9 Ashton Wren
Cassie POV
"Talaga nagawa mo yun?"..nagugulat na tanung ni George.
"Oo eh, pakiramdam ko kasi nauubusan na ako ng oras"..sabi ko habang sinasabi ang mga nangyari kahapon ng lakas ng loob na pinasok ko ang teritoryo ng bilyonaryo.
"Ikaw na talaga, LODI!, akala ko mahiyain ka"..di makapaniwalang sabi pa rin ni George.
"Heheheheh..akala ko nga din eh..siguro ng mga panahon na yun instinct ko ng gumagana. Masyado na akong disperada"..
"But I can't believe how you did it!" sabi pa ni Sam
"Oo nga eh, ang matindi pa nabigyan ka pang ng access pass ni Gabriel Montenegro"..sabi din ni Kath.
"Ako nga din nagulat, kung alam nyo lang kung paano ako sigaw-sigawan nun Sebastian nanginginig ako sa takot".
"But kidding aside, you did a great job but the problem is how can you get the interview?"
"Oo nga eh, di ko alam kung papano ko sisimulan pero sabi naman ni Kuya Poging Gabriel si Tyron Mondragon at Sebastian Garcia lang ang problemahin ko. Okey na daw sya at yung Nathaniel naman daw ay mabait naman daw yun." Kwento ko pa.
"Iba matindi din angas mo ha, pinanindigan mo ding tawaging Kuya Pogi si Gabriel ang lakas talaga ng loob mo"..sabi pa ni George
"Hahaha..oo nga eh di ko ma-imagine yun, dati inaabangan lang natin sila tapos ngaun kaya munang tawaging kuya yung Gabriel. Ang matindi pa anak ng may-ari ng MU yung Gabriel nay un"..na-aamaze pang sabi ni Kath.
"Aba!, matindi din ang haba ng sinabi mo Kath ah..Kaya mo pala yun"..biro ni George.
Biglang nahiya si Kath na kinatawa naman namin.
"By the way, did you already prepared you're question?..tanung ni Sam
"Yeah, na-prepare ko na, ang problema ko lang naman is pano sila tatanungin".
"Ok lang yan, just be yourself"..sabi ni Kath
"Yeah right!"..dadag ni Sam
"What time ka naman pupunta dun?" singit ni George.
"After class ako pupunta"..
"Do you need backup?" tanung ni Sam
"Naku hindi na kaya ko to, don't worry"..
"Sige basta kung kailangan mo ng backup andito si Kath"..biro ni George
"Bat ako"..gulat na turan ni Kath
"Ang cute mo, sarap mo talagang biruin"..at sabay-sabay kaming nagtawanan.
"Tayo na nga baka nakakalimutan nyo pang may klase pa tayo"..yaya ni Kath.
Habang naglalakad kami papuntang klase ay nagulat nalang ako ng biglang nalang may tumulak sa akin.
"Andito na ang malandi"..sabi ni Desiree Lee yung dating nambully sa amin ni Kath.
"Anung problema mo ba?" sabay tulak ni George kay Desiree
"George, tam ana"..saway naming kay George
"Ang problema ko ay babaeng yan ang lakas ng loob mong kausapin si Gabriel, ang landi mo talaga" nangagalaiting sabi pa nito.
"You know what, bagay sayong maging newscaster. Why? Because it's so easy for you to heard news in short tsismosa"..sabi pa nito.
"Aba't may mga kakampi kana ha!" galit pa rin sabi ni Desiree.
Nagulat nalang kami ng magsalita sa likod sa amin na nagpatahimik sa aming lahat.
"Excuse, if you are fighting kindly do it outside the premises of the school. Nakakaistorbo kayo sa mga estudyante. I thought MU thought to be educated but I think na mali ako because of you. This is not a cockfight arena this is a school." At sabay tumalikod.
Biglang kaming natahimik. Tinamaan ako sa sinabi nung lalaki.
"Halika na nga wag na nating patulan yang mga nonsense na yan"..sabi ni George at sabay naming alis.
"Tinamaan ako dun ah sa sinabi ng lalaki.."sabi ni Kath.
"Yeah.." sabi ko.
"Who is he ba? Masyado harsh magsalita"..tanung din ni Sam
"Ashton Wren Villanueva, 3rd year Student Council Vice President, Basketball Vice Captain, at top 1 yun sa buong 3rd year at currently rank # 4 sa buong MU"..sagot ni George.
"Wow, believe na talaga ako sayo George ang daming mong alam"..namamangha kong sabi
"Yeah, ikaw pala ang bagay maging newscaster hindi yung Desiree"..natatawang sabi ni Kath
"Anung sabi mo Kath? Natuto ka nang mabiro ha.." sabi ni George.
Natawa nalang si Kath.
"Oo nga, George bat mo sya kilala? Maybe you have a crush on him. He's very good looking but of course not my type"..sabi pa ni Sam
"Anung crush crush, di uso sa akin yun"..defensive na sabi nito.
"Pero kidding aside George bat mo kilala yun?" curios kong tanung.
"Malamang kinakapatid ko yun. Bali mag-bestfriend mommy namin. Laging bukang bibig ng mommy ko yun. Lagi kaya akon na-cocompare dun. Ang sakit na nga sa tenga making kay mommy."
"Kaya pala"..sabi ko nalang.
"Ang dudumi ng utak nyo"..sabi pa nito
"Hindi naman na-curios lang naman kami" dagdag ni Kath.
"Oo nga, ang defensive mo kasi"..sabi pa ni Sam.
"Saang banda defensive dun wala naman"..sabi ni George.
"Tama nay an guys baka saan pa mapunta yan at magkapikonan pa at ikaw Kath ha napapansin ko nagiging salbahi kana"..sabi ko nalang.
"Oo nga Kath, you know na how to joke and you talk may words na"..sabi pa ni Sam.
"Hindi naman ah, masyadong lang akong komportableng makipag-usap sa inyo..." nahihiyang sabi ni Kath.
"Haynaku, halika na nga kayo baka abutan pa tayo ng time mapagalitan pa"..yaya ni George.
"Uy si George GC pala"..biro ko.
"Anung GC?..si Kath
"Yeah, what is GC?"..si Sam
"GC lang di nyo alam, naku Grade Conscious"..sabi ko.
"True?! George grade conscious ka? I can't believe it" natatawang sabi ni Sam.
"Haynaku, tigilan nyo ako ha..kanina pa kayo"..naiinis na sabi ni George na ikinatawa na lang namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top