abo ang kulay. "And who in her right mind will accept a proposal in this place?"
Brielle gritted her teeth and without a second she grasped a glass of wine from the waiter and poured it to the face of that arrogant man.
"Bakit? Sinong nasa tamang pag-iisip ang tatawanan at pakikialaman ang buhay ng iba?!" galit na tanong ng dalaga. "Sabagay, you wouldn't know since you don't look like you have an experience. Love makes people crazier, unless you did not get the memo," Brielle snarled as she rolled her eyes, before turning her back to that now drenched stricken-face of the mysterious buff guy.
"Love makes people crazier, unless you did not get the memo."
HINDI MAKAPANIWALA si Cal Mondalla sa nangyari. A beautiful woman who caught his attention splashed a glass of wine on his face. Lasang-lasa niya ang pait at tamis ng alak na itinapon sa kaniyang gwapong mukha, pero hindi niya magawang mainis, dahil nag-uumapaw ang ngiti sa kaniyang mga labi.
"That's a Carmadaro Vermouth Amaro, kuya," sambit ng kapatid ni Cal na si Pi na kararating lang mula sa cellar. Isa itong sommelier. Ito rin ang naging tagapagmana ng lahat ng bars na pagmamay-ari ng kanilang ama na si Ismael Mondalla.
"Don't worry, I'll pay for it, Pi," sagot ni Cal sa kaniyang nakababatang kapatid, habang pinupunasan ang mukha.
"You better be, kuya. I don't want any spill of alcohol to waste."
Inilabas ni Cal ang kaniyang Centurion card kaya naman napangiti si Pi dahil doon. "Ano ba kasing ginagawa mo rito, kuya, at bakit mo tinatawanan ang kaibigan ko? I was so ashamed of myself when I saw my friend approach you that I held back myself to step into the situation."
Napataas ang dalawang kilay ni Cal saka ito lumingon sa kaniyang kapatid na nasa likod ng bar counter. Tila ba nakalimutan ang tanong ng kapatid.
"She's your friend?" seryosong tanong ni Cal habang nakaupo at nakasandal sa counter. Hinahanap sa paligid kung nasaan na nga ba ang babaeng nakaengkwentro niya kanina.
"Yup, she's an Alumni from our college club. She once visited because she helped us in organizing an event so I got to know her, but she's off limits." Ibinalik ni Pi ang card ni Cal na siyang nilagay naman nito sa bulsa ng kaniyang coat.
"I know. I saw it."
Pi giggled. "Bakit parang dismayado ka? Don't tell me, she's your type?" malakas na pang-asar ng bunso habang pinupunasan ang ibabaw ng counter. "Sa dinami-dami ng babae sa mundo, sa engaged ka pa nagkagusto?"
"Shut up."
Pi pinned his elbows on the table and lean closer to his eldest brother. "I know you, kuya. I am your best friend. Walang ni isang nagpakunot ng noo sa 'yo nang ganiyan. At naniniwala ako sa sinabi ni dad sa atin, Mondalla tends to fall in love in just a second of meeting a woman's eyes. At base sa mga mata mo, mukhang tinamaan ka na."
Cal Mondalla have been wanting to experience love ever since he stepped on his legal age. Gustong-gusto niya ang love story ng kaniyang mga magulang at nangangarap siyang mangyayari din iyon sa kaniya. Behind his strong appearance, deep inside there is a child who longs for a true love has been waiting to find the right woman, in the right time, in the right place. Now, he's twenty-nine and losing hope until this night he finally found a woman who caught his eyes and stole his heart. Tama ang babaeng nakasagutan niya kanina dahil wala talaga siyang experience. Masyado siyang nagpakalunod sa pag-aaral at pagtatrabaho dahil sa paniniwalang darating ito sa tamang panahon pero tila ba nahuli na siya.
Ang babaeng kaniyang nagustuhan ay nakilala niya sa maling lugar at maling panahon, dahil una sa lahat engage na ito sa iba.
"Tell me, anong pangalan ng babaeng 'yon, Pi?" tanong ni Cal na para bang may binabalak.
Pi smirked. "Brielle Amber Vallejo. And if you would like to know what she's doing for a living..." Lalong inilapit ni Pi ang kaniyang bibig sa tainga ng kuya niya para bumulong. "She's a wedding organizer, so better make your move before their wedding is set. May chance ka pa para agawin siya. Galingan mo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top