3 New Place, New Friend


First day pa lang ng klase, 5am umalis ako ng bahay kahit mamayang pang 10am ang unang subject to. Inagahan ko na kasi excited akong libutin ang buong school noong nag-enroll kasi ako di ako nakalibot kasi nagmamadali akong umuwi ng bahay. Di na ako nanghingi ng pera kay mommy, though I know naman na hindi nya ako bibigyan, dahil nung nag-enroll ako binigay na din agad yung allowance ko at palihim din akong binigyan ni Tito Eduardo ng pera. Kailangan ko lang magtipid. Konting lakad lang naman palabas ng subdivision at dalawang sakay ng jeep papunta sa university.

Sakto 6:30am ako dumating sa may gate ng university. Kahit ito na ang pangalawang beses kong napuntahan ang MU at palaging kung sinesearch sa net di ko mapingilan mamangha sa laki at ganda ng eskwelahan. From Pre-school to Doctorate meron sa unibersidad na ito. Excited kong linibot ang buong unibersidad. Hanggang inabutan ako ng 9:30am di ko pa rin napuntahan ang ibang panig ng university. Nag-decide na akong hanapin ang magiging room ng unang subject ko. Nang dumating ako sa room konti palang yung nasa loob at naghanap na ako mauupuan. Hanggang sa mag-ring na yung bell sunod-sunod na dumating ang aking mga kaklase. Tahimik lang ako nagmamasid hindi kasi ako sanay sa madami tao at hindi din ako sanay na napupunta sa akin ang atensyon. I'm just a nobody.

Hanggang sa dumating na yung professor naming. Yung typical na pakilala sa klase at introduction kung anung ang aashan namin sa subject. Halos yun lang ang topic naming sa klase. Hangang sa hudyat na tapos na ang klase. Paalis na sana ako ng tinawag ako ng katabi ko.

"Ahm..M..miss panyo mo ba to?" nahihiyang tanung nito.

"Ha..ay oo akin to nga..Salamat" Nahiya ko ding sagot.

"O..okey lang wala anuman..sige una na ako". Sabay talikod.

"Ahm..Miss sandali..ahm..ano kasi..I'm Cassandra Buenavista and you are?"Nag-aalangan kung sa tanung.

"I'm Katherine Angela Salvador pero tawagin mon a lang akong Kath" pakilala nito.

"Cassie here, so friends?"

"Sigurado ka gusto mo akong maging kaibigan?". Alangang tanung nito.

"Ha..why?" taking tanung ko.

"Kasi..tingnan mo itsura ko at hindi ako mayaman"

"Anung mali sa itsura? At hindi din ako mayaman scholar lang ako ditto kaya ako nakapasok" takang tanung. Tiningnan ko syang maigi wala naming masama sa itsura nya. Base sa observation ko, para siyang Miss Prim and Proper tingnan, simpleng lang manamit at feeling ko parehas kaming mahiyain. Maganda ito pag naayusan.

"Talaga?! Scholar ka din? Parehas pala tayo" Nakangiting sabi nito.

"Oo, so friends?!"

"Ok"

"San ka pala pupunta?" tanung ko.

"Ahm..maghanap ng pwestong puede kainan. Lunch break ko kasi maya pang 1 yung klase ko"..mahinhin nitong sagot.

"Talaga sabay tayo. Lunch break ko din. Nag baon ako, alam mon a tipid tipid din" nakangiti kong sabi.

"Sige tara"..at sabay kaming lumabas ng classroom.

"May alam akong lugar nakita ko kanina habang naglilibot-libot ako". Excited kung sabi.

Nang dumating kami sa lugar na sinasabi ko saktong wala tao. Sa isang garden kami ng university pumunta medyo isolated yung area kaya siguro walang pumupunta at tahimik ang lugar.

"Wow, ang ganda naman dito ang sarap ng hangin at tahimik" namamangha sabi ni Kat.

"Dito na tau sa may puno pumuwesto". Yaya ko.

"Sige, ngaun ko lang naalala medyo familiar yung pangalan mo, kaw ba yung nag top 1 sa entrance exam?. Curious na tanung nito.

"Hehehehe..grabe kasi pangangailangan ayun na-tsambahan"..nahihiya kung sabi.

"Sabin a eh, nahiya kang akong itanong kanina"

"Kaw ba anung rank mo?"

"Top 2, grabe din kasi ang pangangailangan" at sabay kaming nagtawanam.

Hanggang sa naubos yung oras naming sa kwentuhan habang kumakain. Nagkataon din na halos lahat ng subject ko this sem ay mag-kaklase kami at swerte din na lahat ng subject ko ngayong araw magkaklase din kami. Nalaman ko din na Culinary Arts ang kinuha niya pangarap niya kasing maging Chef balang araw. Ako naman Mass Communication naman kinuha.

"Tara na sa next subject natin" yaya ko.

"Tara.." sagot nya.

So far nagging maayos naman ang unang araw naming sa school. More on introduction lang din naman. Pero aasahan naming sa mga darating na mga araw hindi na kami pwedeng maging easy-easy na lang.

"Bye Kath, kita na lang tau bukas". Paalam ko sa kanya.

"Bye Cassie, una na ako" Paalam din niya.

Pagdating ko sa bahay excited akong nagkwento kay Nanay Sena sa mga nangyari sa unang araw ko sa university.

"Alam nyo po Nay Sena, ang saya ko po kanina at may bago po akong kaibigan". Tuwang-tuwang kwento ko.

"Talaga anak, naku salamat naman at mukhang nag-enjoy ka".

"Oo nga po eh, ang bait-bait din po ni Kath".Patuloy kung kwento.

"Mukhang masaya ang basura hanggang kailan naman kaya?" Di ko na napansin na pumasok pala ng kusina si Ate Chylsea.

Natahimik ako bigla. Ayoko ng magsalita baka pagalitan na naman ako ni mommy kung papatulan ko si Ate.

"E-enjoy mo lang yan baka hindi mo na maranasan ulit...Ops! Sorry akala ko lababo". Sabay buhos ng malamig na tubig sa mukha ko. At umalis ng kusina.

"Anak okey ka lang, naku kung puede lang kurutin sa singit ang kapatid mong maldita matagal ko ng ginawa". Nangigigil na sabi ni Nanay Sena.

"Hayaan nyo na po yun sanay na din po ako. Ako lang din ang magiging kawawa pag pinatulan ko po sya".

"Hayaan mo anak may awa ang Diyos hindi ka niya pababayaan. Dasal dasal lang."

Tama si Nanay Sena may awa ang Diyos at hindi ako nawawalan ng tiwala. My time will come at wala sinumang makakapigil nun. Kaya ko to tiwala lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top